logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6: Not Normal

RONA’S POINT OF VIEW
Ilang saglit lamang matapos umalis ni Rhein, pumasok si Dylan kasama ang kanyang pracien. Nasa ibabaw ito ng kanyang balikat. Gaya ng nakalagian, nakangisi siya at sumandal sa pader na nasa gilid ng pintuan.
“What’s next, Princess?”
Pumasok rin si Natre at dumapo sa ibabaw ng aking balikat. “It seems like Princess Rhein is going to the bus station. Balak niya talagang makalayo sa iyo para sa iyong kaligtasan,” wika niya.
“As expected, everything is going according to the plan,” tugon ko. Tinignan ko si Dylan. “Ikaw muna ang magbantay sa kanya. May ipinadalang mensahe ang hari kani-kanina lang. Pinapabalik niya ako para sa isang biglaang misyon.”
Tumango siya at lalong ngumisi. “Don’t worry. Ako na ang bahala.” Nagawa niya pang kumindat bago umalis.
Napasimangot ako. “Ano ba ang tumatakbo sa isip n’on?” Naku, subukan niya lang i-harass ang kapatid ko, ikukulong ko siya sa light cage at ito-torture.
RHEIN’S POINT OF VIEW
Dahil sa lubos akong naguguluhan, sumama ako kay Lolo Lembo. Pumunta siya at pumasok sa kanyang puting kotseng nakaparada sa hindi kalayuan.
Hindi ko inakalang siya pala ang kausap ko. Naging paos kasi ang kanyang boses at nag-disguise pa siya ng pang-probinsyano.
Si Lolo Lembo ang nagtuturo sa akin sa mga special lessons ko. Magtatatlong-taon na rin niya akong tinuturuan. Dalawang beses lang ako kada buwan pumupunta sa bahay niya para sa mga lessons. Isang linggo pa lang magmula noong huling pagtuturo niya sa akin. Mapapaaga yata ngayon ang pangalawa.
Matanda na siya ngunit malakas pa rin siya. Mas malakas pa nga siya kumpara sa mga mas bata sa kanya.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko mula sa pagsulyap sa kanyang mga mata. May kinalaman din ba ang mangkukulam sa nangyayari sa kanya? Pakay din ba siya ng nilalang na iyon?
“Mukhang isang deore mnarillaza ang tinutukoy mong mangkukulam, Hija.”
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Paano niya nalaman ang nasa isip ko?
Ngumiti siya habang nasa kalsada pa rin ang kanyang tingin. “Simple lang. Kaya kong pakinggan at basahin ang nasa isip mo.”
“S-sino po ba talaga kayo?”
“Isa akong resce mnarillaza. Isang uri ng ementumo mnarillaza. May palagay akong nabasa mo na ang mga tungkol sa mnarillaza, tama ba?”
Napatitig ako kay Lolo habang may inaalala. Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa mga mnarillazas nang pahiramin niya ako ng isang libro. First lesson namin noong ipabasa niya sa akin ang libro. Ang sabi niya noon ay makakatulong daw ito sa gagawin naming mga lessons ngunit hindi naman pala. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa kanila kung hindi niya lang binanggit ito.
Mnarillaza ang tawag sa ‘magician’ kung ita-translate ito sa Mnarraic language. Nagtataglay sila ng tinatawag na mnarill o ‘magic’. Isa sa mga hindi kilalang fiction stories ang mga tungkol sa kanila at sa kanilang mundong tinatawag na Mnarra. Hindi ko akalaing totoo pala sila.
“Kaya kong alamin ang nakaraan at hinaharap ng isang tao. Gayundin ang kanyang iniisip.” Sinulyapan niya ako. ‘Kaya ko ring kausapin ang sinuman gamit lamang ang aking isipan.’
“Aray!” Nauntog ako sa bintana ng kotse dahil sa biglaang pag-atras. Siyempre, kahit sino naman, magugulat talaga kung bigla ka na lang makakarinig ng boses sa loob ng isipan mo.
Tumawa siya. “Nakakagulat, ‘di ba? Nakakabaliw ngang isiping tayo ay totoo at hindi isang kathang-isip lamang.”
Hindi ko na lamang ininda ang bukol ko dahil agad na nakuha ng aking atensyon ang mga sinasabi ni Lolo Lembo. “‘T-tayo’? A-ano pong ibig ninyong sabihin?”
“Sinabi ko naman na sa iyo kaninang hindi tayo mga ordinaryong tao. Walang kinalaman ang deore mnarillaza sa pag-iiba ng kulay ng mga mata mo. Natural lang na mangyari iyan dahil malapit na ang iyong ikalabinwalong-taong kaarawan, kung kailan masisira na ang asle o seal na nagtatago sa iyong kapangyarihan.”
Pagbanggit niya n’on, saka ko lang naalalang birthday ko na pala bukas. Last week pa namin pinaghahandaan ni Ate Rona at ng mga kaibigan ko ang celebration kaso, mukhang hindi na matutuloy.
“Bukas na ang iyong kaarawan, tama?”
Tumango ako bilang sagot. “Nakalimutan ko nga po, eh. Atakihin ba naman kasi po ako ng isang deore mnarillaza. Tapos, malalaman ko pa pong hindi pala ako normal na tao.”
Sumagi sa isip ko sila Papa, Mama, at Ate. Mga mnarillazas din ba sila?
“Ang pagiging mnarillaza ay namamana, Hija.”
Awtomatikong napalingon ako kay Lolo Lembo. “Alam po ba ni Ate? Ba’t ‘di niya po sinabi sa akin?! Kaya po ba niya ako pinakuha ng special lessons mula sa inyo para sa rasong iyon? Alam niya rin po ba ang totoong kayo? Kilala niya rin po ba ang deore mnarillaza na iyon?!” Inis akong napasandal sa upuan ng kotse. Para lang pala akong tangang walang kaalam-alam.
“Kumalma ka, Hija. Huwag mong sisihin ang kapatid mo sa hindi pagsabi sa iyo. May batas na sinusunod ang mga mnarillazas na hindi maaaring malaman ng isang mnarillaza ang kanyang tunay na pagkatao kung ang kanyang kapangyarihan ay naka-asle at kung siya ay naninirahan sa mundo ng mga tao.”
“Bakit? May sarili po bang mundo ang mga mnarillazas? Totoo po ba ang Mnarra?”
“Mayroon tayong sariling mundo. Tama ka. Ito ang Mnarra.” Bumuntong-hininga siya. “Alam ng kapatid mo kung sino ako. Ako nga ang nagpayo sa kanyang turuan ka upang mas maging madali na lamang ang iyong pagkontrol sa iyong kapangyarihan, kung sakaling masira na ang seal na nasa loob ng katawan mo.” Tumingin siya sa mga mata ko. “Iyang pag-iba ng kulay ng mga mata mo, patunay iyang handa na ang iyong katawan para sa paglabas ng nakatago mong kapangyarihan.”
Napatingin ako sa repleksyon ng aking mga mata sa salaming nasa harap ng sasakyan. Nagliliwanag sa dilim ang mga berde kong mata.
Hindi pa rin gaanong maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Lolo Lembo kaya napatanong na lang ako, “Ano po ba ako?”
“Isa kang ofris mnarillaza, Hija, sa ngayon.”
“A-ano pong ibig ninyong sabihin? Nag-iiba po ba ang uri ng mga mnarillazas? Wala naman pong nabanggit na ganoon sa libro ninyo.”
Ngumiti siya. “Malalaman mo rin balang araw kung bakit.”
Nang makarating kami sa bahay ni Lolo Lembo, inihatid niya ako sa isang silid kung saan ako naglalagi kada pumupunta ako rito. Walang ibang kasama si Lolo Lembo sa kanyang malaking bahay maliban sa kanyang sarili. Ewan ko ba sa kanya, ang magkaroon daw kasi ng asawa at mga anak ay hindi raw para sa kanya kaya hayun, mag-isa siya sa buhay. Ilang beses ko na siyang kinukulit ngunit ayaw niyang ikuwento kung bakit naging ganoon ang paniniwala niya sa kanyang sarili.
“Tila nahihirapan ka pa ring paniwalaan ang mga nalaman mo. Magpahinga ka muna upang ihanda ang iyong sarili para bukas. Mas marami ka pang malalaman.” At tuluyan na akong iniwang mag-isa ni Lolo Lembo.
Pabagsak akong humiga sa puting kama matapos kong tanggalin ang aking mga sapatos. Inilabas ko ang aking phone mula sa loob ng aking hoodie at tinignan kung sino ang tumatawag. Gaya nga ng inaasahan, tinadtad ni Ate ngayon ang phone ko ng mga tawag at messages. Panay siya ng tanong kung anong oras ba raw ako uuwi. Matapos ang ilang sandali, tinanong niya na kung nasaan daw ako dahil wala naman ako sa bahay nina Xyrille at Jean.
[ATE RONA]
[Saan ka na? Hoy! Mag-reply ka na! Pinag-aalala mo na naman akong halimaw kang bata ka!
Hindi magandang biro ito, Rhein! Sumagot ka!
Hindi na kita papapasukin kung hindi ka pa sasagot.
Rhein, alam kong pangarap mong maging clown pero, hindi magandang biro ito! Sumagot ka! Hoy!]
Nakatanggap na rin ako ng mga tawag at mensahe mula kina Jean at Xyrille.
[XYRILLE]
[Pambihira ka, Rhein! Gagawa ka na nga ng palusot, idadamay mo pa kami.
Lagot ka sa amin kung hindi ka uuwi nang maaga.
Pinag-aalala mo kami. Tawagan mo na ang ate mo. Baka atakihin iyon sa puso.]
[JEAN]
[Dapat nagpapahinga ka, ‘di ba? Ano ang nakain mo at nagawa mo pang gumala?
Umuwi ka na. Umiiyak na ang ate mo noong tumawag siya rito sa bahay.
Hoy. Mababaliw na ang ate mo. Maawa ka sa sister mo.
Kapag hindi ka namin nakita sa school bukas, lagot ka sa amin. Birthday mo pa naman. Huwag mong sayangin ang effort namin!
Pumasok ka bukas. Tuparin mo ‘yung promise mo.]
Naalala ko tuloy ang huling pag-uusap namin ni Jean. Malungkot akong napangiti kasabay ng pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata. “Sorry. This time, I’ll break that promise.”
Matapos kong basahin ang mga iyon, namatay na ang phone ko. Kinuha ko ang charger mula sa bag na dala ko ngunit noong isasaksak ko na, napahinto ako. Inilagay ko na lang ang mga iyon sa loob ng bag. Hindi ko rin naman na kakailanganin lalo na’t alam kong mag-iiba na ang buhay ko.
“Hija, kailangan mo nang gumising.” Nagising ako dahil sa bahagyang pangyuyugyog ni Lolo Lembo sa aking mga balikat. Tuluyan na akong napabangon nang pitikin niya ang aking noo.
Humikab ako at napapikit-pikit. Tumingin ako sa direksyon ng bintana at sa kanya. “Madilim pa naman po, Lolo. Mamaya na lang po tayo magsimula sa pagsasana—aaahh!” Kaagad na nagising ang diwa ko nang makita ang hawak-hawak niyang kutsilyo. Napaatras ako sa kama. “B-bakit po iyan?”
“Hindi kita ginising nang maaga para sa pagsasanay. Narito ako upang tulungan ka sa pagpapalabas ng pracien mo.”
“P-pracien?”
“Nakalimutan mo na ba? Ang bawat isang mnarillaza ay may isang pracien o ‘partner’ na kanilang makakasama habang buhay,” paliwanag niya, “Subalit, napapalabas lamang ito kada madaling araw sa kaarawan ng mnarillaza na iyon. Kung hindi mo nagawang palabasin ang pracien mo hanggang sa lumabas na ang araw, hindi mo na siya magagawang palabasin pa. Mabubuhay ka at mamamatay nang hindi siya nakikita. Kaya kung gusto mo siyang makita at makasama, palabasin mo na siya.”
“Eh, bakit po ba may dala kayong kutsilyo?”
“Kailangan mo ito upang sugatan ang iyong palapulsuhan. Sa dugo mo magmumula ang iyong pracien.”
Napalunok ako at kinuha ang iniaabot niyang kutsilyo. Napatitig ako rito. “Hindi ko po ba ikamamatay ito?” kinakabahang tanong ko.
“Hindi. Kaagad namang gagaling ang iyong sugat matapos lumabas ng iyong pracien.” Ipinatong niya ang maliit na mangkok sa kama. Gawa iyon sa silver at may mga nakaukit na mga linya na nasa spiral na direksyon. “Dito mo ilagay ang iyong dugo. Ito ang formaedius – isa itong kagamitang makakatulong upang mapalabas ang pracien mo.”
Huminga ako nang malalim upang palakasin ang aking loob. Nanginginig man sa takot at kaba, itinuloy ko pa rin ang paghiwa sa aking palapulsuhan. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ang matinding hapdi.
Kasabay ng pag-agos ng aking dugo papunta sa mangkok, nagkaroon ng puting liwanag na siyang nagbigay-liwanag sa buong kuwarto. Naramdaman ko rin ang unti-unting paggaling ng sugat ko. Pagkawala ng liwanag, pareho kaming napatingin ni Lolo Lembo sa loob ng mangkok.
“Hi, Rhein. Ako nga pala si Forelody.”
Literal akong napanganga nang makita ang maliit na berdeng ibon. Nakatitig ito sa akin at tila nakangiti. Bahagya akong nadismaya dahil hindi ko inakalang ganito lang pala kasimple ang mga pracien ng mga mnarillaza. Ibang-iba sa mga majestic features ng mga pracien sa libro ni Lolo Lembo.
‘Huwag mo siyang maliitin, Hija. Siya ang magsisilbing gabay mo at tutulong sa iyo,’ wika ni Lolo Lembo sa aking isipan. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.
Ngumiti na lamang ako at maingat na ipinunta si Forelody sa ibabaw ng aking mga palad. “Liit mo naman, Pracien, pero okay lang, cute ka naman.” Gamit ang aking daliri, hinaplos ko ang ibabaw ng kanyang ulo. “Ingatan natin ang isa’t isa, ah? Makakaasa ka, we’ll have a great time with each other.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • avatar
    San ahanRico

    nice story hehehehe lab u hahahahahhahhahha may comedy sana dito para nice at masayabasahin diva guys

    19/03/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด