logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 14

Giving up doesn’t mean that you have to, sometimes people are giving up such thing to make the burden lesser and better.
~~~~~
Tinanghali  ako ng gising at ang tanging bumungad saakin ay ang mga nagkalat na panglinis sa kwarto na animoy dinaanan ng bagyo. Sino ba ang imbes na maglinis ay nagkalat sa kwarto ko?
Napailing iling na lang ako bago bumangon at nag inat ng katawan. Buti na lang at hindi mabigat ang pakiramdam ko ngayon at feeling ko magiging maayos ang buong araw na ito.
Tumayo ako at pinilit na tinipon ang mga panlinis at inayos ang kama. Itinapon ko na rin ang nalalanta ng bulaklak sa flower vase. Nagmumukhang napabayaan itong kwarto dahil wala man lang kabuhay buhay sa kupas na kulay asul na dingding, medyo natatanggal na rin ang mga pintura kaya ang pangit tignan.
Ang cabinet din ay medyo sira na\a, muha nan gang bodega.
Ilang sandali pa habang nagwawalis ay bumukas ang pinto ay pumasok ang tatlo habang si Helen at Ouranos ay nagbabangayan nanaman na parang mag-asawang namomroblema sap era.
“Sandya, ba’t ka naglilinis? Tinanghali lang ng gising, sinipag?” natatawang sabi saakin ni Helen bago dumiretso at pasalampak na umupo sa sofa. Inirapan niya pa si Ouranos  bago nahiga upang sakupin ang upuan at maiwang nakatayo si Planeta.
Nagkatinginan kami ni Nyx at pareho nagkibit-balikat bago sabay na natawa’t napailing-iling.
“Mabuti pang tulungan niyo ako sa paglilinis kesa mag-away na parang aso at pusa.” Sabi ko kaya nagkatinginan sila at lumapit saamin ni Nyx.
“Teka, ba’t ka nga pala naglilinis? Sana nagpahinga ka na lang.” sabi saakin ni Helen bago inagaw ang hawak kong walis. Nameywang ako at matalim siyang tiningnan.
“Eh sino ba kasi ang nagkalat niyan sa warto ko?” nakataas na kilay na sabi ko.
“Hala, ulyanin ka na? sabi mo kagabi na maglilinis ka kaya mo inilabas ‘tong mga panlinis, tapos ngayon mangsisisi ka? Baliw k aba?” natawa siya dahil sa sinabi niya pero naging iba ang epekto niyon saakin.nginitian ko sila ng peke at sumenyas na lalabas lang ako saglit. Tumingin pa ako sa likuran ko at bui na lang walang sumunod kaya tumakbo ako papunta sa opisina ni Maam nanny.
“Maam, pwede po bang makahiram ng cellphone?” humahangos na sabi ko pagkapask ng opisina niya.
Nagtataa man ay agad niyang iniabot saakin ang cellphone at bago pa man siya makapagsalita ay tumakbo na ako papuntang garden.
Kumalabog ang dibdib ko hindi lang dahil sa pagod sa pagtakbo kundi dahil na rin sa kaba na namamayani sa dibdib ko.
Huminga ako ng malalim bago tumitig sa cellphone at binuksan ang google app.
Palaging may wifi dito sa ospital pero ngayon lang ako gumamit dahil wala naman akong cellphone at wala akong balak magpabili kay nanay. Dagdag lang sa gastusin.
Nanginginig man ang daliri ay agad akong nagtipa para masagot lahat ng tanong sa isip ko.
‘Leukemia’
Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko alam kung magugulat, matutuwa o malulungkot sa kung ano mang lumabas na mga impormasyon sa cellphone. Puro kahulugan lang naman ang nakita ko.
Leukemia—broad category of cancers that affect white blood cells. The chances of survival depend on a variety of factors, including a peron’s age and response to treatment.
Hindi ko na tinapos ang binabasa ko at agad na naglipat ng ise-search. Agad kong itinipa ang mga salitang…
‘how does one typically die from cancer of the bone marrow such as leukemia.’
Ayaw ko man pero marami akong gusting malaman. Mahirap man pero wala akong magagawa. Fight your fears to survive, ika nga nila.
People diagnosed leukemia that originating in the bone marrow are living much longer than they did. For many patients though, even the best available therapies are not a cure. As cancerous bone marrow space and cause the normal cells to die.
Matapos kong basahin ang content ay parang kinapos ako ng hininga, hindi ko akalaing aabot ako sa puntong kailangan ko pang mag conduct ng research para lang malaman ang kalagayan ko na hindi nila magawa at walang balak na sabihin saakin.
Biglang may nag pop up na content kaya agad ko iyong pinindot dahil na rin sa curiosity ko at kagustuhan la lumalim pa ang kaalaman ko.
Unang lumabas ang mga senyales at sintomas na totoong naramdaman ko noong bata pa ako, dahilan kung ba’t ako nanirahan sa loob ng ilang taon dito sa kulungang ospital na ito.
Nag scroll pa ako at nakita ko ang mga risk factors. Dati naman ng ipinagbawal ang exposure ko sa mga kemikal at sigarilyo.
Hindi ko naman siguro namana ang sakit na ito kasi wala naman kaming family history.
Nakita ko rin na pwede palang lumala ito depende sa mga nakaraang treatment. Maaaring magkaroon pa ng ibang klaseng leukemia na mas malala pa.
Pero ang nakapagpatigil saakin ay ng mabasa ko ang content ng tungkol sa end stage leukemia.
Hindi ko magawang magpatuloy sa pagbabaasa Dahil lalo lang akong nahihirapan.
Nabasa ko kapag malapit na ang kamatayan mas mataas ang posibilidad na makalimutan ang oras, lugar, ang pagkakakilanlan ng isang tao, pangyayari, at ang malala ay makalimutan ang mga taong mahal mo.
Pumaok sa utak ko ang tanong na, mamamatay na ba ako?
“Leana!” napalingon ako sa likuran at nakitang tumatakbo si Nyx. Papunta sa direksiyon ko.
Agad akong tumalikod at marahas na pinunas ang luha ko. Ayokong makita niya ulit akong umiiyak at nahihirapan kaya sa abot ng makakaya ko, pinilit kong patuyuuin ang luha sa pisngi ko at nagsuot ng pekeng ngiti bago tuluyang humarap sakanya.
“Why are you here?” tanong niya matapos umupo sa tabi ko sa ilalim ng puno kung saan ako madalas. 
“Nagpapahangin lang,” sabi ko sabay tingin sa malayo nap eke parin ang ngiti.
Habang tumatagal na magkasama kaming dalawa ay pakiramdam ko ay babagsak anomang oras ang luha ko, ang hirap nilang pigilan.
Napaka unfair talaga ng gravity, kahit anong pigil ko, babagsak at babagsak parin ang luha ko, ang rupok eh.
“It’s always okay to cry, no need to plaster those fake smiles in your face baby, don’t lie to me that you’re totally fine.”
Dahil sa sinabi niya ay nagsimulang tumulo ang mga luhang pilit kong pinipigilan kanina pa.
Inaamin ko na medyo gumaan yung pakiramdam ko kasi may taong handang making sa mga problema ko sa buhay at kaya akong tulungang pasanin ang mga paghihirap sa simpleng pagdamay niya ang.
Agad niya akong niyakap at hinayaang umiyak sa mga balikat niya. Mabuti na lang talaga at may nakilala akong tulad ni Nyx na hindi ako magawang sukuan. Palaging nakasuporta at ginagawa ang lahat para lang ako ay mapasaya.
Patuloy lang siya sa paghaplos ng buhok ko habang mahigpit akong nakayakap sakanya. Nang medyo maayos na ang pakiramdam ko ay inaya ko na siyang pumasok sa loob.
Wala akong imik na pumasok sa kwarto ko at sinensyasan siyang umalis muna at iwan ako mag-isa.
Agad naman siyang umalis at sumulyap pa saakin bago tuluyang isinara ang pinto.
Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang mata, may mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko pero ipinagsawalang bahal ako lang.
Gusto ko muna magpahinga matapos mag sink in sa utak ko lahat ng nakalap kong impormasyon.nagdasal pa muna ako bago tuluyang nilamon ng antok.
Nagising ako ng may narinig na ingay mula sa mga taong pamilyar saakin. Nang pagdilat ko ay hindi nga ako nagkamali. Hindi ko na lang pinansin ang nagsisisgawan nanamang sina Helen at ouranos.
Talaga lang? wala silang balak tumigil sa pag-aaway?
“Hey baby, look at me.” Bigla akong napalingon sa katabi ko at nanlaki ang mata ng makitang may isa pang kama katabi ng akin. Magtatanong pa lang sana ako ng ngisian niya ako at umupo sa gilid ng kama na nakasarap saakin.
Bale dalawang kama ang pingkasya dito sa kwarto ko, hindi naman gaano kalapit pero bakit nila nilagyan?
May bago bang pasyente? Sa pagkakaalam ko ay marami pa namang bakanteng kwarto sa loob ng ospital dahil pili lamang ang mga payenteng tinatanggap dito, yung sa mga malalang karamdaman lang o di kaya ay mayayamang tao dahil nga pribado itong ospital.
“Confused, huh?” nang aasar na sabi ni Nyx pagbangon ko at umupo rin sa kama kaharap niya.
Nagbukas ang pinto at akala ko ay may tao, lumabas lang pala si Helen. Napalingon kaming dalawa kay Ouranos kaya kibitz balikat siyang nag iwas ng tingin at pasimpleng tumayo bago lumabas ng kwarto—mga baliw.
Namayani ang katahimikan saaming daawa, pero makalipas naman ng ilang sandali ay nagsalita siya kaya napaayos ako ng upo at tumingin ng diretso sakanya. “Why are you looking at me like that?”
“Bat may panibagong kama dito?” nagtataka kong tanong.
“Isn’t it obvious this is going to be my room too.” Mangha akong tumano tango na parang hindi makapaniwala.
“Pinayagan ka ni mama?” nanghahamon kong tanong. “Yep.” Napanganga ako ng literal dahil sa isinagot niya. Papaanong?
“Si maan nany, paniguradong hindi ka papayagan nun.” Sabi ko.
Umiling iling muna siya habang nakangiti bago nagsalita ulit.
“Baby, I have my rules here.” Nakangising aniya bago nag-ayos upang humiga.
“Yabang ah!” asik ko na ikinatawa nito at muli nanamang sumagot ng pabalang na nakapagpanganga saain. “Pogi lang.”
Nakatalikod na siya saakin ngayon ng higa paharap sa bintana.
Hapon na pala, nakalimutan ko na may pupuntahan ako. Gusto kong bumalik sa lugar kung saan ako madalas noon. Kahit mag isa ako’y gusto ko bumalik.
Napalinga linga ako at namangha dahil nag-iba na ang kulay ng dingding. Sunset inspired ang theme ng pagkakapintura base sa kulay. Nasa tabi na rin ng binta ang dati kong cabinet at katabi ko naman ang lamesa. Maymga nakasabit na ring litrato sa dingding.
Imbes na ngumiti at maging masaya, parang pakiramdam ko ay awing awa ako sa sarili ko. Bakit pa nila ginawa ‘to? Para pasayahin ako?
Halatang halata na ban a malapit na akong malagutan ng hininga?
Nanikip ang dibdib ko at parang gusto kong humagulgol pero pinigilan ko ang sarili ko., bagkus ay nagpumilit akong tumayo kahit na umaagos at Malabo ang paningin dahil sa luha.
Pumunta ako sa bintana at napalingon sa wall clock. Malapit na mag 6:20 ng hapon pero wala akong balak na gisingin pa si Nyx dahil halata ang pagod sa mukha nito at payapang natutulog.
Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang scrapbook at pinakatitigan iyon bago nagsulat sa papel.
Hindi pa man ako nakakatapos sa pagsusulatng biglang magbago ang isip ko at nilukot iyon bago itinapon sa gilid sa basurahan.
Bagkus, kumuha ako ng panibagong sticky note at pumirma na lang.
Bago ko idinikit ang papel sa scrap book ay umupo ako sa kama ni Nyx at yumuko habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Ewan ko kung anong naramdaman ko pero parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawa. Marahan ko na lang na hinaplos ang buhok niya kasabay ng pagkalaglag ng mga luha ko. Wala akong halos masabi at halo halong emosyon na lang ang pumapasok sa isipan ko.
Tanging hikbi na lang ang kumawala sab big ko. Tumingala ako sa bintana at nakita ang paglipat ng numero ng mga linya ng orasan—6:20 PM
Ngumiti ako at tumingin kay Nyx. Hinawakan ko ang pisngi niya kahit nanlalabo ang paningin ko dahil wala akong lakas na punasin ang mga luha.
Hinayaan ko lang iyong dumaloy hanggang sa magsawa.
Lahat naman ay may katapusan mahirap nga lang bitawan ang mga bagay na maaari mong maiwan.
Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang ginawaran ng halik sa pisngi bago tipid na ngumiti na may kasamang sakit at nagsalita,
“I’ll serve as your eyes when the time comes that you can’t see, but I’m praying  that after this, nothing else happened.” Pagkatapos kong magsalita ay nagkaroon na ako ng lakas na punasin ang luha ko at idinikit ang sticky note na may pirma ko sa scrapbook.
Tumayo ako at pinagpag ang damit. Peke akong ngumiti na nakaharap sa bintana at natanaw ang maulap na kalangitang unti unti ng sinasakop ng dilim.
Wala sa sarili kong hinanap ang gunting at parang may sariling utak ang mga paa na lumabas ng kwarto at nagtungo sa garden ng ospital. Hinanap ko ang bisikleta namin ni Nyx at mabuting inilagay niyang muli iyon doon. Malalim akong huminga bago sumakay sa bisikleta at mahigpit na hinawakan ang gunting.
Sa mga oras na ‘to, isa lang ang gusto kong puntahan. Kagaya noon ay hinayaan ko lang na tangayin ng hangin ang nakalugay kong buhok kabang kumakabog ng malakas ang puso ko.
Bakit kailangan pang mawala sa mundong ito? Bakit ngayon pa na makilala at mas masaya na ako sa mga taong nasa paligid ko. Alam kong hindi pa huli ang lahat para maghintay ng milagro pero mas nangibabaw ang tanong sa isip ko na ano kaya ang mangyayari sa mga taong maiiwan ko kapag namayapa na ako? Magiging masaya kaya ulit ako?
Inihinto ko na ang bisikleta at ipinarada koi yon sa likod ng puno ng narra. Tumakbo ako palapit sa lawa at parang bigla akong nawalan ng lakas kaya napaupo ako.
Tiig at huni ng ibon ang mga naririnig ko at kapayapaan ng lawa na siya ngayong nasa harap ko. Natulala ako at walang kahit anong pumapasok sa isip. Nanatili iyon ng ilang minute at naramdaman ko na lang ang malamig na hanging tumatama sa balat ko. Malapit ng dumilim.
Baka pinaghahahanap na ako sa ospital pero wala akong pakialam.
Nanginginig ang katawan ko at parang inaatake ako ng sakit ko, nananakit ang mga buto ko at para iyog pinagpipiraso.
Sumigaw ako ng napakalakas bago ibinuka ang gunting na kanina ko pang hawak. Tumingala ako sa langit at nakita ko ang mga bituin na kumikislap.
Baling araw o kaya’y bukas o mamaya, isa na lang akong tulad nila, tahimik na nagmamasidsa mundo at walang magawa kundi magbigay ng liwanag. Tinipon ko ang buhok ko at pikit matang pinutol iyon kasabay ng mga katagang lumabas sa bibig ko.
“It is easy to let go of things. But the more impact, the more damage left. It will always leave a mark not just physically but inside a human’s heart. I treasure my hair so much because my mother told me so, it makes me prettier, but people change, things so too. Everything has an end, so I’m now giving you up, my beloved.” Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang siyang pagdilim ng paningin ko at ang pagkawala ng malay.
~~~~~

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด