logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The Adventure Of Lumina: Lost Village Arc

The Adventure Of Lumina: Lost Village Arc

Procastinautor


Chapter 1: A Sudden Mission

Lumina's point of view
I saw a blue butterfly flying towards my direction, tumayo agad ako mula sa pagkakaupo bago pa man ito tuluyang makalapit.
Itinaas ko ang kanang kamay ko para dapuan ng paru-paru at lumapit naman ito agad. Pinapatawag niya ako, so she's here after almost a year huh.
Lumipad papalayo ang paru-paru kaya nag-umpisa na akong maglakad papunta sa bahay niya kung saan ko siya pwedeng makita. I'm excited, it's been a year since I last saw her after all.
"I wonder what is she up to" a lady murmured while I was passing by. Alam kong kahit hindi ko siya tingnan ay nakatutok ang mga mata niya maging ng kasama niya sa 'kin. Here we go again!
"Well she's a foreigner in our country, didn't she? So we didn't know what she would do." Dagdag pa ng kausap niya, ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad na para bang wala akong narinig.
"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin 'yan sa bayan natin." Tugon pa ng isa sa kasama nito.
"Walang may lakas ng loob, kasi malay ba natin kung anong sumpa o itim na aura ang nakabalot sa babaeng 'yan, mahirap na't baka manganib ang buhay ng pamilya natin" muling saad ng naunang nagsalita.
Bahagyang malayo na ako sa kanila pero naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Ewan ko ba kung alin sa pandinig ko at bibig nila ang malakas o sadyang nananadya sila. Pero dahil sa paulit-ulit na din naman 'tong nangyayari ay nanahimik na lang ako tulad ng parati kong ginagawa.
I'm getting used to it, well it's always like this every time they saw me. I didn't do anything wrong for them to be mad, sadyang sa mismong presence ko pa lang ay nag-iinit na ang mga dugo nila. Hindi ko alam kung anong rason nila o talagang big deal lang para sa kanila ang pagiging 'foreigner' ko daw na tinutukoy nila.
I am here for almost 2 years at wala akong ibang magawa kung hindi ang manatili dito, because I don't have anywhere to go from the very start. I am here because I don't have a choice, gosh, talk about being hopeless!
Napahinto ako nang tuluyan akong makalayo sa maingay na bayan at napadpad sa mas tahimik na lugar. I looked up at the sky at hindi ko pinansin ang init na tumatama sa mukha ko. Hindi naaapektuhan ang katawan ko because I'm wearing a cloak.
"Saan nga ba nagsimula ang lahat?" Tanong ko sa sarili ko, itinaas ko ang kamay ko para abutin ang kalangitan at pinagmasdan ito, "Ah, tama... doon sa madilim at masikip na lugar." Sagot ko sa sariling tanong kasabay nang pagkurba ng mapait na ngiti habang unti-unting pumapasok sa isip ko ang alaala no'ng araw na 'yon.
2 years ago:
Unti-unti akong nagmulat nang maramdaman ang paggalaw ng lugar na kinaroroonan ko. Bumungad sa akin ang madilim na kapaligiran, naramdaman kong nakaupo ako, maybe because the space is limited para magkasya ang buong katawan ko para gumawa ng ibang posisyon.
Masikip ang buong lugar at unti-unting nawawala ang paghinga ko, mukhang hindi na ko kakayaning tumagal pa sa loob nito. Ano ba kasing lugar 'to?
Wala akong ideya kung nasaan ako o kung paano ako napadpad sa lugar na kinaroroonan ko ngayon.
Pinilit kong alalahanin kung ano nga ba ang nangyari pero sumakit na't lahat ang ulo ko, wala pa ring pumapasok sa utak ko. Napahawak ako sa ulo ko nang animo'y mabibiyak ito and that time I realized that I don't have any memories about what really happened and about everything.
I don't have a feeling of having one once, so maybe it's just me, siguro talagang wala naman ako noon that's why I felt that I'm empty and I have no reason to know everything kasi para saan pa? It's just that... I just... Want to have some of it, some that I can at least live with to treasure.
I was alone and empty inside that darkness and when I was about to passed out, I saw a light that slowly scattered everywhere.
May biglang bumukas ng lugar na kinaroroonan ko, dahilan para bumungad ang liwanag na nagmumula sa tirik na tirik na araw. Nanghihina at dahan dahan akong tumayo, saka ko lang napagtanto na nasa isang kahoy na kahon pala ako. Kaya pala masikip at madilim.
Nilingon ko ang dalawang lalaki na bumukas ng kahon at napaatras ito, mapipinta sa mga mukha nila ang takot habang nanginginig sa kinatatayuan nila. I was about to say something like 'thank you' nang kumaripas sila nang takbo papalayo sa 'kin.
Napakunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon nila at akala ko ay silang dalawa lang ang magiging gano'n but I'm wrong. When I was roaming around for the first time in this island everyone was acting strange, totally strange.
Bawat taong dadapuan ng mga mata ko ay umiiwas o kung 'di naman kaya ay pumapasok sa loob ng bahay nila. Para akong may nakakahawang sakit na ano mang mangyari ay kailangan nilang iwasan and I found it funny but totally sucks.
Sinubukan kong magpatuloy sa paglalakad nang hindi pinapansin ang mga kinikilos nila at ilang bulong-bulungan na hindi ko naman maintindihan.
Huminto ako nang mapansin ang isang kakaibang bahay mula sa 'di kalayuan. Lumang-luma ang desinyo nito, patay ang kulay at nakatayo malayo sa madaming tao, damang-dama ko mula sa pwesto ko ang kakaibang aurang bumabalot dito.
Biglang nanginig ang mga binti ko pero naglakad ako papalapit sa bahay na 'yon sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito pabukas.
Ano bang ginagawa ko? Mapanganib sa lugar na 'to, kailangan kong huminto. Kailangan kong umalis at makalayo sa lugar na 'to bago pa man mahuli ang lahat.
Kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko ay para bang may nagtutulak sa 'kin na pumasok. I felt a sudden chill when I saw someone inside kasabay ng tuluyan kong pagbalik sa kasalukuyang oras.
NAPAHINTO ako sa pag-iisip kasabay nang pagbaba ko ng kamay ko, may tumamang buhangin sa mismong mukha ko na hindi ko alam kung saan nagmula. Pinahid ko ito gamit ang kamay ko at saka ako napabuntong hininga.
Hindi lang salita ang naririnig ko kun'di parati ring nakakatanggap ng kung ano-ano ang katawan ko mula sa kung kanino at kung saan. Hindi na ako nag-abala pang alamin, It's a waste of time after all.
May kaunting pumasok na buhangin sa mga mata ko, pinahid ko ito ng daliri ko at mabilis din namang natanggal. Hindi pwedeng mawala agad ang mood ko lalo pa't katatanggap ko lang ng magandang balita.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang pamilyar na weirdong bahay. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kakaibang aura nito mula sa malayo kahit hindi na ito ang unang beses kong mapunta dito. Pagkarating ko sa harap nito ay binuksan ko agad ang pinto.
"I'm her-" hindi ko natuloy ang dapat sanang sasabihin ko nang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Same lame tricks but she always got me, kaasar!
Ramdam ko ang magic circle na nasa paanan ko, ang rason kung bakit hindi ko magawang igalaw ang katawan ko ngayon.
"You're three seconds late, you dummy!" I mentally rolled my eyes when I heard her voice, kailan ba siya hihinto sa kakamura? "Release!" She said at unti unting nawala ang epekto ng magic circle sa sahig na tinatapakan ko.
"Is this how you greet a person you didn't saw for a year, old lady?" Natawa siya bigla dahil sa tanong ko. Just like her house, she's also weird.
Dumeretsyo ako sa upuan na nakapwesto sa harap niya at agad na naupo, "so how was your mission?"
"Big bang!" She said it obviously uninterested, "let's set that aside for now, I summoned you using blue butterfly so you can come here immediately but you still came late," may diing sabi niya na para bang kailangan ko talagang ma-guilty like duh, it's just 3 seconds.
"Okay fine, sorry for coming here 3 seconds late" I said sarcastically at talagang diniinan ko pa ang '3 seconds' para dama niya, "so what is it?"
Bigla siyang natahimik, ibinaba niya sa lamesa ang hawak niyang tsaa saka siya tumingin ng deretsyo at seryoso sa 'kin. Okay? She's creeping me out, ano na naman ba ang trip nito?
"I have a mission for you that you need to accomplished in three days, this isn't going to be easy so better prepare yourself, Lumina."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (32)

  • avatar
    BalluangSheena Khate

    I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Ariel L Henugin

    w0w

    15d

      0
  • avatar
    BaluyutErica

    maganda

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด