logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5

“Just eat your money or spend it to your dear family.” Alam kong bastos ang dating ng sinabi ko ngunit kinakain na ako ng galit ko. Oo,mukha akong pera pero ayokong ubusin ang pride ko kapag tinatanggap ko ang alok niya. Ibinaba ko na ang pride ko ng lapitan siya, tama na iyon.
It is easy for him to give me a money but he can't give me a work in his own  company. Ridiculous. Masama bang hangarin ko na magtrabaho  sa kompanyang pagmamay-ari ng ama ko?
Kung balang araw makagawa man ako ng mga bagay na hindi niya magugustuhan, hindi niya ako masisi.  Kasalanan niya ang lahat, hindi na nga niya kayang maging ama, ayaw pa niya akong bigyan ng karapatan sa mga bagay na meron siya.
“Thanks for our unpleasant meeting,” huling saad ko bago tuluyang lumabas sa kanyang opisina.
Pgkalabas ko ng pinto palihim kong pinahid ang pumatak na luha sa aking mga mata bago taas noong lumakad.
Babalik ako at sisiguraduhin ko sa susunod na paghaharap namin hindi na niya ako maitataboy ng basta-basta.
Maraming napapatingin sa akin habang naglalakad ako palabas ng kompanya pero hindi ko na lang pinansin.
“Good day again, Ma'am,” nakangiting bati sa akin ng gwardiya ng makitang palabas na ako.
“Walang maganda sa araw ko,” pabulong na sagot ko na hindi naman umabot sa pandinig nito.
Palpak ang una kong aksyon. Mas matigas pa sa bato ang aking ama. Hindi  ko naman kayang magmakaawa dito para tanggapin ako sa kumpanya. Hindi ako bababa sa ganoong level. Sapat nang harapan niya akong tinanggihan, hindi ko na kailangan ng doubleng pasakit at kahihiyan. Pero dahil sa ginawa niyaas binigyan niya ako ng rason para kamuhian siya.
Pagkalabas ko ng gusali. Napasimangot ako. Tumitirik na ang araw kaya hindi na ako nagbalak pang maglakad upang pumunta sa pinakamalapit na bus stop.  Siguro naman may dadaang taxi dito sa harap kaya gumilid na lang ako ng kaunti sa may  entrance upang maghintay ng sasakyan pauwi.
Ilang minuto na akong nakatayo pero wala pang dumadaang taxi. Medyo nangangalay na rin ang mga binti at paa ko sa taas ng takong ng sapatos na suot ko. Tiis ganda lang talaga madalas.
Araw-araw na lang bang doble-doble ang kamalasan ko? Kailan ba ako dadapuan ng swerte?
Inip na inip na ako ng may mamahaling sasakyan ang tumigil sa mismong entrance. I love cars kaya talagang sumunod ang mga mata ko dito. At dahil nasa may bandang gilid lamang ako ay kitang kita ko ang mala-adonis na lalaking bumaba buhat dito.
The car and the driver are both sexy. I can’t help to bit my lower lips while looking at him.
Tila bumukas ang langit at nag-awitan ang mga anghel ng bumaba ito ng sasakyan at masilayan ko ang mukha nito. Hindi ako mahilig sa gwapo pero tila may magnet ang lalaking ito at hindi  ko  maiwasang titigan. Casual lang ang suot nito pero ang lakas ng dating. Iyong akala mo nasa runaway palagi tindig pa lang.
Bahagya itong tumingin sa gawi ko kaya pasimple akong umiwas ng tingin na kunwari ay abala pa rin sa pag-aabang kung may dadaan bang sasakyan.
Nang magsimula na itong lumakad papasok ng entrance ay nakasunod pa rin ang mga mata ko dito.
“Ang tambok, ah.” Tukoy ko sa pang-upo nito. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Nakita kong  iniabot pa niya sa isang lalaking mukhang empleyado ang susi ng kotse niya bago tuluyang pumasok ng gusali.
”He’s hot,” hindi ko mapigilang sambit. Bago muling napatingin sa sasakyan nito. ”But I like his car more.”
A Rolls-Royce. One of my dream cars. Yeah, I love not just a car but luxury cars. Pangarap kong makaroon ng collection ng mga mamahaling sadakyan pero sa ngayon imposible pa iyon dahil mahirapa pa ako. Itutuloy ko pa sana  ang paghanga sa sasakyan niya  na talaga namang ang sexy masyadong tingnan ng madako ang mata ko sa plate number nito. Biglang nanlaki ang mata ko.Tila bigla akong tinubuan ng mga sungay. Hindi ko maaring makalimutan ang plakang nasa aking harapan, CX 2021. The car that almost hit me yesterday.
Dali-dali akong lumapit dito bago pa man ito mabuksan ng lalaki para iparada siguro sa parking lot dahil nakaharang ito sa mismong entrance. Napakatamad naman ng may-ari nito. Magpa-park na lang hindi pa magawa.
“Sandali!” sigaw ko at lumapit sa sasakyan. Sinipat-sipat ko pa ang hulihang bahagi nito baka nagkakamali lang ako pero ito talaga ang sasakyang muntik na akong masagasaan kahapon. Patunay ang puting kulay nito at ang plate number nitong tumatak na sa memorya ko.
“Yes, Ma'am?” kunot noong tanong sa akin ng lalaki habang hawak-hawak niya ang susi ng sasakyan. He looks presentable pero medyo maangas ang dating.
Tiningnan ako nito na para bang nagtataka ito sa biglaang pagsulpot ko.
“Kilala mo ba ang may-ari nito?” tanong ko habang itinuturo ang ang sasakyan. Pwede na akong manalamin sa kintab.
“Yes po.”
“Anong pangalan niya?”  tanong ko, kahit gaano pa siya kagwapo isasama ko siya sa listahan ng mga kaaway ko. Napakaskasero akala mo kanya lang ang daan, paano kung nasagasaan niya ako kahapon? E 'di maagang natigok ang beauty ko. Madami pa naman akong pangara sa buhay.
“Naku, Ma'am. Kung gusto lang pala ninyong malaman ang pangalan ni Sir dapat kanina n'yo pa tinanong. Hindi na kayo nagpaligoy-ligoy pa,” saad ito at kumamot pa sa ulo. ”May trabaho pa ako, abala kayo.”
Aba, attitude! Nagtatanong lang ako ang dami ng sinabi.
Namaywang ako sa harapan nito. Nagsisimula ng uminit ang ulo ko, “Wala akong pakialam  kung sino siya gaya ng iniisip mo pero may atraso siya sa akin.”
“Lumang tugtugin na ’yan, Ma'am. Ilang beses ko nang narinig ang mga ganyang dahilan. Kunwari galit pero 'yun pala nagpapapansin lang,” saad nito at umiling-iling pa bago bahagyang tumawa ng mapanuya.
Lalong uminit ang mainit ko ng ulo dahil sa mga sinabi niya. Anong tingin niya sa akin? Sinungaling? Papansin? Araw-araw na lang tila sinusubok ang pasensya ko, gayong hindi pa naman ito kahabaan.
Pupunta na sana ito sa kabilang side upang buksan ang pintuan sa driver seat pero mabilis kong hinubad ang aking sapatos na may matulis na takong. Bago walang babalang ipinupok sa side mirror ng sasakyan. Basag ang salamin at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata ng lalaki at napatigil sa akmang pagbubukas ng pintuan. Napasugod din ito papalapit sa akin at hindi makapaniwalang napatingin sa side mirror na nabasag.
Minsan talaga kapag mainit ang ulo ko niya nagiging marahas ako. Isama pa ang sama ng loob ko sa magaling kong ama. Halo-halo na ang aking nadarama tapos eepal pa ang valet driver na ito.
Kaya hindi ko napansing tinotoo ko na ang banta ko kahapon na babasagin ko ang salamin ng sasakyang muntik na akong mabangga kapag nakita ko ulit ito. At ito nga sa harapan ko mismo, basag ang side mirror.
Ang sexy na kotse ang napagbuntunan ko ng lahat ng asar ko.
“Sasagot ka ng matino o hindi?” muling tanong ko at ipinukpok ang sapatos na hawak ko sa bintana na muling ikinalaki ng mata nito.
“Miss, nababaliw ka na ba? Sobrang mahal ng kotseng ’to, bakit ninyo binasag ang side mirror? Pareho tayong malilintikan nito,” hindi na mapakaling saad nito. Tapos ay kabadong sinipat ulit ang basag ng salamin. “May pambayad ba kayo?” galit ng tanong pa nito na dahilan para bumalik ako sa katinuan.
Pambayad? Wala akong pera. Wala akong trabaho. Anong ipapambayad ko? Nadala lang ako ng init ng ulo.
Gusto kong ibatok sa ulo ko ang hawak hawak kong sapatos.
Ano na namang katangahan ang pinasok ko?
Ihahakbang ko pa lang ang una kong mga paa upang tumakbo na sana pero bago ko pa man magawa ang binabalak ko ay may dalawang lalaki ng nakahawak sa magkabilang braso ko.
Saan naman nanggaling ang dalawang  ’to? Parang mga ninjang bigla na lang sumulpot.
“Hey! Bitawan n’yo ako! Ano ba? Bitaw sabi!” sigaw ko. Marami na rin ang napapatingin sa amin dahil sa eksena ko. Nakakahiya.
“Miss, you are making a scene,” saad pa ng isa sa mga lalaking nakahawak sa’kin. Bago inagaw ang sapatos na hawak ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
Mukhang mga bodyguard ang mga ito base sa tindig pero mga mukha rin silang boss dahil sa mga mamahaling suit na suot nila. In short mukha silang rich bodyguard. Pero wala akong pakialam sa hitsura nila ang mahalaga makawala ako sa pagkakahawak nila.
Madalas talaga pahamak ang ugali kong basta-basta na lang kumikilos ng hindi nag-iisip. Kaya nga palaging stress si Marie sa akin dahil lagi raw akong nasasabak sa gulo.
“H'wag n'yong pakakawalan. Ayaw kong mapagbalingan ng init ng ulo ni Sir,” utos pa ng lalaki sa dalawang bodyguard na nakahawak sa braso ko.
“Hindi ko naman sinasadya, tinatanong kasi kita ng maayos kung anu-ano sinasabi mo,” depensa ko sa sarili habang pinipilit makawala sa pagkakahawak sa akin ngunit tila mga bakal ang mga kamay nila. “Bitawan n'yo ako.” Baling ko sa dalawang nakahawak sa akin pero mas lalo lang humigpit ang hawak nila.
“Miss, nagtatrabaho ako ng maayos tapos susulpot ka na lang bigla para malaman ang pangalan ng may-ari ng sasakyang ito. Fangirl ka ba ni Sir o baka stalker ka pa,” saad nito at pinasadahan siya ng tingin. Napakamatabil talaga ng dila ng isang ito na mas nakakainit ng ulo. Akala mo hindi lalaki at ang daming sinasabi. Ako, fangirl? Asa. Stalker? No  way! Masyado lang malawak ang imahinasyon nito. Hot ang boss niya pero mas mainit ang ulo ko ngayon. Kaya kapag hindi siya nanahimik makakatikim siya sa akin kapag nakawala ako. Bwesit siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    28d

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01

      0
  • avatar
    Jerwell Zamora

    Thankyou

    29/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด