logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

IOL 5

Umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Toni sa loob ng sinehan. Nagulat ang katabi niyang si Dianne at napalingon sa kanya. “Ate, grabe ka naman kung makatawa. Wagas.”
“Ano naman kung tumawa ako ng malakas? Tayo lang naman ang nandito sa loob ng sinehan. Walang ibang makakarinig,” sabi niya at sumubo ng popcorn.
“Sabagay kung may ibang tao dito iisipin nilang nababaliw ka na, Ate. Drama ‘yung palabas pero tawa ka ng tawa. Okay ka lang?” tanong nito.
“Sino ba naman ang hindi matatawa? Last day na ng flop movie ni Amber. Maswerte nga na umabot pa ng two weeks ang pelikula niya. At dahil naaawa ako sa kanya, nanood na rin ako ng movie niya. I even gave away movie passes for her.”
Noong una ay maraming nanood ng pelikula nito. Pero sa paglipas ng mga araw ay kumaunti ang mga iyon dahil sa di magandang review. Hilaw ang istorya at puro pa-cute lang ang mga eksena na di na bagay pa sa edad ni Amber. Bukod doon ay mediocre lang ang pag-arte nito at sinamahan pa ito ng bida nitong puro mukha lang pero di marunong umarte. What a waste of time and money.
“Ate, tatapusin pa ba natin ‘to? Kailangan mo pang bumili ng regalo para kay Direk Phil,” paalala nito sa kanya.
Tumayo siya at dinampot ang bag niya. “Enough of this nonsense. Let’s go.”
Picking out gifts was not her forte. Lalo na pagdating kay Phil. Hindi kasi siya ganoon ka-creative lalo na sa pagbibigay ng mga regalo. Dalawang oras na silang paikot-ikot sa mall pero wala pa rin siyang mapiling nababagay na regalo para dito. Mga baduy kasi ang napipili nito kaysa sa kanya. Sana lang ay nandoon si Aya para tulungan siya. Mas alam nito kung ano ang magugustuhan ni Phil. Pero nasa Dumaguete pa rin ito nag-e-enjoy sa culinary class nito.
Sa huli ay nag-settle na lang siya sa gold cufflinks. Gusto niyang isuot iyon ni Phil kapag umakyat ng entablado at tumanggap ng award. Nakakasiguro siya na pararangalan ang pelikulang ginagawa ni Phil. Who knows? Baka manalo pa ang naturang pelikula sa mga international film festival. Magiging sikat na direktor ang nobyo niya. And she would grace his arms. Siguro ay dapat niyang paghandaan iyon kapag lumakad siya sa red carpet kasama nito.
“Tiyak na matutuwa si Direk Phil. Miss na miss na niya kayo dahil two months niya kayong hindi nakita,” sabi ni Dianne habang bumibiyahe ang sasakykan niya papunta sa condo ng nobyo.
“Confirm na ba ang reservation sa restaurant na pinili ko para sa dinner namin?” tanong niya at nagsimula nang mag-retouch.
“Opo, Ate. Wala pong problema.”
Sinadya niyang i-clear ang gabing iyon para kay Phil. Dalawang buwan ito sa Bacolod pero di man lang niya nadalaw. Puro tawagan lang sila na minsan ay di pa niya nasasagot sa dami ng trabaho. Kaya naman gusto niyang bumawi dito. Aminado naman siya na sa relasyon nila ay palaging siya ang nagbibigay. Palaging ito ang nanunuyo sa kanya at palaging nagpapasensiya. Dapat naman ay ipakita niyang mahal din niya ito.
Sa lobby pa lang ay binati na siya ng receptionist. “Hi! I just want to check if Direk Phil is in his condo.”
“Yes, Ma’am. Sasabihin ko pong paakyat na kayo.”
“No. Ako na ang bahala. This is a surprise visit actually. Thank you.”
Dalawang beses pa lang siyang nakadalaw sa condo nito at pareho pang may event. Mas gusto kasi niyang dalawin ito sa ancestral home ng parents nito. It was more welcoming. Di tulad sa condo nito na masyadong maliit. Ngayon pa lang siya pupunta sa condo nito nang silang dalawa lang.
Nakadalawang pindot siya ng doorbell bago iyon bumukas. Nanlalaki ang mata ni Phil nang makita siya. Nakasuot lang ito ng bathrobe at mamasa-masa pa ang buhok. “Toni!”
Yumakap siya sa leeg nito. “Hey, gorgeous! Miss me?” Saka niya ito kinintalan ng halik sa labi. His body stiffened. Hindi rin nito sinagot ang yakap niya at ni hindi ito makangiti. “Nasorpresa ka na bigla akong dumalaw, no? Marami pa akong sorpresa sa iyo.”
Hinawakan nito ang balikat niya at inilayo siya sa katawan nito. “H-Hindi ko alam na dadating ka. Naka-robe lang ako.”
Tumaas ang kilay niya. “So what? Then dress up.”
He was very conservative and she appreciated that. Naniniwala daw kasi ito na dapat ay mag-asawa lang ang maging intimate sa isa’t isa.
“O-Okay,” anito at nananatili pa ring nakatayo sa pinto.
“Hindi mo ba ako papapasukin?” tanong niya.
May pag-aalinlangan itong lumingon sa loob. “Medyo magulo pa kasi dito dahil kararating ko lang.”
“It’s okay. I don’t mind,” aniya at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob.
Nagulat siya nang bumukas ang pinto sa kuwarto at isang babaeng nakasuot lang ng maluwag na T-shirt ang lumabas doon. “Phil, gising ka na pala. Di mo man lang ako ginising.” Nanigas ang buong katawan niya. Pamilyar sa kanya ang boses ng babaeng iyon. Hinawi ng babae ang buhok nito at nakumpirma ang hinala niya.
“Aya,” usal niya sa pangalan nito na animo’y lason mismo ang simbolo ng pangalan nito.
Nawala ang antok nito at namutla nang makita siya. “A-Ate?”
Namanhid ang buong katawan niya at hindi niya alam kung paano hihinga sa sobrang galit. Nakuyom niya nang mariin ang palad. “Anong ibig sabihin nito? May relasyon kayong dalawa?” Sana ay hindi ang isagot ng mga ito. Sana ay walang nangyari sa mga ito. Hindi niya kakayanin kung pinagtaksilan siya ng nobyo niya at ng kapatid niya.
Sana ay doon muna tumuloy si Aya kay Phil dahil may problema ito. Dito lang ito pwedeng tumakbo at nahihiya lang magsabi sa kanya. After all, malapit naman ang mga ito sa isa’t isa na parang magkapatid. Wala iyong ibang ibig sabihin.
Nagpapalit-palit ang tingin ni Aya sa kanya at kay Phil. “Ate, kasi…”
Nakuha na niya ang sagot na kailangan niya. May nangyari nga sa mga ito. Niloloko lang niya ang sarili niya kung iisipin niyang walang nangyari.
Dinuro niya si Aya. “Sabi mo aayusin mo ang buhay mo. Mag-iisip-isip ka. Tapos uuwi ka ng ganito?”
Humarang agad sa kanya si Phil nang akmang susugurin niya si Aya. “Kasalanan ko. I was lonely and she was there to comfort me. Malungkot ako dahil parang lagi kang walang panahon sa akin. Aksidente lang kung anumang nangyari sa amin.”
Ibinuka niya ang palad at muling kinuyom habang pinipigilan na masampal si Phil. “Sa dinami-dami ng babae, bakit kapatid ko pa, Phil? Pinagkatiwalaan kita. I expect more from you. Simula ngayon lumayo ka na sa aming magkapatid. Aya, uuwi na tayo.”
Kalilimutan niya ang lahat ng iyon. Kalilimutan niya si Phil. Mapapatawad niya si Aya sa pagkakamali nito. Maaayos pa nila ang lahat.
“Ayoko! Dito lang ako kay Phil,” tutol ni Aya at humawak sa braso ni Phil.
Nahigit niya ang hininga. “Ano bang ginagawa mo?”
Umagos ang luha sa mata nito. “Mahal ko siya, Ate. Dati pa man mahal ko na siya. Pero nanahimik ako dahil ikaw ang mahal niya. Pero binalewala mo ang pagmamahal niya. Masyado kang busy sa trabaho mo. Kaya ako ang nandito para sa kanya. Ako ang nag-alaga sa kanya. Kaya mo hindi mo siya masisisi kung…”
Sinubukan niyang hablutin ang buhok nito pero naharang siya ni Phil at niyakap palayo kay Aya. “Tama na ‘yan.”
“Anong tama na?”
Lalong napahagulgol ng iyak si Aya. “Ate, sinunod ko lang naman ang nararamdaman ko.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (41)

  • avatar
    DequitoShahani

    napaka ganda ng story na ito dalang dala ako sa kwento...

    18/01/2022

      0
  • avatar
    Candy Claire Calba

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Jing Castro

    Ang ganda ng novel

    23/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด