logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4: His Party

"I told you already, okay? I-WON'T!" Being comfortable with him is fine, but being with him this long is really a bad idea. Ayoko na! Suko na ako, bahala na siya.
"Hey! Hey! Hey!" Pigil nito kasabay ng biglaan niyang pagsulpot sa harapan ko para harangan ang daan. Nandito na kami ngayon sa bahay ni tanda, pagkatapos kasi n'yang mapulot ang flyer ay nag-aya na siya pabalik, hindi ko alam kung bakit biglang umiba ang ihip ng hangin and now here we are, arguing a really nonsense thing. Kailan ba matatapos ang paghihirap ko sa taong 'to?
"Enough is enough! Bakit hindi mo ba maintindihan?" Muli kong pagtanggi. So this is what happened— when we got here, he asked me a favor to be his party on this mission thingy when I just finished that weird mission of mine. Tantanan mo na ako mission, pakiusap lang! Wala akong ginawang masama sa'yo para biktimahin mo ako ng ganito.
Tinalikuran ko siya at bumalik na lang ako sa pagkakaupo. Sumunod naman siya at umupo sa harapan ko.
I admit that I badly want to leave this island, but if I need to go on a dangerous mission which is I don't know how to deal, I rather stay here for so many years. But this person— this crazy guy with me don't know how to give up. Argh! Parehong-pareho talaga sila ni tanda.
"Bakit ba kasi ayaw mong umalis sa lugar na 'to?" Hindi pa rin talaga siya tumitigil. Ano bang dapat kong gawin sa isang 'to?
"Sabi ko naman sa'yo ilang ulit na, may hinihintay nga akong tao, okay? Tsaka ayokong sumabak sa isang delikadong misyon kung saan posible akong mamatay ano mang oras." Ayokong matulad sa kanya na mapapadpad na lang sa isang hindi pamilyar na lugar habang puno ng sugat ang katawan at walang kasiguraduhan kung may tutulong ba.
"Sinong nagsabing mamamatay ka?" Hindi ko alam kung nagmamaang-maangan ba siya o ano. Having 3 million worth of reward only for that mission, halata na kung gaano ito kapanganib.
"We all know that here in our world only 70 percent of the population are mages and 30 percent can't use any magic. Nando'n ako sa 30 percent, kung sakaling sumama ako sa'yo ngayon, para ko nang hinukay ang sarili kong libingan." Mahabang paliwanag ko, baka sakaling this time matauhan na siya na ayoko talaga.
"Nagsisinungaling ka," puna nito kaya napalunok ako, as expected, I can't fool him, after all he's a mage. "I felt your aura, and only those who can use magic have that energy, hindi mo ako maloloko."
I rolled my eyes because of irritation, "Let say that you are right, I have this 'aura' but it's not as strong as yours, at hindi ko alam if I can really use it. Wala akong kapangyarihan tulad niyo and I can't consider myself as a mage." Nag-uumpisa na talagang sumakit ang ulo ko sa walang patutunguhang pag-uusap na 'to. Bakit ba namin 'to pinagtatalunan? We are still considered as stranger, He don't know who I am as well as I don't know him so hindi ko obligas'yon na pumayag sa ano mang gusto niya.
"You are just making excuses," sabi niya habang nakatitig sa flyer na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binibitawan.
Naisip ko lang bigla, bakit ba pinipilit niya akong sumama? Dahil ba sa napuruhan siya sa katatapos niya lang na misyon at hindi niya pa kayang lumaban ng maayos? Pero wala naman akong kinalaman sa bagay na 'yon ah. Kung hindi pa niya kaya ngayon eh di 'wag niyang gawin, tapos ang usapan!
"Look I really won—"
"You are just making excuses," ulit niya sa sinabi niya kanina. Alam ko, but it is the only thing that I can do right now. "Minsan ka nang nakulong, tama ba?"
Natigilan ako bigla how did he know? Biglang sumagi sa utak ko ang mga alaala noong nasa loob ako no'ng kahon, 'yong sikip at 'yong dilim. Bigla akong nakaramdam ng pagbigat ng dibdib ko at pangingilid ng luha lalo nang maalala ko ang naging reaksyon ng mga tao pagkalabas ko doon. Wala naman 'tong kinalaman sa pinag-uusapan namin ah, bakit bigla niya na lang in-open up?
"Nakalaya ka nga mula doon pero malaya ka ba talaga?" Wait, wait! Paano napunta ang usapan dito? "I guess, you are not. You are still caged at natatakot ka, natatakot ka na baka paglabas mo maulit 'yong nasilayan mo noon."
Tumalikod ako sa kanya nang hindi niya makita ang luhang malapit ng bumagsak. Bakit ba tumutumpak at tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi niya?
"You know what," biglang sumeryoso ang boses niya kaya pinunasan ko ang luha sa pisngi ko para lingunin siya ulit, "tayo ang gumagawa ng sarili nating kulungan, tayo din ang gumagawa ng desisyon kung sisirain na natin 'to bago tayo tuluyang lamunin o hahayaan lang natin hanggang sa tuluyang matapos ang lahat. Everything are depends on you, kasi buhay mo 'yan. So why would you chose to stay inside that cage if the door is open behind you?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya, gusto kong sabihin sa kanya na wala namang kabuluhan ang sinasabi niya lalo na sa pinag-uusapan namin ngayon, pero sino bang niloloko ko? Oo tama siya, natatakot ako. Gustong-gusto kong umalis sa lugar na 'to pero natatakot akong makita ulit ang parehong reaksyon ng mga tao dito sa mga taong makakasalamuha ko sa labas.
Paano kung katakutan din nila ako? Paano kung ituturing din nila ako tulad ng pagturing sa'kin ng mga tao dito? Ayokong isipin ang mga bagay na 'to pero kusa na lang pumapasok sa isip ko.
Napabuntong hininga na lang ako bago ako tuluyang makapagdesisyon na magsalita, "Lemme ask you some questions."
"Sige lang" sagot niya na para bang sinasabi niya sakin na kahit ano man ang itanong ko sa kanya ay hindi na magbabago ang isip niyang isasama niya ako. Ibinaba niya ang flyers sa lamesa, mukhang ngayon pa lang siya nagsawa sa kakahawak at kakatitig dito.
"Bakit gusto mo pa ring gawin ang misyon na 'to kahit nanganib na ang buhay mo sa katatapos mo lang na misyon? Hindi ka ba natatakot na mamatay? Hindi mo ba naisip na baka isang araw hindi ka na makabalik?" Hindi ko alam kung para saan ang tanong ko at wala naman itong koneks'yon sa pinag-uusapan namin ngayon, pero pakiramdam ko kasi ay kailangan ko talagang malaman ang sagot mula sa kanya.
"Because I am an adventurer," nakangiting sagot niya na para bang iyon na ang pinakatumpak na sagot sa tanong ko, "Ang takot nand'yan na 'yan eh, syempre lahat naman tayo nakakaramdam n'yan pero as an adventurer, we seek for new things and creates an unforgettable experiences. So if I died seeking for it, then that's fine."
Nakangiti at halatang proud na sagot niya, kusa ding kumurba sa labi ko ang isang ngiti, minsan may kabuluhan din pala 'tong kausap, hindi na masama ah.
"Then it's decided, I accepted your offer. I'll your party and I'm looking forward working with you. Please take care of me" Kumurba din ang ngiti sa labi niya saka siya biglang tumayo.
"Looking forward too, and by the way, Thud Eroid is the name, pleased to meet you." Iniabot niya ang palad niya sa harapan ko kaya tumayo din ako.
"Lumina, pleased to meet you too." We are being too formal, at hindi ko naisip na 'yon na pala ang huling beses na mag-uusap kami ng matino.
-~•~-
"Seriously Thud, where are we?" Naiiritang tanong ko habang pinagmamasdan ang subrang lawak na karagatan na tanging nakikita lang namin ngayon.
"I think, we are lost!"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (32)

  • avatar
    BalluangSheena Khate

    I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Ariel L Henugin

    w0w

    15d

      0
  • avatar
    BaluyutErica

    maganda

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด