logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 32- Acceptance

"Hey." bungad ni Jharvis nang makalabas ako ng condo ko.
Hindi ko siya pinansin. Ni ang pagtingin ay hindi ko ginawa.
"Wait." wika niya at hinawakan ang kamay ko upang pigilan akong umalis. "I just want to talk to you, that's all. Don't worry. After this, I'm won't bother you anymore." dagdag niya.
Nilingon ko siya.
"Go on." wika ko. Hudyat para magsimula na siyang magsalita.
"I'm sorry." panimula niya. "I really like you. Ginusto kita alam ko yon sa sarili ko. Pero noong bumalik siya, naguluhan ako. Tama ka. Galit lang ako kaya pinipilit kong ikaw ang gusto kong makasama. I'm sorry." wika niya.
"You know, I already like you. But that's not enough para ipaglaban kita at agawin nang tuluyan sa kaibigan ko. Hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko at kaya pa kitang pakawalan. Kaya habang maaga pa, binitawan na kita. Ayokong maging makasarili." wika ko.
"I'm sorry." paumanhin niyang muli.
"It's okay. I understand but it doesn't mean that it doesn't hurt. May kaunting sakit pero okay lang." wika ko at ngumiti sa kaniya. Totoong ngiti iyon dahil tanggap ko. Tanggap kong hindi naman ako ang nangunguna para sa kaniya, si Narie iyon. Mahal niya si Narie. She's her first love after all.
Ngumiti siya pabalik at niyakap ako. Nagulat ako kaya't hindi ako agad naka react. Nakatayo lamang ako at walang ginawa.
"I will always be greatful that I met you. You changed me. Pinaalala mo sa akin ang tunay na Jharvis na nakalimutan ko. Maraming salamat." wika niya na ikinangiti ko.
"I'm glad to hear that." wika ko at tinapik nang bahagya ang likod niya habang nakayakap pa siya sa akin. Ilang sandali pa ay humiwalay na siya.
"She's inside. Dito siya natulog kagabi. Mabuti at nagising ka na sa kahibangan mo dahil kung hindi, iuumpog na talaga kita sa pader." wika ko na ikinatawa niya.
"You're really rude." wika niya at tumawa.
"Pumasok ka sa loob. Take care of her." wika ko at binuksan ang pinto ng condo ko para makapasok siya.
"Okay lang ba?" tanong niya.
"Yup. Bumawi ka sa kaniya. Mauna na ako." wika ko at tumalikod na.
"Thank you, Yassie." wika niya.
Lumingon ako sa kaniya at natawa.
"C'mon that's not free! Treat me in Chanel." wika ko na ikinatawa niya.
"Mukha ka nang Chanel." natatawang wika niya. "Sige na pumasok ka na sa trabaho. Salamat ulit." wika niya. Ako naman itong ngumiti at tumalikod na. Naglakad ako papuntang elevator at pumasok na doon.
"Napakagaan sa loob." wika ko.
Ilang minutong byahe ang ginawa ko at nakarating na rin ako sa shop ko. Bumaba ako sa kotse at pumasok na doon.
"Good morning, ma'am." bati ng bawat staff ko na nadadanan ko at lahat ng mga bating iyon ay ngiti ang isinukli ko. Diretso na akong pumasok sa office ko at inabala na ang sarili ko sa mga paperworks ko.
Busy ako sa pag-iisip ng bagong dish na ilalagay sa menu ng shop ko nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakitang si Narie ang tumatawag kaya't sinagot ko iyon.
"Ganne!" halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. She's happy.
"O bakit?" tanong ko.
"Nandito siya! Nandito siya! Pinaghanda niya ako ng umagahan!" wika niya sa malakas na boses na ikinatawa ko.
"I let him in." wika ko.
"Nakakapanibago ang bait niya sa akin ngayon." wika niya.
"Dapat lang." wika ko.
"Pero, Ganne..." wika niya at alam kong iisipin na naman nito ang nararamdaman ko.
"Narie, I told you. I'm fine. Actually we already talked a while ago at nalinaw na ang dapat linawin. Be happy, Narie. That's what I want you to feel. Don't feel guilty about me." wika ko.
"Thank you so much." wika niya.
"O siya sige na. Mag-ayos ka na at nakakahiya ka. Tulo laway ka pa man din. Kadiri." wika ko.
"Hoy! grabe ka naman! Ito na. Bye. I love you." wika niya.
"I love you." tugon ko at nakangiting binaba ang tawag.
"You look beautiful with that smile. Care to tell me what happened?" wika ni Justin na kakapasok lang.
"Nandiyan ka pala. Ano bang oras na?" tanong ko.
"Pass 12 na, ma'am Yassie." wika niya at inilapag ang dala niyang paper bag sa desk ko.
Lunch time.
Niligpit ko muna ang mga papel na ginagawa ko kanina bago ako humarap muli sa kaniya.
"Anong niluto mo ngayon?" tanong ko.
"Chicken curry." sagot niya habang inihahanda ang mga dala niya.
"Hmmm. Sounds delicious." wika ko at natatakam na tiningnan ang hinayin niyang chicken curry."
"You're in a good mood unlike yesterday. What happened?" tanong niya at naupo na para kumain.
"I made the right decision." sagot ko.
"What decision?" tanong niya, lalong naging interesado.
"I chose Narie over Jharvis. I stopped him from courting me and help him realize that he still love Narie and guess what." wika ko, binibitin siya.
"Ano?" tanong niya matapos sumubo ng pagkain.
"I made it." sagot ko na ikinaliwanag ng mukha niya.
"That's good. But How about you? What do you feel about it?" tanong niya, nag-aalala.
"I am happy about it. Nasaktan ako pero hindi naman ganoon kasakit. Panghihinayang lang siguro ang nararamdaman ko kasi tama ka. May nararamdaman na ako para sa kaniya. Pero hindi pa ganoon kalalim kaya nakuha ko pa siyang bitawan. At napakagaan sa loob dahil alam kong tama ang naging desisyon ko. Thank you, Justin. You made me realize that I am on my way on being a selfish bestfriend. Thank you." wika ko.
"I'm happy to hear that." wika niya at ngumiti.
"Yeah. You help me learn what acceptance is." wika ko.
Alam kong may parte sa akin ang nanghihinayang sa kabila ng saya na nararamdaman ko pero okay lang. Tanggap ko na. Sa ngayon ay magf-focus ako sa sarili ko at magiging kontento. Darating din ang taong para sa akin. Sigurado ako doon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (43)

  • avatar
    Dump Ruinata

    hehehe

    26/07

      0
  • avatar
    Nam Si

    nó rất hay và cuốn

    18/07

      0
  • avatar
    Ursal P Jude Arcel

    is so 👍 good

    15/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด