logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Chapter Seven
"Ano 'yang mga 'yan?!"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Andrea. Deretso lang ang lakad ko papasok sa kusina ng condo niya. Bitbit ang mga ingredients na binili ko.
"Anong gagawin mo d'yan? Don't tell me, magluluto ka? Oh, gosh! Hindi ka marunong magluto at hindi kita hahayaang gamitin 'tong kusina ko." Natatarantang sabi ni Andrea. Pinanlakihan niya pa ako ng mata ng makita niyang inilagay ko na ang mga pinamalengke ko sa lamesa.
"Pumunta ka ba talaga rito para d'yan? Pwes! Umuwi kana dahil hindi kita hahayaang magluto rito sa kusina ko."
Napairap na lang ako sa hangin bago nagpameywang sa harapan niya. "Sino bang nagsabing ako ang magluluto?"
Her eyes widened. "Alangan naman ako?"
"Oo, ikaw nga. Pwede rin naman ako, kung gusto mong masunog ang kusina mo." Nakangiting saad ko.
Lalong nanlaki ang kanyang mga mata dahil doon.
"Simple lang naman ang ipapaluto ko sa'yo. Kaya pumayag kana." Nag-puppy eyes pa ako para pumayag siya.
Naglakad din ako palapit sa kanya at saka ko sinabit ang aking dalawang kamay sa kanyang braso.
"Pretty please?"
Kunot-noo akong tinitigan ni Andrea bago siya malalim na napabuntonghininga. "Fine! Ano ba kasi ang ipapaluto mo?!"
Yes! Ang bilis niyang pumayag.
I smiled sweetly. "Thank you, Andrea. Ikaw na lang talaga ang pag-asa ko." Niyakap ko pa siya saglit bago lumayo sa kanya.
"Whatever. Sabihin mo na lang kung anong ipapaluto mo at para kanino?"
"Gusto ko nang sinigang. Gusto kong hatidan ng lunch si Kaizer sa office niya."
Pinagtaasan ko agad ng kilay si Andrea ng makita ko ang pagngiwi niya.
Nang mapansin niya ang tingin ko, alanganin siyang ngumiti.
"Sigurado ka? At saka, pwede kana bang bumalik doon?"
I sighed. "H'wag kana ngang maraming tanong. Ipagluto mo na lang ako."
"Bakit, masama bang magtanong?"
Muli akong napabuntonghininga bago tumango. "Fine. Hindi ko pa rin alam kung pwede na ba ako do'n pero susubukan ko pa rin."
"Hayst. Pinapahamak mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi na lang ako nagsalita pa lalo na, nagsimula na rin sa pag-aayos ng mga ingredients si Andrea.
"May maitutulong ba ako?"
Tumango siya at nilapit sa akin ang gulay. "Hugasan mo."
Tumango ako at agad sumunod sa utos niya. Tumulong din ako sa paghihiwa ng karne. At nanonood din sa pagluluto ni Andrea.
"Tikman mo. Sabihin mo kung sakto lang ba ang asim."
Tumango ako at tinikman na ang sabaw ng sinigang. Nag-thumbs up agad ako kay Andrea ng malasahan ko na ang sabaw. "Masarap!"
Mahina siyang natawa at saka tumango. "Ito namang karne ang tikman mo."
Sinunod ko naman siya. Napatango-tango ako ng malunok kona ang karne. "Malambot ang karne. Grabe! Ang sarap, Andrea. Kumain na muna tayo bago ako umalis."
"Mabuti pa nga."
Pagkatapos naming kumain, tinulungan din ako ni Andrea na ipagbalot ng pagkain si Kaizer. Nang matapos kami, nagpaalam na rin ako sa kanya na aalis na ako.
"Balitaan mo na lang ako."
I nodded. "Sure!"
Sobrang lapad ng ngiti ko ng umalis ako sa condo ni Andrea. Pagkarating ko sa parking lot, agad kong hinanap ang kotse ko.
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang nag mamaneho patungo sa Villafuente company.
Madalas ko ring sinusulyapan ang paper bag na nasa front seat kung na saan nakalagay ang baon na dala ko para kay Kaizer.
Magugustuhan niya kaya 'yan?
Agad akong lumabas sa kotse ko ng makapag-park na ako sa parking lot. Bitbit ang paper bag, naglakad na ako papasok sa Villafuente company.
"Miss Red Sachi?" Salubong sa akin ng dalawang guwardiya.
Pinagtaasan ko sila ng kilay bago ako tumango. "Yes."
"Sorry, Ma'am. Mahigpit pong pinagbabawal ni Mr. Villafuente na papasukin kayo sa loob."
My eyes widened. "Sinabi niya 'yon?!"
Gosh! Paano na ngayon? Anong gagawin ko?
"Ang mabuti pa po, umuwi na lang kayo Ma'am."
I shook my head. "No. Gusto kong sabihin niyo sa kanya na narito ako at may dalang pagkain para sa kanya."
Kumunot ang noo nila sa sinabi ko. "Hindi po pwede, Ma'am."
Napaatras sila ng samaan ko sila ng tingin. "Kilala niyo ba ako? Sige kung ayaw niyo akong papasukin, pahihirapan ko kayo kasama ng pamilya niyo."
Nanlaki ang kanilang mga mata sa sinabi ko.
"Blina-blackmail mo ba kami, Ma'am?"
I raised my eyebrow. "Mabuti naman at alam mo."
Nagtinginan silang dalawa.
"Papapasukin niyo ba ako o gusto—"
"P-Pumasok na po kayo, Ma'am."
Napangisi ako sa pagpayag nila. Hindi ko na sinayang pa ang oras kaya naman, naglakad na ako papasok ng company.
Habang naglalakad ako sa lobby, bakas ang gulat sa mga mukha ng mga empleyado tuwing makikita ako.
Hindi ko na 'yon binigyang pansin pa. Deretso lang ang lakad ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng elevator.
Nanlaki ang mata ko ng sumunod sa akin ang babaeng nag hatid sa akin sa office ni Kaizer nung nakaraan.
"Ma'am, ano pong ginagawa niyo rito? Bilin po ni Sir na h'wag kayong hahayaang makapasok dito." Natatarantang sabi niya.
"Ano pang magagawa niyo, nandito na ako."
Ilang saglit na lang, makakatungtong na ako sa office ni Kaizer.
"Ma'am, magagalit po si Sir pagnalaman niyang nandito kayo."
I glared at her. "Just shut up! Hayaan niyo na nga ako. Kung gusto mo akong umalis, ikaw na lang tutal ikaw naman ang nakaisip."
Inirapan ko siya bago ako naglakad palabas ng elevator. Mabuti naman at nakarating na rin ako rito sa floor kung na saan ang office ni Kaizer.
Agad nataranta ang Secretary ni Kaizer ng makita ako. Dali-dali niyang pinindot ang intercom saka siya nagsalita. "Sir, nandito po si Miss Red Sachi."
Agad tumayo ang Secretary at humarang sa pintuan ng office ni Kaizer. "Hindi po kayo pwedeng pumasok Ma'am."
"Hindi naman ako manggugulo! Narito lang naman ako para ihatid 'tong tanghalian niya." Itinaas ko ang paper bag na dala-dala ko para makita niya.
"May pagkain din po si Sir na darating mamaya, Ma'am. Kaya hindi na po kailangan 'yang pagkaing dala niyo."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Nakita ko siyang napalunok habang nakatingin sa akin.
"Papasukin mo na nga lang ako!"
He shook his head. "Hindi po pwede."
"Ano ba?! Papasu—" Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang sinabi ni Kaizer mula sa intercom.
"Hayaan mo siyang pumasok."
Napangisi ako sa sinabi ni Kaizer. Galit kong tinignan ang kanyang sekretarya. "Oh, narinig mo 'yon? Ano pang tinatayo tayo mo diyan? Umalis kana nga para makapasok na ako."
Kaya naman nang umalis siya, binuksan ko na agad ang doorknob at pumasok na sa loob ng office ni Kaizer.
"Hi, Good morning. Nagdala nga pala ako ng lunch mo—" Napawi ang pagkakangiti ko ng magtama ang tingin namin ni Kaizer.
Kinilabutan ako sa sobrang talim ng kanyang tingin.
"B-Bakit ganyan ka makatingin?!" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita tulad ng inaasahan ko. Nagulat ako ng ituro niya ang visitors chair. Dali-dali naman akong lumapit doon at naupo.
Mukhang okay naman na siya. At hindi ko dapat siya kinatatakutan dahil kailangan ko ng masanay.
Ngumiti ako at nilagay sa table niya ang paper bag na dala-dala ko. "Dinalhan kita ng lunch mo. Kumakain ka ba ng sinigang? Masarap 'to."
Nilapag ko sa harapan niya ang dala-dala kong kanin at ulam.
"I don't eat sinigang."
"Ngayon, kakain kana. Oh. Baka gusto mo, ako ang kainin mo?"
Nanlaki ang mata ko ng um-acting siyang parang nasusuka.
"Bwisit ka!"
"Shut up."
Napasimangot naman ako. "Ayaw mo ba? Kahit tikman mo lang ako—este tikman mo lang 'yang sinigang. I'm sure, magugustuhan mo."
Napangiti ako ng tumango siya.
"Dali, tikman mo na." I said excitedly.
"Umalis kana." Laglag ang panga ko sa sinabi niya.
Ang kanyang mga matang malamig kung makatingin ay nasa akin na naman.
"You can leave now."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (84)

  • avatar
    Shierlyn Joyce Paloyo - Matias

    napaka ganda 🥰 sana po may part 2 please. sobrang nakaka bitin kasi 😭 ano ba talaga ang totoo ngyare

    07/03/2022

      5
  • avatar
    JagorinJess-zer

    soss nice

    20d

      0
  • avatar
    John Russel E. Matuto

    plss jajjainanaiajnajajajajjajjajajjajajjajajahahahhahahahhahahhahahahhahahhahahhahahhahahahhahahhhjjjjjjjjjjjjjjajajjajajajjajajjajqjjaisnjdjdndidndndjdudndj@marianne_nicole:╱▔▔▔▔╲ ▏▂╲╱▂▕ ▏▇▏▕▇▕ ╲▔▕▍▔╱ ..▕╋╋╋▏.. ★╲▂▂╱★ kakajnaianaajhahahhahahahhahahhahahahhahahhahgghahahhahahhahajajjajahahhahahahhahahahhahahhahahahahahahhahahahhahhahhhahhhhhhahahahahhahahahhahahhahahahahhahahhahahahhahahahhahhahahahahhahahahhahahhahahhahahhahahahhahaahhahahahhahahhahahhahahahahahhahahahhahahahahhahahahhahahahha

    23d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด