logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 08

No matter how cruel our life is, as long as there’s still hope and being with the person who can make us feel alive is enough.
*****
Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko habang pilit na inaalala kung ano ang nangyari, bakit ako nanghihina at hirap akong huminga. Hindi ko rin magawang igalaw kahit ang mga braso ko dahil sa bigat ng pakiramdam.
Saka ko lang naalala ang mga nangyari pakalipas siguro ng ilang minuto. Unti unti ko na ring nararamdamang gising na ang diwa ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero ang huling alam ko ay nasa tree house kami ni Nyx at tinanong nya ako kung pwede ba siyang manligaw. Tama, si Nyx!
Narinig ko ang pareho nilang boses ni mama. Bakit nakakarinig akong umiiyak? Unti umti kong ibinuka ang mata ko at nagulat ako sa narinig.
“H-hindi naman siya tuluyang gumaling, gusto lang daw na iparamdam sakanya ang norma na buhay, Ijo may taning na siya. Hindi na magtatagal ang anak ko.”
Parang tumigil ang mundo ko sa pag ikot. Ito na ba ang sinasabi nilang buhay ka pa lang, hinuhukayan ka nan g lupang paglilib’ngan?
Bakit pa nila kailangang magsinungaling saakin? Bakit pa nila ako hahayaang magsaya kung isa lang din naman ang bagsak ko, mamamatay lang din naman pala ako ng maaga bakit kailangang ang lahat ng ‘to ay maranasan ko pa. akala ko swerte na ako at gumaling na ako sa peseng sakit na ‘to. Akala ko lang pala.
“Hindi mo alam kung gaano kabigat saakin ang makitang masaya siya dahil sa pagsisinungaling ko sakanya. Pero ‘yun na lang ang tanging paraan para sa mga nalalabing oras niya man lang ay may magagandang alaala siyang nabuo ng walang iniisip na sakit.” Naibuka ko na sa wakas ang mga mata ko kasabay ng pagdausdos ng luha.
Bago pa man ako makatawag sakanila ng pansin ay parang nabiyak ang puso ko sa mga sumunod na sinabi ni mama.
“Gusto ko siyang maging masaya, at alam kong mula nung dumating ka mas naging masaya ang takbo ng buhay niya. Pwede bang humingi ng pabor na pasayahin mo ang anak ko. Pasayahin mo siya sa abot ng makakaya mo, gusto kong makita ang anak kong masigla at masaya. At siguadong may Malaki kang maiaambag sa kasiyahan niya. Nakikiusap ako, mahal na mahal ko ang anak ko.”
“Can you please don’t give up? She’s still breathing. Miracles do came true, can’t we just pray for her total recovery instead of crying because her days are numbered? I love your daughter, you don’t need to beg because I insist. I’ll make her happy, I promise.”
Dahil sa sinabi niya ay saka lang ako nagkaroon ng lakas para magsalita. Kasabay ng daloy ng luha at ang paos kong boses, nagtataka akong tumingin sakanila at tinawag si mama, “Ma, anong ibig sabihin ng lahat ng ‘yon?”
“A-anak,” “Leana,” halos magkasabay pa nilang sabi at nagmamadaling lumapit saakin.
Parang gusto kong magwala, bakit ako? Bakit ako pa ang kailangang magdusa ng ganito, bakit? Ano ba ang kasalanan ko?
Dahil sa sobrang galit at poot na namamayani sa dibdib ko ay tinanggal ko ang swero na nakaturok sa palapulsuhan ko, buong buhay ko palagi ng ito ang kasama ko. Bakit pa kailangang paabutin sa ganito.
Pilit nila akong pinigilan at hinawakan ang magkabilang braso ko. Ng kumalma ako ay unti unting nilang binitawan ang kamay ko at lumayo ng bahagya si mama. Nasa kanang bahagi ko si Nyx na pilit hinahawakan ang pisngi ko para iharap sakanya.
“Leana, baby. Look at me please.” Luhaan akong tumingin sa mukha niya at nakita ko ang pinaka ayaw kong ekspresyon sa lahat. Ayoko ng kinaaawaan.
“Bakit pa kailangang kabitan ako ng kung ano anong tubo? Bakit ko pa kailangang manatili sa nakakasukang kwarto ng ospital na ito, kung mamamatay na lang din naman ako?” umiiyak kong saad habang nakatitig parin sakanya ng mariin. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagpipigil ni mama na lumapit.
“Nobody deserves to suffer, nobody deserves to be hurt. But I’m wondering if my name’s Nobody. Because everytime I see you crying, I’m dying. Baby why does it hurt so much?”
Hindi ako nakasagot sakanya bagkus ay marahas kong pinahid ang luha sa mukha ko. Pero hindi parin tumigil sa pagdaloy ang luha ko, sadyang mababaw lang ang emosyon ko lalo na sa mga eksenang ganito. Pinagsisisihan kong hindi ko magawang maging matatag para man lang sana hindi sila makaramdam ng sobrang awa.
“If only I could stop my tears from falling, I already did. Nyx, make me happy. Make my every nanosecond beautiful.”
Bigla niya akong niyakap at nakita ko ang luhaan na si mama sa likuran, tahimik kaming pinagmamasdan. Nginiytian niya ako na kaagad ko namang sinuklian. Napapikit ako ng mariin kasabay ng pagbagsak muli ng walang katapusang luha ko at paghigpit ko ng yakap sakanya.
Pagbitiw niya sa yakap ay tumitig siya ng diretso sa mga mata ko sabay sabing,
“Yes, chronic leukemia can’t be cured. But we’ll make a miracle. Let’s make them believe that love will always win.” Tumawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
Sa kabila ng pag kwestyon ko sa pagkabuhay ko pa sa mundong ‘to, na realize ko na kung hindi ako isinilang ay hindi ako makakakilala ng isang taong handa akong samahan sa lahat ng paghihirap ko. Taong handa akong mahalin ng buo kahit hindi niya alam kung may nararamdaman din ba ako pabalik.
Tinapik ko ang braso niya at nginitian. Tumigil na rin sa pag tulo ang mga luha ko.
“So let’s go take a walk?” nginitian ko na lang siya bago tumingin kay mama na ngiti at tango lang ang isinagot. Siguro nga kailangan ko magpahangin para mawala man lang ang ilang problemang tumatakbo sa isip ko bago pa ako tuluyang mabaliw.
Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas kami. Hindi ako hinayaan ni mama na lumabas sa ospital sa takot nab aka kung ano ang mangyari saakin kaya nanatili kaming dalawa sa may garden ng ospital.
“Let me tell you a story.” Pagbasag niya sa katahimikan. Tinanguan ko na lang siya bago naupo sa bakanteng bench sa ilalim ng puno ng manga. Nakinig ako sakanya ng mabuti habang nakatingin sa nakatingala niyang mukha.
Malalim na ang gabi kaya maamig ang simoy ng hangin at binabalot na ang lahat ng kadiliman. Naalala ko ang pangalan niya. Iniisip ko kung bakit kadiliman pa ang naging kahulugan ng napakaganda niyang pangalan. Gayong siya pa nga ang nagbibigay saakin ng liwanag para magpatuloy sa buhay kong walang kasiguraduhan.
“There was once a man who’s suffering from a severe disease.” Panimula niya na kaagad na nakapukaw sa atensyon ko. Mas lalo akong naging interesado ng napapikit siya at may luhang lumabas sa mga mata niya. Malaki ba sakanya ang epekto ng storya o sadyang konektado ito sa buhay niya kaya siya nagiging emosyonal?
“He’s blind. But then, she met a girl. A very beautiful girl, she accepted him, all of him. His flaws and everything about him. He did everything just to make the woman happy even he’s blind. Before, he’s asking why is he still alive, for what reason? Then he finally realized, everything has its purpose. They got married and they feel happy. They created a family with the baby inside the girls womb. And then a tragedy came. He died.” Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit namatay?
“You want to know why?” tinanguan ko siya bilang pag sang ayon.
“The man is already dying because of an eye cancer, the girl is so sad because of the thought that her loved one is dying. So the girl decided to give her eyes to the man. Sadly, they didn’t make it. The man died the exact time the baby was born.”
“And the lesson that we can get from it is we have to enjoy our life before it ends. Realize the purpose of everything. But we can still look at it in a positive way. If it isn’t because of the man, you won’t meet me.” Nagulat ako dahil sa sinabi niya bago ko napag dugtong dugtong ang kwento.
“Yes I’m their baby, he died the exact time I was born. And I inherited his Eye cancer, called Retinoblastoma. I want to tell you their story to make you more motivated to appreciate things. I’m afraid I’ll end up just like him but I’m still praying not to. I don’t want our fate end up the way my parents did.”
Kitang kita ko kung paano siya masaktan sa bawat salitang binibtawan niya. Ang bawat patak ng luha niya na punong puno ng emosyon ang nagbigay saakin ng lakas na yakapin siya. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag iisa. Na narito lang ako palagi sa tabi niya kapag kailangan niya ng karamay.
Naipikit ko na lang din ang mata ko g maramdaman ang mainit na likido na namuo sa mga mata ko habang pinakikinggan ang bawat salitang binibitawan niya.
“Please don’t be sad. Just keep fighting and remember that I’m always here. Baby, you won’t fight alone, we’ll go on to this together.”
*****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด