logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

TPC 7

“Bakit iniintindi mo iyon? Gusto mo bang mabalian ng balikat at kamay? Di pa gumagaling ang sugat mo, gusto mo na namang pahirapan ang sarili mo. Ang sarap-sarap nga dito sa kuwarto mo. May aircon pa. Juskoh!” Humilata ito at itinaas ang paa. “Nakakatikim lang ako ng aircon kapag makiki-CR sa Jollibee. Tapos tataasan ka pa ng kilay ng mga crew na parang nakiki-CR ka lang at nagsasayang ng tissue nila. Mga matapobre. Dito na lang tayo forever.”
“Ano ka ba? Wala tayong pambayad dito.”
“Siyempre di naman ikaw ang magbabayad kundi ‘yung pamilya ng natulungan mo. Mukhang yayamanin sila. Kita mo naman bata pa lang may sarili nang mga kotse. Barya lang sa kanila ang pambayad dito.”
“Baka sabihin sinasamantala ko sila.” May utang na loob nga marahil ang mga nagsamantala sa kanya pero di naman siya abusado.
“Isinugal mo ang buhay mo para lang habulin ‘yung snatcher. Maliit na bagay lang na dito ka muna. Dapat nga bigyan ka pa nila ng reward.”
“Ipagamot na lang nila ako. Ayos na iyon. Di naman ako humihingi ng kapalit.”
Kumuha ito ng orange at nagbalat. “Ang hina mo talaga. Dapat man lang tulungan ka nila, tayo. Pwedeng grocery showcase o kaya scholarship grant na lang. Kailangan mo iyon. Problemado ka sa pagpasok mo ng Grade 11. Mas malayo na ‘yung eskwelahan na papasukan mo kung sakali.”
Inirapan niya ito. “Ewan ko sa iyo. Basta buhay ako ayos lang. Di ko naman kailangang iasa sa ibang tao ang kinabukasan ko. Basta tumulong ako. Tapos.” Di sumagi sa isip niya na humingi ng kahit anong pabor sa tinulungan niya. Lalo na sa babaeng mukhang matapobre.
“Basta kapag nagbigay ng reward wag kang tatanggi. Ako ang bahala.”
“Nasaan ba si Tiya Carol?” tanong niya at kumuha ng gilit ng orange na binalatan ng pinsan niya.
”Kausap ata ‘yung pamilya ng mga tinulungan mo.”
“Ang tagal naman nila.” Ganoon ba kaseryoso ang usapan ng mga ito? Dahil ba sa laki ng bayarin?
Pumasok sa kuwarto ang mga tinulungan niya kanina. May kasamang isang lalaki ang mga ito na marahil ay magulang o guardian ng mga ito.
“Kumusta ka na?” tanong ng lalaki na tanda niya ay Roumel ang pangalan. “Masakit pa ba ang sugat mo?”
“Sinaksakan naman ng anaesthesia kaya wala akong maramdaman,” aniya at pilit na ngumiti. “Pero ayos lang. Malayo sa bituka. Dito daw muna ako sabi ng doktor. Gusto ko na sanang umuwi. Baka maraming mas nangangailangan nitong kuwarto ko na pasyente.”
“Dito ka muna kahit na isang gabi,” anang tiyahin niya. “Kailangan mong ipahinga ang balikat mo. Kapag umuwi ka sa atin, tiyak na pipilitin mo na naman ang sarili mo na magtrabaho.”
“Ako si Roumel at siya naman si Aiona. Kami ang iniligtas mo kanina,” pagpapakilala ng lalaki.
“Thank you for helping us out,” malambing na sabi ng babae sa labis na pagtataka niya. Niyakap na lang siya nito. “I hope we can be Bffs.”
BFFs agad-agad? Weird ata ito. Samantalang kanina lang ay pinagbintangan pa siya nito na nanghuhuthot ng pera. Alam niya na tinulungan niya ito sa bag nito kaya siguro nagbango ito ng pakikitungo pero… parang OA naman ito. Bakit si Roumel di naman ako hina-hug? Di ba kami BFF?
Napaigik siya nang masagi ni Aiona ang sugat niya. “A-Aray.”
“Oh! I’m sorry,” anang babae at lumayo sa kanya.
Itinaas niya ang isang kamay. “O-Okay na ako.”
“Abegail, I’m Marcel Malvarosa. Masaya ako na makilala ka. Ikaw pala ang tumulong sa pamangkin at inaanak ko. You have a good heart. Thank you.”
Ginagap nito ang kamay niya at parang maiiyak. Marahil ay masaya ito na ligtas ang pamangkin nito. Di niya alam kung bakit may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Siguro dahil mas makatotohanan ang pasasalamat nito di gaya ng pamangkin nitong si Aiona na parang plastik. O baka… hindi niya maintindihan. Magaan ang loob niya sa lalaki kahit noon lang niya nakita. Samantalang si Abegail ang tipo ng tao na walang tiwala sa mga estranghero.
“Wala po iyon. Maliit na bagay,” sabi naman niya at kiming ngumiti.
“Bibigyan po ba ninyo ng reward ang pinsan ko?” singit ni Maria Judie.
“Juday, huwag ka ngang ganyan,” saway niya sa pinsan.
“Ano ba naman? Muntik ka na ngang mamatay. Sana naman tulungan ka nila na makapag-aral sa parating na school year. Hirap na hirap ka na nga na mag-ipon tapos nasaksak ka pa. Nasaan ang karatungan doon?” angal ng pinsan niya na di man lang nangimi kahit kaharap ang tinulungan niya.
Nahihiya siyang lumingon kay Marcel. “Pasensiya na po sa pinsan ko, Sir. Kalimutan na lang po ninyo ang sinabi niya. Sapat na po sa akin na ipagamot ninyo ako hanggang gumaling ako.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    3d

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    16d

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด