logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2: Deisn Wood

Nang pasukin ko ang bahay na 'to for the first time two years ago ay siya ang bumungad sa harapan ko. Sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti at pinakatitigan niya akong mabuti. But I swear! That smile and stare is the creepiest thing I ever saw.
I was about to run when I felt that I can't move my body even an inch at nakarinig na lang ako ng tawa na pumuno sa buong paligid. Nagsitayuan ang mga balahibo ko habang deretsyong nakatingin sa kanya na wala pa ring tigil sa pagpapakawala ng evil laugh.
"If it isn't the talk of the town 'foreigner', what brought you here?" She asked casually. Pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha niya.
That was the start of the relationship we have. She's uhm— my master? Well, she taught me everything I need to learn and stay by my side since then. I don't know what she's thinking but she said that I will be her apprentice, so I assumed that she became my master from that day, although I prefer calling her old lady than master.
She's Humira Cleastre a sorceress who lived in this really weird house. She's in her late forties pero hindi halata sa mukha niya dahil mukha siyang isang dalaga. Maybe she used some spell on herself to have that appearance.
After a year, sinabi niya sa 'kin na may isang mahalagang misyon siyang dapat na gawin kaya kinakailangan niyang umalis, then she left without telling me what this is all about. Akala ko aabutin lang siya ng ilang araw hanggang sa lumipas ang linggo at buwan na hindi pa rin siya dumarating and then this day come.
"I have a mission for you that you need to accomplished in three days, this isn't going to be easy so you better prepare yourself, Lumina." Lumina? Well, it was my name I guess? Sinimulan niya lang akong tawagin sa ganyang pangalan until she used to it.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat sa sinabi niya, ano daw? Mission? Anong pinagsasasabi nito?
"Telling me that thing suddenly like it is the most normal thing to say, nabagok ba ulo mo kung saan? tsaka anong three days? Do you really think I can do it in just a matter of time? This is insane, old lad—"
"Call me by my name! And stop complaining, would you?" Okay, now I can tell, she's starting to get mad. "This is urgent, so hear me out, Idiot! You are still stubborn stupid girl!" She added irritatedly.
"I'm not a girl anymor—"
"But you still acting like one"This conversation is coming nowhere, I swear!
"Well, I learned it from you," I said while rolling my eyes, "fine then, continue." Tsk! Kahit naman anong sabihin ko ay hindi din naman ako nito pakikinggan at ipagpipilitan pa rin niya kung ano ang gusto niya. Once an Humira, will always be a Humira.
Kinuha ko ang tasa malapit sa 'kin at sinalinan ng tsaa. Nang inumin ko ito ay naibalik ko din agad sa tasa ang pumasok sa bibig ko. Bakit hindi na mainit? Napalingon ako sa iniinom ni tanda at kitang-kita ang usok na nagmumula sa tasa niya. Come to think of it, hindi ko maramdaman ang presence niya mula pa kanina. So she's using hologram again? Tsk! I thought she's really here.
"If you accomplished this mission, I will allow you leave this island." Natigilan ako dahil sa narinig ko, I always wanted to leave this island, pero lagi niya akong pinipigilan, this old lady really knows how to get me.
"Tell me..." Napabuntong na lang ako tanda ng pagsuko. As always, she won, "About the mission"
-~•~-
"What in the world is this?" Tanong ko sa sarili ko nang bumungad sa harapan ko ang tinutukoy na lugar ni tanda. Mukhang wala nang kahit sinong tao ang pumupunta dito.
Madaming kahoy sa buong paligid na halos 'yon na ang pumuno sa buong lugar pero kapansin pansin ang itim na kulay ng mga ito at walang kahit isang dahon. Kulay abo ang buong lupa, hindi ko alam kung sinunog ba ang lugar na 'to o ganito na talaga 'to.
Makulimlim ang kalangitan na tila ba hindi ito bahagi ng islang kinaroroonan nito. Iba ang panahon, iba ang hangin, iba ang lahat dito.
"Your mission is to get the Deisn Wood's stone by facing its golem deity, remember that you only have three days to do it." Tanda kong sinabi niya bago tuluyang maglaho ang hologram sa harap ko. She didn't give any details than that buti na lang talaga at kilala ang Deisn Wood sa islang 'to kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin ito.
Bali-balita na ayaw ng mga taong pumunta sa lugar na 'to dahil masyado daw mapanganib at ito ang unang beses kong mapunta dito. Sinimulan kong umapak sa kulay abong lupa nito at nag-umpisa akong maglakad papasok. Dama ko ang panginginig ng tuhod ko at pagtayuan ng mga balahibo ko kaya hindi ko maiwasang lumingon-lingon bawat sigundo.
I never seen a golem before tapos kailangan ko pang harapin ngayon para lang sa bato? That old lady is really insane, pagnakita ko lang talaga siya, humanda siya sa 'kin! Nag-reklamo pang late ako ng dating tapos hindi din naman pala siya magpapakita ng personal? I know that she's busy pero isang taon na, sana naisipan man lang niyang bumisita, kaasar!
Nakagat ko bigla ang labi ko nang makarinig ako ng kakaibang ingay mula sa hindi kalayuan. Ginawa ko iyon para pigilan ang sarili sa muntik na pagsigaw. Oh no! They are somewhere around here! Ayokong mahanap nila agad ako.
Hindi agad ako umalis sa pwesto ko at tahimik lang akong nagmasid sa paligid. Wala na ulit akong narinig na kakaibang ingay pero unti-unti kong nararamdaman ang dalawang— hindi mali, limang aura ng hindi ko maipaliwanag na nilalang.
Mas lalong nanginig ang mga tuhod ko ngunit pinilit ko pa ring maglakad patungo sa pinagmumulan ng aura. Dahan-dahan at maingat ang bawat hakbang ko para hindi nila agad ako mapansin pero natigilan ako nang maramdaman ang isa sa limang aura na nasa likuran ko. They are fast!
"Paanon—"
"Woooaah! Look who's here!" Masiglang saad ng nasa likuran ko at unti-unting nagsilapitan ang mga aurang nararamdaman ko lang kanina. I'm totally doomed!
Bumungad sa 'kin ang apat na golem na kakulay ng lupang tinatapakan ko. Napaatras ako nang makitang hanggang tuhod lang ako nito, naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa isa sa kasama nila kaya muli akong umabante ng bahagya. What do I do? Napalilibutan na nila ako ngayon.
Muli kong narinig ang kakaibang ingay na narinig ko kanina kaya napatingala ako sa kanila. Kung gano'n ay nanggagaling 'yon sa kanila, pero bakit... Pinagtatawanan nila ako?
"You are the apprentice of Humira, aren't you?" Tanong ng isa sa kanan ko saka muling tumawa.
"Siya 'yong tinutukoy ng mga taga rito, hindi ba?" Tanong ng katabi ng unang nagtanong. Tulad ng una ay natawa din ito. Akala ko ba walang pumupunta dito, paano nila nalaman 'yon? Bakit nila ako pinagtatawanan. Tsaka bakit kung makapag-usap sila ay parang wala ako sa harapan nila? Like hello! I'm here, dito oh!
"Ha! Pumunta ka dito para sa isang bato, tama ba?" Tanong ng nasa harapan ko, seryoso ang tuno nito at hindi siya tumawa tulad ng dalawa kanina.
Paano niya nalaman ang pinagagawa ni tanda? Do they have clairvoyance magic, but that's impossible.
Kanina pa ako madaming tanong pero hindi magawang lumabas ng kahit na anong salita mula sa bibig ko. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko hanggang ngayon at pakiramdam ko ay hindi ko na magagawang tumakbo. Katapusan ko na ba?
Bumalot ang katahimikan sa paligid sa loob ng halos isang minuto, hanggang sa may narinig na lang akong isang bagay na bumagsak sa harap ko, kung hindi ako nagkakamali ay ang nasa kanan ko ang bumato no'n. Dahan-dahan akong napayuko para tingnan ito at bumungad ang isang kulay berdeng bato na hugis bilog, ngunit bukod do'n ay wala na akong makitang kakaiba mula sa bato.
Ito na ba ang pinapakuha ni tanda? Wala namang kakaiba dito ah, saan niya 'to balak na gamitin?
"Ha! Kunin mo 'yan at umalis ka na!" Utos ng seryoso sa kanila saka tumalikod para maglakad paalis. Gano'n din ang ginawa ng isa sa kanila na kanina pang nasa likuran ko. Teka, 'yon na 'yon?
Napakunot ang noo ko na kinuha ang bato mula sa lupa, sa oras na ito ay sa wakas tumigil na rin ang panginginig at takot na nararamdaman ko. May mali! May hindi tama dito. Oo, nagpapasalamat ako na hindi nila ako tinuluyan ngayon pero bakit nila ibinigay ang batong 'to ng gano'n kadali kaysa sa inakala ko?
"S-Sandali!" Humugot ako ng lakas ng loob para tawagin sila, huminto sila sa paglalakad ngunit hindi na sila nag-abala pang lumingon pabalik. Hindi kaya mali lang ang pag-aakala ni tanda? Hindi kaya, hindi naman sila gano'n kapanganib tulad ng mga haka-haka? Baka tulad ko lang din sila na akala ng iba ay masyadong mapanganib. "U-Uhm... Maraming salamat."
Nagulat ako sa biglang lumabas sa labi ko pero mas nagulat ako sa biglaang pagtawa ng seryoso sa kanila kung saan tahimik lang ang apat. 'Yong tawang subrang nakakakilabot at nagpatayo ng mga balahibo ko, "Ha! Ibinigay ko 'yan sa'yo para sirain ang plano ni Humira, 'wag kang mag-alala darating ang araw na ako mismong tatapos sa'yo"
Napalunok na lang ako sa sinabi nito, mukhang ako pala ang may maling akala, mukhang tama ang haka-haka.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at mas pinili ko na lang na 'di umimik tulad ng ginawa ko kanina. Mahirap na't baka magbago ang isip nila at maisipan nilang tuluyan ako.
Lalakad na sana ako pabalik nang muli akong may naramdaman na aura, iba ito sa limang golem na nakaharap ko at masyado itong mahina kaya hindi ko agad napansin kanina. It's slowly fading, and this is bad! Where is it coming from?
Pinakiramdaman kong mabuti ang aura hanggang sa mahanap ko kung saan ito nagmumula.
Tumakbo ako para puntahan ito nang bumungad sa harapan ko ang isang lalaking nakadapa sa lupa at... walang malay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (32)

  • avatar
    BalluangSheena Khate

    I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Ariel L Henugin

    w0w

    15d

      0
  • avatar
    BaluyutErica

    maganda

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด