logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3: Crow

RHEIN'S POINT OF VIEW
Umaga na ngunit heto ako, kahit ilang minuto man lang, hindi ko magawang matulog. Gumugulo pa rin sa isip ko ang nangyari kahapon.
Inisip ko nang inisip kung ano pa ang ibang posibleng dahilan kaso wala. Iyon lang ang alam kong posibleng dahilan n'on. Kung totoo man ang sinabi nina Xyrille, hindi talaga malabong mangyari rin iyon sa akin.
Pakiramdam ko, mas lalong sumasakit itong ulo ko kapag nanatili pa rin akong nakahiga kaya bumangon na ako. Kinuha ko ang aking phone mula sa ibabaw ng side table at in-on iyon. In-off ko ito kagabi dahil patuloy sa pagtawag ang mga kaibigan ko. Tinawagan ko na nga sila para sabihing ayos na ako pero sa kakulitan nila, tawag pa rin sila nang tawag. Kaya kahit na alam kong nag-aalala sila, pinatay ko na lang ang phone ko. That's what you called 'peace'.
Mariin akong napapikit nang saktong makita ko ang pangalan ni Jean sa screen ng phone. Talagang hindi ako tinantanan. "Sa wakas, sumagot ka rin! Alam mo bang magdamag akong tumatawag sa iyo?!"
Ipinaikot ko ang mga mata ko dahil sa inis. "May balak ka bang bingihin ako?! Sabihin mo lang. Pupunta ako ngayon sa bahay ninyo para sakalin ka!"
Tumawa siya sa kabilang linya. "Joke lang. Ikaw naman, hindi ka mabiro. Hindi ka naman namin tinadtad ng tawag."
"Talaga lang, ha?" Tinignan ko ang notification bar. "Naka-hundred-missed-calls nga kayo, eh."
"Oo na. Kung sinagot mo na lang, hindi iyan aabot sa ganiyan kadami kaya huwag kang magreklamo."
"Tapos ko naman na kayong i-update tungkol sa kondisyon ko. It's nothing serious so, please, for the nth time, don't worry. I'm still alive."
Narinig kong bumuntong-hininga siya. "We already knew that. Ang gusto lang naming itanong ay kung papasok ka ba ngayon o hindi. Sinusubukan naming tawagan si Ate Rona pero hindi niya sinasagot. Wala ba siya riyan sa bahay n'yo?"
"Mayro'n. Sinabi na niya sa adviser natin kahapon, hindi muna ako papasok ngayon. See you na lang bukas."
"Gano'n ba? Sige. Magpahinga ka nang maayos."
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya napailing na lang ako habang nakangiti. "Isang araw lang naman. Magkikita-kita naman tayo ulit bukas."
"Promise?"
Tuluyan na akong natawa. Kung minsan, gustong-gusto ko itong bata-batang side ni Jean. "Grabe, ah? Para namang aalis ako."
"Of course, for assurance."
"Okay. Promise."
"Bye. See you!"
"Bye."
"Umagang-umaga, napakaingay mo naman."
Sino iyon? Aksidenteng nabitawan ko ang phone at awtomatikong nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses na iyon. "Guni-guni ko lang ba iyon?" medyo natatawang bulong ko sa aking sarili. "Nababaliw na yata ako. Paano ba naman magkakaroon ng lalaki rito at nakahiga pa sa may sahig? Gamit niya pa 'yung pink na sleeping bag ni Ate."
Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin, bagot na bagot. "Hindi ka nababaliw. Siguro, stupid? Oo."
Wala sa sariling sinipa ko ang mukha niya nang akma siyang babangon. Napahiga siya ulit at napadaing. "H-huwag kang lalapit kung ayaw mong mabugbog," pagbabanta ko kahit na kinakabahan.
"Crap. Ganiyan ka ba talaga sa mga kaibigan ng Ate mo?" Imbes na magalit, nagawa niya pang ngumiti.
Abnormal ba siya-teka, ano ang sinabi niya? Kaibigan siya ni Ate? Napapikit ako at huminga nang malalim. Kailangan kong kumalma. Tinignan ko siya ulit. Napakagat ako sa ibabang labi ko noong mapansing dumudugo ang gilid ng bibig niya.
Ano ba ang iniisip ni Ate? Bakit dito niya pa kasi pinatulog ang lalaking ito?
"Ah . . . eh . . . h-hindi ko po alam. P-pasensya na, K-kuya," paghingi ko nang paumanhin.
Muli siyang bumangon at ngumiti. "It's fine. I know that it's natural to react like that."
Umiwas ako ng tingin. "Sorry if I'll be rude to ask this but I want to know. Bakit ka po ba narito sa loob ng kuwarto ko?"
"Umalis si Rona kagabi. May meeting siya sa isang importanteng client namin. Pinapunta niya ako rito at ibinilin niya sa aking bantayan ka. Baka sumakit na naman iyang ulo mo."
"Thank you but sleeping in my room was not necessary, Sir."
"Your sister asked me to. I didn't intend to invade your personal space. Sobra siyang nag-aalala sa iyo."
Kahit na na-touch ako sa pag-aalala ng kapatid ko, nainis pa rin ako. Paano niya ako nagawang ipagkatiwala sa kaibigan niyang lalaki? Hindi niya ba naisip na baka nagpapanggap lang na mabait ang lalaking ito ngunit may masama palang budhi?
Pinanliitan ko siya ng tingin nang may mapagtanto ako. Kung natulog nga siya sa kuwarto ko, bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya? Magdamag akong gising kaya bakit ganoon? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang normal at inosente. Sa tingin ko, hindi naman siya demonyo o maligno kaya bakit hindi ko man lang siya naramdaman?
Umiling-iling ako upang itaboy ang mga nasa isipan ko. Siguro, masyado lang akong nahulog sa malalim na pag-iisip kaya hindi ko man lang siya napansin.
"Hindi ka natulog, 'di ba?"
Dahan-dahan akong tumango. "Medyo nakaka-shock po kasi ang nangyari sa akin kahapon. Kayo po ba ang tumulong at naghatid sa amin ni Ate na ka-workmate niya?"
"Yeah, it was me."
"T-thanks, Sir."
"Dylan."
Kumunot ang noo ko sa kanyang binanggit. "Ha?"
"I am Dylan Wilder. Call me 'Dylan'," nakangiti niyang pagpapakilala. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang pisilin ang kanang pisngi ko, para bang normal lang iyon sa kanya. "Tara na. I'll prepare you breakfast. Paniguradong gutom ka na. Sabi ng ate mo, hindi ka rin daw kumain kagabi."
Tinignan ko muli ang kabuoan niya. Guwapo? Oo. Mabait? Oo. Mahaba ang pasensya? Oo. Mukhang mapapagkatiwalaan? Oo. Maalaga? Oo. Napangisi ako. Ito na yata ang matagal kong pangarap para kay Ate - ang magkaroon siya ng boyfriend!
Bago siya lumabas, tinanong ko siya, "Kuya Dylan, boyfriend ka ba ni Ate Rona?"
Nakakabinging katahimikan ang sumunod. Namalayan ko na lamang na halos mapahiga na siya sa sahig sa kakatawa. Wala naman akong sinabing nakakatawa, eh. "W-what made-HAHA-y-you think like that?"
"Err. May mali po ba sa nasabi ko? I just found it strange. Sa pagkakaalala ko, ikaw lang po ang ipinakilala ni Ate na lalaki niyang kaibigan. And in addition to that, ibinilin niya pa ako sa iyo. She trusts you a lot so I thought you are lovers."
Saktong pagkatapos kong magsalita, huminto na siya sa kanyang mga tawa at tumayo na nang maayos. "Silly. You got it wrong. Para na siyang kapatid ko," aniya.
"Sayang naman." Napakamot ako sa pisngi ko sabay tawa. "Ngunit sa tingin mo, may chance po ba kayo ni Ate? Please, I want to know. Mukhang bagay kayo, eh-"
"Rhein." Pagkarinig pa lang sa boses na iyon, nangilabot na ang buong sistema ko. Awtomatikong hinanap ng mga mata ko kung saan galing ang matandang boses na iyon. Nakita ko ang isang itim na ibon sa labas ng bintana ko. Sumisilip ang kanyang isang mata sa nakasarang mga kurtina at nakipagtitigan sa akin. Kahit na natatakot, lalapitan ko sana ito pero bago pa man iyon, nakalipad na siya paalis. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.
"Ba't anong tinitignan mo? May problema ba sa kurtina mo?" Bumalik ang tingin ko kay Kuya Dylan. Mukhang napansin niya akong nakatitig doon kanina ngunit sa tingin ko, hindi niya nakita ang ibon kaya siya nagtataka.
"Ah, wala po iyon. Naisip ko lang na hindi pala bagay ang violet na kurtina sa green na pader. May balak po akong palitan mamaya," palusot ko.
"Oh, I see." Ngumiti siya. "Oo nga pala. Ang sagot sa tanong mo, I think, I and your sister, it's impossible to be 'us'. And yes, huwag mo nang balaking i-matchmake ako sa kapatid mo dahil baka pagsisihan mo lang."
Huminga na lang ako nang malalim. Akala ko naman, talagang matutupad na ang pangarap ko para kay Ate Rona. Maling 'akala' na naman.
Habang kumakain, nagkuwentuhan kami ni Kuya Dylan tungkol sa kung anong klaseng tao si Ate pagdating sa trabaho. Napaka-cool daw niya at napaka-professional.
Gusto kong ipasok sa loob ng isip ko ang kanyang mga sinasabi tungkol sa kapatid ko ngunit sa kalamalasan, hindi ko magawa. Naglalaro pa rin sa isip ko ang boses at hitsura ng ibon kanina. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong isipin kung coincidence lang bang naroon iyon at kung guni-guni ko lang ba ang boses. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili kong posibleng epekto lang iyon ng kawalan ko ng tulog ngunit masyadong malikot ang utak ko. Sumagi pa nga sa isip kong baka may kinalaman ito sa mangkukulam at sa nangyari sa akin kahapon.
"Rhein, ayos ka lang ba?" tanong ng kasama ko.
Pilit akong ngumiti. "Okay lang naman po."
Matapos kumain, nagpaalam na siya. Kailangan niya na rin daw maghanda para sa trabaho niya. Pauwi na rin daw si Ate.
Dahil sa pagkabagot sa bahay, suot ang gray kong hoodie, shorts, at puting sapatos, lumabas muna ako at pumuntang mall. Pinayagan naman ako ni Ate. Basta, tawagan ko lang daw siya kung mangingirot na naman ang ulo ko.
Naglakad-lakad ako sa kung saan-saang store sa loob.
Sa sobrang kalutangan, napadpad pa nga ako sa section ng department store kung saan makikita ang mga panloob ng mga lalaki. Napagkamalan nga ako ng isang saleslady na bibilhan ko raw ang boyfriend ko (na wala naman talaga). Inasar-asar niya pa ako kaya pasalamat siya, nagawa kong magpigil dahil kung hindi, nasira ko na ang mukha n'on.
Kumain muna ako sa isang fast-food restaurant bago nagdesisyong maglakad-lakad ulit. Dinala ako ng aking mga paa sa arcade. Matagal na rin noong huling nakapunta ako sa ganitong lugar. Bata pa ako noon at kumpleto pa ang pamilya namin.
Nostalgic. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata habang inaalala iyong mga panahong iyon. Dali-dali kong pinunasan ang aking mga pisngi nang mapansing pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko.
Napangiti ako kasabay ng pagpasok ko sa pintuang gawa sa salamin ngunit, kaagad din itong naglaho noong biglang magbago ang lugar na kinalalagyan ko.
"B-bakit . . . paano . . . "

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • avatar
    San ahanRico

    nice story hehehehe lab u hahahahahhahhahha may comedy sana dito para nice at masayabasahin diva guys

    19/03/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด