logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER SIX: Convincing

“Hindi natin makukuha ang gusto natin kung hindi tayo maglalakas loob sumubok.”
T R I S T A N
“Mag-iingat ka roon, Yssay ha? Wala kaming dalawa roon para ipagtanggol ka,” bungad ko.
Napangiti lang si Yssay, “Kaya ko ang sarili ko, ako pa ba?” matapang nitong sagot.
Alam ko namang kaya niyang wala kami. Pero hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko bilang kaibigan lalo pa at babae pa rin siya.
Magkakapatid na ang turingan naming tatlo kaya mahirap para sa amin ang tagpong ito. Ito na nga ang araw na kinatatakutan namin. Iyong point na maghihiwa-hiwalay na kaming tatlo para tuparin ang aming mga pangarap.
Nasa bus station na kami upang saksihan ang pag-alis ni Yssay, wala kasi sa bayan namin ang nag-o-offer ng kursong gusto niya kaya kailangan niya pang umalis sa lugar namin para pumasok sa law school. Magta-take na ito ng Entrance Examination at hihintayin na sa apartment na uupahan niya ang pasukan.
Habang kami ni Ian, heto at naiwan. Gulong-gulo pa rin kami kung tama ba ang kukunin naming kurso. Ilang buwan na rin kasi ang nakalilipas simula ng kami ay grumaduate sa Fourth Year at simula nang araw na iyon ay napadalas ang bonding naming tatlo. Sinulit namin ang araw na kasama namin ang isa’t isa.
Nang magawi ang tingin ko kay Ian. Napansin ko na tila binagsakan ito ng langit at lupa. Kaya nakuha kong magbiro para naman gumaan ang tensyon sapagkat parang babaha pa yata ng luha.
“Yssay, kiss mo naman kami bago ka umalis. Sa lips,” sabi ko saka itinuro ko ang aking labi.
“Ew! Ang manyak mo. Mandiri ka nga!” sigaw ni Yssay na nakatawag ng atensyon ng mga taong nasa terminal.
Napangisi naman si Ian sa kaniyang narinig. Pilit na ngiti. Alam kong may dinadamdam si Ian. Marahil ay dahil iyon sa kursong kukunin niya.
Gusto kasi siyang papasukin ni Ninang Norwena sa Military Academy. Ang kaso ayaw niyang mag-military. Kilalang-kilala ko na si Ian at alam kong hindi niya kakayanin ang magiging training doon. Bukod sa slim ang katawan nito ay alam kong mahina ang resistensya niya pagdating sa exercise. Masasayang lang ang effort ni Ian kung mapupunta siya roon tapos magko-quite lang.
Tumabi na lang ako sa kaniya. Humakbay ako at niyogyog ko pa ang balikat niya. Napatingin naman siya sa akin.
“Miss, sasakay ka pa, aalis na kami,” sabi nang konduktor ng bus na noon ay nasa likod lang ni Yssay.
“Sandali lang kuya, heto na!” Humakbay muna nang mahigpit sa aming dalawa si Yssay bago tuloyang pumasok sa loob ng bus.
Sinundan na lang namin siya ng tingin habang unti-unting umaalis ang sasakyan palayo sa amin.
Nang mawala sa aming paningin si Yssay ay siya namang biglang pagtalikod ni Ian at hindi na kumibo pa sa akin. Nakayuko lang siya. Ni hindi man lang ako hinintay. Kaya ako na ang nagkusang sundan siya.
Lumapit ako sa kaniya at humakbay ulit. Hindi pa rin niya ako kinibo. Hinayaan niya lang ako.
“Ayos ka lang? May problema ba? Kanina ka pa walang kibo riyan,” tanong ko.
“Si Mama kasi, Tan. Kinunan na pala ako ng form para sa Entrance Examination sa Military Academy. Ito nga oh,” sambit nito saka ipinakita sa akin ang isang bond paper at nakalagay roon ang mga ipi-fill up na personal information.
Kinuha ko iyon at binasa. “Wow, sana all. Form ito para sa pagpasok sa Military Academy, bakit hindi mo pa sinasagutan. Ang swerte mo naman,” saad ko.
Napangisi siya nang mapang-asar sa kaniyang narinig. Kitang-kita sa mata niya ang frustration.
“Alam mong ayaw ko mag-military. Anong swerte ka riyan. Ikaw nga riyan eh. Pinagti-teacher at hindi pinapayagang magsundalo. Samantalang ako, ayaw ko tapos pinipilit magsundalo. Swerte ba iyon?”
Natawa na lang ako sa kaniya. Pero, alam ko may point siya sa sinasabi niya. “Nasabi mo na ba sa Mama mo na hindi mo gusto ang pumasok sa Military Academy?”
“H-h-hindi pa,” napayuko itong bigla habang nagsasalita.
“Oh? Hindi pa naman pala? Sabihin mo na...”
“Kaso... Baka magalit si Mama. Tan, samahan mo ako. Malakas ka roon eh,” sabi nito sa akin.
“Ha? Bakit kasama pa ako? Anong gagawin ko roon? Saka overthinker ka, gusto mo bang pagsisihan ang desisyon mo buong buhay mo?”
“Sige na please?” sagot pa nito.
Napatawa na naman ako sa reaksyon niya. Para siyang bata na nagmamakaawa. Pero kahit hindi niya ako sabihan ay sasamahan ko naman talaga siya. Ayaw ko rin kasi pagsisihin ni Ian ang araw na napunta siya sa Military Academy.
“Sige. Pero lilibre mo ako ha?” Sinabayan ko iyon ng mahinang pagtawa.
“Oo, kapag napapayag natin si Mama. Unli ka sa akin. Kahit saan mo gusto,” sambit nito sa akin kaya medyo bumagtingbang tainga ko. Sino ba naman tatangi sa libre?
“Sure, tara na ambagal mo naman,” sabi ko nang mauna akong maglakad sa kaniya.
“Basta libre talaga eh ‘no... Ang bilis mo.”
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Doon ko lang napansin ang pagliwanag ng mga mata niya. Tila nabuhayan ito ng loob sa kaniyang mga narinig.
Naiintindihan ko siya sa pinagdadaanan niya. Ang kaso sa part ko, mas pinili ko na lang sundin si Mama bilang paggalang na lang at respeto sa kaniya. Pero, hindi ako titigil sa pangarap ko. Alam ko isang araw, magigising na lang ako suot ang uniporming gusto kong maisuot habang buhay.
Pagkaraan ng ilang minuto ay narating namin ang bahay nina Ian. Pumasok agad kami, kompartable na ako sapagkat lagi rin akong nagawi roon.
Tahimik ang buong bahay. Mukhang wala yata rito si Ninong. May nakakatandang kapatid si Ian subalit nasa ibang bansa ito.
Naupo agad kami sa living room at ako na ang nagkusang buksan ang Beta Max nina Ninang Norwena.
Dali-dali namang nagpunta sa kinaroroonan namin si Ninang na nanlalaki ang mga mata. “Mga Batang ito! Ginulat niyo ako, akala ko mga magnanakaw na,” sambit nito. Suot niya ang isang Apron, mula siya sa kusina at parang may bina-bake.
“Hi, Nang, kumusta po? Wala po kayo duty? Pasensya na po,” sambit ko sapagkat si Ian ay natahimik na lang. Nakayuko at parang nahihiya pa. Gusto kong matawa sapagkat parang ako iyong may ari ng bahay.
“Mabuti ako. Naku, Tan. Itong si Ninong mo kasi, pinag-file ba naman ako ng leave, mabuti na rin at nakakuha ako ng form sa Military Academy para kay Ian. Gusto niyo ng cookies? Sandali ihahanda ko kayo,” sagot ni Ninang Norwena.
“Ah, gano’n po ba? Salamat po, Nang!” sagot ko na lang pabalik bago kami iwan ulit ni Ninang para bumalik sa kusina.
“Huy, Ian. Magsalita ka naman! Sabihin mo na ayaw mo sa Military Academy,” bungad ko kay Ian sapagkat parang wala itong balak magsalita.
“Tan, nahihiya ako, baka hindi ako payagan ni Mama.”
“Hindi iyan, baka kasi hinahayaan mo lang Mama mo na gawin niya iyon kasi hindi mo pa sinasabi ang gusto mo. Huwag ka ngang overthinking diyan!”
“Mukhang seryoso usapan niyo ah?” sabat ni Ninang saka naupo katabi namin. Nasa gitna namin siya naupo.
Agad na hinawakan ni Ninang ang buhok ko at ginulo iyon. “Binata na! Samantalang dati, dinidilaan pa ang sipon at isinusubo pa ang kulangot.”
“Nang?!” Natawa ako sa biro ni Ninang sa akin. Maging si Ian ay natawa na rin.
“Nakaalis na ba si Yssay?” tanong pa ni Ninang.
“Opo,” sabay na sagot namin ni Ian.
“Ian, iyong form nasagutan mo na ba?” biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ian.
Umiling si Ian. “Hindi pa po, Ma.”
“Sige lang. Malayo pa naman ang deadline niya.” Natuon ang atensyon ni Ninang sa akin. “Ikaw Tristan, nakakuha na ba mama mo ng form? Hindi ba magsusundalo ka rin. Bukambibig mo iyan dito noon, pinagyayabang mo pang magsusundalo ka.”
Napangiting aso ako kay Ninang. Tumingin muna ako kay Ian bago magsalita. Nangungusap ang mga mata niya sa akin kaya nginitian ko lang siya.
“Hindi po eh. Ayaw ni Mama na pumasok ako sa military. Magti-teacher na lang daw ako,” sagot ko.
“Hmmm... I understand. Nangako kasi iyon sa Papa mo eh. Mahal na mahal niya si Bayle. Nag-AWOL pa nga iyon noon para lang kay Bayle, sa Papa mo.”
Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Mama nang graduation namin. Ikalawang beses niya ng mag-AWOL. Una pala ay ang kay Papa pangalawa naman sa akin.
“Ah Nang, maiba po ako. Itong si Ian... may sasabihin po sa inyo si Ian.”
Nanlaki ang maga mata ni Ian at tila hindi makapaniwala. Dapat matoto na siyang maging confident sa pagsasagot lalo pa at journalist ang kukunin niya ‘no. Hindi habang buhay kasama niya ako. Iyon iyong problema sa mga matatalino. Mahihina ang loob, pero once na inapi sila. Handa mo na sarili mo sa mga katagang bibitawan nila. Hindi ka masasaktan physically pero wasak naman braincells mo.
Natuon naman ang atensyon ni Ninang kay Ian. “Talaga, Nak? Ano iyon?” masayang bungad nito.
“Sige na, kaya mo iyan,” sambit ko pa.
“M-m-ma, kaya po kasi ayaw kong i-fill up ang form kasi po... ayaw ko po sanang pumasok sa military academy... Gusto ko pong maging journalist, Ma.” Nayuko ito habang nagsasalita. Nanginginig pa ang boses nito at kitang-kita ko ang pag-alon ng kaniyang dibdib.
Hindi nakapagsalita si Ninang ng ilang minuto. “Ayaw mong magsundalo? Sino na lang ang magpapatuloy ng legacy natin Anak? Ang Papa mo, sundalo... ako sundalo... ikaw inaasahan kong magpatuloy nang profession ng lahi natin dahil sa ang ate mo ay nangibang bansa na at ayaw rin magsundalo.”
Mas lalong nalukot ang mukha ni Ian sa kaniyang mga narinig. Kaya roon na ako sumabat sa usapan nilang dalawa.
“Nang, mawalang galang na po, hindi naman po yata makatarungan iyon. Paano kung hindi pala doon mag-e-exist kakayahan ni Ian? Kilala ko na po ang anak niyo at kasama ko na po siya sa paglaki. Alam ko pong hindi niya kakayanin ang magiging training sa Academy. Panigurado po iyon. Gusto niyo po bang mahirapan si Ian doon? Ako po tanggap ko na hindi ako makapagsusundalo, pero mahirap po kapag ang gusto mong maging eh hindi mo makukuha, habang buhay po iyong pagsisihan ni Ian, alam ko po iyong pakiramdam, Nang.” mahabang paliwanag ko at sana lang ay huwag akong masapak ni Ninang sa pangingialam ko.
Kitang-kita ko ang paglandas ng mga luha ni Ian sa ilalim ng kaniyang suot na salamin. Kahit pa nakayuko ito ay makikita ang pagpahid niya ng mga luha at ang paghikbi nito. Napabuntong hininga naman si Ninang Norwena.
“Ma, ayaw ko pong magsundalo, Ma. Payagan niyo po ako sa pagiging journalist pangako ko po sa inyo, hindi ko po kayo bibiguin. Pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko. Payagan niyo lang po ako,” patuloy na lumalandas ang mga luha ni Ian habang binibigkas ang mga kataga.
Hinawakan siya ni Ninang sa baba at iniangat iyon. “Well, kung iyan ang gusto mo, e‘di sige. Susupurtahan na lang kita.” Sinapo niya ang pisngi ni Ian saka pinahid ang mga luha.
“‘Yon oh! Nawa ay lahat, Ian!” sigaw ko.
“Paano po si Papa, Ma. Baka magalit iyon sa desisyon ko... natin, Ma,” may pag-aalala subalit mababakas ang galak sa kaniyang boses.
“Ako na ang bahalang magpaliwanag. Tsaka, bakit ngayon ka pang nagreklamo ng ganiyan bata ka? Tango ka lang nang tango noon sa amin ng Papa mo e akala namin okay lang sa iyo.”
Natawa ako kasi sa amin siya nagrereklamo ni Yssay at lahat ng rant kaming dalawa ang sumasalo.
“Salamat, Ma. Hindi niyo po pagsisisihan ang pagpayag niyo sa akin. Salamat po!” Yumakap na lang ito nang mahigpit sa dibdib ni Ninang at napahagulgul.
“Aasahan ko, Ian. Aasahan ko. Naku, ito ang unang araw na umiyak ka ulit nang ganito sa akin.” Makikita ang pamumula at pamumuo ng luha sa mata ni Ninang.
“Sabi sa iyo Ian eh. Alam niyo ba na halos pagbagsakan iyan ng langit at lupa sa school at tuwing nagko-kwento sa amin noon. Sinamahan ko na siya kasi wala siyang balak magsabi kung walang kasama.”
“Sumama ka lang naman dahil sa libre eh.” Natawa ako sa sinabi niya dahilan kaya natawa rin si Ninang.
Bigla namang iginapos ni Ninang ang kamay niya sa akin at niyakap rin ako nang mahigpit. “Kung hindi dahil sa iyo baka naipasok ko si Ian sa Military Academy at hindi maglalakas ng loob magsabi ng totoong nararamdaman niya, pagbutihin ang pag-aaral ha. Kung hindi malilintikan kayong dalawa sa amin ni Maxine. Wala munang chiks,” sabi niya.
Natawa na lang ako sa kaniya. Maging si Ian ay ganoon na rin. Kahit hindi sabihin ni Ian alam kung nabunutan na siya ng tinik sa dibdib. Habang ako naman ay tila may bumaon na karayom sa aking dibdib at nakaramdam ng kaunting inggit. Ayaw kasi ni Mama na magsundalo ako kahit magpaliwanag pa ako sa kaniya hindi tulad ng ganito kay Ninang.
“Oh siya. Tama na, kumain na tayo ng cookies. Asaan na iyong form?” dagdag pa ni Ninang.
Ibinigay naman agad iyon ni Ian at siya namang pagpunit ni Ninang Norwena roon.
Masaya kaming kumain ng cookies at nagkwentuhan kasabay ang pag-inom ng tinimplang juice ni Ninang.
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    ThoofCuptean

    It is really interesting lalo na it talks about the real friendship. I can wait to see more chapters to be uploaded and read it again. Make it more exciting I really love how the story is going in conflict. 👍🏿

    24/01/2022

      0
  • avatar
    GordilloRodolfo

    es muy bien👍

    21h

      0
  • avatar
    AV

    i need cp in call of duty

    2d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด