logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

BH: Amira 5

Naestatwa sa kinatatayuan niya si Amira. Di niya alam kung haharap para makita ang matandang lalaki o hahakbang para maglakad palayo. Nasa likuran lang niya ang lolo niya. Hindi ba noong bata siya ay iniisip niya na gusto niyang magkaroon ng lolo? Pangarap niyang makita at kilalanin siya ng lolo niya… sa ina.
Pero nasa likod lang niya ang lolo niya sa ama at kinikilala siya. Ang kailangan lang nito ay kilalanin niya ito. Aalis lang ba siya nang di man lang ito nakikita o nakakausap?
Fine. Haharap ako pero para lang itakwil ang pagiging Banal ko at pagiging apo niya. Iba ang misyon ko sa pagpunta dito. At mas masaya siguro kung harap-harapan ko siyang tanggihan para maipakita ko sa kanya na wala akong planong maging parte ng ilustrado niyang pamilya.
Dahan-dahang pumihit si Amira. Natigilan siya sa nakita. Sa halip na isang malakas na Don Alfonso Banal ang makaharap niya ay isang matamlay na version ng matikas na business tycoon ang nasa front porch. Nakaupo ito sa wheelchair at sa likod nito ay may nurse na nakaantabay. May isang matikas na lalaki na sa palagay niya ay nasa early thirties ang nakatayo sa tabi ng don pero nag-zoom in lang ang paningin niya sa matandang lalaki.
She didn’t expect the punch on her stomach. Lukso ng dugo. Hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang maiyak at gusto niyang yakapin ang matanda. Kinuyom niya ang palad. Dito ka lang. Huwag kang lalapit. At hindi mo siya tatawaging lolo. Kalaban siya, bilin niya sa sarili.
Naglakad palapit sa kanya ang lalaking naka-long sleeve polo at dark brown trousers. “Good afternoon, Miss Catindig. I am Attorney Matthew Guzman. Nagkausap na tayo,” anito at inalok ang kamay niya.
Kinamayan niya ito pero nginisihan ito. “Hello, Attorney Wrong Number. Mabuti naman at may abogado na pala ang driver con kidnapper na kinuha ninyo para dalhin ako dito. Baka kailanganin ka niya,” aniya at nilingon si Francois na nakasandig lang sa Land Rover at parang amuse na amuse pa sa mga banta niya. “Oh! I won’t press charges. Just leave me alone.” Tumingin siya kay Don Alfonso. “I am sorry, Sir. Aalis na po ako. Good day, everyone,” pormal niyang wika. “Mukhang mali po kayo ng tao na dinala dito. Hindi po ako ang apo na tinutukoy ninyo. Mali ng nasundo ang driver ninyo.”
“Alam ko na ikaw ang anak ni Alfie kay Himaya Catindig, Amira. Kaya apo kita. Isa kang Banal,” anang matanda sa mas matatag na boses.
Direkta niyang tiningnan sa mga mata ang matanda. “Hindi po ninyo ako apo. Basta ang alam ko, ang pamilya ko ay ang tribo ng Lambayan.” Ang tribo na sinira ninyo at ng Banal Mining Corporation. “Sila lang ang pamilya ko.”
“No. Isa kang Banal. You look like my wife, ang Lola Celestina mo. Parang nabuhay siya ngayon sa harapan ko habang pinagmamasdan ka.”
Lola? Kamukha niya ang lola niya sa ama? Baka naman pinapaikot lang siya ng matanda para makuha ang loob niya.
“I look like my mother,” matapang niyang wika.
“No. Nakuha mo ang mga mata mo sa kay Celestina. Gusto mo bang makita ang portrait niya sa loob? Kamukha mo siya.”
Umiling siya at humakbang paurong. “Hindi na po kailangan. Hindi ako nagpunta ng Sagada sa inyo. Hindi po ako interesado na maging Banal at di ako interesado sa yaman ninyo.”
“Yes. Of course. Nandito ka para pigilan ang operasyon ng Banal Mining Corporation, hindi ba?”
Natigagal si Amira habang nakatingin sa matandang lalaki. Her weapon – the element of surprise – was shattered. Of course, hindi basta-basta ang kaharap niya. Ito si Don Alfonso Banal, isang bilyonaryong negosyante. Hindi ito makakakuha ng malaking kayamanan at mapapaunlad ang negosyo nito kung di nito gagamitin ang intelligence nito.
“How did you know?” nausal niya. It was a stupid question actually. In his world, knowledge is power.
Direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. “I know everything about you, hija. Alam ko na papunta ka dito bago ka pa man dumating. Alam ko kung ano ang pakay mo. Alam ko ang mga kilos mo, mga pinagdaanan mo, mga lugar kung saan ka nagpunta, ang mga kaibigan mo pati mga kaaway mo.”
Umangat ang gilid ng labi nito. Alam nito kung saang panig ito ng listahan niya –sa mga kaaway niya. At dahil hindi niya napaghandaan ang paghaharap nilang ito ni Don Alfonso Banal, she was at a disadvantage. Nasa teritoryo siya nito at para makaalis doon ay kailangan pa niyang maglakad sa kilo-kilometrong rough road bago makalabas. She was practically in the middle of nowhere. Wala siyang kawala dito.
“Alam ninyo ang lahat tungkol sa akin?” nakataas ang kilay niyang tanong at naglakad palapit dito. “Then you should know that being a Banal is a curse. Kung ako ang masusunod, hindi ko gugustuhing maki-share ng DNA sa inyo.”
“Hindi ka naman maniniwala sa lahat ng sasabihin ko, hija. Mukhang nabuo na ang di magandang impression mo tungkol sa akin pero di naman kita masisisi. Huli na ang lahat. Hindi na maibabalik ang nakaraan.”
Pagak siyang tumawa. “How convenient. Matapos ang lahat ng ginawa ninyo…”
Itinaas nito ang kamay. “I am too old for drama, hija. Alam ko na ayaw mong maging Banal. So let’s get down to business. Gusto mong pigilan ang operasyon ng Banal Mining Corporation dito sa Sagada. At ako ang Banal Mining Corporation. Ako ang magsasabi kung dapat ipatigil ang operasyon o hindi. Kung gusto mong maipasara ang minahan, manatili ka dito ng isang gabi. Stay here for dinner so you can meet your sisters. Karamihan sa inyo ay ngayon lang magkikita-kita. Ngayon lang kayo mabubuo. At pagkatapos ay pwede na nating pag-usapan ang tungkol sa pagpapatigil ng operasyon ng minahan.”
Damn! The old man knew how to make a solid deal. Alam nito kung ano ang kahinaan niya at kung paano gagamitin iyon. She was trapped.
Sa isang banda, mabuti rin ito. Di na kailangang magprotesta o makiusap sa mga government officials na malamang ay hawak din ni Don Alfonso Banal sa leeg.
Beware. Negosyante si Don Alfonso Banal. A sheep in wolf’s clothing like my father. He won’t easily give me what I want. Hindi niya ako maidadala dito sa lupain niya gamit ang katusuhan niya para lang lumuhod at sumunod sa lahat ng gusto ko. Kahit na matanda na siya ay mapanganib pa rin siya. Hindi siya pwedeng basta-basta pagkatiwalaan.
Itinaas ni Amira ang noo. “I want to put that in writing.”
Pagak na tumawa ang matandang lalaki. “Hindi na kailangan, hija. You have my word.”
“Coming from a Banal, I don’t think so. After what my father did to my mother.”
Naging seryoso si Don Alfonso. “Hindi ako ang ama mo, hija.”
“Ikaw ang ama niya. Kayo ang nagpalaki sa kanya. Bakit ko kayo pagkakatiwalaan?”
Nagkibit-balikat ito. “Ano naman ang rason para di ko tuparin ang pangako ko? At ano naman ang mawawala sa iyo kundi mo ako pagbibigyan na manatili sa poder ko kahit sa isang gabi lang? You are free to go tomorrow, hija. Kahit ngayon ay malaya kang makakaalis kung gusto mo. Hindi ka naman preso dito. Malaya kang makakagalaw kung gusto mo. Pwede mo ring tawagan ang kaibigan mo na naghihintay sa iyo at ang ina mong si Himaya. Magpapahanda ako ng tanghalian para sa iyo. Gusto mo bang saluhan kita?”
Umiling siya. “Gusto ko pong magpahinga.”
Inilahad nito ang kamay at pilit na inabot ang kamay niya. Kusang umangat ang kamay niya para hayaan itong gagapin iyon. There was so much sadness in his eyes. Hindi isang tusong negosyante ang nakikita niya kundi isang matandang lalaki na nasa dapit-hapon ng buhay nito. At sa dami ng pinagdaanan nito sa buhay ay pagod na pagod na ito.
“Sana ay sa ibang pagkakataon kita nakilala, hija. Hindi ganitong may pagkamuhi sa puso mo,” anito sa pagal na boses.
Binawi niya ang kamay. “Sana nga po,” aniya sa malamig na boses.
Sana ay hindi na lang ako naging isang Banal.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (48)

  • avatar
    juquianacristina

    hooked,,i like the twist and turns,,ngyn lng ult ako nhook s isng story,sna mrmi png gnto

    13/03/2022

      1
  • avatar
    Marenel Labarrete Puebla

    💛💛i love it

    24/07

      0
  • avatar
    John Niethan Davo

    tinanong kung nasan ung anak

    12/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด