logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7: Ancient Characters

"They're coming," a little voice said. Inilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong ibang nakikita kung hindi mga kakahuyan at damo. Saan nanggagaling 'yong boses?
"May tao ba d'yan?" Halos pasigaw na tanong ko pero walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako makapagsalita, bakit gano'n?
Narinig ko ang mga yapak na nagtatakbuhan, natatakot at natataranta sa kung ano ang dapat na gawin. Biglang nagkaroon ng malakas na ingay, palakas ng palakas, sabay-sabay at papalapit sa pwesto ko. Mga pagsabog!
"They will be here right?" Malungkot pero puno ng pag-asang tanong ng isa pang maliit na boses. Tulad ng nauna ay hindi ko pa rin malaman kung nasaan ito.
"Of course they will, and we will be having an important visitor, right *****?" Dagdag ng isa na namang boses, hindi ko marinig ang huling sinabi nito, para bang nagkaroon ng crack ang pagsasalita niya kahit malinaw na malinaw naman ito kanina.
"I'll kill her! If that happens" Puno ng galit na sabi nang unang nagsalita kanina.
Nagising akong naghahabol ng hininga at puno ng pawis ang katawan, para bang tumakbo ako ng ilang milyang layo. Ano ibig sabihin no'n?
"Ayos ka lang?" Tanong ni Thud sabay abot ng tubig na agad kong ininom. Patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis ang puso ko at pabilis pa ito ng pabilis kahit gising na ako.
"Salamat" nanghihinang sabi ko saka ibinalik ang baso sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko nang unti-unting bumalik sa normal ang pintig nito.
"Nightmare?" Tanong niya kaya napalingon ako, ano nga palang ginagawa ng lalaking 'to sa kwarto ko? Tsaka bakit nasa kwarto ako, 'di ba dapat tuturuan ako ni Ms. Sheneel?
"I don't know," it isn't a nightmare pero bakit ganito ang reaction na naidulot no'n sakin?
"Weirdo!" Sa kanya pa talaga nanggaling 'yan ah, pero sa halip na patulan siya ay nanahimik na muna ako.
Pilit kong inalala kung ano ang nangyari bago ako mapunta dito sa kwartong 'to pero wala talaga akong maalala sa kung ano ang nangyari. Ang huling naaalala ko lang ay gumawa ng daan si Ms. Sheneel at pumasok kami doon, bukod do'n ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
"Gising ka na pala," napatingin ako kay Ms. Sheneel na kapapasok lang mula sa pinto, "mas mabilis kang nagkaroon ng malay kaysa sa inaasahan ko."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Mostly in your case, normal mages fell asleep for almost half a year. Pero kalahating araw ka lang nakatulog" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. H-Half a year? Seryoso ba siya?
"Told 'ya! She's a monte—" binatukan ko si Thud bago pa man niya matapos ang sasabihin, sa kanya talaga nanggagaling 'no?
Hindi na siguro matatahimik ang utak ko mula nang umalis ako sa isla, ano na naman ba 'tong sinasabi ni Ms. Sheneel? Hindi na kaya ng brain cells ko!
"Eh Ms. Sheneel, ano po ba talaga ang nangyari?" Tanong ko, naghahangad na sana malinawan na ako.
"I can't tell you," sagot nito na mas lalong nagpakunot sa noo ko. "Panandalian lang namang mawawala ang alaala mo tungkol sa nangyari, so paunti-unti ay babalik din ito."
"Bakit hindi mo na lang po sabihin sakin?"  Tanong ko ulit.
"Because I know na hindi ka maniniwala," tumayo bigla si Thud kaya nabaling sa kanya ang pansin namin ni Ms. Sheneel.
"Gutom na ako, mamaya na kayo mag-usap," seryosong usapan namin dito oh, tapos sisirain niya lang? Kami talaga ang mag-a-adjust?
Bahagyang natawa si Ms. Sheneel kaya napalingon ako sa kanya. No'ng una akala ko nakakatakot siya pero hindi naman pala. Napangiti na lang ako saka bumangon para sumunod.
"Ayos ka na ba talaga?" Tanong ni Ms. Sheneel. Kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian.
"Opo, wala naman akong nararamdamang kakaiba." Sagot ko saka nilagyan ng kanin ang plato ko.
"Halimaw kas—" bigla kong naisubo kay Thud 'yong isang malaking kutsara na may lamang kanin. Napaubo siya nang maalis niya 'to.
"Mananahimik pag hindi kinakausap, 'di ba?" May halong pangbabantang sabi ko kaya napalunok siya.
Napalingon kami ng sabay ni Thud kay Ms. Sheneel nang tumawa ito bigla. Anong mayro'n?
"You look good together" komento nito kaya napalingon kay Thud na inakbayan ako bigla.
"We are friends after all" nakangiting sabi nito sabay kindat. Tinanggal ko sa balikat ko ang kamay niya at inapakan ko ang paa niya. Friends mo mukha mo.
"Mas okay talaga kapag tahimik ka," suggestion ko bago kami bumalik sa pagkain.
-~•~-
"Hindi ba nando'n na 'yong daan, bakit kailangan pa nating umalis?" Tanong ni Thud nang makarating kami sa mismong bayan ng Seeth. Oo nga pala, nakatulog siya habang nag-uusap kami kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin namin. Paano kaya 'to naka-survive sa mga nauna niyang misyon?
Dapat sana kanina pa kaming madaling araw aalis pero dahil sa nangyari nakaalis kami nang palubog na ang araw. Gusto sana ni Ms. Sheneel na magpalipas muna ulit kami ng gabi sa bahay niya pero mas minabuti ko na lang umalis, we don't know kung gaano katagal ang misyon na 'to kaya hindi kami pwedeng magsayang ng oras.
"Nang tanungin ko si Ms. Sheneel kung anong dapat nating gawin, sinabi niya na kailangan muna nating hanapin ang mga susi ng Inogapo para makapasok tayo." Sagot ko habang naglalakad kami. Hindi na siya muling nagsalita na para bang wala na siyang pakialam sa iba pang impormasyon. "Hoy! Hindi mo na aalamin ang ibang detalye?"
"Hindi," deretsyong sagot nito. "Nand'yan ka naman eh, alam kong ikaw na ang bahala d'yan." May pagkasira ulo talaga ang isang 'to, kaasar!
"Ayaw mo lang makinig eh." Natawa siya bigla sa sinabi ko. Huminto kami sa lugar kung saan makakakuha kami ng sasakyan, malayo-layo ang susunod na pupuntahan namin at hindi 'yon kakayaning takbuhin ni Thud.
"Kailangan po namin ng sasakyan para sa dalawang tao," sabi ko sa lalaking nakatayo sa isang gilid at nag-uutos sa iba nitong kasamahan. Mukhang siya 'yong manager dito.
"Saan ang destinasyon?" Tanong niya, sa subrang busy niya ay hindi na siya nag-abalang lumilingon samin.
"Modefri," maiksing sagot ko. Isa ang Modefri sa unang lugar na nabanggit sa librong Lost Village na binasa ko kaya ito na muna ang lugar na pinili ko. Hindi ko na tinanong si Thud tungkol sa suggestion niya kasi halata naman na ako ang aasikaso sa ganitong bagay, mukhang 'yon ata ang rason kung bakit niya ako sinama sa misyong 'to. Haaay!
"Himpapawid o lupa?" Muling tanong ng lalaki kaya nilingon ko si Thud, siya ang may alam sa mga sasakyan kaya siya naman ang magdesisyon dito.
"Lupa," sagot nito sabay hikab, mukhang may ideya na ako kung bakit 'yon ang pinili niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit sa amin ang isang malaking tigre, mas malaki at mas matangkad pa samin at halos kasing laki nito ang golem na nakaharap ko noon sa Deisn Wood. May nakalagay sa likod nitong parang isang upuan na gawa sa kahoy. Teka, hindi naman siguro ito ang sasakyan namin 'di ba?
"Pwede na kayong sumakay," sabi ng lalaki nang nakatayo pa rin kami dito. Pwede ng sumakay? Eh sa taas ng tigre na 'yan paano kami sasakay?
Bigla kong naramdaman ang paghawak sa kamay ko ni Thud at isang sigundo lang ay unti-unti kaming lumutang papunta sa likod ng tigre. Nanlaki ang mata ko at habol hiningang naupo sa isang upuan habang deretsyong nahiga si Thud para matulog.
Biglang nagkaroon ng pabilog na transparent barrier sa parte namin para siguro hindi kami mahulog. Hindi ko maiwasang mamangha, ito ang unang beses kong makakasakay sa ganito. Nag-umpisang tumakbo ang tigre at tama lang ang bilis nito kung ikukumpara sa nakakamatay na bilis ni Thud.
"Pwede kang matulog kung gusto mo. May walong oras pa bago tayo makarating sa bayan ng Modefri." Sabi ni Thud kaya napalingon ako sa kanya. Nakapikit na ito at halatang handa ng matulog.
"Walong oras? Eh mabagal ang takbo natin paano naging gano'n kabilis?" Nagtatakang tanong ko saka ibinalik ang tingin sa dinadaanan namin.
"Mabagal lang tingnan kasi nasa loob tayo ng barrier pero double ang bilis nito kung ikukumpara sakin." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Parang ayokong isipin kung sakaling masira 'tong barriers.
"Nga pala, lagi bang nauubos ang energy mo sa tuwing tumatakbo ka ng malayo?" Tanong ko makalipas ang isang minuto na walang umiimik samin. Hindi siya sumagot kaya napalingon ako sa kanya, mukhang nakatulog na agad siya.
Huminto ang sasakyan nang dumaan ang walong oras, mabilis na naglaho ang barriers kaya ginising ko na si Thud para makababa na kami.
"Nandito na pala tayo" inaantok na sabi niya habang kinukusot-kusot ang mata. "Ano ng gagawin natin ngayon?"
"Ang bayan ng Modefri..." Pabulong na sabi ko habang nakatingin sa tahimik ngunit maliwanag na lugar. Madaling araw na kaya siguro wala ng gaanong tao. Nag-umpisang maglakad si Thud kaya sumunod na lang ako sa kanya.
"Nakapunta ka na dito?" Tanong ko habang pinag-aaralan ang buong lugar. Walang gaanong kakaiba sa lugar na 'to, parang normal na bayan lang ito at iilan na lamang ang gising para magtinda.
"Hindi pa," natigilan ako sa paglalakad dahil sa sagot niya.
"Eh saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit habang nakakunot ang noo.
"Hahanap ng makakainan." Napa-facepalm na lang ako, lagi na lang bang pagkain ang nasa isip niya?
Sumang-ayon na lang ako dahil maging ako ay nagugutom na din. Huminto kami sa isang malaking kainan at naupo sa lamesa na nasa isang gilid. Namangha ako dahil sa lawak at ganda ng atmosphere dito lalong-lalo na sa dami ng customer kahit pa sa ganitong oras.
Pinagmasdan kong mabuti ang buong lugar. Luma ang mga desinyo at estraktura ng lugar na 'to, maging ang chandeliers at desinyo ng sahig ay mukhang hinango sa desinyo mula sa kasaysayan.
Nahinto ang mga mata ko sa pader na nasa likod ni Thud, bali nakaupo kami ng magkaharap. May mga nakaukit na ancient characters dito na alam kong hindi pinapansin masyado ng mga costumers dahil mahirap itong basahin. Tiningnan ko ang iba pang pader sa paligid at pareho lang ng nakasulat.
"Mukhang may ideya na ako kung saan tayo pwedeng magsimula," nakangiting sabi ko kay Thud. Napakunot ang noo niya na para bang nagtataka siya sa sinabi ko.
Deserted West
Dark Forest
Defender Deity
Douleur Earthany

หนังสือแสดงความคิดเห็น (32)

  • avatar
    BalluangSheena Khate

    I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Ariel L Henugin

    w0w

    15d

      0
  • avatar
    BaluyutErica

    maganda

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด