logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Special Chapter Part 2: Justin's Untold Point of View

Isang taon at kalahati na ang nakakalipas simula noong ma aksidente si Yassie. Isang taon na rin siyang naka comma. Nalaman namin ang dahilan ng pagkakabangga niya at hindi namin itinuloy ang kaso sa nakabangga sa kaniya dahil wala naman itong kasalanan at may sumabotahe sa kaniya. Tinulungan na lamang namin siyang makulong ang kamag anak niyang may gawa noon sa kaniya nang sa ganoon ay makuha namin ang hustisya para kay Yassie kahit papaano.
Lalo akong naging busy sa nagdaang buwan dahil ako na rin ang nag iintindi ng shop ni Yassie. Bihira ko na ring makausap si tito Anthony dahil ramdam ko ang galit niya sa akin. Habang si Innah, palaging nasa hospital at hindi umaalis sa tabi ni Yassie. Ngayon ay kitang kita ko kung paano siyang nagsisisi sa ginawa niya. Araw-araw siyang humihingi ng tawad sa akin at kay Yassie kahit na tulog siya.
Aaminin ko na noong una ay galit na galit ako kay Innah at hindi ko siya mapatawad. Ngunit ngayon, nakuha ko na din siyang patawarin. Nagbago na siya. Napakabait na niya.
Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa hospital upang bisitahin si Yassie nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag. Tiningnan ko iyon at nakitang si Innah ang tumatawag.
"Hello?" bungad ko.
"Gising na siya, Justin." wika niya sa kabilang linya na ikinatigil ko.
"Talaga? Papunta na ako diyan." wika ko at binaba ang tawag. Minadali ko ang pagmamaneho, makarating lamang agad.
Miss na miss ko na ang mahal ko.
Nang makarating sa hospital ay agad akong pumasok at nagmamadaling lumapit kay Yassie.
"Yassie!" pagtawag ko.
Niyakap ko agad siya ng mahigpit nang makalapit ako sa kaniya.
"Yassie, How are you? Are you feeling well? Fuck, I miss you." wika ko. Pero wala akong nakuhang sagot. Humiwalay ako at nagtataka siyang tiningnan.
Hinila ako ni Innah at pinalabas.
"Hey. Calm down." wika niya.
"What happened? Bakit wala siyang reaksyon? Galit pa rin ba siya sa akin?" sunod-sunod na tanong ko.
" I'm sorry to tell you this but she lost her memories." malungkot na wika niya.
"Ano?" tanging nasabi ko.
"Ang sabi ng doctor ay huwag muna natin siyang piliting makaalala. Huwag mo munang biglain. Magpakilala ka muna bilang kaibigan niya. Tsaka natin unti-untiin." paliwanag niya.
"Fine. This is frustrating." malungkot na wika ko at ikinalma ang sarili bago muling pumasok sa loob. Sinunod ko ang payo ni Innah. Nagpakilala ako bilang isang tao na sobrang kaclose niya.
Nagkwentuhan lamang kami sa hapong iyon. Sobrang namiss ko ang tawa niya. Sobrang namiss ko siya.
Di rin nagtagal ay dumating sina tito Anthony at Tita Yssabella. Di tulad noon ay hindi ako pinansin ni Tito. Nang matapos kaming kumain ay lumapit sa akin si tito na ikinagulat ko.
"Let's talk outside." utos niya at lumabas. Sumunod naman ako agad.
"Tito--"She lost her memories." putol ni tito sa akin. "Huwag mo siyang piliting makaalala. Don't help her. Let her remember you herself. At kapag nangyari iyon, papayag na ulit akong magpakasal kayo. At sa kaling may manligaw sa kaniya, wala ka pa rin dapat gawin. Huwag mo akong suwayin at biguin dahil ito na lamang ang huling tsansang ibibigay ko sa iyo. Kung hindi mo gagawin ay lumayo ka na sa anak ko dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." wika niya at pumasok nang muli sa loob.
Halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa narinig. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa kawalan ng magagawa. Nasira ko ang tiwala niya. Dapat lang na harapin ko ang pagsubok niya. Kung iyon ang tanging paraan para mabalik ang tiwala niya ay gagawin ko. Basta para kay Yassie.
Mabilis lumipas ang mga araw. Pagaling na si Yassie kaso si Innah naman ang kinailangan ng atensyong medical. Lumaki ang butas ng puso niya at kinailangan niyang pumunta sa ibang bansa. Labis iyong ikinalungkot ni Yassie ngunit nakatulong iyon sa akin dahil araw-araw na ako ang kasama niya. Sa ganoong paraan ay alam ko ang nangyayari sa buhay niya.
"What happened to your shirt?" tanong ko nang makabalik siya dito sa office niya matapos tawagan ng isang customer.
"May ta-tanga tangang bumangga sa akin. Bwisit." wika niya. Ako naman itong napansing bumabakat ang dibdib niya. Fuck! This is torture. Agad kong hinubad ang coat ko at hinagis iyon sa kaniya para matakpan ang dibdib niya.
Palagi na lamang akong sinusubok ng mga pangyayari sa buhay ni Yassie ngunit sinisikap kong kumalma. Pero ang malamang nililigawan siya ng pinsan ko ay talagang nakakapanghina. Ito na. Nangyayari na ang kinakatakutan ko. At ang mas nakakapanghina pa ay nararamdaman kong nahuhulog na siya kay Jharvis. Kaya't nang makita kong muntik na silang maghalikan sa dalampasigan, hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin ang pinsan ko. Ginawa ko na lamang dahilan ang pagiging playboy niya upang wala akong maging problema sa ginawa ko. Pero sa loob-loob ko, hindi ako mapakali. Gusto ko nang hatakin pabalik sa akin ang girlfriend ko. Pero hindi ko kaya. Hindi pwede.
Nasasaktan ako kaya pinili kong maglasing mag-isa. Pero dumating siya. Sinundan niya ako at nakaramdam ako ng kaunting saya dahil doon. Kailangan siya ni Jharvis pero ako ang pinili niyang samahan.
"I miss y---"I'm afraid." tanging nasabi ko dahil kamuntik na akong madulas.
"Why?" tanong niya.
"I'm about to lose her." I'm about to lose you, my greatest love. At wala akong magawa para pigilan iyon.
Lumipas ang mga araw at alam kong nagkikita sila palagi ni Jharvis. Palagi din akong may mata sa paligid. Kaya't alam ko ang nangyayari.
"Nagdate po sila sa arcade, sir. Mukhang ang saya-saya nilang magkasama." wika ng imbestigador ko at ipinakita sa akin ang mga larawang kinuha niya.
Tama siya. Masaya si Yassie sa gala nilang iyon. At dahil doon ay unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.
Noong nakaraan ay nakarating na si Innah. Pero nakakapagtakang hindi ko naririnig o nakikitang nagsama na sila ni Yassie. Ngayon alam ko na ang dahilan.
"Have you talk to Innah again?" tanong ko kay Yassie na ikinatigil niya. Nahirapan pa siyang lumunok kaya uminom siya ng tubig. "I guess not yet." wika ko.
Tinanong ko ang dahilan at sinabing naiilang siya. Sa pagtataka ay lalo akong nang-usisa.
"She's Jharvis' ex girlfriend." sagot niya.
Dahil doon ay alam ko na kung bakit.
"Now I know why you're like that." wika ko. "Do you like him already?" tanong ko na hindi niya sinagot.
"You like him." Anunsyo ko at sigurado ako doon. At itinanggi niya iyon kahit halata namang totoo at napakasakit noon para sa akin.
Lumapit ako sa kaniya, hinawakan ang pisngi niya at maingat iyong hinimas tsaka ko siya tinitigan. Maaring ito na ang huling pagkakataon na malalapitan ko siya ng ganito. Lulubusin ko na. Napansin niya ang lungkot ko kaya agad siyang nag-alala at napatayo.
"What's wrong?" tanong niya ngunit hindi ko iyon sinagot. sa halip ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Mahal na mahal kita.
Nais ko iyong isatinig pero hindi pwede.
"Hindi ko pinipigilan ang nararamdaman mo. Pero sana hindi mo na maulit ang nagawa niya noon. Huwag mo sanang bitawan ang mga mahahalagng tao sayo. Sana mahanap mo pa ang daan pabalik." sa akin.
Hindi ko iyon pwedeng sabihin kaya't hanggang isip na lang na sana ay bumalik pa siya sa akin. Naluluha ako ngunit pinigilan ko ito. She must not know.
Mahal na mahal kita, Yassie.
Bulong ko sa isip ko bago ko siya binitawan at umalis doon sa office niya.
Iyon na ang pinakamasamang araw ko. Hindi ko nakayanan ang sakit at buong araw akong nagmukmok sa bahay ko. Pero kinabukasan ay pumasok ako at bumalik sa dati dahil kailangan. Hindi ko naman inaasahan na may magandang balita pala akong malalaman sa araw na iyon. Laking pasasalmat ko dahil natauhan si Yassie at ipinaubaya na niya si Jharvis kay Innah. May pag-asa na ako ulit. Sana maalala na niya ako.
"Are you busy?" tanong ni Yassie matapos naming kumain ng tanghalian.
Nang sabihin kong hindi ay agad niya akong inayang gumala pero naisipan niyang pumunta sa bahay ko. Nais kong makasama siya doon dahil bahay sana namin iyon ngayon kung hindi lang nagkaganito kaya hinayaan ko siya sa gusto niya. Dinala ko siya sa magiging bahay namin. At doon nangyari ang matagal ko nang pinakahinihintay. Naalala na niya ako.
"Babyy..." sambit niya habang umiiyak na ikinatigil ko. Panay ang sorry niya pero wala akong maramdaman kung hindi saya.
"Do you still love me?" tanong ko. Kinakabahan man ay tinanong ko pa din iyon.
"I love you still. I will always will." sagot niya na ikinahinga ko ng maluwag.
"That's all that matters to me." sagot ko at niyakap siya.
Sa wakas, mahal ko. Bumalik ka na.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (43)

  • avatar
    Dump Ruinata

    hehehe

    26/07

      0
  • avatar
    Nam Si

    nó rất hay và cuốn

    18/07

      0
  • avatar
    Ursal P Jude Arcel

    is so 👍 good

    15/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด