logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 Electric Shock

Solenn POV
Tinakpan ko ang tenga ko. "Waaaaa! Tama na!!!" Umismid si Arlene.
Sesermonan na naman ako nito dahil feel niya ay mahahati na naman ang tenga niya sa tili ko. Like, hello! This is my unique beautiful voice. Huwag na dapat siyang magreklamo. Oh, well, bahala na nga siya. Hmp!
Kasalukuyan pa rin kaming naririto sa pinagtataguan namin nila Arlene at Larmine. Nakikipaglaban pa rin sila Kairo at Gray kay Ren. Panay teleport si Kairo sa iba't-ibang lugar. Minsan pa ay mumuntikan na siyang matamaan ng kuryente ni Ren, mabuti na lang at nakakatakbo o kaya teleport ito. Iyon nga lang ay masyado na siyang napapagod. Hindi ba sa mga pelikula, kadalasan ang mga baguhan or hindi pa nakakaadjust sa powers na meron sila, talaga mahihirapan silang kontrolin iyon.
Si Gray naman ay naghahanap ng tyempo na makalapit ng tuluyan kay Ren. Ang healing power niya lang ang kailangan para humupa ito. Wala sa tino ang pag-iisip ni Ren, siguro dahil sa powers nila. Pero… Ano nga ba ulit ang sinabi ni Gray? Inborne na ba sa kanila ang powers na 'yan!
Nilingon ako ni Arlene. "Manahimik ka na nga Solenn. Hindi makakatulong 'yang tili mo. Magmatyag ka na lang!"
Psh!
Palibhasa sanay siya sa labanan. Duh! Pastry chef lang ako at siya na naman pulis. Ang alam ko lang ay kung paano pasarapin ang cakes na ginagawa ko, magtimpla ng portions, at magmasa ng harina! Sarap kutusan neto araw-araw, e! Hindi pa nga inaasikaso ang shop ko! Palihim akong nagmake-face at ngumuso. Bakit kapag maingay, ako na lang palagi? Oo nga pala, ako lang naman ang maingay sa amin. Si Larmine naman maarte, at eto naman, shomboy to! Shomboy!
Gaya nang sinabi niya ay nagmatyag na lang ako. As if may magagawa pa ba? Mabuti na lang at may kalayuan kami sa kanila, kundi pati kami tutong na sa kuryente ni Ren.
Nakakamangha ang kapangyarihan niya. The F**k, hindi pa nga mag-sink in sa utak ko si Kairo at Gray, tapos dumagdag pa 'to? As in ba? Totoong nangyayare 'to?
Kinalabit ko si Larmine. "Larmine sapakin mo nga ako ngay—ARAY! Ba't mo 'ko sinapak!?" Hinimas ako ang pisnge ko. Parang nahiwalay ang panga ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ewan ko sa 'yo. Alam mo naman masunurin ako." Lumingon ulit siya sa labanan. "Para akong nanonood ng TV, omg!"
Hindi ko na siya pinansin. Hinimas ko na lang ang pisnge kong sinapak niya. Ang bigat ng kamay ni Larmine. No wonder sa mga role plays namin noong highschool ay talagang namumula ang pisnge ng isa pa naming kaklase. As red na red. Katakot maging kalaban to, masakit manapak!
Anyway.
Hindi naman talaga kapani-paniwala ang mga kaganapang 'to. Kaming tatlo makakawitness ng mala-fantasy na buhay? Nakakabaliw pero nakakamangha. Akala ko sa mga movies lang 'to makikita. Pero ngayon narito sa harapan namin, at live na live. May tsansa pang madamay kami. Bwiset na Arlene 'to! Hanggang ganito pala talaga ang nagagawa ng curiousity, and we are about to die.
"CHEN! Ren kumalma ka!! Ako 'to, si Kairo!—argh!!"
Tumilapon si Kairo dahil harap-harapang sinipa at tinira ito ng kuryente. Ang astig tignan ni Ren ngayon. Nagkakalat sa buong paligid ang kuryente niya. Naalala ko tuloy si Laxus ng fairytale na anime—nasilip ko lang sa pinapanood ni Arlene.
Gusto mang lumapit ni Gray ay hindi niya magawa. Balot ng kuryente ang buong katawan ni Ren. Kaunting dikit niya lang rito ay paniguradong tatalsik siya.
Mabilis na tumakbo si Gray sa tabi ni Kairo. Nahihirapan si Kairo na tumayo dahil sa lakas ng sipa nito sa kanya. Dahan-dahang lumapit sa kanila si Ren. Mabilis na inipon nito ang kuryente sa dalawang kamay at bumuo nang bola ng kuryente.
"O my gosh! Hindi ba nila maisip!?" Aniya Larmine.
Nilingon ko siya. "Ang alin ba?"
"Sumuko na lang sila kasi wala silang laban d'yan. Look, Ren is carrying high voltage— my ghad, mukhang nag-e-exceed pa nga 'yan sa kuryente meron tayo sa bahay. Hindi sila uubra kasi teleportation, 'yung isa naman healing. Makakagamot kapag malapitan. How can they even —ooh!" nilingon niya si Arlene.
"Makakatulong naman siguro ako?" Aniya Arlene, at ikinasa ang baril niya.
Huh!?
Wait…?
Ah!
"Ah! Now I get it! Go Arlene kaya mo 'yan!" I realized, napalakas pala ang boses ko. Na mukhang wrong move—hindi mukhang dahil wrong naman talaga, dahil kunot-noong nilingon ni Ren ang gawi namin.
Kinabahan ako nang sobra. Mamamatay na ata kami. This is it. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Gray at Kairo habang nakatanaw sa amin.
Bumulong ako sa hangin, at pumikit. "Pinagpapasalamat kong nabuhay ako sa mundong 'to, nagawa ko ang mga gusto kong gawin. Marami akong naaccomplish at achievements sa buhay na talaga namang pinagharapan ko. I'm so blessed na nakaabot pa ako sa edad na 'to. Kung katapusan ko naman, wala na akong regrets sa buhay—"
"Takbo!" Naalarma kami sa biglang sigaw ni Arlene. We run as fast as we can.
Saktong binato ni Ren ang bola ng kuryenteng mula sa kamay niya ang pinagtaguan namin. Nanlaki ang mga mata kong napatingin doon. Kung hindi kami nakaalis agad ay paniguradong cremation ang naganap. Abo, toasted. Banga na lang ang kulang. At may isang bagay na na-realize ako… Buhay pa ako! Jusme!
Nahulog ang ibang mga debris dahil wasak ang limang posteng sabay na napatamaan niya.
Mula sa pwesto ni Raja ay walang pasabing pinaputukan niya ng baril si Ren. Tumama iyon sa binti, dahilan para mapaluhod ito. Nawala rin lahat ng kuryenteng dumadaloy sa paligid at sa kanyang katawan.
Gayunpaman ay kulay dilaw pa rin ang mga mata nito.
Agad na nagteleport si Kairo at hinawakan si Ren mula sa likod sa magkabilang balikat. Kumaripas naman ng takbo si Gray at agad na itinapat ang kamay sa parteng ulo ni Ren.
Nakakamangha dahil para may kaunting liwanag na lumalabas sa mga kamay ni Gray. Ang liwanag na iyon ay may kasamang maliliit na munting kinang. Bagamat iyon lang ang ginagawa ay mukhang nahihirapan si Gray. Pinagpapawisan rin ito.
Sa pamamagitan 'nun ay humuhupa ang agresibong si Ren. Ang mga mata niya ay nagbabalik sa natural na itim na kulay.
Matapos ang lahat ay nawalan ng malay si Ren. Inihiga muna ito ni Kairo. Dali-dali na kaming lumapit sa kanila.
Nag-squat si Larmine at tinignan si Ren. "Is he gonna be okay?" Nilingon niya si Gray.
Tumango ito. "Oo. Nakatulog lang s'ya dahil sa pwersa ng kapangyarihan ng kristal sa katawan niya, pagod, at ang healing ko" he smiled. Ginagamot niya ngayon ang binti ni Ren.
Nakahinga naman ako ng maluwang. Phew! Buhay pa ako! Buhay pa kami!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    Ella Mae Badua

    Galaxy

    17/07

      0
  • avatar
    Ingredy Padella

    amei

    03/07

      0
  • avatar
    Marynel Alada Panolin

    marynel Panolin

    08/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด