logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 23: Injuries

Nagising nalang ako na puno na ng kung ano-anong tubo ang nakasalpak sa katawan ko at may ilang aparato ang nasa tabi ng aking kama. Pero hindi iyon ang una kong napansin, nagtaka ako dahil isang mata lang ang naimulat ko.
"Ate Taki!" malakas na sigaw ng kambal kong kapatid ng makitang gising na ako. Agaran nila akong nilapitan at niyakap pero hindi ko sila pinansin.
"Baby," bulalas naman ni Mom at hinalikan ang aking noo at nakiyakap narin si Dad maging si Ike.
"Bakit isang mata lang ang nagagamit ko?" malamig kong tanong sakanila pero lumayo lang ang mga ito sa akin at hindi ako sinagot. "Bakit hindi ko maimulat ang isa kong mata?" sunod kong tanong at kinapa iyon. Ramdam ko na may nakatakip rito kaya naman nanlumo ako.
"May kaunting problema lang sa kanan mong mata kaya kailangang ganiyan muna ng ilang linggo... o buwan. Pero magiging ayos lang ang lahat." sagot ni mom at hinaplos ang buhok ko.
Tumango-tango naman ako at hinawakan ang damit nito.
"Si Tito Alf? Nasaan si Tito Alf?" sunod kong tanong pero wala ng naglakas loob na sumagot, maging si Mom. "NASAAN SI TITO ALF?!" buong lakas kong sigaw kaya lumapit si Dad at hinaplos ang likuran ko upang pakalmahin ako pero tinabig ko ang kamay niya.
"Taki—"
"Sabihin niyo sa akin kung nasaan siya!!"
Nagkatinginan silang lahat na mukhang nagsesenyasan hanggang sa humakbang si Ike. "Nasa ibang kwarto siya, at— comatose siya." sagot nito na ikinanlaki ng aking mata.
Agaran akong naupo at igagalaw na sana ang paa ko pero natigilan ako. Iginalaw ko iyon pero hindi iyon gumagalaw, kahit na kaunti. Maging ang mga daliri nito ay hindi ko maigalaw.
"A-anong nangyari sa paa ko?" utal kong tanong at hinawakan ang paa ko. "Bakit hindi ko maigalaw ang paa ko?! Dalhin niyo ako kay Tito Alf!!!"
Inawat nila akong lahat hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang mga doctor. Naglabas sila ng karayom na ikinanlaki ng mata ko at nagsisisigaw sa loob.
"Sandali!"
Naramdaman ko na may yumakap sa akin kaya naman napatingin ako roon at nakita si Paxton.
"Kaya niyang kumalma, hindi niya kailangan 'yan. Please, ibaba niyo 'yan." anito kaya naman kumunot ang noo ng doctor. "Takot siya sa karayom kaya sige na." Ibinaba naman iyon ng doctor at hinarap na ako ni Paxton. "Ayos lang. Kumalma ka na para hindi ka nila patulugin," bulong niya sa akin kaya naman napahawak ako sa damit niya at mahigpit na kumapit roon.
"Paxton, gusto kong makita si Tito Alf. Dalhin mo ako sakaniya." pagmamaka-awa ko na ikinatingin naman nito sa pamilya ko at sunod sa doctor.
"Pwede po ba akong makahiram ng wheelchair?" tanong nito na tinanguan naman ng nurse at agarang umalis.
Sinuri muna ako ng doctor at tinanggal na ang ilang tubong nakakabit sa katawan ko. Ilang saglit lang ay dumating na ang wheelchair kaya binuhat ako ni Paxton at iniupo roon.
"Ibabalik ko po siya mamaya," pamamaalam ni Paxton sa magulang ko na ikinatango naman ng mga ito kaya itinulak na niya ang wheelchair na kinasasakyan ko.
Pagkalabas namin ng silid ay agarang napapatingin sa akin ang mga tao at bakas ang awa sakanilang mga mukha. Sino ba naman ang hindi maaawa sa kalagayan ko? Nakatakip ang kanan kong mata at hindi maigalaw ang aking mga paa. Maging ako ay naaawa sa sarili ko. Ilang saglit lang ay huminto si Paxton sa harapan ng isang pinto. Binuksan niya iyon at itinulak sabay ipinasok ako sa loob. Agaran kong namataan si Tita Camile na namumutlang nakatingin sa kawalan habang natutulog naman si Reena at Adrian na nakasandal ang ulo sa magkabilang balikat ni Diego na natutulog rin.
Huminto sa tabi ng kama ni Tito Alf ang wheelchair ko kaya naman inabot ko ang kamay nito at pinagmasdan ang kaniyang kalagayan. Kung ano-ano rin ang tubong nakasalpak sa katawan niya, pero mas kapansin-pansin ang tubong nasa bibig niya. May puting tela na nakabalot sa ulo niya maging sa kamay niya. Agad na nanikip ang dibdib ko dahil sa kalagayan niya. Idinikit ko ang aking noo sakaniyang kamay at mariing ipinikit ang aking mata.
"Tito, nagkamali ako. Sana ay hindi ako nakipagtalo sa'yo. Marami akong nasabing masasakit na salita sa'yo at pinahirapan kita sa buong taon na nabubuhay ako." hayag ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.
Inisip ko talaga na isa lang siyang pakielamerong tao sa buhay ko pero ngayon ko lang napagtanto ang mga nagawa niya para sa akin. Siya ang naging doctor ko sa panahong may sugat ako. Siya ang naging guro ko sa mga lesson na hindi ko maintindihan. Siya ang payasong laging nagpapatawa sa akin. Siya ang nagiging abogado ko sa bawat pakikipagsagutan ko sa ibang tao. At siya 'yung tito ko na nagpapatulog sa akin sa panahong ayokong matulog dahil natatakot ako sa kadiliman na nakikita ko sa bawat pagpikit ng aking mata.
"Taki, tama na muna. Baka himatayin ka na niyan sa dami ng iniiyak mo." pag-aawat sa akin ni Paxton sa mahinang boses kaya naman binitawan ko na ang kamay ni Tito Alf at pinunasan ang basa kong pisngi.
"Umalis na tayo."
Tumango naman ito at itinulak na ang wheelchair ko palabas ng silid. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kawalan hanggang sa mapansin kong nasa isang hardin na kami imbes na sa kwarto ko.
"Huminga ka muna ng sariwang hangin para kumalma ka at makapag-isip-isip."
Hindi na ako nagtatanong at ipinikit ang aking mata, sinubukan kong pakalmahin ang aking kalamnan at nakakatulong naman ang nalalanghap kong hangin rito upang magawa iyon.
"May kinalaman ka ba rito?" bigla kong tanong.
"Wala."
"Ang nanay mo?"
"Wala rin."
"May ebidensya ka?"
Suminghap ito at naramdaman ko ang pagtungo niya sa aking harapan kaya naman iminulat ko ang aking mata upang tignan siya.
"Inaasahan ko ng sasabihin mo 'yan kaya naghanda na ako ng ebidensya." sagot niya at iniabot sa akin ang isang folder at ilang mga gamit.
"Kunin mo ang kaso na nangyari sa amin ni Tito at ikaw ang mag-imbestiga." saad ko at ibinalik iyon sakaniya. "Iharap mo sa akin ang nagplano nito para matanggal ko ang pagdududa ko sa'yo maging sa nanay mo."
"Gagawin ko 'yun, 'wag kang mag-alala."
"Gawin mo sa loob ng isang lingo."
"Teka ano? Sa tingin mo ba ay kasing dali lang ng paglipat ng pahina ang paghanap ng ebidensya?"
"Isa ka sa mga magagaling na prosecutor hindi ba? Ano pa't nabansagan kang magaling kung hindi mo kayang huliin ang gumawa nito sa amin?"
"Pero hindi lang naman iisang kaso ang hawak ko."
"Mas uunahin mo ba iyon kaysa sa asawa mo?"
Natahimik ito hanggang sa bumuntong-hininga siya.
"Ang akala ko ay kriminal ka lang, hindi ko akalain na magkapareho lang kayo ni Mom." bulong niya sa hangin pero dinig na dinig ko iyon.
Tama. Sa tono ng pananalita ko ay para na akong nanay niya. Pinipilit ko siyang gawin ang gusto ko na para bang kontrolado ko ang buhay niya.
"Sorry," bulalas ko at yumuko. "Wala na akong pakialam sa panahon basta iharap mo sa akin ang may gawa nito. Siguraduhin mo lang na may maihaharap ka kung hindi ay iisipin ko talagang gawa mo ito."
"Gagawin ko ang makakaya ko, pero kailangan mo ring magpahinga. Sa ngayon, doon ka muna sa bahay niyo magpahinga dahil mas maaalagaan ka ng pamilya mo."
Muli nitong hinawakan ang wheelchair ko at itinulak na papasok sa loob. Kahit papano ay maayos na ang pag-uusap namin hindi katulad noon. Mukhang gumaganda na ang samahan namin. Pero maganda nga ba talaga ito? Kung oo para sa aming mag-asawa, paano naman kay Nikolai?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    13d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด