Ang tuwid at malambot na buhok ni Ylora ay dahan-dahang tinatangay ng hangin na nagmumula sa bukas na bintana ng sasakyan ng kanyang ama habang nagmamaneho sila sa medyo makipot na daan patungo sa bahay ng kanyang ama. Naaamoy niya ang sariwang hangin at nararamdaman ang malamig na hangin sa kanyang balat. Ibang-iba ito sa mainit, maalikabok at maruming hangin sa Maynila, kung saan siya dating nakatira sa loob ng labing-walong taon. Kung siya ang papipiliin ay mas gusto niyang manatili sa Maynila kaysa manirahan kasama ang kanyang ama sa isang napakalayo at liblib na lugar sa probinsya ng Bicol region. Ngunit ang kanyang tiyahin ay pumanaw na at wala siyang kamag-anak sa lungsod na maaari niyang matuluyan. Kaya wala siyang choice kundi ang tumira kasama ang kanyang ama na matagal na niyang hindi nakikita. Si Ylora at ang kanyang ama ay malapit sa isa't isa noong bata pa siya. Mahal na mahal siya ng kanyang ama at binibigay nito ang lahat ng gusto niya. Ngunit nagbago ang lahat nang magsimula siyang magtanong tungkol sa kanyang ina. Tumanggi ang kanyang ama na sagutin ang kanyang mga tanong at mula noon, ang kanyang ama ay naging malayo na ang loob sa kanya. Ang ama ni Ylora ay dating pulis sa lungsod ngunit inilipat sa isang liblib na lugar sa rehiyon ng Bicol na may mas mataas na suweldo. Nang iwan siya ng kanyang ama sa pangangalaga ng nakatatanda nitong kapatid na babae at nagpunta sa Bicol ay nagsimula silang maging malayo sa isa't isa. Paminsan-minsan ay tinatawagan siya ng kanyang ama ngunit bihira naman siyang dalawin. Tinanong niya ang kanyang tiyahin kung bakit biglang nagbago ang tingin sa kanya ng kanyang ama. Ang sagot sa kanya ng tiyahin ay dahil lang sa nagiging mas kamukha niya ang kanyang namatay na ina habang siya'y lumalaki. At nasasaktan ang papa niya sa tuwing nakikita siya dahil pinagtaksilan ito ng kanyang ina. Sinabi rin sa kanya ng kanyang Tita Lina na ang kanyang ina ay may karelasyon na ibang lalaki at iniwan siya pagkatapos siyang maipanganak. Mahal na mahal ng kanyang daddy ang asawa kaya nasasaktan pa rin ito sa tuwing naaalala ang ginawa nitong panloloko rito. At dahil nga mas lalong nagiging kahawig niya ang mukha ng kanyang ina sa kanyang paglaki kaya naman biglang nagbago ang kanyang ama ng pakikitungo sa kanya. Naiintindihan ni Ylora ang nararamdaman ng kanyang ama. Pero kahit na nasaktan ito ng asawa ay hindi siya dapat tratuhin ng ganoon. Dahil kahit baliktarin man ang mundo ay anak pa rin siya nito. Malalim ang iniisip ni Ylora kaya hindi niya narinig at napansin na kinakausap pala siya ng kanyang ama. Nag-aalala kasi siya kung paano siya mabubuhay kasama ang kanyang ama dahil matagal na silang hindi nagkakasama sa iisang bubong. Madali ba niyang makakalimutan na hindi siya pinansin ng kanyang ama sa loob ng ilang taon at ngayon ay magsasama sila na parang walang nangyari? Bakit hindi nito ipinaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang ugali nito sa kanya bago siya isama sa malayong lugar na iyon? Bagama't sinabi na sa kanya ng tiyahin ang dahilan ay gusto pa rin niyang marinig iyon sa mismong bibig ng kanyang ama. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya rito pero paano niya magagawa iyon kung hindi naman nila pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon? Nakikipag-usap ito sa kanya na para bang walang nangyari. "Uy, Ylora? Okay ka lang?" marahang tinapik ng kanyang ama ang kanyang balikat. "A-ako ba ang kausap mo, Dad?" malamig niyang tanong dito nang sa wakas ay bumalik na sa kasalukuyan ang kanyang isip. Tiningnan lang niya ito saglit at saka muling itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. "I keep on talking here, pero parang ang lalim ng iniisip mo at hindi mo narinig na tinatanong kita. Are you really, okay?" "Yes, okay lang ako," sagot niya ulit. Hindi na siya nag-abala pang tumingin sa kanya. "Are you okay, Ylora? You se—" "Sabi ko ay okay lang ako," inis ang tono ng boses na putol niya sa sinasabi nito. Humarap siya siya rito at inilabas ang tinatago niyang mga sama ng loob sa napakahabang panahon. "Ilang taon tayong hindi nagkita pero wala kang pakialam. Pero bakit ngayon ay umaarte ka na parang nag-aalala ka sa akin? Bakit ka bumalik at kinuha ako para tumira kasama ka? Okay na ako na wala ka. Kaya kong alagaan ang sarili ko kahit wala si tita lalo na ikaw." Tumingin sa kanya ang ama na may malungkot na ekspresyon sa mukha. "I'm sorry, Ylora. Pero sa tingin ko'y hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang totoong dahilan kung bakit ko ginawa iyon." "Tamang panahon? Ang totoong dahilan?" ngumisi siya. "Kung gayon kailan ang tamang oras para malaman ko ang tunay na—" Bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang biglang huminto ang sasakyan nila sa gilid ng kalsada. Wala sa loob na napatingin siya sa labas ng kotse. Hindi niya maiwasang mag-alala nang makitang malalaking puno at mga nagtataasang damo sa paligid ang kanyang nakikita. Paano kung makatagpo sila ng masasamang tao? Sino ang tutulong sa kanila kung sakaling mangyari iyon? Wala man lang kasi siyang nakita na kahit isang bahay na nadaanan nila. Nasa dulo na ba kami ng mapa ng Pilipinas? "Problema lang sa gasolina. Don't worry, I always brought one jar of gasoline with me for situations like this. And we are safe here because we were already in the vicinity that are protected by the Maclains' family. No one will dare na gumawa ng masama rito," paliwanag ng kanyang ama na tila nabasa sa ang pag-aalalang lumarawan sa kanyang mukha. Hindi nakasagot si Ylora sa sinabi ng kanyang ama. Nakaramdam siya ng inis sa sitwasyon. Wrong timing talaga. Hindi niya tuloy naipagpatuloy ang mga sasabihin niya sa kanyang ama dahil sa biglaang pagkasira ng sasakyan nila. Lumabas ang kanyang ama sa sasakyan at nilagyan ng gasolina ang tangke ng kanyang sasakyan. At habang nagbubuhos siya ng gasolina ay naisipan niyang bumaba ng sasakyan para maiunat niya ang nananakit niyang balakang at mga binti sa sobrang tagal ng pagkakaupo niya sa sasakyan. She is stretching her arms nang makita niya ang paparating na itim na kotse mula sa parehong direksyon kung saan sila nanggaling. Sa takot na masagasaan ng sasakyan ay mabilis siyang bumalik sa loob ng sasakyan nila. Napakakipot ng daan at isang sasakyan lang ang kayang makadaan. Buti na lang at nakaparada ang kanilang sasakyan sa gilid na bahagi ng kalsada. Nang makalapit sa kanila ang itim na sasakyan ay bigla itong bumagal hanggang sa tuluyang huminto sa tapat ng kanilang sasakyan. Napakunot ang noo niya nang biglang ibinaba ng driver ang bintana. "Good afternoon, Arthur. Kailangan mo ba ng tulong namin?" tanong ng lalaking nakaupo sa driver's seat sa kanyang ama. Inangat ng kanyang ama ang ulo nito at ngumiti nang makita ang kausap ang taong nagsalita. "Magandang hapon din, Mr. Maclains. Nagpupuno lang ako ng gasolina sa tangke ng kotse ko kaya hindi mo na ako kailangang tulungan. Pero salamat sa iyong kabutihan." Nang huminto ang sasakyan sa harap ng kanilang sasakyan ay naramdaman ni Ylora na parang may nakatitig sa kanya sa loob ng itim na sasakyan. Napatitig siya sa passenger's seat kung saan ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya. Nakikita niya ang sarili niya sa tinted glass pero pakiramdam niya ay may ibang mga mata ang nakatingin sa kanya. Pero parang anino lang ang nasa loob ng sasakyan dahil natatago ito sa tinted glass kaya hindi niya makita ang mukha nito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa nakasaradong bintana ng sasakyan. Parang may nagtutulak sa kanya para titigan ang nasa loob ng sasakyan na hindi niya maaninag dahil sa makapal at tinted na salamin sa pagitan nilang dalawa. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa nakasarang bintana? May kapangyarihan ba ang nasa loob ng sasakyan at kaya niya akong ihipnotismo? Imposible. Hindi ako naniniwala sa hipnotismo! ### Tahimik na umiinom ng alak na may halong dugo si Colt habang nakatayo sa kanilang terrace at nakatingin sa malayo. Ngunit ang dugong iyon ay hindi pangkaraniwan dahil dumaan pa ito sa laboratoryo ng kanyang pamilya na nakabase sa England. Lahi silang mga bampira na naroon ay nagmula sa Europa. Napunta lang sila dito sa lugar ng San Roque dahil sa isang propesiya na pinaniniwalaan ng mas nakatatandang henerasyon ng mga bampira. Ayon sa propesiya ni Arian, isang batang babae ang isisilang na may tatlong uri ng dugo sa loob ng kanyang katawan at siya ang magiging susi para magising ang hari ng mga bampira, si Davon na kanyang tiyuhin. Dahil si Haring Davon ay kapatid ng kanyang ama. Halos limampung taon nang nakahiga sa kabaong nito ang hari ng mga bampira. Nakatulog ito matapos makaharap ang werewolf princess, na kaaway ng kanilang lahi. Si Davon ay umibig sa kalahating tao at kalahating lobo na babaeng si Faviona. Pero hindi siya mahal ng babae dahil may iniibig na ito, si Orlean, na isang bampira ngunit tulad ni Faviona ay may dugo rin ito ng isang tao. Hindi matanggap ni Davon na may mahal na iba ang babaeng mahal niya kaya napakarami niyang pinapatay na kalahi ni Faviona. At para pigilan ang pagpatay ni Davon sa maraming werewolves ay pumayag si Faviona na pakasalan ang kanyang tiyuhin. Pero lingid sa kaalaman ng kanyang tiyuhin ay may binabalak pala na masama rito ang babaeng minamahal at kasabwat ang lalaking iniibig nito. At sa araw ng kanilang kasal ay niregaluhan ni Faviona si Davon ng kwintas mula sa pangil ng pinakamatandang werewolf na si Arian. Si Arian ang reyna ng mga taong lobo. Siya ang pinakamakapangyarihang werewolf sa kanilang kasaysayan. Kahit matanda na siya, hindi pa rin siya madaling mamatay dahil nakasalalay ang buhay niya sa matatalas niyang pangil. Walang nakakaalam kung paano naging makapangyarihan ang kanyang mga pangil dahil kahit si Arian ay hindi alam kung saan nanggaling ang kapangyarihan niya. Ang kahinaan lang ni Arian ay ang kanyang adopted daughter na si Faviona, na mahal na mahal niya. Kaya naman sa araw ng kasal ni Faviona kay Davon, pinutol ni Arian ang kanyang mga pangil at gumawa ng kuwintas mula sa mga ito. Pagkatapos gawin ang kwintas ay ibinigay niya iyon kay Faviona. Ang sinumang magsuot ng kuwintas ay manghihina, hindi makakapagsalita, at sa loob ng ilang oras ay hindi makakagalaw. Ganyan kalakas ang kapangyarihan ng matandang werewolf queen. Kaya naman nang isinuot ni Faviona kay Davon ang kwintas na gawa sa pangil ni Arian ay biglang nanghina ang hari ng mga bampira at hindi makagalaw. Iyon ang sinamantala ni Faviona kasama ang kanyang kasintahan. Mabilis nilang inilagay ang katawan ni Davon sa isang kabaong at bumigkas ng orasyon na itinuro ni Arian. Ipinatak ni Faviona ang pinaghalong dugo nilang dalawa ni Orlean sa bibig ni Davon. Unti-unting pumikit ang dilat na dilat na mga mata nang hari ng mga bampira hanggang sa tuluyan na itong nakatulog. Dahil sa ginawang pagputol ni Arian sa kanyang pangil ay bigla siyang nanghina hanggang sa unti-unti siyang namatay. Ngunit bago siya namatay nag-iwan siya ng isang propesiya. Na isang babaeng sanggol ang isisilang na may tatlong uri ng dugo sa kanyang katawan, at siya ang magiging susi upang magising ang natutulog na katawan ng hari ng mga bampira. Alam ng lahat na may dugo ng tao sina Faviona at Orlean kaya inakala ng lahat na ang anak na isisilang niya ay ang tinutukoy ni Arian sa kanyang propesiya. Dahil doon, marami sa kanyang mga kalahi ang nagtangkang patayin siya at ang sanggol sa loob ng kanyang sinapupunan upang ang hula ay hindi matupad. Tumakas ang mag-asawa papuntang Pilipinas. At dito sa lugar ng San Roque, nagtago ang dalawa. Ngunit natunton pa rin ng kanilang mga kamag-anakan at sinubukang patayin ang anak nina Faviona at Orlean. Si Faviona at ang kanyang asawa ay napatay ngunit hindi ang kanilang anak. Walang nakakaalam kung saan at kung kanino iniwan ng mag-asawa ang kanilang anak na babae. Maraming kalahi ni Colt at lahi ng mga lobo ang lumipat mula sa Europa papuntang Pilipinas at nanirahan sa iba't ibang bahagi ng bayan ng Santa Fe, kung saan matatagpuan ang nayon ng San Roque. At pareho ang kanilang pakay ngunit magkaiba ang layunin. At siya, si Colt Maclains, ang prinsipe ng Maclains' Clan, ang nakatalagang maghanap at pumatay sa babaeng tinutukoy sa propesiya. Ngunit saan sa Pilipinas niya mahahanap ang babaeng iyon? "Mukhang malayo ang iniisip mo, Colt? Iniisip mo ba yung babaeng nakita natin kanina? Baka anak ni Arthur iyon." Naputol ang malalim na pag-iisip ni Colt nang bigla niyang marinig ang boses ng kanyang ama mula sa kanyang likuran. "No. I'm not thinking her," mabilis niyang sagot saka nilingon ang kanyang ama. Naisip nga niya ang babaeng nakita niya kanina habang pauwi sila ngunit hindi ito ang nasa isip niya nang lapitan siya ng ama. "Oh, c'mon. I know you, my son. This is the first time you've looked at a woman, of course, except your mom and sister," giit ng papa niya. "Dad, we're not like her. So why should I bother myself to think about her? Pagkain lang natin sila," ungol niya. "Pagkain? Ni hindi ka nga tumitikim ng sariwang dugo tapos sasabihin mong pagkain lang natin sila?" sabi ng papa niya habang umiiling. "Pagkain lang ng tao ang kinakain mo. At kung hindi mo lang iniinom iyang gamot na inihalo mo sa alak ay tuluyang kang manghihina." Biglang hindi makapagsalita si Colt. Tama ang kanyang ama. Hindi siya umiinom ng dugo. or rather to say, hindi na siya umiinom ng dugo. Gusto niyang maging normal na tao tulad ng ibang tao. At nagagawa niya iyon sa tulong ng gamot na palagi niyang iniinom. Ang mga sangkap ng gamot na iniinom niya ay mula sa pinaghalong gulay, dugo ng hayop, at siyempre, hinaluan din ng iba't ibang uri ng preservatives. Ang gamot na palagi niyang iniinom ay dumaan sa masusing pag-aaral at ito'y nakakapigil na makaramdam siya ng gutom o gustong uminom ng dugo mula sa tao. Mayroon kasi silang laboratoryo na gumagawa ng iba't ibang uri ng mga gamot. Ang kanilang laboratoryo ay isa sa pinakamalaking supplier ng gamot sa lahat ng mga tindahan ng gamot sa buong mundo. "Bakit hindi mo lapitan ang babaeng iyon at makipagkaibigan sa kanya? At pagkatapos ay maaari mong sipsipin ang kanyang dugo. Mukhang fresh na fresh pa siya," pang-aasar sa kanya ng kanyang ama. Binigyan niya ng matalim na tingin ang ama. "Wala akong balak inumin ang dugo niya." "Kung ayaw mo sa kanya ay ako na lang ang iinom ng dugo niya." "Huwag mo siyang pakikialamanan," mahigpit niyang babala sa kanyang ama. "Naramdaman at napapansin mo na ba? Masyado kang protective sa kanya. Hindi mo pa nga siya nakakausap at nakikilala ay over protective ka na sa kanya." Hindi pinansin ng ama ang galit na nakalawaran sa mukha niya. "Kahit gusto mong mamuhay na parang normal na tao sa mundong ito ay hindi mo pa rin maiaalis ang katotohanan na isa kang bampira. At tulad ng ibang mga taong kasing edad mo, dapat may mga kaibigan ka rin. At ang babaeng iyon ay isang perpektong kandidato para maging kaibigan mo." "Tama na, Dad. Ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol sa babaeng 'yon," matigas na tono niyang sabi sa ama. Hindi niya pwedeng kaibiganin ang babaeng iyon dahil magkaiba sila ng lahi. Tiyak na hindi siya maiintindihan ng mga taong tulad nito. Matatakot lang ito sa kanya kapag nalaman nitong bampira siya. Ang mga bampirang tulad nila ay dapat makipagkaibigan lamang sa kapwa nila bampira.
oke
10/07
0A great plot and story!
18/04/2025
0bitin
03/04/2025
0ดูทั้งหมด