logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Nakaupo pa rin sina Ylora at Bettchy sa tuktok ng mga burol kahit na ang araw ay tuluyan ng nawala at ang buwan ay nasa kaitaasan na kasama ang mga makukulay at kumikinang na bituin.
"Let's go, Ylora. Malamig na at lumalakas ang hangin dito," tumayo si Bettchy at pinagpag ang dumi na dumikit sa damit niya nang maupo siya sa bermudagrass.
"Bettchy, anong tingin mo sa papa ko?" hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan sa halip ay nagtanong siya tungkol sa kanyang ama.
"Ano ang ibig mong sabihin?"  naguguluhang tanong ni Bettchy sa tanong niya.
"Nothing. Just forget about it," umiling siya at tumayo. "Tara na. Umuwi na tayo," yakag niya sa kaibigan.
Halos nasa kalahati na sila pababa ng burol nang makarinig sila ng mga alulong ng lobo na mula sa kung saan. Malakas ang boses ng alulong at nakakapanindig ng balahibo. Napakunot ang noo niya nang mapansing huminto sa paglalakad si Bettchy.
"Ylora, hindi ka ba natatakot sa boses na 'yan? I mean the howling of a wolf,"  tanong ni Bettchy sa kanya. She can sense that she's scared so she pretends that she's not afraid of what they just heard when the truth is she felt the same as her.
"Of course not! It's not a wolf but some normal dog only. Normal lang naman siguro sa probinsya ang pag-alulong ng aso, 'di ba?"  Hinawakan niya ang kamay ng kanyang kaibigan pagkatapos ay ipinagpatuloy nila ang naudlot nilang paglalakad. "Meron bang lobo dito sa probinsiya ninyo, Bettchy?" tanong niya habang naglalakad pababa ng burol.
"Oo, meron, Ylora. Remember what I told you before? Isang taong lobo si Gray," giit ni Bettchy sa tonong paniniwalaan niya.
"Okay, okay. Bilisan na lang nating bumaba kasi mas takot ako sa dilim kaysa sa lobong iyon," pilit niyang biro para mabawasan ang tensyon sa kanilang katawan.
"Oh my God! Ylora look! I told you, the wolves are real! And they are here to eat us!" gulat na sabi ni Bettchy habang nakaturo ang daliri sa kabilang side nila.
Holy cow! Tama si Bettchy.  Totoo nga ang mga lobo! Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang grupo ng mga lobo na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila mula sa kaliwang bahagi ng burol. Biglang lumakas ang tambol ng kanyang dibdib at tila ba nagwala ang kanyang heartbeat nang maramdaman ang mga lobong papalapit sa knila.
"Anong gagawin natin ngayon?" mahinang bulong niya sa kaibigan sa takot na baka marinig ng mga lobong ang kanyang boses at bigla na lamang silang atakihin.
"H-hindi ko alam. I'm v-very scared right now," nanginginig sa takot ang boses na sagot ni Bettchy. Gusto nitong umiyak ngunit walang luhang lumalabas sa mga mata nito.
"Don't panic, Bettchy. Stay alert. Magbibilang ako ng tatlo tapos tatakbo tayo— Bettchy!!"  Napalakas ang sigaw ni Ylora nang makita niyang biglang nahimatay ang kaibigan at gumulong-gulong pababa ng burol. "Oh my God! Anong gagawin ko ngayon?"
How she wish na mahimatay din siya at gumulong pababa sa burol. Atleast, hindi niya malalaman at mararamdaman ang sakit kapag kinain na siya ng mga lobong ito. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Hahayaan ko bang kainin ako ng buhay ng mga lobong ito?
Papa,tulungan mo ako! Nanlaki ang mga mata ni Ylora nang makitang tumalon sa kanya ang mga lobo ng sabay-sabay na para bang nagpapaligsahan sila kung sino ang unang makakakain sa kanya. Gusto niyang sumigaw ng tulong pero alam niyang walang silbi lamang iyon. Walang makakarinig sa kanyang boses dahil walang bahay at walang taong nakatira malapit sa burol kung saan siya naroroon. Gusto rin niyang tumakbo pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa dahil sa takot. Ang tanging nagawa niya ay ang ipikit ang kanyang mga mata at hintayin ang matatalas na ngipin ng lobo na tumagos sa kanyang katawan.
Nakaramdam siya ng pag-asa nang biglang naramdaman niya ang malalakas na bisig ng isang tao na humawak sa kanyang baywang. May tao rito!  Iminulat niya ang kanyang mga mata upang makita kung sino ang taong tumulong sa kanya ngunit bigla na lamang may pumisil ng mariin sa kanyang batok.  Pagkatapos noon, hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog na siya. Ang alam lamang niya ay isang taong may malakas na braso, malamig na balat, at napakasarap na amoy ang sumalo sa kanyang katawan bago tuluyang na-blangko ang kanyang isip.
***
"Where have you been, Colt? Matagal nang nandito ang shadow vampire. He has a message for you from Hectas," mabilis na tanong ng ama ni Colt nang makapasok siya sa kanilang bahay. Nakita niya ang shadow vampire na mensahero ni Hectas na nakatayo sa tabi ng kanyang ama.
"Ano ba ang pakay niya sa akin?" tanong niya kahit alam na niya kung ano ang sasabihin nito sa kanya.
Bahagyang yumuko ang shadow vampire bilang paggalang sa batang prinsipe ng mga bampira.
"Ipinapatawag ka ng aking panginoon, Prinsipe Colt. He has a mission to tell you," sabi ng anino, yumuko ito at mabilis na nawala bago pa maibuka ni Colt ang kanyang bibig para magsalita.
"Saan ka nanggaling, Anak?"  tanong muli ng kanyang ama sa kanya nang wala na ang shadow vampire. May pagdududang tinapunan siya nito ng tingin.
"Dad, ako—"
"You don't have to tell me, son. For sure, alam mong na alam ko na kung saan ka nanggaling bago umuwi," his dad cuts his words.  Malakas ang pakiramdam ng kanyang daddy at kahit kaunting sikreto ay hindi niya maitago sa rito.
"I know my mission, Dad. I don't know why but I couldn't bring myself to hurt or kill her," pag-amin ni Colt sa kanyang nararamdaman. Walang kuwenta kung magsinungaling siya dahil alam na agad nito ang ginawa niya kanina. Ang pandama ng daddy niya ang pinakamagaling sa lahat ng mga bampira. Kaya walang silbi kung itatago niya ang katotohanan mula rito.
"Alam mo ang misyon mo, Colt. Dati sinabi kong makipagkaibigan ka sa kanya pero ngayon ay binabawi ko na ang mga sinabi ko noon. Huwag mo siyang kaibiganin dahil kalaban natin siya. May misyon ka na  kailangan mong gawin at iyon ay ang patayin ang babaeng iyon."
"Don't pressure our son, August. If he doesn't want to kill that girl then let him be," pagtatanggol ng mommy niya sa kanyang daddy.
"Ngunit ito-"
"Mom, Dad, stop arguing about this matter, okay?"  Pinutol ni Colt ang sasabihin sana ng kanyang ama"Kakausapin ko si Hectas ngayon."
Iniwan ni Colt ang kanyang mga magulang na nagtatalo pa at pagkatapos ay pumunta na siya sa kuweba kung saan nagtatago sina Hectas at Vermin.
"Where have you been, Colt? I told my shadow vampire to call you pero hindi ka niya mahanap," sigaw ni Hectas kay Colt pagkapasok na pagkapasok niya sa kuweba. Napakalakas ng boses ni Hectas kung kaya't lahat ng mga paniki na nakabitin sa kisame ng kweba ay nabulabog at lumipad palabas.
"I have things to attend somewhere kaya hindi ako mahanap ng anino mong bampira," sagot niya sa mahinahong tono. Natatakot ang lahat kay Vermin at Hectas kasama na ang kanyang mga magulang dahil makapangyarihan sila ngunit siya. Makapangyarihan din siya tulad nila bagamat may kahinaan siya na hawak ni Hectas.
Pinitik lang ni Hectas ang kanyang daliri at nakaramdam na siya agad ng kirot sa kanyang puso. Hinawakan niya ang kanyang dibdib kung saan ito masakit. Pakiramdam niya ay nilalamukos nito ang kanyang puso at nahihirspan siyang huminga. Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao. Hindi siya makalaban dahil may sugat siya sa kaliwang braso at kaya rin nitong kontrolin siya.  Nakuha niya ang kanyang mga sugat mula sa isang grupo ng mga baliw na lobo na nakaaway niya kanina. Kahit nasugatan siya ay nagawa pa rin niyang baliin ang mga buto ng mga lobong iyon.
Bilang isang prinsipe ng mga bampira ang kanyang dugo ay nakatali sa kanilang hari, si Davon. At habang tulog si Davon ay kumuha si Hectas ng dugo rito at ginamit ito para kontrolin siya.
"Tandaan mo ito, Colt. Ikaw ang prinsipe ng mga bampira at dapat mong gisingin ang ating hari. Dapat mong ilagay ang ating hari sa iyong priority list bago ang anumang bagay," sigaw ni Hectas bago siya binitawan.
Sa wakas ay nakahinga na siya nang normal nang bitawan siya ni Hectas. Tinapunan niya ito ng matalim at mapanganib na tingin.
"You don't have to tell me because I know what I should do," sabi niya habang nakakuyom ang mga kamao.  How he wishes to kill this old vampire. Kinamumuhian niya ang ginagawang pag-kontrol sa kanya ng matandang bampirang ito. Isang araw ay babaliin ko ang mga buto mo at ipapakain ko sa mga aso!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (47)

  • avatar
    AbdurahmanDelma

    oke

    10/07

      0
  • avatar
    Mylyn Dela Torre Rufo

    A great plot and story!

    18/04/2025

      0
  • avatar
    Emily Lumanilao

    bitin

    03/04/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด