logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 2

CHAPTER 2
Jenny's Point of View
Nag taxi nalang ako papunta sa apartment ni Mike and habang nasa loob ay hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa labis na kaba. Iipunin ko na ang lahat ng lakas ng loob na meron ako para kausapin siya...
Medyo sumakit ang ulo ko kaya pumunta muna ako sandali sa isang puno para mag pahinga medyo mainit na kase.
I need to do this for my sake... I consider him my life so I really need him... Siya nalang ang meron ako kaya hindi ko siya bibitawan.
Medyo nakabawi na ako ay kaagad na akong naglakad. Every seconds count so I can't lose it...
Malapit na ako ng makita kong dumating ang kotse niya kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Para akong nanghina ng makita kong lumabas siya kasama si Colline and their very close to each other. Para akong sinasampal ng katotohanan. Mas masakit pa pala ito kesa sa larawan lang na nakita ko kahapon...
"Puntahan mo na at sabihin ang mga gusto mo dahil naririto ka na rin naman eh"...
Naririnig ko ang boses ng konsensiya ko na pinipilit ako...
"Don't do things you'll regret"...
Kahit masakit ay pinilit  kong humakbang para lumapit... Ipaglalaban kita kase ganoon naman ang pagmamahal hindi ba?...
"Oh look who's here" maarteng saad ni Colline na para bang hindi kami naging mag kaibigan.
"Anong ginagawa mo rito Jen?" Pasigaw na tanong ni Mike na mas lalong dumudurog sa puso ko. He's not the Mike I used to know anymore...
"Mike usap naman tayo" wala sa sarili kong sabi maging ako ay nagulat rin.
It was not my plan, dapat ay lalapit ako at yayakapin siya ng mahigpit...
Bigla akong hinawakan ni Mike sa braso ng napaka higpit kaya nasasaktan ako...
"We're already done Jen!" Singhal nito kaya napaluha nalang ako... Hindi ko alam kung saan ako dapat masaktan... sa sakit ng pagkakahawak niya o sa sakit ng mga sinabi niya saakin...
"Mikes, we've been in relationship for almost Four years at ang ganitong problema eh maliit lang naman".
"Naririnig mo ba ang sarili mo Jen ha!" Mas humigpit pa ito sa pagkakahawak sa mga braso ko...
"Mike, you can still support your child with Colline while were building our own family".
"Are you making me laugh Jen? Do you think na gugustuhin kong mangyari iyan?".
"I'm pregnant" lakas loob kong saad kaya napabitaw ito saakin at hindi ko inaasahang isang malakas na sampal ang makukuha ko mula kay Colline...
Malakas iyon kaya napasapo nalang ako saaking pisngi. Pero mas pinili kong lapitan si Mike kesa sa pansinin si Colline...
"You Bitch!!! How dare you!!!" Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na lumalapit kay Mike. Alam kong hindi ako kayang tiisin ni Mike. Hindi niya kayang nakikita akong nasasaktan...
"Mike, Mi-ike" nanghihina kong tawag sakanya...
"Nagpapatawa ka ba Jen! Walang nangyari saatin dahil sa kaartehan mo! Sayang nga iyong binayad ko sa mga magulang mo at hindi kita napakinabangan! So don't tell me na nabuntis kita dahil kapag hindi ako nakapag pigil ay masaktan pa kita. For your information! I never loved you! I just want to use you for my  own desire and you know? I'm really pissed off right now 'cause  I just waste my money on you bastard! Kung meron man akong mamahalin! Si Colline iyon at wala ng iba"...
Sa mga sinabi niya ay mas lalo akong nanghina...
"It was all a joke right Mike? Mahal mo ako di'ba?" Desperada kong sabi at nakikita ko ang galit sa mukha niya at ni kaunting awa ay wala...
"Lumapit ka lang at baka hindi na ako makapagpigil!" Madiin niyang banta. Pero patuloy parin ako sa paglapit...
"You gave me no choice!" Sigaw nito at akmang susuntukin ako nito ng biglang may humawak na lalaki sa mga kamay niya...
"How dare you to hurt her!" Tumingin ito saakin. "You don't deserve him... Because if he really loves you, he can't stand seeing you like that" sabi nito saakin pero hindi ko makitang masyado ang mukha niya.
"And this is for you! She doesn't deserve you and marked my words! You'll gonna regret this someday for leaving her now" for some reason ay medyo gumaan ang pakiramdam ko pero tuluyan ng nawalan ako ng malay and hindi ko na nalaman pa ang mga sumunod na nangyari...
____
"Jen huwag ka ng umiyak, gusto mo bili nalang tayo ng ice cream?" May nakita akong isang batang lalaki na pinapatahan ang isang batang babae...
"Ikaw libre" medyo ngumiti na ang bata and I'm surprised that I'm that little girl...
"Sige, basta okay ka na ah. Ito pangako ko saiyo... Pag laki ko isasama kita kung saan para iligtas".
"Talaga?".
"Oo naman, ilalayo kita sa kanila, basta promise me na hihintayin mo ako ah".
"Opo!".
"Pasensiya na kase bata pa ako eh, wala pa akong kakayahan para ilayo ka rito".
"Okay parin iyon, kase alam kong hindi mo naman ako papabayaan! Best friend forever tayo di'ba?".
"Tama ka diyan" bigla nalang tumulo ang mga luha ko...
"Kuya Ken!"...
____
"Kuya Ken!" Bigla ko nalang na nasabi...
"Ayos ka lang bes?" Tiningnan ko ito at si Bes lang pala...
"Anong ginagawa ko rito?" Naguguluhan kong tanong kaya tiningnan ko siya...
"Nasa Hospital tayo Bes".
"Ha?".
"Ikaw kase eh, sabi ng huwag ka munang pumunta sa lalaking iyon".
"Bakit naririto ako?".
"Hindi mo ba maalala?".
Biglang sumakit ang ulo ko at naalala kong pumunta nga pala ako kay Mike at may lalaking tumulong saakin...
"Nasaan na siya?".
"Easy lang Bes okay? Pasalamat nga tayo na naroon si Mr. Handsome dahil kung wala ay hindi ko alam kung anong mangyayari saiyo".
"Nasaan na ba siya?".
"Umalis na kanina pa eh".
"Bakit?".
"May meeting daw siya na hindi ko alam at dalawang oras ka kayang tulog noh".
"Naitanong mo ba ang pangalan niya?" Umupo na ako sa hospital bed.
"Ah hindi eh, nagmamadali ata pero iniwanan ka naman ng pera".
"Ha? Bakit daw?" Nabigla ako sa sinabi niya.
"Hindi ko rin alam basta ang bilin niya ay huwag raw kitang iwan rito" sabay kuha nito ng mansanas at abot saakin. "Heto kumain ka na muna".
Kinuha ko naman ang mansanas dahil medyo nagugutom narin kase ako...
Sino ba ang lalaking iyon? Nakakapagtaka naman na grabe ang ibinigay niyang tulong saakin...
"Bakit ka ba humantong sa ganito Bes? Akala ko ba eh kakausapin mo lang naman ang Mike na iyon?".
"Oo nga, sinabi kong siya ang ama nitong pinagbubuntis ko and ayon nagalit. Pati ang malanding Colline na iyon ay nakisali" malungkot kong sagot sa tanong niya and nakita ko ang galit sa mukha nito.
"Anong ginawa saiyo ng Colline na iyon Bes?" Madiin ang bawat pagbigkas niya kaya alam kong talagang galit na siya.
"Sinampal ako sa pisngi" tugon ko naman na mas lalong nagpagalit pa sakanya. Siguro kong fantasy ito, nag aapoy na siya sa galit ngayon...
"Tayo na Jenny at sampalin rin natin".
"Huwag na Bes okay naman ako eh".
"Ako bes! Hindi ako okay!" Si Bes talaga, talo niya pa ako na nasaktan kung magalit. Pero iyan naman ang gusto ko sakanya... Nagagalit siya in behalf of me...
"Kalma lang Bes, atleast alam ko na ang totoo. Let's look at the bright side of this".
"Anong nalaman mo ang totoo?".
"Na hindi naman talaga ak—" wait teka, hindi ko maaring sabihin sakanya ang totoo dahil sugurading maguguluhan lang siya pag nagkataon...
Walang alam si Bes patungkol sa pamilya ko at kung paano nila ako tratuhin kaya ililihim ko nalang muna sakanya...
"Anong ibig mong sabihin?".
"Ah ang ibig kong sabihin Bes eh nalaman ko na ngayon na hindi na talaga ako mahal ni Mike"...
"Walang hiya talaga ang dalawang iyon!".
"Okay lang Bes, tsaka alam ko namang lilipas rin itong sakit".
"Pero paano na ang bata niyan?".
"Aalagaan ko nalang siya".
"Wala ka bang balak na puntahan ang nakabuntis saiyo".
Medyo nakaramdam ako ng galit...
"Hindi Bes, pipilitin ko nalang na palakihin ang bata mag isa kesa sa humingi ng tulong sa kung sino man siya".
"Desisyon mo yan Bes kaya support nalang kita, basta ako ninang niyan ah".
"Loko hindi pa nga isinisilang eh".
"Pero Bes nag aaral panaman tayo niyan".
Bigla akong kinabahan. Oo nga pala... Paano na nito ang pag-aaral ko...
"Ah eh, huwag na muna iyan Bes ang pag usapan natin" gusto ko munang kalimutan ang tungkol doon dahil naaalala ko lang kung paano ako benenta ng mga magulang ko.
"Eh sino ba 'yong tinawag mo na kuya Ken pagka gising mo?" Kunot noong tanong niya.
"Teka, sinabi ko ba talaga ang pangalan niya?".
"Oo naman, I'm hoping nga na name ko tatawagin mo eh kaya lang kuya Ken ang lumabas".
"Sensiya na Bes kala ko kase panaginip pa eh".
"So who's this Ken?".
"Childhood best friend ko na nakalimutan ko" tama, Ken was my Best friend. He's older than me pero close na close kami. 5 years old ako noon kaya hindi ako magtatakang nakalimutan ko na siya.
But for some reason ay nagpakita siya sa panaginip ko and I'm very happy. Naalala ko na, na palagi kaming naglalaro sa may ilog. Mabait siya ang he always comforts me kapag pinapagalitan ako ng mga magulang ko at ginagamot naman kapag pinapalo. Kaya nangako siya saakin na kapag malaki na siya ay babalik siya para isama ako...
Napakasama ko para kalimutan siya... Siya lang naman ang kaisa isang taong nagparamdam saakin na naririto ako sa mundo...
"Bes, bakit bigla kang umiyak?" Kaagad kong pinunas ang mga luha ko.
"I'm sorry Bes, naalala ko lang kase si kuya Ken".
"Sus! Naririto naman ako eh".
"Alam ko naman, I'm just happy that I were able to remember him again".
"Mukhang napakahalaga talaga niya saiyo no!".
"Oo naman syempre pero ikaw na iyon ngayon kase wala siya" ngumiti naman ito ng malawak.
"Galing mo talaga mambola Bes. Pero teka lang ah".
"Bakit?".
"May picture kase ako nakita diyan sa tabi ng bed mo and hindi saakin pamilyar so hinintay nalang kitang magising".
Pero wala naman akong dalang picture ah. Nakapagtataka naman...
"Pero wala naman akong dalang picture eh".
"So kanino ito?" Takang tanong niya sabay abot saakin ng picture na hawak niya...
"Kuy-ya K-ken?" Nauutal kong sabi...
"Bes ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni bes saakin.
"Siya ang childhood best friend ko Bes" nagulat siya at tiningnan rin ang picture.
"Ikaw nga ito Bes. Pero paanong naririto ito?".
"Hindi ko rin alam" ng makita ko ang larawan ay parang nawala ang sakit na nararamdaman ko. He really comforting me even if it's just a picture.
Kaagad kong kinuha ang picture at tiningnan kung may makukuha ba akong clue kung sino na siya ngayon.
And bigla nalang akong umiyak ng mabasa ko ang nakasulat sa likod ng larawan...
- " It's been 13 years at ngayon ay handa na akong balikan ka Jen. Ako ang best friend mo na si Ken... Just wait for me and I'll find you kahit saan" -
"Bes bakit umiiyak ka nanaman?".
"Naririto Bes si kuya Ken!".
"Ha?".
Kaagad akong tumayo... I need to find him... Alam kong naririto parin siya... Kailangan na kailangan ko siya ngayon...kuya Ken please wait for me... I'm just here...
"Bes, huwag muna" pigil ni Bes saakin pero hindi ako susunod sakanya...
"This is my only hope Bes, I know he'll gonna help me" hindi ko na kailangan pang magtagal rito dahil baka mahuli pa ang lahat...
"Tawagin muna natin Bes ang nurse".
"Bes please, just this... I really need to talk to him" halos magmakaawa na ako sakanya at maya maya lang ay pumayag narin siya...
"Don't do too much Bes, wala na si Mr. Handsome kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko pa saiyo".
"Thanks Bes" yinakap ko ito ng mahigpit bago tumayo. Medyo mahina pa ako pero kaya ko ng maglakad mag isa.
Binilisan ko ang paglalakad at kung minamalas nga naman ay nakasalubong ko pa ang nurse at pinabalik ako...
"Bes paano na ito?" Hindi na ako mapakale dahil sa nangyari... I lose the only chance for me to talk to him again...
"Huwag kang mag alala Bes dahil alam kung magkikita rin kayo ulit" sana nga dahil siya nalang ang mayroon ako...
Lumabas narin kami ng hospital dahil maayos naman raw ako. Pero mukhang makakaalis na  ako rito na hindi man lang nakita si kuya Ken...
"Kuya Ken nasaan ka na ba?" Tanong na paulit ulit sa utak ko ...
Someone's Point of View
" Saan ko na ba nailagay ang larawan namin ni Jen noong mga bata palang kami... Yun nalang ang natitira ko para mahanap siya"...
End of #TNWMLC -Chapter 02-

หนังสือแสดงความคิดเห็น (152)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    ganda nag storya

    7d

      0
  • avatar
    Maria Teresa Tanatan

    loveit

    9d

      0
  • avatar
    Arnold Oliva

    aisihshsbsussisbaoaksnskeoelskdssplsnsytwpywyehehdockvjfngngnfkeksgdveejgweusgewhwjekrororhrurkrpdjdndozjajsgduduusgfftft diff yee kk you have a great day I'm off to siya I'm going to siya to siya to get the results ate a whole lot man Ina road to siya to get the house cleaned up and to be honest I'm not a whole new world translation of a whole lot to get to get the kids out of a car to get a car loan calculator to find the values and to get to get the kids out to get the kids in their house cle

    13d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด