logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Four

Chapter Four
KADILIMAN, iyon ang unang bumungad kay Mayo nang idinilat na niya ang kanyang mga mata. Wala siyang makita maski ang kanyang sarili.
Nagsimula na rin siyang makaramdam ng takot. Wala siyang ideya kung nasaan siya ngayon. 'Ni hindi nga niya matandaan kung paano ba siya nakarating sa lugar na ito.
"Helllllooooo!!!!" tawag niya.
Nadinig niya ang pag-alingawngaw ng kanyang boses pero walang sinuman ang tumugon sa kanya. 
"May tao po ba d'yan? Paki-usap, tulungan n'yo po ako!" pagsusumamo niya.
Naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang mga luha pero hindi niya iyon makita.
"Natatakot na ako!" sigaw niya, "Please, tulungan n'yo ako!"
Umeecho sa buong paligid ang tinig ni Mayo. Oo, nadidinig pa rin niya ang kanyang sarili. Pero nananatili pa rin siyang binabalutan ng dilim, at nakakabinging katahimikan.
Hindi na alam ni Mayo kung gaano na siya katagal na humihingi ng saklolo hanggang sa mapansin niya ang isang tuldok na liwanag sa 'di kalayuan. Nagkaroon siya ng pag-asa kaya naman dali-dali niyang nilapitan ito.
Takbo?
Lakad?
Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginagawa. Ang tanging gusto lang naman niya ay malapitan ang naturang liwanag na iyon. Habang tumatagal ay lalo lang niyang inaasam na makarating roon lalo na't napapansin na rin niya ang unti-unti nitong paglaki.
"Mama..." wala sa loob na sambit ni Mayo nang maaninagan niya sa kanyang isipan ang imahen ng isang babae na masayang nakatingin sa kanya. Kasunod niyon ay ang paglitaw pa ng isa pang pamilyar na mukha na may mga matatamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Papa! Pa!" 
Dahil sa mga pamilyar na imahen na isa-isang pumapasok sa isipan ni Mayo, at dahil sa kasiyahang unti-unti niyang nararamdaman, hindi na niya namamalayan na ang madilim na mundong kanyang ginagalawan ay unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag. Nagkakaroon na ito ng iba't ibang linya at hugis. Para bang may mahusay na pintor ang kasalukuyang gumuguhit roon at nagagawa na nitong maging masigla ang buong paligid.
"Papa! Mama!" Malakas na tawag ni Mayo nang makita niya ang masayang mukha ng kanyang mga magulang. At dahil doon, hindi na naman niya napigilan ang pagtulo muli ng kanyang mga luha. 
Luha ng kaligayahan.
Sa pagkakataon iyon, natapos na ang pintor ang obra nito. Natagpuan na lang ni Mayo ang kanyang sarili sa gitna ng malawak na hardin. Wala siyang ibang nakikita kungdi ang sigla ng buong paligid. Nagagawa na rin niyang maamoy ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak. Nararamdaman na rin niya ang sariwang hanging dumadampi sa kanyang balat.
Napatingala si Mayo sa kalangitan. Nakita niya ang asul na ulap na nagpapadama sa kanya ng sobrang kapayapaan. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay para takpan ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Hindi na rin nakawala sa kanyang pandinig ang mga huni ng ibon na parang hinarana siya. 
Napakasarap pakinggan.
Nagpaikot-ikot na si Mayo sa malawak na hardin. Pakiramdam niya, isa siyang ibon na nakawala sa hawla. Pagkaraan ay binagsak na niya ang buong niyang katawan sa malambot na damuhan. At saka naman nagliparan ang makukulay na paru-parong nagulat sa kanyang pagkahiga. Saglit itong nagpalipad-lipad sa kanyang harapan hanggang sa magtungo ang mga ito sa iisang direksyon. 
Muling napabangon si Mayo para tignan kung saan magtutungo ang mga paru-parong iyon, at doon na lang niya napansin ang mayabong na puno sa gitna ng hardin. Para itong nagliliwanag dahil sa kumpol-kumpol nitong mga bunga na kulay kahel. 
Napatayo na siya. At para bang may sariling pag-iisip kanyang mga paa dahil kusang humakbang ang mga ito papalapit sa naturang punong iyon. May nakita na rin siyang upuang kahoy sa lilim nito kung kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na umupo roon.
Nakadama siya kapayapaan. At saka siya tumingala mga dahon, at hindi niya maiwasan ang labis na mamangha nang matuklasan ko kung anong bunga nito.
Isa ba iyong orange? 
Ponkan?
Umarko ang kanang kamay ni Mayo na para bang kaya niyang abutin ang mga bunga nito.
"There you are!" 
Gulat na napatingin si Mayo sa isang lalaking biglang nagsalita. Dahil sa pagkamanghang nararamdaman niya, 'ni hindi na niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Hindi niya ito kilala pero hindi naman niyang nagawang sawayin ito nang umupo ito sa kanyang tabi.
"Kanina pa kita hinahanap!"
"Ha?" maang napatingin si Mayo sa lalaki. Pilit niyang inaalala sa kanyang isipan kung kilala nga ba talaga niya ito.
Singkit ang mga mata nito. Mamula-mula ang pisgi. Matangos rin ang ilong nito. At manipis ang mga labi. Maski ang boses nito, parang pamilyar sa kanya. Para bang nakita na niya ito sa kung saan, pero hindi talaga niya maalala maski ang pangalan ito.
"Baka matunaw ako n'yan!" natatawang sita nito sa kanya.
Nakadama si Mayo ng pagkahiya. At nangibabaw ang malakas na pagkabog na dibdib niya nang masilayan niya ang pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi nito 
"A-ano kasi..." napalunok si Mayo. Hindi na niya alam ang isasagot. Pakiramdam niya ay bigla ring umurong ang kanyang dila.
Ilang segundo ring tinitigan ni Mayo ang naturang lalaki hanggang sa muling umihip ang hangin na siyang naging dahilan para maglaglagan ang ilang mga tuyong dahon sa naturang punong kinaroroonan nila. Pagkaraan, umangat ng kanang kamay nito patungo sa ulo ni Mayo. May inalis itong tuyong dahong nahulog sa buhok ng dalaga.
"I'm glad you're okay," marahan nitong sabi.
Saka naman naramdaman ni Mayo ang pagdampi ng dulo ng mga daliri ng naturang lalaki sa kanyang ibabang tenga na para bang lalong nagpapalakas ng kabog ng kanyang dibdib. 
"You are my Lifesaver!" dagdag nito.
Kinutuban na si Mayo ang gusto mangyari ng lalaki. Hindi niya ito kilala pero hindi niya magawang itulak ito para tutulan ang binabalak nito.
Halos naamoy na rin niya ang hininga nitong amoy orange dahil sa sobrang lapit na ng mga mukha nila sa isa't isa.
Papikit na sana si Mayo sa mga sandaling iyon nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses na biglang tumawag sa kanyang pangalan.
"Mayo..."
"Lola?" napabaling ang tingin ni Mayo sa dako kung saan niya narinig ang tinig ng kanyang lola. Pero sa pagkalingon niya ay saka rin ang pagsabog ng matinding liwanag.
Nakakasilaw! 
Halos wala na naman siyang makita dahil sa sobrang liwanag.
"Mayo! Mayo!"
Pakiramdam ni Mayo ay para siyang nahulog kung kaya't parang mabilis rin niyang hinabol ang kanyang hininga. 
Doon rin siya biglang napadilat.
Bumungad sa kanyang paningin ang puting kisame. Kasunod ang isang nilalang na may suot na kulay puting uniform na katulad sa mga doctor. Halos umeecho rin sa kanyang pandinig ang ingay ng buong paligid.
Mga boses na hindi niya mawari kung kanino nanggagaling.
Tunog ng mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan.
"Do you hear me?" tanong sa kanya ng isang lalaki. Hindi pa ganoon kalinaw sa kanyang pandinig pero naiintindihan niya ito.
Hindi magawang sumagot ni Mayo dahil sa isang host na nakapasak sa kanyang bibig. Gusto na rin sana niyang bumangon pero walang lakas ang buo niyang katawan. 'Ni hindi siya maigalaw maski ang kanyang mga kamay.
Napatingin si Mayo sa isang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang Nurse. Naramdaman kasi niya ang init na nanggagaling sa palad nito nang kapain nito pulso niya.
"This is a miracle, doc!" bulaslas ng isang pang Nurse habang sinusuri nito ang mga aparato.
"Mayo! Apo!!" 
Napatingin si Mayo sa babaeng biglang nagsalita. Doon na niya napansin si Lola Esperanza na nasa sulok habang katabi nito si Lolo Danilo.
"Salamat sa Diyos!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Lola Esperanza. Bakas na bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan, "Gising na siya, Nilo! Gising na ang apo natin! Dininig ng D'yos ang dasal natin!"
"Y-Yuki..." nauutal pang sambit ni Mayo.
"Who's Yuki?" nagtatakang binaling ng doctor kina Lolo Danilo at Lola Esperanza.
"Yuki?" naguguluhang tanong din ni Lolo Danilo.
"Sino 'yun?" segunda naman ni Lola Esperanza.
Nagtatakang napatingin ang dalawang matanda kay Mayo. Nasa mga mata nito ang pagtatanong kung sino ba ang taong hinahanap ng kanilang apo?
🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

หนังสือแสดงความคิดเห็น (91)

  • avatar
    Ro Da

    ❤️❤️❤️

    24d

      0
  • avatar
    CadornaCharity

    ang Ganda ng story

    25d

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    Ganda… bitin po when po yung book 4???☺️

    22/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด