logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

TTBP 4

Sumubo ito ng steak pero nakatitig pa rin sa kanya. “Masaya lang sila dahil natuloy ang date natin. Aren’t you excited for our future?”
“Future?” Anong future sinasabi nito? Ni hindi nga siya makatagal nang ilang oras na kasama ito. Future pa kaya?
“Yes. You and me together, we can build a coffee empire. Pinaplantsa na iyon ng parents natin ang partnership nila. Why not make the most of out of it?”
“So, this is not really a date. This is more like a marketing strategy?” paniniyak niya. “Kasi kung tungkol sa negosyo, hindi ako nakikialam sa negosyo ng pamilya ko. I have my own business. I hate being used.”
Pagak itong tumawa. “Your own business? That cute shop you have. Hindi ba libangan mo lang iyon?”
Naggiyagis ang ngipin niya. “It is mine. Hindi libangan lang. May mga empleyado ako na nakadepende sa akin. Yes. Hindi nga siguro kasing garbo ng negosyo mo pero pinag-ipunan ko iyon at di ako humingi ng tulong sa papa ko.”
Mula sa pagga-garage sale, pag-iipon ng baon at pagbebenta ng mga items na nabibili niya sa bakasyon niya sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, nabuo niya ang online store niya at nakapag-rent ng sariling shop. Nagsimula siya noong college. Kahit na gustong pondohan ng ama niya ang online shop niya, pinangatawanan niya na sariling sikap dapat ang lahat. Tumutuong ang ama minsan sa promotion at minsan ay sa kanya na umoorder ng mga gagamitin nito. Pero maipagmamalaki niya na anuman ang marating ang negosyo niya, pinaghirapan niya iyon.
“I didn’t mean offense, sweetheart,” anang lalaki at tinangkang hawakan ang buhok niya. “But I really like you. Nagkataon lang na may business transaction ang parents natin. Nabanggit ko lang naman ang tungkol sa negosyo dahil pareho tayong business-minded.”
“You want to discuss business with me? Discuss it with Miller Sebastian.”
Natigilan ito. “Miller? You mean that guy with cold eyes?”
“Siya ang pinagkakatiwalaan namin ni Papa pagdating sa negosyo.” At kung inaakala nito na mapapaikot siya nito, hindi iyon mangyayari kay Miller. Di pakikialaman ni Miller ang pakikipag-date niya sa ibang lalaki pero tiyak na makikialam na ito kapag pera na ang pinag-usapan.
Ipinilig nito ang ulo. “Never mind about business. I want to focus on us. You are making me hard.” Inilapit nito ang bibig sa kanya. “I want to spend the night with you.”
Tumikhim siya at inilayo ang sarili dito. “That’s too… blatant.”
“Why should I beat around the bush? Alam ko naman na doon din tayo mauuwi. I know you want me.”
“Sorry. Coffee lang ang usapan natin. Do you really think I am an easy girl?”
Umangat ang gilid ng labi nito. “I can change your mind.” Mariin nitong hinawakan ang baba niya at ngumisi sa kanya. “I am not letting you go tonight.”
Nakita niya ang determinasyon at kompiyansa sa mga mata. And there was a hint of evil she didn’t like. Malabong maakit siya nito pero di siya nito pwedeng pilitin. Mukhang kailangan na niyang tumakas at gamitin ang SOS call. Ayaw talaga niya ng gulo at di siya mangingiming ilagay sa lugar ang lalaking feelingero na ito.
“Daddy! Daddy!” Isang bata na sa tantiya niya ay dalawang taon ang lumapit sa mesa nila. “Daddy!” At tinapik-tapik ng bata ang kandungan ni Christian.
Sumampa ang bata sa kandungan nito at di alam ni Christian kung paano kakalungin. Alanganin na ang ngiti nito. “I am sorry. Mukhang may naligaw na bata.” Luminga ang lalaki sa paligid, alanganin ang ngiti. “Nasaan ba ang magulang ng batang ito at hinahayaan na pagala-gala lang.”
“Daddy!” tawag pa rin ng bata at tinapik ang mukha ng lalaki. Bakas ang iritasyon sa mukha ng lalaki at ibinaba sa sahig ang bata.
Dali-dali niyang dinaluhan ang bata na parang maiiyak. “Baby, halika dito. Ang cute mo naman.” Kinalong niya ang malikot na bata na patuloy pa rin sa pagtawag ng daddy sa kay Christian. “Anong gusto mo? Nasaan ang nanay mo?”
“Miri! Miri, nandito na si Nanay,” sabi ng babae na sa tantiya niya ay di nalalayo ang edad sa kanya. Maganda naman ito, morena at malaki ang mata na may malalantik na pilik-mata. Mukha itong haggard. Naka-ponytail ito at naka-bulaklaking T-shirt at pantalon. Kinuha ng babae ang bata sa kanya. “P-Pasensiya na sa pang-aabala, Christian. Gusto ka lang talagang makita ng anak mo.”
Lumipad ang tingin niya kay Christian at ibinalik sa bata. Tsinita ang bata at maputi katulad ni Christian. “Anak mo siya?”
Nagdilim ang mukha ng lalaki. “Get out, Ivy!” Itinuro nito ang pinto. “May bisita ako. Gusto mo talagang siraan ako?”
Hinigpitan ni Ivy ang pagyakap sa anak. “Sorry. Desperada na kasi ako dahil isang taon ka nang di nagpapakita o nagpaparamdam. Naka-block pa ako sa Facebook mo. Hanggang pictures ka na lang nakikita ng anak mo. Tapos kumalat ang billboard mo kaya ito lang ang naiisip kong paraan para makalapit sa iyo.”
Di niya alam kung ano ang buong istorya sa pagitan ni Christian at ng babae pero napansin niya na mukhang pagod ang babae at malayo ang pinanggalingan. Mukha rin itong hikahos sa buhay. Mukha namang wala itong balak na manggulo dahil mahinahon itong magsalita. Desperada lang talaga ang babae. Nakita rin niya ang pagkasabik ng bata sa kay Christian. At parang nakita niya ang sarili dito. Sa ganoong edad ay sabik din naman siya sa ama. Nagtatanong din siya sa nanay niya kung nasaan ang daddy niya pero lagi nitong sagot ay nasa abroad.
“Why don’t you sit down, Miss? Marami pa kaming pagkain dito,” alok ni Nadine. Kumuha siya ng garlic bread at inabot sa bata. “Hello, baby.” Sumenyas siya sa waiter para magdala ng extra na upuan para sa mag-ina.
“Nadine, what are you doing?” angil ni Christian sa kanya. “This is our date. Bakit hinahayaan mo silang sumalo sa atin? The security will see them out. Hindi mo na sila kailangang alalahanin.”
Nanlaki ang mga mata niya. “See them out? Mag-ina mo sila. Bakit mo naman sila itataboy? Saka mukhang gutom ang anak mo. Di mo man lang pakakainin.” At nakita niya na kumagat agad ang bata sa garlic bread.
“Because this woman is just after my money.”
“Hindi kita hinuhuthutan,” tutol ng babae. Bakas ang pagkapahiya at sakit sa anyo nito. “Gusto ko lang ng ama para sa anak ko. Nangako ka sa akin na pakakasalan mo ako kapag ibinigay ko sa iyo ang lahat. Na magiging ama ka sa anak natin. Tiniis ko ang lahat kahit na nagpalit ka ng cellphone number at bina-block mo ako sa Facebook. Okay lang sa akin kahit makipag-date ka sa ibang babae. Pero huwag mo naman sanang balewalain ang anak mo. Kita mo nga kung gaano kasabik ang ama mo na makita ka. Ayokong makalimutan ka niya bilang ama.”
Naninikip ang dibdib ni Nadine. Alam niya kung gaano kahirap bumuhay ng anak lalo na’t hikahos sa buhay. Halos magkaawa na ang babae makausap lang si Christian. No woman deserves this. Gusto na niyang kaladkarin ang babae palabas doon pero ayaw niyang makialam sa buhay ng mga ito.
“Alam mo, mas mabuti siguro kung mag-usap kayong dalawa nang kayo lang para sa anak ninyo. Aalis na ako,” sabi ni Nadine at kinuha ang clutch bag niya.
“No!” Pinigila ni Christian ang braso niya. “Hindi ikaw ang dapat umalis dito. Stay. They are leaving. Dito ka lang.”
“Daddy! Daddy, ayaw ko alis,” hikbi ng batang si Miri at yumakap sa binti ng binata. “Daddyyy!”
“Get off me.” At tinabig ni Christian ang bata. Napasadlak ang bata sa sahig at pumalahaw ng iyak. Bakas ang sakit at pagkapahiya sa mukha nito. “Umalis na kayo. Ipapapulis kita kapag di ka umalis dito, Ivy.”
Nagdilim ang paningin ni Nadine. Galit siya sa mga lalaking di marunong umako ng responsibilidad. Ayaw niya sa mga lalaking nananakit ng babae at bata. Tuluyan na siyang naubusan ng pasensiya kay Christian.
She could feel adrenaline rushing though her body. Biglang umigkas ang kamao niya at tumama sa mukha ng lalaki. Bago pa ito nakahuma, sinakmal niya ang leeg ni Christian at itinulak sa railing. Nagsisigaw ito habang nakabingit sa bangin at nakataas ang mga paa sa sahig. Animo’y isa itong pusang naipit sa pinto. (Sa tindi ng adrenaline rush, pwede po itong mangyari. Kahit nga ref pwde mong buhatin dahil adrenaline rush. Please research if ayaw nyong maniwala.)
“Bata iyon. Bata ‘yung sinaktan mo. Anak mo pa na isang taon kang di nakita tapos itataboy mo lang. Tarantado ka rin e. Akala ko wala ka lang kwentang ama. Wala ka rin palang kwentang tao. Di mo na nga mapanagutan ang anak mo, nagawa mo pang saktan. E kung tuluyan na kaya kitang ihulog dito tutal wala ka namang kwenta?” humihingal sa galit na tanong ni Nadine.
Nanlaki ang mga mata ni Christian. “Y-You won’t even dare. Y-You are not serious about k-killing me, right?”
Lalo niyang hinigipitan ang pagkakasakal dito. “Akala mo ba di kita tutuluyan? Di mo ako basta-basta masisindak. Di mo ako kilala. Lumaki ako sa squatter’s area. Akala mo ba kukurap ako kung sakaling ihulog man kita dito? I won’t regret it.”
“Pakawalan mo siya, Nadine!” Nanigas ang buong katawan niya. Hinatak ng lalaki ang baywang niya. At yumakap sa kanya ang panlalaking cologne na paboritong-paborito ng ilong niya. Hindi niya nagawang pumalag.
“Miller, you are here!” Sabi na nga ba’t di siya nito matitiis. Akala niya balewala dito na makipag-date siya sa iba. But he was here to her rescue.
“Nababaliw ka na ba? Sabi ko sa iyo huwag kang gagawa ng gulo. Pati bata tinatakot mo,” angil ng lalaki. At nakita niya kung paanong umiiyak si Miri habang nakasubsob sa balikat ng ina nito. Napansin din niya ang ibang security na nakaantabay pero di makalapit sa kanya.
“Sira ulo kasi itong lalaking ‘to. Sinaktan niya ‘yung bata. Ang galing gumawa ng bata pero di marunong magpakatatay. Sarap ihulog sa bangin,” aniya at di magawang bitawan ang leeg ni Christian.
“D-Don’t hurt me. Please. Gagawin ko ang lahat. Ano bang gusto mo?” tanong ni Christian na naghalo na ang sipon at luha sa takot.
“Alagaan mo ang mag-ina mo. Tiyakin mo na maayos ang kinabukasan nila. Nakakapagpa-billboard ka pero di mo man lang mapakain ang anak mo. Kapal mo! Oras na malaman kong sinaktan mo sila, tatadtarin kita nang pinong-pino. At makakarating din ito kay Daddy. Kahihiyan ito ng pamilya mo.”
“Oo na. Sorry na. G-Gagawin ko ang lahat ng gusto mo,” sabi ng lalaki. “Please. Takot akong mamatay.”
“Let’s go,” bulong ni Miller. “You already created enough chaos around here.”
Hinila niya ang kamay ni Christian pabalik. Nanlalambot itong sumalampak sa sahig at umatungal na parang bata. Dinaluhan ito ng security guard at mga staff. Nakamata lang ang mga ito. Alam siguro ng mga ito na ang amo ng mga ito ang may kasalanan. Pati ang mga customers na nakikiusyoso ay kanya-kanyang balik sa mesa ng mga ito.
“Sandali. Hindi ko sila pwedeng maiwan.” Nilingon ni Nadine ang mag-ina na magkayakap habang umiiyak. “Sumama na kayo sa amin. Please.”
“S-Salamat po. Pero baka tuluyan nang mawalan ng ama ang anak ko kapag sumama kami sa iyo,” sabi ni Ivy.
Umiling siya. “No. Titiyakin ko na magiging maayos kayo ng anak mo. Pangako ko iyan.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (32)

  • avatar
    Butal8Xiancaden

    thanks 😊

    12/07

      0
  • avatar
    Farhana Ali

    tfghhhh

    09/07

      0
  • avatar
    QUINIORV JANE

    nice game

    12/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด