logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

SOLDIER SERIES TWO:  Call of Duty

SOLDIER SERIES TWO: Call of Duty

SolusPrinceps


CHAPTER ONE: Knowing Them Well

"Piliin mong sumama sa mga kaibigang tutulungan kang umunlad, hindi ang hihilain kang pababa."
T R I S T A N
"TRISTAN GUMISING KA NA TANGHALI NA!" sigaw ni Lola Maria mula sa baba ng aming bahay. Dalawang palapag kasi ito subalit hindi naman gaanong kalakihan at sakto lang para sa dalawang pamilya.
Napamulat ako ng aking mga mata sa tinis ng boses ni Lola Maria. Nag-inat pa ako ng aking mga kamay habang nakahiga pa rin sa aking kama.
"TANTAN, GUMISING KA NA NGA! NANDITO NA MGA KAIBIGAN MO, PAPASOK NA RAW KAYO SA SCHOOL! ANG KUPAD MO TALAGANG BATA KA! BUMANGON KA NA NGA RIYAN SA KWARTO MO!" sigaw muli ni Lola Maria sa akin. Tinatamad pa akong bumangon sa kama eh. Sandali pa akong napahinto at napatingin na lang sa kisame ng aking kwarto.
"SIGE KA ISUSUMBONG KITA SA MAMA MO! GUMISING KA NA BATA KA!"
Napaupo na lang ako sa aking kama saka napakamot sa magulo kong buhok. Humikab pa ako nang pagkalaki-laki. Ang ingay talaga ni Lola Maria kahit kailan. Siya yata ang nagsisilbing alarm clock ko eh.
"AAKYATIN KITA RIYAN, BUBUHUSAN KITA NG TUBIG SIGE KA! KAPAG NANDITO MAMA MO TIYAK NA MAKAKATIKIM KA ROON!"
Ano ba iyan, nakakahiya na si Lola Maria. Kanina pa putak nang putak. Hindi na inisip na baka nakikinig ang mga kaibigan ko sa baba.
Tumayo na muna ako sa aking kama saka humarap sa salamin na noon ay nasa paanan ng aking kama katabi ang kabenet. Pinagmasdan ko na muna ang aking sarili mula roon.
Sakto lang ang laki ng aking kwarto. Nasa loob na rin nito ang comfort room maging ang bathroom, though mayroon naman sa baba. Pero pinasadya talagang gawan dito sa taas.
"TANTAN! HINTAYIN MO AKO RIYANG BATA KA! PINAPAINIT MO ULO KO! UNANG ARAW NG ESKWELA ABA'Y LATE KANG BATA KA."
Napalaki ako ng aking mga mata. Oo nga pala, unang araw na ng pasukan namin bilang isang fourth year student.
"Ito na po, pababa na po!" sigaw kong pabalik kay Lola Maria para matigil na ito.
Sandali akong nag-ayos ng sarili, wala pa akong suot na damit. Nakalapag lang iyon sa kama ko sapagkat tinatanggal ko iyon bago ako matulog. Hindi kasi ako sanay nang may suot na damit eh.
Simula pagkabata si Lola Maria na ang nag-alaga sa akin. Wala kasi lagi si Mama sa bahay dahil sa uri ng kaniyang trabaho. Naiintindihan ko naman na may sinumpaan siyang tungkulin sa bayan sapagkat isa itong Captain sa Air force. Hindi ako nagtatampo, katunayan ay gusto kong sundan ang yapak niya, gusto ko ring pumasok sa military services pero ang masaklap ayaw ni Mama.
Gayon man, kahit na wala siya sa bahay, hindi naman siya nagkulang sa akin bilang ina. Sulit ang pagmamahal na ibinibigay niya sa amin ni lola kapag umuuwi ito sa bahay.
Ang nakalulungkot lang si Papa. Hindi ko na siya nasilayan simula nang mamulat ako sa mundo.
Naikuwento ni Mama sa akin na isa rin siyang Sundalo at namatay raw ito sa isang engkwentro kaya hindi ko na siya naabutan pa, ni picture nga wala eh.
Pero laging sinasabi ni Mama sa akin na magkamukha kami ni Papa at ang pinagkaiba lang daw namin ay ang buhok. Kulot raw kasi ang buhok ni Papa habang ako naman ay hindi.
"TANTAN, SUS GINOO! NAGHIHINTAY MGA KAIBIGAN MO RITO SA BABA, ABA'T MAHUHULI NA KAYO. TANGHALI NA, BATANG ITO!" Ramdam ko na ang mga yapak ni Lola Maria. Umaakyat ito sa hagdanan patungo sa kwarto ko.
Binuksan ko na muna ang pinto at sinilip si Lola Maria. Hindi nga ako nagkamali at patungo na siya sa akin.
Ngumiti pa ako nang napakalapad sa kaniya bago ko isinara ang pinto, gusto ko pa siyang asarin.
"Buksan mo ito! Hindi pweding hindi kita makurot! Bukas!" sigaw ni Lola.
Napangiti ako sa narinig ko. "Ayaw ko nga! Pisngi ko na naman ang pagdidiskitahan niyo eh." May katabaan kasi ang pisngi ko na namana ko kay Mama. Lagi kasi niya akong kinukurot simula pa nang bata pa ako. Siopao nga tawag niyan sa pisngi ko eh.
"Kukurutin ko talaga iyan hanggang sa umiyak ka!"
"La, binata na ako, bini-baby niyo pa rin po ako," natatawa kong sagot. "I love you ulit, La. Ito na po maliligo na!" Dali-dali na akong nagtungo sa isang pinto patungo sa bathroom.
Narinig ko pang kinatok ni lola ang pinto pero hinayaan ko na lang siya, bahala siya ayaw kong makurot sa pisngi ano?
"Pasaway ka talagang bata ka, mag-ayos ka na riyan ha, papasok na kayo," sambit pa nito sa akin.
"Ma'am, yes, ma'am, I love you po!" paglalambing ko.
"Huwag mo akong malambing nang ganiyan, pero sige, I love you too, ipaghahanda na kita ng almusal," tugon nito sa akin.
Narinig ko pa ang yapak nito pababa sa aking kwarto. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ako sa kwarto ko. Naka-uniform at wala pang suklay sa buhok.
"Kakain ka pa?" Napatingin sa akin si lola, "Sus, ginoo! Aba't labing pito ka na pero hindi ka pa rin marunong mag-ayos ng sarili! Naku!" usal ni Lola sa akin na noon ay nasa hapag kainan na.
Nakita ko ring nakaupo sa sofa namin si Ian at Yssay, ang mga kaibigan ko. Malapad at may pang-aasar ang mga titig nila. Napangiting aso na lang ako. Laging ganito si lola sa akin sa harap ng mga kaibigan ko at alam ko pati sila nasanay na rin sa tagpong ito.
"Hindi na, La, sa cafeteria na lang sa school. Tara na guys?" anyaya ko pa. Ayaw ko ng madagdagan pa ang mga pananaway ni lola sa akin.
Napatayo naman silang dalawa. Pansin ko pang napabuntong hininga si Yssay saka nauna ng lumabas. Habang si Ian naman ay nakangiting nakatitig sa akin. Naningkit pa ang mga mata niya kahit na may suot pa itong salamin.
Napangiti na lang akong pabalik saka lumapit sa kaniya. Lumabas kami ng bahay nang makapagpaalam kami kay Lola.
Maswerte ako na sila ang mga kaibigan ko, bukod sa kinakapatid ko sila ay malapit ang loob namin sa isa't isa. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Mas matanda nga lang ako sa kanila ng isang taon pero magkaka-klasi kami.
Maingay kaming naglakad sa highway patungo sa school sapagkat walking distance lang naman ang layo nito mula sa aming bahay.
"Kahit kailan talaga, kupad mong gurang ka," bungad ni Yssay sa akin.
Napatingin ako sa kaniya at sinamaan ng tingin. Anak siya ni Ninong Kyle Del Rosario, co-pilot ni Mama sa pinagtatrabahuan niya sa WesComHe.
"Oo nga, eh. Kung hindi ka lang namin kaibigan baka iniwan ka na namin kanina pa," pagsang-ayon naman ni Ian sa sinabi ni Yssay.
Pinagkakaisahan yata ako ng dalawang ito ah? Nalipat naman ang mata ko kay Ian.
Anak naman siya ni Ninang Norwena Dacayo-Romero, kaibigan ni Mama sa Kampo nila sa WesComHe. Isang Army Nurse, pero ngayon nasa isang military academy na nagta-trabaho.
Isinabit ko ang kamay ko sa kanilang dalawa at mahigpit ko iyong ikinapt sa kanilang dalawa at nagwika, "Kayo naman, parang hindi na kayo nasanay sa akin."
"Iyon nga eh, sanay na kami sa kabaliwan mi. Late na kaya tayo, I am sure. Bilisan niyo na, ayaw kong umakyat ng bakod ano, saka babae ako hindi bagay sa akin," paliwanag ni Yssay.
"Ay babae ka pala?" biro namang dalawa ni Ian at sabay pa kami.
"Tse!"
"Okay lang iyan Yssay, at least sama-sama tayong mapaparusahan," natawa pa ako sa sinasabi ko. "Saka, unang araw ng pasukan, alam niyong wala pang pasok ngayon since mag-aayos pa ng schedules mga gurk, tulad noon," tugon ko pa. "Ang tatalino niyo kaya, mahahabol niyo ang mga lessons na iyan."
"Kahit na bilisan niyo na, magagalit si Papa sa akin nito eh. Papaluhurin ako nito sa asin!" sambit ni Yssay saka nagbilis ng kaniyang lakad.
Sinundan na lang namin siya habang nagpipigil ng tawa hanggang sa makarating kami sa school.
Kapatid na ang turingan namin sa isa't isa kaya kilala na namin ang personalities mayroon kami. Si Yssay laging may suot na sombrero at siga kung maglakad habang si Ian naman, medyo mahinhin kumilos, may salamin dahil sa mataas na ang grado sa mata.
Masasabi kong laging nasa top ang dalawa, kung hindi si Ian ang nasa top 1 malamang ay si Yssay, habang ako, iyon, nasa top 3 dahil na rin sa kalalapit ko sa kanila. Hindi iyon naging hadlang upang masira kaming tatlo, hindi kami nagpapadala sa pride namin kahit na minsan hindi kami magkakasundo. At ito nga, nasa huling taon na namin sa high school at tutungtong na kami sa kolehiyo sa susunod na taon.
Nakarating nga kami sa school at tama ako sa naisip ko. Wala pa kaming pasok sapagkat nasa faculty room pa ang mga guro. May meeting sila para sa magiging set-up ng schedule.
Kaya nang mag-recess ay agad kaming pumunta sa paborito naming parke sa loob ng school na pinapasukan namin. Malawak ang school sapagkat pinagsama na ang mga college students at mga high schoolers sa loob. Iba-ibang department nga lang.
Agad kaming naupo sa upuang gawa sa semento at kaharap ang isang pabilog na lamesa.
Maraming mga estudyante sa kinaroroonan namin. Presko ang lugar dahil sa maraming tanim na punong kahoy sa paligid na nagsisilbing lilim sa amin.
Inutusan pa ni Yssay si Ian bumili ng burger sa cafeteria para sa aming tatlo at ilang softdrink.
Nang makabalik ito sa amin ay agad na akong nagtanong sa kanilang dalawa para naman hindi kami ma-boring sa lugar.
"Guys, anong kukunin niyong kurso sa kolehiyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"I will take law," sagot sa akin ni Yssay.
"Wow, heavy. Sige, kriminal ako para may magtanggol na sa akin sa korte," biro ko pero sapok lang ang inabot ko sa kaniya.
"Baliw, kahit kaibigan pa tayo kapag mali ang ginawa mo. I won't tolerate you, I will verdict you right base on what you did."
"Oo na hindi na mabiro, ikaw ba Ian?"
Napatingin kaming dalawa kay Ian na nagsisimula ng kumain ng burger na binili niya.
"Journalist, pero si Mama. Gusto akong papasukin sa military services, ayaw ko kayang pumasok doon, baka wala pa sa actual na barilan patay na ako agad sa kaba," paliwanag niya.
Natawa na lang ako sa narinig ko mula sa kaniya. Baliktad pala kami ng sitwasyon.
Napatingin naman si Yssay at kumain na rin ng burger.
"Bakit ka tumatawa? Sana all kasi nakuha ang gusto," sambit ni Ian sa akin.
"Hindi ano, ako nga gustong pumasok sa military pero ayaw ni Mama. Gusto akong pag-teacher-in." Natawa na lang ako saka kumain na rin ng burger.
"Kaya nga ang weird ng mga parents, palit na lang kaya kayo," biro ni Yssay.
Napangiti na lamang kaming dalawa ni Ian sa inusal niya.
"Pero, hindi rin natin masisisi mga magulang natin, maybe they are doing those choices kasi may reason sila, baka lang. May bagay talaga na akala nila gusto natin pero hindi pala. Sundin na lang natin kasi they knows best eh. Baka tayo ba ang lumabas na masama kapag sumuway tayo," paliwanag ko sa kanilang dalawa.
"Tama. Ang mature na talaga ng utak mo Tristan, 40 years old na ba iyang utak mo nang ipanganak ka?" Napahagalpak na lamang ako ng tawa.
Napansin ko namang tila naging malungkot si Ian. Hindi nito talaga gusto ang mapabilang sa sundalo, kilala ko na si Ian, hindi ito halos makabasag pinggan. Takot din ito sa height kaya alam kong mahihirapan talaga ito kapag pumasok sa Military.
Ako kasi pumayag na ako sa gusto ni Mama na maging teacher ako. Wala rin naman mangyayari kung ipipilit ko pa ang gusto ko. Ayaw ko ring mag-away kaming dalawa.
Buti pa itong si Yssay, supurtado ng mga magulang sa gustong kuning kurso. Mapapa-sana all ka na lang talaga.
Patuloy lang ako sa pagnguya hanggang sa biglang bumigat ang pakiramdam ko at nahirapan akong huminga. Parang may biglang dumagan sa dibdib ko.
Napatigil ako sa pagkain, napasandal ako sa back rest ng kinauupuan ko. Natawag rin ang atensyon ni Ian at Yssay.
"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Yssay.
"Namumula ka!" pag-aalala ni Ian.
"Hindi ako makahinga." Humugot pa ako ng hangin bago magsalita. "Anong flavor ng burger?"
Tinignan agad ni Ian ang flavor. "Hala, sorry Tristan, may pork pala 'to? Sorry..." usal ni Ian sa akin.
"Ha? Allergic si Tristan sa Pork Ian hindi ba? Bakit ito binili mo?" sumbat ni Yssay. "Dalhin na natin siya sa Clinic!"
"Sorry, hindi ko alam," sagot nito saka inakay na nila akong tumayo.
"Gusto... gusto mo yata akong mamatay eh." biro ko kay Ian.
"Hindi ano, siraulo ka, hindi ko magagawa iyan sa iyo, tumayo ka na nga, dadalhin ka na namin sa clinic!" sagot nito.
Sineryoso rin ng buang ang sinabi ko. Gusto ko pang humalakpak ng tawa pero sadyang ngisi na lang ang nagawa ko sapagkat tila unti-unting hinuhugot ang lakas ko. Nagdidilim na rin ang paningin ko. Humakbay na lang ako sa kaniya.
Napatingin na lang din ang mga estudyante sa amin at nagbulungan pa. Dinala nga nila ako sa infirmary upang mabigyan ako ng agarang lunas.
Halos kapusin naman ako ng hininga. Naduwal na rin ako habang naglalakad kami. Kaya nang makarating kami sa loob ng clinic ay bigla na lang akong humilata sa kama at pumikit na lang.
Nawalan bigla ako bigla ng lakas at hinayaan na lang lamunin ng dilim. Narinig ko pang kinausap ni Ian at Yssay ang doctor sa klinika bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    ThoofCuptean

    It is really interesting lalo na it talks about the real friendship. I can wait to see more chapters to be uploaded and read it again. Make it more exciting I really love how the story is going in conflict. 👍🏿

    24/01/2022

      0
  • avatar
    GordilloRodolfo

    es muy bien👍

    1d

      0
  • avatar
    AV

    i need cp in call of duty

    2d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด