logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3

Chapter 3
Jenny's Point of View
Hindi muna ako kaagad umuwi sa bahay at nanatili muna kay Claire. Galit parin ako sa pamilya ko and right now, I'm not ready to face them. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. For almost 18 years of my existence, I lived to their expectations and here I am being a thing sell for money. Ang sakit lang na ginawa ko na nga ang lahat  and at the end of the day, it turns out that they never been proud and contented with what I've achieve. All they want was for me to be useful to them...
"Bakit ba ganito ang buhay?" Naitatanong ko nalang sa sarili ko dahil sa mga nangyari ngayon, I'm feeling that I'm really belong to this world? Kailan ba ako sasaya na talagang masaya?...
"Ken, nasaan ka na ba?" I asked the picture of us. Alam kong mukha akong tanga kung titingnan at iisipin pero ito nalang ang nagbibigay ng lakas ng loob saakin. The promise he gave me was my only hope...
"Kain na tayo Bes" natigilan ako sa pag eemote ko ng tawagin ako ni Bes...
"Sige susunod nalang ako" tugon ko naman.
Hindi ko sinasabing hindi rin parte ng buhay ko si Bes but I already decided na hindi na ako basta basta magtitiwala dahil sa huli, ako lang naman ang masasaktan. I already learned my lesson so as much as I can, I'll never expect too much from her...
Kase naniniwala ako na masakit ang masaktan ng kaaway mo pero mas masakit na saktan ka ng kaibigan mo...
Matapos naming kumain ay ako na ang napresenta para mag linis. This is the least thing I can do for letting me live here...
Nagpaalam muna siya na lalabas siya sandali kaya hinayaan ko nalang. Hindi ako masyadong naapektuhan ng pag bubuntis ko and aking pag aaral kaya masaya ako. Pero hindi ko alam kung saan hanggang kailan ko ito kakayanin...
Medyo nakakahalata  na rin kase ang iba pang estudyante sa campus...
But I need to focus on my studies kaya hindi ko narin halos  napapansin and medyo masaya ako doon.
Pero buo na ang pasya ko na harapin na ang pamilya ko para sa lahat. Gusto ko ng matapos ang problemang ito kaya mas mabuti na magkalinawan na kaming lahat. Tulad nga ng mga sinasabi ng iba.... 'Every stories have a 2 versions so I want to make it clear na kung totoo nga ba talaga ang sinasabi ng Mike na iyon...
Tsaka naapektuhan narin kase ako ng mga nangyayari and alam ko na makakasama ito sa baby ko and ayaw ko iyong mangyari. I'll never let my baby suffer of what I'm having now. Deserve niyang mabuhay ng mapayapa and tahimik dahil wala naman talaga siyang kasalanan in the first place...
"Sigurado ka na ba diyan Bes?" Nag aalalang tanong saakin ni Bes kaya nginitian ko siya to assure here.
"Oo naman Bes, this is the right thing to do"...
"Basta Bes ah, call me if something is wrong, I'll be there for you" tumango na ako bago umalis.
Kabado talaga ako dahil there's a part of me na nagsasabing walang kasalanan ang pamilya ko and gusto kong maniwala dahil magulang ko parin sila eh...
"Ken, tulungan mo ako ngayong araw ah" sabi ko sa picture... Dadalhin ko ito palagi dahil ito ang lucky charm ko...
Kumain muna kami ni Bes ng almusal bago ako umalis. Sumakay ako ng taxi pauwi. Bakit nga ba ako kakabahan na kung iisipin eh sila itong may kasalanan. Kung hindi nila ginawa ang mga iyon, siguro'y maayos parin ang buhay ko.
Natatanaw ko na ang bahay kaya inayos ko na ang sarili ko...
"Manong dito nalang po" tumigil naman ang taxi kaya lumabas na ako. Kinuha ko muna ang mga bag ko sa likod bago umalis ang taxi. Sinadya kong hindi sa tapat ng bahay namin bumaba...
Naglakad na ako pauwi at kaagad kong nakita na nasa tapat ng pinto si mama...
Hindi paman ako nakarating ng pinto ay lumapit na kaagad si mama at binigyan ako ng isang napakalakas na sampal. Ang sakit ng sampal na iyon at naramdaman ko nalang na may dugo sa ilong ko. Napaluha nalang ako sa sakit at napa upo sa lupa habang nakatingin sakanya. Hindi na siya ang nanay na nakilala ko... Ang mama ko ay hindi ganyan makatingin. Oo, nagagalit iyon saakin pero hindi ganito kung makatingin... Parang ibang tao na siya. Napasapo naman ako sa pisngi ko na namamaga na...
"Malandi ka! Jenny!" Halos lumabas sa leeg nito ang ugat sa lakas ng sigaw niya.
"Wala akong ka—" kaagad akong linapitan niya at hinila ang buhok ko at pinilit na pinatayo.
"Sumasagot ka na pala ngayon ha! Makati ka! At wala ka pa talagang balak na sabihing buntis ka!" Nasasaktan na ako ng sobra. Sakit na dulot ng mga sinabi niya at sakit na dulot ng mga ginagawa niya sa akin...
"Ma! Masakit na po" sabi ko sa gitna ng aking pag iyak...
"Wala akong pakialam. Kailangan mong ipalaglag ang bata!" Utos nito na kaagad na nagpagalit saakin. Walang kasalanan dito ang baby ko...
"Hindi!" Sigaw ko kaya mas tumalim naman ang tingin nito saakin...
Hila hila niya parin ang buhok ko kaya walang tigil ako sa pag iyak. I remember na nangyari narin ito saakin dati and si Ken lang talaga ang tumutulong saakin. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko para ganituhin nila akong lahat.
"Kill that child or hindi ka na mag aaral?".
Para akong nanlamig sa tanong na iyon ni mama. Bakit iyon ang ibinigay niyang choice? At doon na tuluyang nadurog ako... Naalala ko na, ganito naman palagi eh... She always gave me options na parehong hindi ko naman gusto. Bakit nga naman hindi? Eh sino ba naman ako para tratuhing espesyal eh anak lang naman ako ng isang kasalanan. Now I know kung bakit sila ganito saakin. Kung bakit hindi ko man lang naramdaman na may nagmamahal saakin sa loob ng pamilyang ito... Dahil anak ako sa labas...
"Mamili ka Jen! Iyang anak mo sa isang kasalanan o kaming pamilya mo?" May diin sa tanong niyang iyon at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakasabunot saakin...
Buong lakas ko siyang tinulak kaya nawalan ito ng balanse at natumba. Nabitiwan niya ang buhok ko kaya inayos ko muna ito bago soya hinarap...
"Siguro naman ay alam mo na kung ano ang pinipili ko hindi ba?" Cold kong sabi sakanya. Hindi ko na siya kikilalaning ina mula ngayon... "I'll never do the same mistake that you do! Aalagaan ko siya kahit bunga siya ng kasalanan. And yes! I choose my baby over your trash like family! Hindi ko kayo pamilya... Ang pamilya ko lang sa ngayon ay ang baby ko. Ito ang tatandaan mo! Darating ang araw na pagsisisihan mo na mas pinili mo sila kesa sa anak mo sa kasalanan na hindi ka tinigilang mahalin" I managed to said those words bago pumasok ng bahay para mag empake.
Aalis na ako sa bahay na ito tutal ay hindi naman ako kabilang sa kanila eh. Gagawin ko nalang ang lahat para sa magiging anak ko dahil ayokong matulad siya saakin. Ngayon ay narealize ko kung gaano ako katanga para habulin si Mike. Dahil kahit bumalik siya saakin, hindi ko alam kung tatanggapin niya ang magiging anak ko.
Matapos akong magligpit ay kaagad akong lumabas ng kwarto at tumungo sa sala. Doon ko naabutan na nagtitipon silang lahat kay mama na naghahabol ng hininga...
"Tanggapin ka sana sa langit" huli kong sinabi bago lumabas. And they gave me a deadly stare pero hindi ko na iyon pinansin...
And sa kahuli hulihang pagkakataon ay tumingin muli ako sa bahay and the scene I saw gave me more reason to leave them... Nagsasaya silang lahat na para bang naalisan ng tinik sa lalamunan...
Bumalik ako sa apartment ni Bes at kaagad naman niyang kinuha ang mga gamit ko...
"Bes okay lang iyan, welcome ka rito sa apartment ko" ngumiti ako sa mga sinabi ni Bes.
Sinabi ko narin sakanya na tumigil na ako sa pag aaral. Mas mabuti narin siguro iyon para hindi naman ako mahirapan pati narin si baby.
Patuloy parin naman si Bes sa pag aaral and ako ang in charge sa pag lilinis ng bahay at pag luluto, ito lang kase ang kaya ko sa ngayon and para naman makapag bayad ako sa kabutihang ipinapakita niya saakin.
Pero hindi ako tumigil sa paghahanap ng trabaho na pansamantala para makalipat ako ng matitirhan dahil alam kong temporary lang ito...
"Good evening Bes" bati ko rito ng umuwi ito na pagod na pagod...
"Good evening bes, napagod ako doon sa pinagawang report ni prof" sabi naman nito.
Kaagad akong kumuha ng kape at tinapay at iniabot sakanya...
"Salamat".
"Tapos mo na ba iyong report?".
"Hindi pa nga eh".
"Tingnan ko nga?".
Inabot niya ito saakin kaya ngumiti ako ng mabasa ko kung tungkol saan ito. I know that topic kaya nag presenta ako kay Bes na ako nalang ang gagawa. Ayaw niya pasana pero nagpumilit na ako and wala na nga siyang nagawa...
Halos dalawang oras ko ring ginawa ang report at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...
Pagkagising ko ay kaagad akong lumabas para ibigay na kay Bes pero may narinig akong nag uusap sa labas kaya pumasok akong muli. Ayaw ko sanang makinig sa usapan sa labas kaso may sariling isip yata ang katawan ko at gustong malaman kung ano iyon.
Nagtago ako sa may pinto para makinig and ang mga narinig ko ang nagpa realize saakin ng lahat...
"Claire naman, bakit dito mo pa iyan pinatira?".
"Mommy naman eh, best friend ko siya".
"Best friend mo nga siya pero iba na ngayon, baka maging bad influence iyan saiyo".
"Mommy nasa kabilang room lang siya so please lower your voice".
"Oh di'ba, sinasagot mo na ako ngayon dahil lang sa kaibigan mong iyan".
"Mommy".
"Paalisin mo iyan dahil kung hindi alam mo na ang kaya kong gawin".
"Wala naman siyang kasalanan eh and pinalayas na siya sakanila".
"Ikaw narin nagsabi, pinalayas na siya which means na masama siya. Eh ang landi nga eh at nag pabuntis na kaagad".
"Mommy just please shut up".
"Paalisin mo iyan o hindi kita papag aralin".
Narinig kong sumara ang pinto na ang ibig sabihin ay nakaalis na ang mommy niya. Pinunas ko muna ang mga luha ko bago iniligpit ang mga gamit ko. That conversation makes me realize na hindi na ako normal na tao, hindi ko na kayang mamuhay ng normal tulad ng iba dahil buntis na ako sa murang edad...
Tamang lahat ng sinabi niya, magiging bad influence lang ako kay Bes kapag nanatili pa ako rito...
I need to face this alone and hindi mang damay ng iba dahil in the first place ako naman ang gumawa nito...
Nanatili siguro ako ng kalahating oras sa loob bago naisipang lumabas. Siniguro ko munang naubos ko na ang aking luha...
Kaagad siyang tumakbo papalapit saakin sabay yakap ng mahigpit. Nabitiwan ko naman ang report na ginawa ko pati narin ang aking mga gamit at nagsimula naring umiyak tulad niya.
Inakala kong naubos ko na ang aking luha pero hindi pa pala. I started crying when I feel her... She's really my best friend...
"Bes, huwag ka ng umalis, I can fix this promise".
"Huwag na Bes, your mother was right na hindi ka dapat kasama sa problemang pinasok ko".
"No Bes, kaibigan kita kaya ginagawa ko ito. Wala ka ng ibang mapupuntahan and I can't bare to see you suffering anymore".
"I'll be okay Bes, kilala mo naman ako hindi ba?... But promise me one thing, don't do the same mistake I did".
"Bes, please stay".
"Para naman akong mamamatay niyan".
Bumitaw na ako sa pagkakayakap niya...
"Anong gagawin mo Bes?".
"Hahanap ako ng trabaho at matitirhan. Don't worry about me dahil kaya ko naman".
"Kung buo na Bes ang desisyon mo then I'll support you. Pero palagi mong tatandaan ns bukas lang ang aking pintuan para saiyo" maluha luha pa nitong sabi.
"Syempre naman" tugon ko naman. "Heto na nga pala yung report na ginawa ko" sabay pulot dahil nahulog ko kanina.
"Thanks Bes".
"Ako nga dapat ang mag pasalamat saiyo Bes dahil sa laki ng tulong mo saakin eh".
Matapos naming magpaalam sa isa't isa bago tuluyang umalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hahayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan ako dadalhin nito.
Sumakay ako ng taxi at binigay ang lugar na aking pupuntahan. Isa iyong mataas na lugar sa labas lang nitong Manila. I remember na doon ako dinadala nina mama dati. I want to be alone first para makapag isip ng maayos and that place was very perfect for it. Laguna...
Ang Mount Makiling. Medyo naipit sa traffic pero nakarating rin kami kaagad.
Bumaba na ako pagkatapos kong magbayad at kinuha ko na ang aking mga gamit. Tinanaw ko muna ang mataas na bundok. Naghanap ako ng maayos na mauupuan at naisipang doon na muna magpahinga.
Niraramdam ko ang bawat pag dampi malamig na hangin sa katawan ko st parang pinapakalma ako ng napakagandang tanawin...
Dumating na nga ang kinakatakutan ko... Ang mawalan ng mapupuntahan... Hindi ko na alam kung saan ako nito pupunta matapos ng lahat. Wala akong kakilala maliban sa pamilya ko kaya wala na talaga akong alam. Patuloy lang ako sa pag iyak kaya medyo natatakpan na ang paningin ko ng aking mga luha. Kaagad akong kumuha ng panyo sa bag ko ng biglang mahulog ang I.D ng lalaking dahilan ng lahat ng ito.
Siya dapat ang sisihin ko nito dahil he takes advantage of my drunkenness that night...
Kaagad kong tinago ang I.D na iyon sa bag ko... Hindi ako lalapit sakanya dahil kung may isang bagay lang akong hindi bibitawan... Iyon ang pride ko dahil ito nalang ang natitira saakin...
Medyo sumakit na ang tiyan ko at parang nahihilo ako. Napagtanto kong umalis nga pala ako kina Bes na hindi man lang kumain ng biglang may humawak sa  balikat kaya nanlamig ako at naestatwa sa kinauupuan ko... Did I mess up? Ito na ba ang katapusan ko???
End of #TNWMLC -Chapter 03-

หนังสือแสดงความคิดเห็น (152)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    ganda nag storya

    6d

      0
  • avatar
    Maria Teresa Tanatan

    loveit

    9d

      0
  • avatar
    Arnold Oliva

    aisihshsbsussisbaoaksnskeoelskdssplsnsytwpywyehehdockvjfngngnfkeksgdveejgweusgewhwjekrororhrurkrpdjdndozjajsgduduusgfftft diff yee kk you have a great day I'm off to siya I'm going to siya to siya to get the results ate a whole lot man Ina road to siya to get the house cleaned up and to be honest I'm not a whole new world translation of a whole lot to get to get the kids out of a car to get a car loan calculator to find the values and to get to get the kids out to get the kids in their house cle

    13d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด