logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

“PAPA, naman eh, akala ko papayagan mo ‘ko,” malungkot kong saad sa kaniya at napalabi.
Katulad noʼng nakaraan, dalawang araw na naman ang lumipas bago muling dumalaw si Papa. Dati naman ay hindi siya pumapalya sa pagdalaw sa akin, halos araw-araw niya akong dinadalaw at nakikipaglaro pa si Papa. Pero nitong nakaraan ay dumadalang na siya sa pagdalaw sa hindi ko malamang dahilan. Nahihiya naman akong magtanong sa kaniya.
Galit na galit si Papa matapos siyang kagatin ng alaga kong pusa, ni hindi na nga niya ako magawang tingnan na para bang kasalanan ko ang lahat. Pero wala akong nagawa nang panahon na 'yon, hanggang pagtawag lang kay Mingming ang nakaya kong gawin. Halos hindi masukat ang kaba ko noʼn dahil sa ginawa ni Papa, gumanti siya sa kawawa kong pusa, tinapon niya si Mingming na siyang ikinalungkot ko nang lubusan.
Pero, kinabukasan naman noʼn ay muli kong nakita si Mingming na natutulog sa higaan. Natutulog na para bang walang nangyari, natutulog ito na para bang hindi pinalayas ni Papa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit galit na galit si Mingming kay Papa Teodoro.
Ewan, simula nang dumating siya sa poder ko at nakikita niya si Papa ay galit na galit siya. Kung hindi niya kakagatin si Papa ay kinakalmot naman niya. Noong isang buwan ay ninakaw niya ang pagkain ni Papa na hindi ko na lang sinabi na si Mingming ang may gawa, baka kung ano na naman ang gawin niya sa pusa ko.
“Hindi mo ba talaga ako maintindihan, Ariyah?” tanong ni Papa sa akin, diretsong siyang nakatingin sa mga mata ko na ikinaatras ko naman.
Kapag ganito na ang aura ni Papa ay ang pag-atras na lang ang kaya kong gawin at nilulukob ako ng kaba.
Ayoko talaga tuwing nagagalit si Papa lalo na kung ako ang dahilan. Hindi sa natatakot ako na galit siya kun’di takot ako sa puwede niyang magawa. Takot akong pagbuntunan niya ng galit ang mga gamit ko lalo na ang mga iginuhit ko. Para bang galit talaga si Papa sa katauhan ko.
Yumuko ako bago nagwika, “Papa, malaki na po ako. Kaya ko na ang sari—”
Agad niyang hinampas ang mesa kaya napatigil ako sa pagsasalita. Mabuti na lang at hindi ko pa nalalagay ang kanin at ulam namin. Kasi kung nalagay ko na, baka wala na kaming makain.
Heto na, galit na naman si Papa.
“Ariyah, nakikinig ka ba? Hindi mo alam ang takbo ng mundo, maraming masasamang tao. Paano kung may manakit saʼyo? Paano kung may manamantala sa'yo? Paano mo—”
“Bakit palagi mong iniisip na mapapahamak ako, Papa? Bakit po ganiyan kayo mag-isip?” hindi ko napigilang itanong kay Papa.
Isa rin ito sa hindi ko maintindihan at ipinagtataka ko. Bakit palaging sinasabi ni Papa na mapapahamak ako kapag lumabas ako sa lugar na ito? Bakit palagi niyang sinasabi na masasama ang mga tao sa labas? Bakit hindi niya ‘ko pinapayagan na kahit isang araw lang ay makalabas ako? Bakit kailangan pa na ikulong ako?
“Ariyah—”
“Papa, kahit ngayon lang po. Hindi mo ‘ko pinayagan noʼng kaarawan ko. Sige na po.” Hinawakan ko ang kaniyang braso na nakapatong sa may mesa pero agad niyang nilayo sa akin.
Hindi na lang ako kumibo nang lumapit siya sa may bintana na para bang nilalayuan ako. Hindi na lang ako nagsalita baka mas lalo lamang siyang magalit. Mukhang kailangan ko na namang maghintay ng panibagong taon upang makahingi sa kaniya ng pabor. Hihintayin ko na lang ang susunod kong kaarawan, mukhang iyon ang tamang gawin.
“Ako pa rin ang masusunod, Ariyah. Dito ka lang, huwag matigas ang ulo.”
Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo. Nang makatatlong hakbang na ako ay biglang umitim ang paligid na siyang pinagtataka ko. Naramdaman kong parang gumalaw nang kusa ang aking buhok. Hindi ko makita kung ano ang nangyayari.
Hindi ako nakaramdam ng kaba katulad ng palagi kong nararamdaman tuwing bumabalot ang dilim at wala akong makita. Hindi ko rin alam kung bakit takot ako sa dilim, pero bakit ngayon ay wala akong nararamdamang takot?
Sinubukan kong lingunin si Papa pero hindi ko rin siya makita. Bakit biglang nagdilim? Anong nangyayari? Nasaan si Papa?
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Papa kasabay nang biglang paggalaw ng buhok ko. Ramdam ko talaga ang paggalaw niyon pero paano?
“Son of a bitch!” sigaw ni Papa na parang nasa labas ng tore. Hindi ko maintindihan ang sinigaw niya, parang ibang lengguwahe ang ginamit ni Papa, parang katulad sa palagi niyang sinasabi sa akin tuwing nasa baba siya ng tore.
Teka, nasa labas ng tore? Paano?
Biglang nagkaroon muli ng liwanag. Wala na si Papa sa may bintana, nasaan siya?
Muli akong bumalik sa bintana at tiningnan ang labas. Gulat ang agad yumakap sa aking sistema.
Nahulog si Papa Teodoro sa tore!
Napabalikwas ako ng bangon kasabay ng aking pagsigaw sa pangalan ni Papa. Binuksan ko ang aking mga mata at si Mingming ang sumalubong sa akin.
“Panaginip lang pala. Akala ko nahulog talaga si Papa.”
Muli akong humiga at niyakap ang unan ko. Ang sama namang panaginip iyon. Huminga ako nang malalim upang pagaanin ang loob ko at pakalmahin ang sarili ko. Mukhang hindi ako makababalik sa pagtulog nito.
Tumalon si Mingming mula sa aking higaan kasabay ng may bumagsak. Agad akong napabangon upang tingnan iyon. Sumilay ang ngiti sa labi ko at pinulot iyon. Ito `yong paintbrush na nakita ko noong kaarawan ko.
Lumapit si Mingming sa lalagyan ng mga pangguhit ko at nag-ingay. Muli akong napangiti. “Bakit hindi kita subukan?”
Pinagmasdan ko ang paintbrush, ang ganda talaga nito. Ang ganda ng bulaklak na disenyo niyon, nakakaakit.
Humakbang ako palapit sa mga gamit ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa paintbrush. Umupo ako upang buksan ang kahon at kunin ang pintura na nasa loob niyon.
Mukhang ito na lang ulit ang maireregalo ko sa kaarawan ko. Akala ko pa naman ay makakalabas ako. Gusto ko talagang lumabas. Gusto kong ikutin ang buong paligid. Gusto kong humanap ng bagong mga bagay na maaari ko ring gawin at ibida sa mga guhit ko.
Pero hanggang gusto na lang yata iyon, hanggang pangarap na lang.
Si Papa Teodoro ang nagturo sa akin kung paano magpinta. Si Papa rin ang nagbigay-alam sa akin ng mga pangalan ng mga gamit. Masaya naman dati habang tinuturuan niya ako pero pagkatapos noʼng tanungin ko siya tungkol sa mga bulaklak ay biglang nagbago si Papa.
Palagi akong napapatanong kung bakit ganoʼn ang naging reaksiyon niya pero wala akong makuhang sagot. Takot din akong muling tanungin si Papa, natatakot akong magalit na naman siya.
Hindi lang isa o dalawang tanong ang tumatakbo sa aking isipan, kunʼdi marami. Maraming tanong ngunit hindi ko alam kung may sagot ba akong makakuha. Kung mayroon man. Paano? Saan? Kailan?
Paano ko mahahanap ang sagot? Saan ko mahahanap iyon? Kailan ko mahahanap? Ilang taon pa ang aking hihintayin?
Una kong nilabas ay ang kulay puti na pintura at sinunod ko ang kulay pula. May balak akong iguhit ngunit sana ay hindi makita ni Papa. Gusto ko talagang iguhit ito.
Lumapit ako sa isang sulok at tinanggal ang kurtina niyon. Sa dingding ko balak magguhit dahil maliit lang ang posibilidad na makita ni Papa dahil matatakpan iyon ng makapal na kurtina.
Pagkatapos kong mailapag lahat ng pintura ay umupo ako sa sahig at pinagmasdan ang bulaklak na nasa paintbrush. Ngumiti ako at umiling. “Pagbigyan niyo po ako na iguhit ito, Papa.”
Isinawsaw ko sa puting pintura ang hawak ko na paintbrush at hinarap ang dingding kung saan balak kong iguhit ang bulaklak. Wala akong takot na nararamdaman, hindi gaya dati na binabalot ako ng matinding kaba kapag iguguhit ko ang ipinagbabawal ni Papa.
Gusto ko lang naman magpinta, gusto kong ipakita sa lahat na kaya ko. Gusto kong ipakita na hindi ako takot. Marami akong gustong ipakita pero kung nakakulong ako ay hindi iyon mangyayari.
Nagsimula akong magguhit at nakatuon lamang doon ang aking atensiyon. Nakapaskil ang matamis na ngiti sa aking labi habang pinapadaanan ng paintbrush ang dingding. Iba talaga ang hatid na kasiyahan ng pagpipinta sa puso ko, iba ang nadudulot niyon.
Muli kong isinawsaw ang paintbrush sa pintura ngunit ibang kulay na naman ang ginamit ko. Kulay pula upang iguhit ang hugis puso na nasa gitna ng bulak. Madali lang iguhit ang bulaklak, dalawang kulay lang ang gagamitin.
Wala itong ipinagkaiba sa mga bulaklak na naiguhit ko na pero bakit iba ang nararamdaman ko?
Ngiting tagumpay ang nakasuot sa mukha ko pagkatapos kong ilapag ang paintbrush at patakbong nilapitan si Mingming. Ang dali ko lang natapos dahil sobrang dali lang gayahin nito.
Nang mahawakan ko na si Mingming ay biglang nagkaroon ng kakaibang liwanag, tulad ng liwanag na nangyari sa panaginip ko. Lumingon ako sa pinanggalingan niyon.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang ang liwanag ay nagmula sa ginuhit kong bulaklak. Kitang-kita ko rin kung paano lumutang ang paintbrush na ginamit ko.
Napatakip ako sa aking mga mata nang sakupin ng liwanag ang buong silid. Limang segundo ang nagdaan ay nawala rin ang liwanag kasabay nang pagbagsak sa paintbrush at ng bulaklak na ginuhit ko.
Ngunit, paano nangyari? Paanong nawala ang ginuhit ko at napalitan ng isang tunay na bulaklak?
“Ariyah! Let down your hair!”
Si Papa!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (44)

  • avatar
    Nguyễn TuấnVũ

    nhsjfcehhdcf

    21d

      0
  • avatar
    martinezMatt andrie

    ayus sya maganda gamitin

    23/07

      0
  • avatar
    Lucas Mallari Satparam

    good

    20/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด