logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 5: Boring Wedding

"Psycho."
Natigil ako sa paglalakad at nilingon si Ike na naglalakad pababa sa hagdan at suot na nito ang uniporme niya, halatang handa na siyang pumasok sa klase.
"Himala atang maaga ka ngayon," anito sa malamig na boses at tumayo sa harapan ko.
"Anong maaga? Late ka lang," giit ko na ikinataas ng kilay nito at napatingin sakaniyang wristwatch.
"6:08 am palang." Ti niya akong muli. "Anong meron?"
Suminghap ako sa sinabi nito. Buong gabi akong hindi makatulog. Ayokong matulog dahil alam kong pagkagising ko ay ikakasal na ako sa isang bruho na hindi ko kilala. Pero matulog man ako o hindi, lilipas at lilipas ang oras— at hindi ko matatakasan ang panibagong bangungot na sisira sa pag-iisip ko.
"Wala naman," pagsisinungaling ko at bumuntong hininga. "Pwede bang ihatid kita sa eskwelahan mo?" tanong ko rito na ikinakunot ng noo nito.
"Anong nahithit mo at nagkakaganiyan ka?" tanong nito pabalik sa akin kaya naman kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
"Ah basta."
"Psh, ayoko. Limousine ang gamit ko papasok sa eskwelahan at wala akong tiwala sa driving skills mo," sumbat nito at naglakad na paalis kaya naman bumuntong-hininga ako.
Gusto kong sabihin sakaniya ang kalagayan ko pero ayoko. Natatakot ako sa nga susunod na mangyayari. Prosecutor ang bruho at may pinangangalagaang mataas na posisyon ang pamilya ko, kapag nagsabi ako ay baka masira na ang lahat ng pinaghirapan nila. Aahhhh! Ayoko na!
Nagvibrate ang phone ko kaya naman inilabas ko iyon at nakita ang text message mula kay bruho.
From: BRUHO
Bumiyahe ka na patungo sa lugar na isinulat ko.
Ayoko ng late.
Kung hindi ka pa kikilos ay bobombahin ko na ang bahay mo.
Siraulong bruho to. Saka ano? Bobombahin niya ang bahay ko? Grabe, ngayon lang ako nakakilala ng ganito karahas na prosecutor, o sadyang parte lang ito ng kabaliwan niya?
Bumuga ako ng marahas na hangin at naglakad na palabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at binuhay ang makina nito pero may kumatok sa bintana kaya napatingin ako roon at nakita si Ike kaya pinagbuksan ko ito ng bintana sa tabi ko.
Ipinasok nito ang kaniyang kamay at inilahad sa akin ang isang kwintas. "Binili ko 'yan noong nasa department store tayo," anito kaya naman tinanggap ko iyon at agad na isinuot. "Maganda," bulalas niya at naglakad na paalis ng wala man lang paaalam.
Pero mahalaga pa ba iyon?
Sa simpleng kwintas na ito ay gumaan na ang pakiramdam ko. Kahit papano ay nabawasan ang alalahanin ko dahil sakaniya. Huminga ako ng malalim at napatingin sa harapan.
Bruho, kung sino ka mang lalaki ka ay hindi ako patatalo sayo. Malas ko dahil napunta sa akin ang atensyon mo, pero malas mo dahil ginawa mong biro ang seryosong kaso. I swear, I'll become a worst wife you've ever met.
•|||•
Ang tahimik na paligid ay sinisira ng isang tunog pangkasal na talaga namang napakasakit sa pandinig. Napatingin ako sa dulo ng altar at natanaw ang isang lalaki na guwapong-guwapo sa suot nito. Nakangiti man ang kaniyang labi subalit hindi iyon isang normal na ngiti sa mga tao, para sa akin, ang ngiti niyang iyon ay parang isang baril na nakatutok sa aking sentido.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mapunta sa ganitong posisyon... pero may magagawa pa ba ako? Buong buhay ko ay nabuhay ako sa paraang gusto ko, palagi akong sangkot sa gulo at ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko ang pangyayaring ito— ang ikasal.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang nasabing lalaking bruho na pakakasalan ko sa mga oras na ito, na sa maniwala kayo o hindi... ay hindi ko alam kung anong ngalan niya at kung ano ang pagkakakilanlan niya.
"Nararamdaman mo na ba ang excitement gaya ng nararamdaman ng mga normal na bride?" anito sa malalim na boses na nagdudulot sa akin ng takot mula sa aking kaibuturan, subalit inilingan ko iyon ng buong tapang. "Kung gayon, anong nararamdaman mo?"
Inirapan ko siya at agaran ding ibinalik sakaniya ang aking paningin.
"Sweetie, I don't have enough middle fingers to let you know how I feel." sagot ko rito na ikinangisi niya at inilahad sa akin ang kaniyang braso.
"But you have no choice. Don't worry, I know we'll become a cute couple." Suminghap ako sa sinabi nito at napilitang kumapit sa braso niya.
Sabay kaming humakbang patungo sa gitna. Ano pang silbi ng kasal na ito gayong wala naman kaming bisita. Tanging ang pari, at ang isang gwardiya lang ng lalaking ito ang kasama namin sa loob ng magarbong simbahan. Isang magarbong kasal na mukhang imbitado lahat ng multo.
"Magsisimula na ang seremonya," anunsyo ng pari na hindi ko inimikan.
Sa bawat paggalaw ng oras ay kumakabog sa sobrang kaba ang puso ko. Gusto kong bitbitin ang suot kong wedding gown at maging isang tanyag na run away bride. Wala na akong pake kung masyado itong madrama para sa katulad ko, basta... basta wag lang akong ikasal sa taong ito.
"Don't you dare run away from me. I put some bodyguards outside that will definitely kill you if you did it." bulong nito sa hangin na mukhang nabasa ang iniisip ko.
Oh hell.
Ikinuyom ko na lamang ang aking kamao at tinatanggap na ito na talaga ang kapalaran ko. Ikakasal ako sa lalaking ito at matatali na sakaniya habang-buhay. Ngunit saan nga ba nagsimula ang pangyayaring ito? Paano ba kami nagkakilala ng lalaking ito? At paanong narito ako ngayon, nakaupo sa tabi niya bilang bride niya?
Wala akong ibang gusto kundi ang maging kontrabida, ang maging masama, matatawag rin akong krimal sa sobra kong sama na hindi mo inaasahan.
Pero ngayon ay hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito. Hindi ko akalain na wala ng mas sasama at mas kriminal pa sa pag-ibig. Subalit ramdam ko naman na walang pagmamahal sa pagitan naming dalawa!
Heto ako ngayon at kaharap na ang lalaking nakangisi sa akin. Iniangat nito ang palad ko at isinuot ang isang maliit na singsing na para sa akin ay isang posas— na magtatali sa akin mula sakaniya habang-buhay.
Darn!
Napakaraming krimen na ang nagawa ko pero hindi ko akalaing dito ako mahihirapang lumaya. Now, I am a victim of crime of love.
Wala akong binigkas na wedding vow at isinuot nalang ang singsing sa daliri niya na ikinatanga nilang tatlo. Ayokong mangako o magbitaw ng salita sa harapan nila na alam ko namang hindi ko tutuparin. Sa ngayon ay nasa iisang tao nalang ang atensyon ko, sa lalaking kaharap ko. Gagawa ako ng paraan para makalaya sakaniya. Tatangalin ko ang pagkakaposas ko sakaniya. Lalayo at babalik sa dati kong buhay.
Bumalik ang pag-iisip ko sa reyalidad nang lumapit ito sa akin pero ihinarang ko ang aking palad sa katawan niya upang pigilan itong halikan ako. Pinagmasdan niya lang ako at tumuloy sa paglapit sa akin, subalit imbes na ang labi ko ang hinalikan niya ay ang pisngi ko. Dama ko ang malambot niyang labi na dumampi roon at dahan-dahang siyang lumayo.
Ito na ang pinakaboring na kasal na napuntahan ko... at kamalas-malasan, kasal ko pa talaga.
"Ano ng sunod?" tanong ko at tinignan ito dahil tapos na ang kasal sa ganu'n kaboring na paraan.
Sinulyapan naman ako nito at nginisian. Ayoko sa ngisi niyang iyon. "Bakit? Gusto mo bang maghoneymoon?" wika nito na ikinasama ng timpla ng aking mukha.
"Honeymoon mo mukha mo. Sabihin na nating kasal na nga tayo pero ayokong kumilos tayo bilang mag-asawa."
"Ako ang masusunod dito dahil hawak ko ang buhay mo."
"Pero may karapatan parin ako!"
"Para sa akin— wala kang karapatan."
Suminghap ako dahil sa sinabi nito. Sumosobra na siya. Ang sarap niyang talian ng mahigpit at ihiga sa gitna ng kalsada sabay sagasaan ng iba't ibang uri ng sasakyan, maliliit man o malalaki. Pisain lahat ng laman niya, panooring lumagaslas ang mapula niyang dugo, at malagutan ng hiningang mahihirapan.
Napatingin ito sa wristwatch niya at bumuntong-hininga.
"Pasensya na pero may aasikasuhin pa ako at mukhang bukas pa ang uwi ko," sambit nito kaya naman napangiti ako. "Pero iiwan ko ang ilang mga nirentahan kong gangster upang magsilbing gwardiya mo. Hindi mo ako pwedeng takasan, Taki."
Agarang napawi ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi nito.
"Sir, kailangan na po nating umalis." anas ng lalaking nakasama namin sa loob ng simbahan na tinanguan naman ni Bruho.
"Umalis ka na. Nangigigil ako sa'yo," pagtatabuyan ko rito na nginisian niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Hindi mo man lang ba tatanungin ang pangalan ko?"
"Wala akong pakialam sa pangalan mo. Nakakatak sa isipan ko na ikaw si bruho, isang lalaking baliw at obsess sa akin." sagot ko naman at lumitaw sakaniyang labi ang isang tipid na ngiti.
Pinayuko niya ako at hinalikan ang aking noo. Ilang segundo lang ang itinagal nu'n at lumayo na siya sa akin sabay inayos ang kaniyang suot na damit. Tinalikuran na ako nito at naglakad palayo pero nahinto siya at nilingon ako.
"Paxton ang pangalan ko. 'Yan ang tandaan mo hindi ang pangalang bruho." saad nito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Paxton?
Yumuko ako at ngumisi. Tinulungan niya lang ako na alamin ang pangalan niya. Ngayon ay susubukan ko namang humanap ng ikasisira niya para mahawakan ko rin siya sa leeg.
Paxton pala ha.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    14d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    20d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    23d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด