logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 01

Nothing is better when you finally found an exit to your predicament.
*****
"Sandya! Saan ka nanaman pupunta?!" narinig kong sigaw ni mama mula sa loob ng inuupahan naming bahay.
"You already know where am I going, Mom!" natatawa tawang sigaw ko pabalik habang inaayos ang kadena ng bisikleta.
Nasapo ko na lang ang noo ko ng mapagtanto na flat ang gulong ng bike. Halos maiyak na lang ako ng makitang 6:05 na ng hapon. Hindi ako maaaring mahuli ng dating.
Isa na lang ang pumasok sa isip ko, halos liparin ko na ang bahay ng kaibigan kong si Ouranos para lang makahiram ng bike. Madalas ako sa kanila kaya paniguradong papayagan ako no'n.
"Hoy, planeta! Pahiram ako ng bike ah?!" pagdungaw ko pa lang sa pinto ay nakita ko na siyang abala sa pag practice ng violin pero hindi ko na lang pinansin at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Dali dali akong tumakbo sa kanilang bakuran at naabutan ang bagong bili niyang bike. Napangisi ako. Matagal tagal ko rin itong magagamit. Mala demonyo akong mahinang natawa.
Pagkasakay na pagkasakay ko ay dali dali na kaagad akong nagpedal habang pabulusok ang bike papuntang tulay. Dinama ko ang simoy ng hangin habang pakanta kantang tinanggal ng isang kamay ang tali ng mahaba kong buhok habang ang isang kamay ay nananatiling nakakapit sa bike para panatilihin ang balanse.
6:10 ng hapon. Mabilis ang pagpapatakbo ko habang nakangiti. Hindi ko akalaing magiging malaya akong katulad nito simula pa pagkabata ko.
Dalawampung taon pa lang ako ng ma diagnose ako sa ospital dahil meron daw akong Leukemia.
Tandang tanda ko pa noon kung paano ako humagulgol sa harap ni mama dahil sa takot na mamatay ng maaga.
Isang butil ng luha ang hinayaan kong umagos sa pisngi ko habang inaalala ang mga paghihirap na pinagdaan ko.
***
"Mama, anong ginagawa natin sa ospital?" takang tanong ko sa mama ko ng minsang dinala niya ako sa ospital dahil sa sobrang taas ng lagnat ko. Sanay naman akong ginagamot sa bahay kaya nakapagtataka kahit wala kaming pera ay dinala niya ako sa ospital.
"Mama, mag si-six na po ng hapon, hindi pa po tayo uuwi? Halos isang oras po ang byahe 'diba?" malungkot na sabi ko kay mama ng mapansin ang orasan na nakasabit sa dingding sa may likuran niya. Malungkot niya lang akong nginitian at tinanggal sa pagkakasabit ang orasan at pinataob iyon sa lamesa.
"Darating din ang doktor, anak." mahina niyang sabi na animo'y malapit ng umiyak.
Hindi na lang ako sumagot pa at napagdesisyunan na matulog. Nakakalungkot nga lang na hindi ko ngayon nakita ang paglubog ng araw, gusto ko umiyak. Gano'n siguro kapag masyado mong mahal ang isang bagay, nakakabaliw.
Hindi pa ako dumidilat mula sa pagkakaidlip ng makarinig ako ng hagulhol. Ang hula ko ay si nanay iyon. Gustuhin ko mang patahanin siya pero hindi ko magawa, parang may nag uudyok saakin na manatili lamang na nakapikit at pakinggan ang pinag uusapan nilang dalawa ng doktor.
Halos manikip ang dibdib ko dahil sa mga salitang narinig.
"Your daughter has a Chronic Leukemia." napadilat ako ng wala sa oras dahil sa narinig. Hindi man ako matalinong bata pero pamilyar ako sa sakit na sinabi ng doktor.
Hindi nila napansin na gising na ako kaya nanatili lang akong tahimik habang pinipigilan ang luha sa pag bagsak.
"Ano ho ba iyon, dok?" takang tanong ni mama pero halata ang takot at kaba sa boses niya. Maging ako man ay natatakot sa kung anong sabihin ng doktor.
"Leukemia is preventing white blood cells from fighting infections and cause them to multiply uncontrollably. This overgrowth can cause overcrowding of the healthy blood cells, leading to severe problems throughout the body."
Mahabang salaysay ng doktor na kahit wala akong naintindihan ay kinakabahan at masama ang kutob ko.
Hindi parin ako umiimik at hinihintay na magsalitang muli siya para sa mas malalim na pagpapaliwanag.
"Leukemia have different types, and according to her lab tests, she have a Chronic Leukemia that occurs when only some of the affected blood cells cannot function normally, causing a slower degeneration. Kumbaga, hindi pa naman malala ang sa kaso niya."
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Nakamamatay po ba iyan, dok?" garalgal na tanong ni mama.
Hindi ko narinig na nagsalita ang doktor pero nakita ko kung paano mapaupo si nanay sa upuang katabi niya malapit sa may pintuan.
"Pwede pa naman siyang gumaling hindi ba? 'di ba? Napakabata pa ng anak ko." pakiramdam ko ay tinutusok ng napakaraming karayom ang puso ko habang nakikitang umiiyak si mama at wala man lang akong ibang magawa kundi tingnan siya.
Medyo nabuhayan naman ako ng loob ng marinig ang sagot ng doktor sa tanong kanina ni mama. Pero kaagad din iyong nawala.
"We have to undergo more tests so that we can tell you how. But for now, sad to tell you but there is still no cure for leukemia, it is only possible to treat the cancer preventing it to come back. Treatment are also based on it's range factor. It could be chemo therapy, radiation therapy, or antibiotics."
Sa bawat tanong ni mama ay siyang unti unting dumudurog saakin.
"Gaano po ba katagal ang pagpapagaling?"
"Treatment can last several months or even years depending on the type and severity of the condition."
Nakita kong nagdaop ang mga palad ni mama kasabay ng pagyuko nito na animo'y nananalangin.
Ayoko mang aminin sa sarili ko pero maaring mamatay ako ng maaga. Dahil na rin sa kakapusan namin sa pera ay alam kong walang pang tustos saakin si mama sa pagpapagamot.
Dahil sa sobrang hinanakit ay nagawa ko pang sisihin ang diyos kung bakit ako pa ang tinamaan ng sakit na 'to. Bakit kami pa na wala namang ibang ginawa kundi galangin siya?
Nakatingin lang ako kay mama habang patuloy ang pag-agos ng luha ko. Parehas kaming nagulat ng pag angat niya ng tingin ay nagtama ang paningin namin at hindi kaagad siya nakagalaw. Maging ako ay tila nawalan ng lakas kahit man lang magsalita.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na mahigpit ang yakap niya saakin at patuloy ang paghagulgol.
"Gagaling ka, anak. Gagawin ni mama ang lahat. Huh?" sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.
"Mama, mamamatay po ba ako kaagad? Pano na po kita mapapagawan ng napakalaking bahay nito at paano pa po ako manood ng sunset araw araw? Mama, natatakot po ako. Ayoko pang mamatay, mama ang bata ko pa po..." patuloy na sabi ko pero hindi siya sumagot at hinagod lang ang likuran ko.
Nagdaan ang mga araw at palagi na lamang akong nakakulong sa bahay at iniiwasang magpagod dahil baka makapalala pa iyon sa sakit ko. Nakuntento na lang akong tinatanaw mula sa bintana ang paglubog ng araw.
Hanggang sa umabot ng ilang taon at medyo umayos ang pakiramdam ko, natapos na rin ang chemotherapy sessions ko at maaari na daw akong bumalik sa normal kong buhay.
Isa iyon sa pinakamasasayang araw ng buhay ko, nang malaman kong maayos na ang kalagayan ko. Maaari ko na ulit magawa ang mga nakagawian ko dati.
Inaamin ko na sobrang hirap ng pinagdaanan ko sa loob ng tatlong taon. Pero maganda naman ang naging resulta.
Unti unti na ring tumutubo ang buhok ko na nalagas sa kasagsagan ng pagpapagaling ko noon. Sabi ko pa nga sa sarili ko, hindi ko iiksian ang buhok ko dahil susulitin ko ang mga nakalipas na panahong naka beanie lang ako dahil nakakahiya sa mga tao sa labas na makita akong walang buhok.
Kaya ngayon ay hanggang hita ko na ang buhok ko at medyo may pag ka kulot. Nagtaka rin ako dahil sa mabilis na pagtubo nito pero hinayaan ko na lang dahil mas ikinatuwa ko pa nga iyon.
***
Nabalik ako sa reyalidad at napapangiti habang inaalala lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa loob ng ilang taon.
Sumulyap ako sa wrist watch ko at napansing 6:18 na ng hapon. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo at pinunasan ang natuyong luha sa mga mata ko ng bigla akong nakarinig ng isang nakabibinging busina. Agad kong idinilat ang mata ko at napagtanto na may kotseng babangga saakin. Buti na lang ay marunong ako mag bike at nailiko ko kaagad.
Nagtamo ako ng galos sa siko at tuhod at halos gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil hindi na ako makakaabot ng 6:20 ng hapon sa tambayan ko. Hindi ako makatayo kaagad at ininda pa ang sakit ng pagkakatumba mula sa bisikleta.
Tumingin ako sa relong pangbisig ko at napapikit ng mariin bago tumingala para tingnan sana ang papalubog na araw ng iba ang makita ko sa aking pagdilat.
Isang lalakeng nakalahad saakin ang kamay at parang naiinis pa dahil hindi ko iyon kinukuha.
Imbes na kunin ay tinapik ko iyon at tumayo ako mag isa kahit na nahihirapan ako, pagkatapos at inayos ko ang bisekleta baho lumingon sakanya na blangko ang ekspresyon na nakatingin saakin.
Nakasuot siya ng isang salamin-nerdy glasses.
Napangiwi ako dahil hindi ko kaagad nagustuhan ang unang impression sakanya. Dumagdag pa ng humingi siya ng tawad na parang labag sa loob.
Humalukipkip ako sabay irap bago nagsalita, "Anong sorry? Magagamot ba ng sorry mo itong mga galos ko? Ikaw nga itong wala sa linya magpatakbo."
"Sorry, should I bring you to the hospital to treat your wounds, then?"
Nanliit naman ang mata ko dahil sa kayabangan niya. Akala mo kung sino, porket mayaman.
"Ang yabang mo ah!" asik ko sabay hablot ng salamin niya.
Medyo may katangkaran siya saakin kaya kailangan ko pang bahagyang tumalon para maabot ang mukha niya.
Pagkatanggal ko ng salamin ay napapikit siya ng mariin. Pinagmasdan ko naman ang anyo ng mukha niya, hindi maipagkakaila na may angkin siyang kagwapuhan. Sakto lang ang taba ng pisngi niya na halatang sagana sa pagkain. Pero ipinagsawalang bahala ko iyon at tumitig sakanya ng may galit sa mga mata.
Eksaktong pagdilat niya at tingin saakin ay siyang pagbali ko ng salamin niya bago nagsalita, "Makakabili ka pa naman ng bago, hindi ba? Mayaman ka naman. Mayabang ka nga eh." nakangising sabi ko bago napatango tango.
Agad na naglaho ang ngisi ko ng mapansing hindi na normal ang pagpikit niya ng mariin, makikita sa ekspresyon niya na nasasaktan siya.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil baka kung ano na ang nangyayari sakanya.
Lumapit ako ng bahagya at tatanungin pa lang sana siya ng bigla siyang matumba at mabuti ay nasalo ko kaagad.
Kasalanan ko 'to. Sana hindi ko na lang kinuha ang salamin niya, malay ko bang ganito pala ang pwedeng mangyari.
Tatawag pa lang ako ng tulong ng mabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at pisilin iyon ng mariin na tila humihingi ng suporta.
6:20 PM, Nakilala ko ang unang lalaking nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Ang lalakeng ngayon ay mahigpit na nakadaop ang palad saakin.
***

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด