logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 06

Every moment has it's different colors, accept then let go— No, remember everything. Because every moment is important to make people happier.
*****
Nawalan ng malay kagabi si Nyx pero kaagad din namang naging maayos ang kalagayan niya.
Ang sabi niya ay ayos lang daw siya, normal na siguro sakanya ang bigla bigla na lang nawawalan ng malay, hindi ba siya natatakot at mas lalong lumalala ang kalagayan niya, dahil hindi na ordinaryo ang mga sintomas na ipinakikita ng katawan niya.
Natapos nanaman ang buong maghapon na wala naman akong ibang ginawa kundi ang paulit-ulit ko na lang na routine sa bahay, gigising, kakain, gagawa ng gawaing bahay, tulog, kain ulit. Nakakasawa rin minsan kaya mas natutuwa ako kapag nasa payapang lugar ako, parang nababawasan ang bigat na nararamdaman ko. Kahit naman na magaling na raw ako. Ewan ko rin kung bakit bantay sarado parin ako kay mama.
“Anak, may bisita ka.” rinig kong sabi ni mama sa labas ng kwarto ko na sinundan ng tatlong katok. Napatayo naman ako bigla dahil sa pumasok sa isip ko.
Hindi kaya si Nyx ang pumunta? Siguro dahil malapit lang naman ang bahay niya pero anong dahilan?
O baka naman si Ouranos? Madalas yo'n dito pero panigurado na nag pa-practice yo'n ng violin niya, rinig ko nga ay may sasalihan siyang contest.
“Nyx?” gulat na sabi ko ng maabutan si Nyx na nakaupo sa may sala ng bahay, ngumiti lang siya saakin pero kaagad kong pinangunutan ng noo. Bakit siya nandito?
Tumingin ako sa wall clock at nakitang alas singko pa lang ng hapon, ang aga niya naman sigurong pumunta dito.
“Anak, buti naman lumabas ka na. Alukin mo ang bisita mo ng niluto kong minatamis na saging. Eto oh, mainit pa.” sabi ni nanay na galing sa kusina na kaagad ko namang tinanguan bago dalhin ang tasa sa center table ng sala.
Naguguluhang napatingin doon si Nyx. Siguro ay hindi niya 'to alam kaya nag aalangan siya.
Eto ang kadalasang niluluto ni mama para sa hapon, ginataang hinog na saging na nilagyan ng asukal, kaya tinawag naming minatamis na saging.
“Walang lason yan. Tikman mo.” natatawa tawa kong sabi sakanya bago prenteng naupo sa kanyang katabi at inabutan siya ng plato.
Alangan man ay kumuha parin siya pero kaagad kong tinawanan kasi kaunti lang talaga ang inilagay niya, daig pa babaeng nagd-diet o nahihiya lang. Pero hinayaan ko kasi hindi ata siya komportable, kita ko rin sa paraan kung paano siya gumalaw sa loob ng bahay.
“Ijo, kayo ba ang nakatira riyan sa katapat na bahay?” nabigla naman ako dahil sa biglang pagsulpot ni mama sa harap namin. Hindi naman kaagad nakasagot si Nyx dahil siguro sa kaba pero tinanguan niya lang si mama na ikinatawa ko ng mahina. Bakit kailangan niya pang mahiya kay mama, saakin nga hindi siya nahihiya eh.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko na si Nyx na lumabas, halata namang masyado siyang pressured sa loob na akala mo sasakalin dahil natatakot. Daig pa manliligaw na natatakot sa istriktong magulang.
“Leana, I want to give you something.” nagulat naman ako at kakaiba ang hatid ng pagbigkas niya ng pangalan ko, hindi lang ako sanay o sadyang kinikilig lang talaga ako?
Nakita kong lumapit siya sa bench sa tapat ng bahay nila kaya sumunod ako. Nakita kong may hawak siyang isang bisekleta. Don't tell me, nagpabili pa siya para lang matuto?
Pero bakit kailangan pink?
“Ahm, I'm giving this to you. As a gift, maybe?” sabi niya habang nagkakamot ng batok. Nagningning ang mata ko at feeling ko ay sasabog na ako sa sobrang tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko.
“No, sobra sobra na ang mga binigay mo sa'kin. Kahapon, pinag hirapan mo yung tree house, ngayon naman gumastos ka para makabili ng bike na ibibigay lang saakin? Ano na lang ang iisipin ng mom m—” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng matanawan ko ang mama niya sa may pintuan ng bahay.
“The tree house? It's not just me who made it. And this bike, no need to worry. My mom bought this for us.” nagulat ako dahil sa sinabi niya. Mama niya ang bumili? Paano? Bakit?
“Yes ijah, I bought that as a gift for the both of you. This is the first time that my son had a friend and I'm happy. And of course, thank you for saving my son.” naguguluhan akong tumingin sa direksyon ni Nyx, hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng mom niya.
“Ikaw yung kinekwento saakin ni Tinuveil when he was a kid. He even cried just to help you. Yes ijah, that car crash incident na muntik na sanang mahagip si Tinuveil but you sacrificed yourself even if you don't know what will happen. Do you still remember?” tila nalinawan ako sa sinabi ng mama niya. Hindi ko akalaing...
“Look where destiny brought us, I still remember the place where we fist met. Remember the narra tree? The road when I accidentally bumped your car is the exact place wher we first saw each other. We we're still kids back there but I already owe you my life.” parang natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Pero bakit meron sa loob ko na nanghihinayang, kaya ba siya mabait saakin dahil utang niya ang buhay niya saakin noon? Pero sobra naman na ata kasi utang ko na rin ang buhay ko sa buong pamilya niya na tumulong sa recovery ko.
“So, let's go?” nagulat na lang ako dahil nakasakay siya sa isa pang katulad na bike pero this time, itim na ang color no'n. Hindi naman masyadong mataas ang bike kaya mabilis ko itong nagamay.
Lumingin ako sa mommy niya at ngumiti ng malapad bago itinaas ang kamay dahil medyo malayo layo na kami, sumigaw ako ng salamat na sinuklian niya lang iyon ng ngiti.
“You look really happy.” napalingon ako sa gilid ko and there I saw Nyx na marunong nang bumalanse ng bike niya.
“Aba! Marunong ka na!” sigaw ko dahil sa tuwa.
“My mentor is a good teacher.” pareho na lang kaming natawa dahil sa isinagot niya.
“Marunong kang mag bike na isang kamay lang? One hand ba.” wala sa sarili kong tanong habang patuloy ang pagpedal.
“I don't know,” napailing iling na lang ako bago binitawan ng kaliwang kamay ko ang hawakan at iniabot iyon sakanya. Pinabagal ko ang pagtakbo ng bike ko para makapantay sa pagpapatakbo niya.
Ako na ang nag adjust dahil alam kong kaliwete siya. Inabot ko sakanya ang kaliwang kamay ko.
“Hold my hand, your mentor will teach you again.” nakangising sabi ko kaya inabot niya saakin ang kanang kamay niya.
Magkahawak kamay kaming nakasakay sa bike habang sabay na pumepedal para manatili ang balanse at hindi kami matumbang pareho.
“Baby can I hold your hand forever?”
Nagulat ako dahil sa sinabi niya at aagawin sana ang kamay ko ng mas higpitan niya ang pagkakahawak. Nakarating na kami sa tambayan namin at hindi ko man lang napansin na kanina pa pala magkadaop ang aming mga palad.
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Pero ewan ko ba sa sarili ko at hindi na ako tumutol pa.
Binitawan niya lang iyon ng makaakyat na kami sa tree house at kinuha niya ang kanyang gitara. Habang ako, naghahalungkat sa iba pang boxes na gusto kong alamin kung ano ang purpose at nandito ang mga 'to.
“When Sun and moon collide, by Leana and Nyx.”
Humarap ako sakanya ng bitawan niya ang mga salitang iyon.
“Oo nga pala, yung kanta.” masayang sabi ko ng magsimula na siyang mag strum ng gitara.
Hindi ko alam kung maiihi ba ako o ano dahil diretso siyang nakatingin sa mga mata ko at nakangiti.
Pumikit pa siya at siguro ay nag isip ng gagawin naming liriko. Hindi ko naman kasi magawang simulan dahil lumilipad ang utak ko sa ibang dimension ng mundo.
“When the sunlight started to fade...
And the moon slowly peeks from the clouds...”
Panimula pa lang pero alam kong unti unti na akong kinikilig sa bawat salitang binitiwan niya.
Nag isip kaagad ako ng kasunod na liriko para hindi maputol ang tono na ginawa niya.
Isa lang iyong malamyos pero masayang musika, sumasabay sa ritmo ng pagpagaspas ng dahon at ang malamig niyang boses na sing lamig ng hanging nagmumula sa paglubog ng araw at ang pagsakop ng dilim.
“Brightness of the Twilight.
Witness of love immortality.”
Napapikit pa ako habang kinakanta ang linyang iyon, sintunado ako pero sinigurado ko namang sakto ang bawat salita niyon sa ritmo.
Dahil may naisip na akong pre-chorus lyrics ay kaagad ko na iyong sinundan ng may ngiti sa mga labi.
“Happiness rushed through my veins.”
Inisip ko na totoo ang lirikong ito, totoong binabalot ako ng saya sa tuwing mayroon siyang gagawin na akoy mas lalo pang napapahanga, napakasaya ko sa bawat minutong kasama ko siya, at masaya ako sa bawat araw na unti unti akong nahuhulog sakanya.
“As words formed promises.”
Sinundan ko kaagad iyon na ikina iling iling niya. Halatang namamangha dahil sa mabilis akong makaisip ng idudugtong.
“So, Keep your eyes, mind and Heart on me baby.”
Literal na napako ang tingin ko sakanya kasabay ng pagkabog ng malakas ng dibdib ko. Sa paraan kung paano niya bigkasin ang bawat salita ay may kakaibang kiliting hatid sa buong sistema ko, unti unti akong nilalamon ng tuwa at baka akoy tuluyang mahulog na nga.
“May your heart beats race, let love flows freely.”
Dugtong niya pa ulit. Napangiti ako dahil parang katotohanan ang lahat ng nakapaloob sa liriko.
“Cause baby here we go,
A once in a lifetime,
Can change every humans mind...”
Pagkasabi ko ng mga linyang iyon ay ang pagsigid ng kirot sa katawan ko, hindi ko maipaliwanag sa kung saang parte pero parang gusto ko ng umiyak.
Nagtataka man sa nararamdaman ko sa sarili ko pero pinanatili ko parin ang nakangiting mukha ko, ayokong mag alala siya.
Habang tumatagal ay mas lalong nakakaramdam ako ng hilo, hindi ko maipaliwanag kahit sa sarili ko.
“When Sun and Moon Collide.”
Mahinang aniya. Totoong musika nga na nagpaulit ulit sa isip ko, siguradong isa ito sa mga oras na hindi ko kailanman makakalimutan.
Itinago ko ang sakit na nararamdaman ko at nagulat ng bigla niyang hawakan ang kamay ko ng hindi ko man lang namamalayang naitabi niya na pala ang kanyang gitara.
Napapikit ako ng mariin pero hindi niya siguro nahalata.
Hindi ko na muling maidilat ang mata ko pero ayaw ko paring ipahalata na nahihirapan ako.
Unti unti na akong nawawala sa ulirat pero rinig na rinig ko parin ang mga salitang binitawan niya.
Naramdaman ko ang bigla niyang pagyakap at paulit ulit na pagtanong saakin kung ano ang nangyayari, pero hindi nawala sa utak ko ang sinabi niya.
“You're the reason behind my smiles, you always made my heart race.”
“Six- twenty PM, I want the sunset to witness my love for you, please tell me,
Will you let me court you, baby?"
***

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด