logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2: Witch

RHEIN’S POINT OF VIEW
Late na ako! Bakit naman kasi ako nahuhuling gumising? Nakakainis naman. Lagi na lang ganito. Kababae kong tao pero parating tulog-mantika.
Napakamot ako sa ulo ko. “I-a-alarm ko na nga ang phone ko mamayang gabi—tama! Ang tanga ko talaga. Matagal ko na sanang ginawa iyon,” bulong ko sa aking sarili.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Gonzales University kung saan ako kasalukuyang nag-aaral. Hindi pala kundi takbo at lakad ang ginawa ko para mas mabilis akong makarating.
Madali lang akong nakapasok ng gate dahil nakatalikod ‘yung guard at may kinakausap sa kanyang phone. Medyo nahirapan naman ako sa pasikreto kong pagpasok sa classroom namin habang nagdi-discuss ang teacher. Second period na pala. Paniguradong papagalitan na naman ako ng guidance counselor kapag nagkataong nahuli ako at palilinisin ako sa library pagkatapos. Napakalawak pa man din n’on.
Nakabukas naman lagi ang pintuan sa bandang likod ng classroom namin kaya pasimple na lang akong pumasok nang pagapang. Wala namang nakapansin sa akin dahil sa pinakalikod ang upuan ko. Habang papunta na ako roon, napansin ko ang mga kaibigan kong nag-uusap nang pabulong. Nang makaupo na ako sa upuan sa pagitan nila, dali-dali silang tumigil at nakinig sa teacher namin.
“Late ka na naman,” sabi ni Xyrille habang nagsusulat sa notebook niya.
“Hindi ka pa ba nasanay, Xyrille? Late naman as always si Rhein, eh,” wika naman ni Jean na sinabayan niya pa ng mahinang tawa.
“Whatever.” Napabuntong-hininga na lang ako at inilabas ang ballpen at notebook ko mula sa aking black backpack. “Ano ang pinagbubulungan ninyo pala kanina?”
Mukhang nagulat sila sa tanong ko. Hindi sila tumingin sa akin at tila nag-isip pa silang dalawa ng ilang saglit. Nagtinginan pa sila na parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata, para bang wala lang ako sa pagitan nila.
Napakaseryoso nila habang nag-uusap kanina. Hindi ko tuloy maiwasang hindi pairalin ang kuryosidad ko.
Pagkaraan ng ilang minuto, hindi pa rin sila sumasagot kaya pinitik ko pareho ang kanilang mga noo. Sabay nila akong tinignan ng masama pero binalewala ko na lang iyon at tumingin sa harapan.
“Mamayang break na lang ninyo sabihin.”
Ilang minuto na ang nakalipas matapos naming magsimulang kumain ng meryenda ngunit wala pang nagsasalita kahit isa sa kanila. Tila hindi rin sila mapakali habang kumakain.
“Spill,” utos ko sa kanila. “Napakaseryoso ninyo kaninang nagbubulungan kayo, eh. Baka naman, puwede ko ring malaman.” Gusto kong gawing pabiro ang pagsabi ko ng mga iyon pero hindi ko magawa dahil para bang nakakaramdam ako ng takot tungkol doon. Hindi ko rin alam kung bakit ganito.
Si Xyrille ang unang nagsalita. “Hindi mo rin kami paniniwalaan.”
“Mapapagkamalan mo rin kaming baliw, Rhein. Huwag mo na lang tanungin kung ano iyon,” dagdag naman ni Jean.
Medyo na-offend ako sa mga sinabi nila pero hindi ko na lang ipinahalata. “Kaibigan ninyo ako. Kung ano pa man iyan, I will try to believe it. You have my trust, remember?”
Nagkatinginan silang dalawa at sabay na napahinga ng malalim. “Okay. Sasabihin na lang namin.”
“Naaalala mo ba ‘yung sinabi namin last Friday? Hayung pupunta kami ni Xyrille sa bahay ng auntie ko kinabukasan?”
Tumango ako. “Yeah, inaya pa nga ninyo ako kaso tumanggi ako dahil namasyal kami ni Ate Rona.”
“So, heto nga. Dahil sa medyo malayo-layo pa ang bus stop sa bahay ni Auntie, kinailangan pa naming maglakad. On our way, may nakita kaming isang malaking lumang bahay. It looked so mysterious and at the same time, enchanting kaya hinila ko si Xyrille papunta roon para tignan ang loob. Ang akala namin, walang nakatira roon kaya pumasok kami. Sobrang linis sa loob ng bahay. Walang kalaman-laman hanggang sa napadpad kami sa isang kuwarto. Hayun lang ang lugar na may mga gamit pero ang nakapagtataka, ang kama, upuan, cabinet, mesa, basta, lahat ng mga gamit ay purong itim.” Huminga nang malalim si Jean bago nagpatuloy. “Pero hindi namin nagawang libutin ang kuwartong iyon dahil may nakita kaming tao. Nakasuot siya ng itim na cloak. Hindi namin nakita ang hitsura niya dahil nakatalikod siya sa amin. Nagkaroon ng mga itim na apoy, tila lumulutang sa paligid niya kaya tuluyan na kaming kumaripas ng takbo palabas. Naku, Rhein, kung nandoon ka lang, paniguradong maninindig din ang mga balahibo mo. Mabuti nga dahil nakatakas kami at hindi niya kami napansin.”
Tumikhim si Xyrille kaya sa kanya naman napunta ang tingin ko. “Believe it or not, we saw a witch.”
Witch – pagkarinig ko pa lang ng salitang iyon, nakaramdam ako agad ng magkahalong takot at kaba. Siguro, dahil sa totoo ang kanilang sinabi pero hindi rin ako nakakasiguro kung totoo ba. Baka pinagtri-trip-an lang nila ako—ngunit sa tingin ko, hindi, eh. Hindi magagawa ng dalawang ito sa akin ang ganitong biro.
“Aaaaaaaaaaaahh!” Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit. Parang binibiniyak ito kaya napaupo ako sa sahig. “Aaaaaaaaaaaaahh!” Patuloy lamang ako sa pagsigaw. Alam kong nakatingin na ang halos lahat ng mga tao sa loob ng cafeteria sa akin ngunit wala na akong magagawa roon. Habang tumatagal, mas tumotodo ang nararamdaman kong kirot hanggang sa wala na akong ibang makita kundi dilim.
Nasaan ako? Napakadilim ng paligid. Buwan lang ang nagbibigay ng liwanag kaya kahit papaano, naaninag ko kung nasaan ako, sa loob ng isang gubat.
May narinig akong mga yabag ng paa mula sa hindi kalayuan. May nasilayan akong isang matandang babae, naka-cloak ito nang itim. Habang patagal nang patagal, unti-unti siyang lumalapit.
Hindi ko alam subalit biglang tumayo ang mga balahibo ko. Gusto kong tumakbo at magsisigaw-sigaw ngunit hindi ko magawa, parang may malakas na puwersang pumipigil sa akin.
Hindi ko namamalayang nasa harapan ko na pala siya.
Bigla akong nagising at napabalikwas sa kama ko. Naramdaman ko ang mga pawis na umaagos mula sa aking noo.
Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ang huli kong naaalala ay nasa loob ako ng cafeteria bago ako mawalan ng malay. Paano ako napunta rito sa loob ng kuwarto ko?
Napatingin ako sa pinto nang magbukas iyon at pumasok si Ate Rona. Ngumiti siya sa akin. “Gising ka na pala. Are you feeling well? Masakit pa rin ba ang ulo mo?”
“Ate, ano ang nangyari noong mawalan ako ng malay?”
Umupo siya sa tabi ko at bahagyang hinaplos ang aking buhok. “Dinala ka ng mga schoolmates mo sa clinic. Tinawagan ako ng guidance counselor ninyo kaya kaagad akong pumunta roon. Ilang oras ka nang hindi gumigising kaya inuwi na lang kita. Mabuti nga, binuhat ka ng kasama kong workmate at hinatid niya tayo rito.”
Tumingin ako sa labas ng bintana. Madilim na. Gabi na pala.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganoong katinding sakit. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong karamdamang puwedeng maging dahilan para magkaganoon ako.
Witch – iniisip ko lang ang tungkol doon kanina nang makaramdam ako ng sobrang kirot sa ulo ko. Hindi kaya . . . may kinalaman iyon sa nangyari sa akin?
“Ate, may sinabi po ba ang school doctor kung bakit sumakit itong ulo ko?”
“Ang sabi niya, maaaring dahil daw sa pagpupuyat.”
Sumimangot ako. “Hindi naman ako nagpupuyat.”
“Oo nga. Nagtaka nga rin ako. Mahilig kang matulog, eh. Siguro, nasosobrahan ka na sa tulog?” saka siya tumawa.
Napailing-iling na lang ako. “Siguro nga po.”
Matapos iyon, binalot na kami ng katahimikan. Akala ko, wala nang magsasalita sa amin kaya nagulat na lamang ako nang bigla akong yakapin ni Ate.
“Rhein, malapit na. Mag-iingat ka.”
Medyo naguluhan ako sa kanyang sinabi ngunit tumango na lamang ako at dinama ang kanyang yakap. “Alam ko, Ate. Mag-iingat ako parati.”
RONA’S POINT OF VIEW
“Sige. Labas ka na lang kung nagugutom ka na.”
Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana bago ko siya iniwang mag-isa. Kita ko sa mga mata niyang nagsisimula na siyang maguluhan. Nagsisimula na talaga ang pagbabago sa buhay niya.
Ang nangyaring pananakit ng ulo niya, malaki ang hinala kong siya ang may gawa n’on.
“Akala ko ba ay may balak siyang manggulo? It seems like she’s doing the opposite,” sabi ni Dylan.
Nadatnan ko siyang umiinom ng isang bote ng softdrink at sumandal sa refrigerator. Hindi niya kasama ang kanyang pracien dahil pinalabas ko muna para samahan ang pracien ko.
Itinaas-baba ko ang aking mga balikat bilang tugon. “May punto ka pero puwede ring pinapalabas niya lang na tumutulong siya and later on, aatake na siya kung kailan at-ease na tayo. Kailangan pa ring magdoble-ingat.”
Wala akong ideya kung bakit siya nangingialam. Hindi ko maisip kung ano ba talaga ang pakay niya. Kung ang buhay naming magkapatid ang gusto niya, matagal niya na sanang pinagtangkaan ang buhay namin pero hindi.
“Dalawang malaking problema: ang pagsubok para kay Rhein at panganib ng isang malakas na deore mnarillaza. Nakaka-stress na ba, Prinsesa?”
Tinapunan ko nang masamang tingin ang hampas-lupang kasama ko. Naba-bad-trip na nga ako tapos mang-aasar pa.
“Napakahirap naman ng misyon mo, Your Highness.”
“Cut the crap, Dylan. And to correct what you have said, hindi ko lang misyon ito. Damay ka na rin. Narinig mo naman siguro ang sinabi ko sa kapatid ko kanina, ‘di ba? You are my workmate.”
“Alright.” Bumalik na ang pagiging seryoso niya. “Pagkatapos ng nalaman mo kanina, wala pa rin bang pagbabagong gagawin sa plano? Inagaw niya na ang role mo.”
Umiling ako. “Let her be. She’s the real witch in any way. Kailangan na lang nating bantayan ang mangyayari.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • avatar
    San ahanRico

    nice story hehehehe lab u hahahahahhahhahha may comedy sana dito para nice at masayabasahin diva guys

    19/03/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด