logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1: Secretary DeVille

ADELYN'S POV
Bumukas ang pintuan sa gilid ko kaya naman lumabas ako mula sa loob ng kotse, at pinagmasdan ang matayog na gusaling nasa harapan ko. Ipinikit ko ang aking mata at ngumisi habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin, na nagsasabing umaga na at simula na ng paghihiganti ko.
Iminulat ko ang aking mata at nagsimulang humakbang papasok sa natukoy na gusali.
"Good morning, Miss President!" Grey greeted me with a smile. "Saktong kararating lang ng secretary mo at nasa opisina mo na siya," pamamalita pa nito kaya naman mas lalong sumigla ang umaga ko.
Kung gayon ay nasa opisina ko na siya— hindi na siguro siya makapaghintay na maging impyerno ang buhay niya.
Hindi na ako tumugon at nagtungo na sa elevator. Sumakay na ako doon hanggang sa marating ang ika-labin' dalawang palapag kung nasaan ang opisina ko. Naglakad na ako patungo sa aking opisina at huminto sa isang pintuan, nakaukit mula rito ang katagang 'PRESIDENT' na nagsasabing nasa tamang silid na ako— at binuksan ko na ang pinto.
Agaran akong napatingin sa lalaking nakaupo sa isang silya habang taimtim na binabasa ang hawak niyang mga papel at tumatango-tango pa. Tumikhim ako at naglakad patungo sa aking upuan dahilan upang mapatingin ito sa akin at agad na napatayo.
"Good morning, Ma'am," bati nito habang nakangiti subalit hindi ko siya binigyan ng pansin at dumiretso lang sa pag-upo sa aking upuan. "Ah, ako po pala si Chuck DeVille," pagpapakilala nito ng hindi inilalahad ang kaniyang palad kaya napatingin ako sa kaniyang mukha.
Abot tainga ang ngiti nito. Napaka-inosente ng kaniyang mukha, may mapupungay na itim na mata, pink na hugis pusong labi, at tama lang ang kulay ng balat. Ayos na ayos ang mukha nito— malayo sa pangit niyang litrato sa resume— kung sabagay, magaling pumili ang kapatid ko kaya imposibleng pumatol siya sa mukhang aso. Pero ang katawan nito, medyo patpatin at mukhang sakitin.
"Ma'am?" usal nito at kumaway sa harapan ng mukha ko. "Ayos ka lang po ba?" tanong nito sa akin at sinapo ang noo ko kaya agad kong tinabig ang kamay niya dahilan upang mapahinto siya.
"Sinong nagbigay sa'yo ng permisong hawakan ako?" malamig kong saad rito na ikinayuko niya at halatang nahihiya sa nagawa niya.
"Pasensya na," anas niya sa malungkot na boses.
Pinagmasdan ko ang mukha nito hanggang sa hindi ko mapigilang hindi magtaka sa ikinilos at isinaad niya.
"I don't accept apologies. Ayoko sa lahat 'yung nagkakamali kaya gawin mo ng maayos ang trabaho mo," panenermon ko sa kaniya kahit na umagang-umaga pa lang.
"Opo. Pasensya na," muli niyang hayag na sininghapan ko kaya napatingin ito sa akin. "Ah, haha. Sorry— nako naman," usal nito at tinapik-tapik ang bibig niya na animo'y sinisita ito. Umirap nalang ako sa hangin dahil sa ka-engotan niya. Wala siyang utak. Mukha nga siyang mabait pero paniguradong pakitang tao lang 'yan, nasa loob ang kulo at palalabasin ko iyon.
"Nauuhaw ako. Ikuha mo ako ng kape." Nginitian niya ako at saktong pumasok si Grey na may hawak ng kape.
"Hindi niyo pa po naiuutos ay nagpatimpla na ako kay Sir Grey," tugon nito at sakto namang inilapag ni Grey ang isang tasa ng kape sa harapan ko.
Tumaas ang kilay ko at tinignan ang dalawa, "tinawag mo pa siyang Sir Grey pero inutusan mo siya? At ikaw naman, Vice-President ka ng kumpanya pero nagpa-utos ka sa secretary ko?"
Nagkatinginan naman sila at sabay na ngumiwi.
"Ang totoo niyan ay kaibigan siya ng kaibigan ko at maraming beses na rin kaming nagkasama kaya ng humingi siya ng favor na ipagtimpla kita ng kape ay agad kong ginawa tutal may pinagsamahan naman kami," paliwanag ni Grey na tinanguan naman ni Chuck.
Psh. Kasisimula pa lang pero may kakampi na?
Tsaka 'yung kahapon? Nilait-lait niya ba ang lalaking ito dahil ayaw niyang masali ito sa listahan ng mga lalaking pinaglaruan ko? Well sorry siya dahil mas malala pa ang gagawin ko. "Ayoko niyan," sambit ko at tinabig ang tasa dahilan upang mahulog ito, subalit natalsikan naman ang palad ko ng mainit na tubig nito.
"Ma'am!"
Agad akong nilapitan ni Chuck at tinignan ang palad ko pero mabilis ko iyong binawi at sinamaan siya ng tingin.
"Clean it up. Ayoko ng kalat sa opisina ko."
Agad naman itong tumango at pinulot ang nagkalat na bubog sa sahig.
"Tatawagin ko ang jani—"
"'Wag," mabilis kong pagpipigil kay Grey at tinignan siya. "Bumalik ka na sa trabaho mo." Aangal pa sana ito pero tinanguan siya ni Chuck kaya wala itong nagawa kundi ang bumuntong-hininga, sabay bagsak ang balikat na umalis ng opisina.
Nangalumbaba ako sa mesa ko at pinanood lang si Chuck sa paglilinis ng kalat.
"Tanggalin mo ang coat mo." Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin. "Kung magtatawag pa tayo ng janitor ay baka kumalat pa lalo ang natapong kape at baka langgamin ang opisina ko, kaya naman gamitin mo ang coat mo, bilang pamunas."
"Pero Ma'am—"
Itinaas ko ang aking palad at ipinikit ang aking mata tanda na pinipigilan siyang magsalita. "Kung ayaw mo ay makakaalis ka na sa gusaling ito at 'wag na 'wag ka ng babalik," hayag ko at iminulat ang aking mata. "Maliwanag ba?"
Tinignan lang ako ng diretso sa mata hanggang sa bumuntong-hininga siya at hinubad ang suot niyang coat. Nag-aalangan man pero ipinampunas niya pa rin iyon sa natapong kape sa sahig kaya ngumisi ako.
Nagsisimula pa lang ako.
Pinanood ko lang ito sa ginagawa niya at hindi ko naiwasang pagmasdan ang katawan nito. Payat nga siya pero hindi pala siya ganu'n kapayat na tinatangay ng hangin, matangkad rin ito. Kung nalaman ko lang agad na ganito ang hitsura ng kasintahan ni Gaile ay baka botong-boto na ako sa kaniya, pero mabuti na lang at hindi— dahil ipagpapalit niya rin pala sa iba ang kapatid ko. Napakakapal naman talaga ng kaniyang mukha.
Nang matapos niyang malinisan ang kalat sa sahig ay tumayo na ito at hinarap ako sabay tingin sa kaniyang wrist watch.
"Ma'am, 7:20 am na po. Oras na ng meeting niyo," he exclaimed with a wide smile on his face.
Paano niya nagagawang ngumiti sa kabila ng pinagawa ko sa kaniya? Hindi man lang ba siya magagalit? Maiinis? O maiirita? Psh! Gusto ko pa namang makita ang nanggagalaiti niyang mukha pero mukha pa rin itong angel sa harapan ko.
Tumayo na ako at inayos ang damit ko sabay naglakad paalis ng opisina habang nakasunod naman sa akin si Chuck.
"Maiwan ka dito sa labas. Ayokong makita ka nila sa loob ng ganiyan ang hitsura, baka isipin pa nilang tumanggap ako ng basurerong sekretarya." Matapos kong sabihin iyon ay pumasok na ako sa loob ng silid kung saan kami madalas nagtitipon upang pag-usapan ang mga kaganapan sa kumpanya.
Agad na nagsitayuan ang lahat nang makita ako, pero nagbulag-bulagan lang ako at umupo agad na silya ko.
"Let's get started."
•|||•
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay agarang kumunot ang noo ko nang madatnan ang pasilyo na walang katao-tao. I sighed in frustration, pero ilang saglit lang ay natanaw ko si Chuck na tumatakbo hanggang sa makarating na ito sa harapan ko na hinihingal.
"M-m-ma'am, s-sorry po kung n-nawala ako," anito at pinunasan ang kaniyang noo na pawisan.
Pambihira naman oh!
"And where the hell did you go?" tanong ko rito na bakas ang inis sa boses kaya napangiwi siya at tumayo ng maayos.
"A-ahh, kasi po—"
"Shut up. I don't need your damn explanation," agaran kong pagpipigil sa kaniya at suminghal sabay naglakad paalis.
"Ah, sandali lang po, Ma'am!" sigaw nito at sinubukan akong habulin. "You still have a next meeting with—"
Bago ulit matapos ang sinasabi niya ay agaran ko ulit iyong pinutol.
"Ikansela mo lahat. Tinatamad na ako." Dumiretso na ako patungo sa aking opisina. Napansin ko na sobrang linis na ng sahig pero binalewala ko lang iyon at naupo sa aking silya.
"Lintik! Bakit ba sumasakit ang ulo ko sa lalaking iyon? Dapat siya ang nakakaramdam nito pero..." Inis kong ihinulog mula sa desk ko ang mga papeles na nakaharang roon. Ilang segundo lang ay kumalma na ako at isinusubsob ang aking mukha sa desk ko, sabay ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko na ang antok ko na yumayakap sa akin, pero bigla ko nalang naramdaman na may kung anong gumagalaw ng kamay ko kaya agaran akong nag-angat ng mukha. Napaayos agad ako ng upo ng makita si Chuck sa mismong harapan ko.
"Ma'am, 'wag kang magulo," aniya at maingat na ginamot ang namumula ko na pa lang palad na napaso kanina. Ni hindi ko man lang napansin na namumula na ito, masyado akong naging abala sa ibang bagay na maski ang katawan ko ay hindi ko na nabibigyan ng pansin.
Naiirita man ako sa ginagawa niyang panggagamot sa kamay ko pero pinabayaan ko pa rin siya. Sinuri ko ang hitsura nito at napatingin sa katawan niyang sumisilip dahil nakabukas ang tatlong butones ng long sleeve polo niya.
"Ang dugyot ng hitsura mo. Ano ba talagang pinaggagagawa mo habang wala ako?" hindi ko mapigilang matanong sa kaniya.
Sinulyapan naman ako nito at nginitian sabay balik ng kaniyang atensyon sa panggagamot sa kamay ko. "May dumating kasi na dalawang lalaking nagpakilala bilang dati mong secretary at sinasabing kailangan nila ng pera dahil sa pananakit mo sa kanila, kaya naman inasikaso ko muna sila para hindi ka na nila guluhin pa," pagkukwento niya kaya naman mas lalo akong na-curious.
"Ano namang ginawa mo?" sunod kong pagtatanong sa kaniya.
Natawa ito ng mahina at maingat na inilapag sa ibabaw ng desk ang aking kamay matapos niya iyong magamot. "Sikreto ko nalang iyon," tangi niyang sagot at tumayo na. "Lunch time na, uuwi muna ako para malinis at maayos ang sarili ko, pagkatapos ay babalik rin ako. Is that okay, Ma'am?"
Tumango lang ako kaya naman nagpaalam na ito at nagmamadaling umalis. Kumurap-kurap ako sa nagawa ko at napahampas sa aking noo.
Dang!
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko siya mahindian? Hindi kaya hinipnotismo niya ako?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (146)

  • avatar
    Nixon Allen Bernacer

    so fun

    27/07

      0
  • avatar
    John Winzel Urgelles

    wow

    23/07

      0
  • avatar
    Airalyn Jawaddil

    ggghi

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด