logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

STFW 6

Sinapo nito ang noo. “Pwede ba ninyong ipagpaliban muna iyan? Hindi pa ako handa na may tumawag sa aking lola. Ayoko pang tumanda.”
Nagtawanan sila. “Mama talaga, masyadong conscious sa edad. Kahit naman maging lola ka na, maganda ka pa rin,” sabi ni Aldrich.
“I’m ready to be a grandfather anytime,” nakangiting sabi ni Donato. “Pareho kayong solong anak ni Aldrich. Kaya gusto ko namang kayo ang bumawi. Punuin ninyo ng apo ko ang villa na regalo ko.”
“Walang problema doon, Pa,” sabi ni Aldrich.
“Uncle Don, Aldrich, may bisita ako dito na gusto kayong makausap. Sa tingin ko importante po iyon. Kailangan niya ng tulong,” sabi niya.
Umaliwalas ang mukha ni Donato. “Sure, hija. Handa akong tulungan ang sinumang nangangailangan,” anito sa magaang boses.
Nang tingalain niya si Aldrich ay napilitan rin itong tumango. Hindi ito maaring tumanggi sa harap ng ibang tao. Hindi nito gagawin ang ginawa kay Silang nang nakaraan nang ipalabas ito sa guwardiya. Dapat ay malaman na nito kung paano makitungo sa mga nangangailangan lalo na’t tatakbo sa Senado ang ama nito.
Kinawayan niya si Portia na katabi si Silang at sinenyasang lumapit. Binilinan niya ito na I-entertain si Silang para hindi mainip hanggang makakuha siya ng tiyempo na ipakausap ito kay Aldrich at sa ama nito.
Abot-tainga ang ngiti ni Portia nang lumapit sa kanila. Hindi nito inaasahang si Silang ang magiging sorpresa niya dito. “Congrats, Aiesha, Aldrich!” bati nito sa kanila at umabrisyete kay Silang. “Good evening, Sir, Ma’am,” anito naman sa mga magulang ni Aldrich.
“Good evening, hija,” bati ni Mr. Dominicano. “Siya ba ang boyfriend mo?”
“Uncle, iyon nga po ang gusto kong sabihin sa inyo,” sabi niya. “I want you to meet Mr. Aladeo. Siya po ang sinasabi ko sa inyo na…”
“Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong ni Aldrich sa kanya at dinuro si Silang. “Hindi ba sinabi ko na sa iyong tigilan mo na kami!”
“Aldrich, ano ba ang problema mo?” mahina subalit mariin niyang tanong.
Akala niya ay magiging pormal ito sa harap ng ibang bisita. Hindi niya inaasahang mag-eeskandalo ito sa harap pa ng magulang nito.
Hindi nito pinansin ang babala niya. “Guard!” tawag nito sa guwardiyang nakaantabay sa di kalayuan. “Guard!”
“Aldrich, don’t!” babala niya dahil nahulaan na niya ang gagawin nito.
Lumapit si Mang Pablo sa kanila. “Ano po ang problema, Sir?”
“Itapon mo sa labas ang lalaking ito,” utos ni Aldrich kay Mang Pablo. “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok pero ayoko siyang makita dito.”
“Mang Pablo, huwag ninyo siyang sundin!” kontra niya.Hindi niya papayagang ipagtabuyan na naman si Silang palabas. Gusto lang nitong humingi ng tulong.
“You don’t have to throw me out,” sabi ni Silang sa kalmadong tono. “I can find my own way out. And thank you for the invitation, Miss Wayne.”
Umalis ito na parang walang nangyari. Ni wala siyang nakitang galit dito. Umakto itong disente kahit ipinagtabuyan ito ni Aldrich. Sinundan ito ni Portia. Na-frustrate siyang lalo. Ni wala siyang nagawa para ipagtanggol ito.
Nagpupuyos niyang hinarap si Aldrich. “Bakit ginawa mo iyon? Bisita ko ang binastos mo!” galit niyang bulalas.
Umamo ang mukha nito. “Mamaya na natin pag-usapan ito, Aiesha. Kanina pa ina-anticipate ng guests ang paglapit natin sa kanila,” malumanay nitong sabi.
“And let you get away with what you did?”
“You barely know the man. Hindi mo nga siya dapat binigyan ng imbitasyon.”
“Gusto ko lang siyang tulungan. And why are you questioning me? Hindi kita inusisa sa mga binigyan mo ng imbitasyon. I barely know most of them.”
Huminga siya nang malalim at uminom sa hawak na kopita ng champagne. Subalit hindi niyon naibsan ang inis niya. Galit na ibinato ang kopita sa paanan. Nagulat ang ilang bisitang nakakita sa inasal niya subalit wala siyang pakialam. Tinalikuran niya si Aldrich at pumasok sa loob ng bahay. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagalit siya dito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay napapahiya sa mga tao. Lalo na sa isang taong katulad ni Silang na walang ginawang masama.
Nakasimangot pa rin siya nang makasalubong ang nakangiting mga magulang. Subalit hindi rin niya pinansin ang mga ito at nilagpasan lang.
“Anong problema kay Aiesha, hijo?” tanong ng Mommy niya kay Aldrich na kasunod niya. “Nag-away ba kayo?”
“It is nothing, Tita. Ako na po ang bahalang umayos,” magiliw nitong sabi.
“Sige, kami na ang bahala sa mga bisita. Basta ayusin ninyo iyan.”
Hinawakan siya sa balikat ni Aldrich nang maabutan siya. “Sweetie, huwag ka nang magalit,” malambing nitong sabi.
Hindi pa rin maipinta ang mukha niya nang harapin ito. “Huwag magalit? He is my visitor and I wanted to help him. Pero ipinagtabuyan mo siyang parang hayop. You didn’t act like a civilized person!” sumbat niya.
“You don’t understand.” Hinaplos nito ang sariling noo na parang nahihirapang magpaliwanag sa kanya.
“Masama ba siyang tao? Kriminal ba siya? Ganyan ka ba tumulong sa tao?”
Ni hindi nito ikinonsidera na bahagi ng voting public si Silang Aladeo. At kahit hindi pa eleksiyon, wala pa rin itong karapatan na tratuhin nang masama ang bisita niya. Lalo na sa isang sibilisadong tao na tulad nito.
“Let’s leave the issue. Bumalik na tayo sa mga bisita,” pang-aamo nito.
Humalukipkip siya at matapang itong tiningnan. “Hindi ako babalik sa kanila. Ikaw na lang kung gusto mo.” Kapag galit siya, ayaw niyang humarap sa ibang tao. Hindi kasi niya ugaling maging plastic.
“Hindi yata ikaw ang masunuring Aiesha na kilala ko.”
“At hindi rin ikaw ang Aldrich na kilala ko. Tuwing may hihingi ba ng tulong sa iyo, ipagtatabuyan mo ba at ipapakaladkad sa guwardiya? Iniisip ko tuloy na matapobre ka. And you are not helping your father’s candidacy. How can he get a seat in the Senate if you are acting like a pompous ass?” That was the first time she called someone an ass. At sa lalaki pang pakakasalan niya at mahal niya.
“Aiesha, stop it!” saway nito sa kanya. “Do we have to fight over that guy? And forget about my father’s candidacy for once. This our night.”
“You ruined it!” Pwede naman nitong kausapin nang maayos si Silang. Kung bastos ito o kung hindi nila magugustuhan ang sasabihin, siya mismo ang magtataboy dito at magpapakaladkad sa guwardiya palabas.
May kumurot sa puso niya nang maalala ang mukha ni Silang. Hindi ito ang tipo na nambabastos. May dignidad pa rin ito sa kabila ng panghihiya ni Aldrich.
“Okay, I’m sorry. Walang justification ang ginawa ko sa bisita mo. Pero wala na siya. Pwede na ba tayong bumalik?” anito at iniyakap ang kamay sa baywang niya. “Let’s show them how happy we are.”
Inisip niya kung masaya nga siya. Mula nang makilala niya ito, ngayon lang siya hindi naging masaya. Lalo na’t paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang guwapong mukha ni Silang Aladeo. Isang misteryo ito sa kanya. What power does he have to bring out the worst in Aldrich?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (25)

  • avatar
    Neisteven Jacob

    khhjjjj you want it to be done 👍 I will be home tomorrow morning and get back with the day dady I didn't get a chance you po pahinging diamond 💍 I can help in that area of the kids are in that everything

    28/06

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story 🫰🫰

    14/05

      0
  • avatar
    Ezekiel Abon

    love it

    09/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด