logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 21: First Kiss

Padaskol akong naupo sa sofa at humalukipkip. Halos magkasalubong na ang kilay ko sa sobrang pagkairita. Nakakabwisit talaga ang araw na ito.
"Anong meron at ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Paxton na nakaupo sa katabi kong sofa kaya naman suminghap ako.
"Problema sa trabaho," iritable kong sagot at ikinuyom ang aking kamao, kumukulo talaga ang dugo ko.
"Hulaan ko, si Jeane nanaman 'yan tama?" wika ni Paxton na tinanguan ko. "Ano nanamang ginawa niya sa'yo para magkaganiyan ka ulit?"
"She accused me of stealing her clients!" inis kong sagot na ikinataas ng kilay nito.
"Did you?"
"Of course I did!"
Natawa ito sa sinabi ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Tinatawanan mo ako?" pagtataray ko kaya tumikhim siya at sumeryoso na ang mukha. "Diane! Pakikuha ako ng wine!"
Ilang saglit lang ay dumating na si Diane na may dalang isang bote ng wine at wineglass. Binuksan niya iyon at sinalinan ang baso ko sabay iniabot sa akin kaya naman dire-diretso ko iyong ininom.
"Nga pala, napapansin ko na palagi kang umuuwi ng bwisit na bwisit gayong hinahatid ka naman ni Nikolai. Hindi ba kayo nag-uusap kapag nasa kotse?"
Ibinaba ko ang baso ko at napatingin kay Paxton. "Labas sa trabaho ang pinag-uusapan namin. Wala siyang ibang pinagtutuunan ng pansin kundi ang kalagayan ko rito sa bahay mo. Kulang nalang itanan niya na ako," sagot ko at pinasalinan ulit kay Diane ang baso ko.
Natahimik ako dahil sa hindi niya pag-imik kaya naman nagkatinginan kami ni Diane at nagsimulang mangilabot dahil sa pananahimik niya. Medyo weird din sa pakiramdam na tinatanong ako ng asawa ko tungkol sa kabit ko. Grabe, para akong nahihirapang huminga na animoy may lubid na nakatali sa aking leeg.
Ilang minuto lang ay yumuko si Paxton at natawa ng mahina.
"Kung ganu'n ay sa akin mo lang sinasabi lahat ng problema mo sa trabaho? At mukhang nakakatulong naman akong mapagaan ang pakiramdam mo." aniya at tinignan ako.
Nahinto naman ako sa sinabi nito at mabagal na tumango sabay napaiwas ng tingin.
"Parang ganu'n na nga."
Muli itong natawa na mukhang tuwang-tuwa siyang malaman iyon. Pero totoo naman, walang alam si Nikolai sa mga nangyayari sa trabaho ko pero si Paxton ay mukhang kabisado na lahat ng katrabaho ko dahil araw-araw akong may dalang kwento pagka-uwi ko.
Muli kong ininom ang wine na nasa baso ko at inubos iyon ng isang tungga lang.
"Bakit madalas kang uminom ng wine? Agahan palang ay meron na 'yan sa mesa mo." pag-iiba ng usapan ni Paxton kaya naman napatingin ako sa wine na isinasalin ni Diane.
"Wine is my favorite way to eat grapes. May problema ka ba roon?" mataray kong sagot at tinignan siya.
"Madam, ito na po ang huling wine sa kusina." sambit ni Miks kaya naman nilingon ko siya at pinanlakihan ito ng mata pero sunod akong napatingin kay Paxton.
Marami pa iyon ng makita ko kahapon pero iisa nalang ang naiwan? Paniguradong may ginawa ang gunggong na ito.
"Napansin ko na palagi kang umiinom ng wine kaya naman isa lang ang inilagay ko sa kusina." Suminghal ko sa isinagot niya "At marami akong inilagay sa basement. Masyado na kasing masikip sa kusina para gawing tambakan ng wine mo," dagdag pa niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pa naman ay pagbabawalan niya na ako.
Tinanggal ko ang suot kong blazer at itinali ang aking buhok.
"Miks, Diane, maglabas kayo ng maraming wine. Wala akong trabaho bukas." Agad naman na tumango ang dalawa at umalis na.
"Maglalasing ka?" tanong ni Paxton na inilingan ko at sinalinan ng wine ang baso ko.
"Lahat tayo. Damay kayong tatlo." sagot ko at tinungga iyon.
Pagkarating ng dalawa ay pinuno nila ng iba't ibang inumin ang mesa at naghanda rin ng pulutan, matapos ay nagsiupo na sila at sinimulan namin ang pag-inom.
"Truth or dare?" tanong ni Diane kay Miks.
"Truth!" masigla naman nitong sagot na namumula na ang mukha, mukhang lasing na siya.
"Nagalaw ka na ba?" agaran kong tanong na ikinatahimik nilang tatlo. Pero nabasag iyon ng tumawa si Miks.
"Masyado pa akong bata para doon, pero oo."
Naibuga ko ang alak na nasa bibig ko at naubo dahil sa isinagot niya. Tama, masyado pa siyang bata, parang ka edaran niya lang ang bunso kong kapatid na si Ike pero... aish.
"E ikaw?" tanong pabalik sa akin ni Paxton kaya naman napatingin ako sakaniya.
Kumurap-kurap ako at mariing napalunok sabay napa-iwas ng tingin. "Bakit mo ako tinatanong e hindi naman ako ang taya," palusot ko at ininom ang nasa baso ko upang pakalmahin ang kabado kong katawan.
"Tanong ko iyon bilang asawa mo," seryoso niyang untag. "May nangyari na ba sainyo ni Nikolai?"
Ibinaba ko ang hawak kong baso at tinignan siya.
"Sa tingin mo ba ay ganu'ng klase ako ng babae?" sagot ko at hinarap siya. "Oo niyayakap at hinahalikan ko siya, pero hindi ako 'yung tipo ng tao na madaling saniban ng kabaliwan at pumatol sa kung sino-sinong lalaki na nagpainit lang ng kaunti sa katawan ko. Mukhang miserable ang buhay ko, pero hindi ako 'yung tipo ng babae na pinagpapasa-pasaan ng kama." mahaba kong lintana.
Nakatingin lang ito sa akin hanggang sa matawa siya.
"Ang haba ng sagot mo, meron at wala lang naman ang hinihingi kong sagot."
"Mabuti na iyon para alam mo. Tsaka hindi lang iyon basta-bastang sagot, pinatatamaan rin kita."
"Alam ko, tagos nga sa puso ang speech mo."
"May puso ka pala?"
"Meron nga, gusto mo ibigay ko sa'yo?"
"Pasensya na pero may sarili akong puso."
"Kung ganu'n, pwede ko bang ibigay sayo ang mundo ko? Paniguradong wala kang pag-aaring mundo."
Hindi na ako nakaimik sa huli nitong sinabi. Ano bang pinagsasasabi ng lokong to?
"Mundo mo? Ibigay mo nalang sa akin ang buhay mo at matutuwa pa ako." sagot ko at muling uminom sa alak ko.
May inilabas itong baril at iniabot iyon sa akin kaya naman natigilan ako sa ginawa nito.
"Gusto kong 'yan ang gamitin mo kapag gigil ka na sa akin at gusto mo akong patayin. Binibigyan rin kita ng pahintulot sa gusto mo, sayo na ang buhay ko."
Nakatingin lang ako sa hawak nitong baril at kinuha iyon. Pinagmasdan ko ito ng mabuti at nakitang nakaukit sa ibaba nito ang pangalan ko, ngunit apelyido niya ang kadugtong nu'n.
"Hindi akin ang puso mo, pero gusto kong apelyido ko ang gamitin mo." saad niya at bumuga ng marahas na hangin.
"Ah talaga? Hindi mo ba naalalang magka-apelyido kayo ni Nikolai na kabit ko?"
Natigilan ito at mukhang doon lang iyon napagtanto. Inagaw niya sa akin ang baril at itinago iyon.
"Bibigyan nalang kita ng bago sa susunod at gagamitin mo ang apelyido ng Mama ko."
"Nang Mama mo na tumapak sa dibdib ko at nagpasuka sa akin ng dugo?"
"Grabe, mababaliw ata ako sa mga alak na nainom ko." bulalas niya at ihinilamos sakaniyang mukha ang kaniyang palad. "Ah basta, ako na ang bahala."
Umiling-iling nalang ako at napatingin sa dalawang katulong pero bagsak na sila, kaya naman pala hindi na sila umiimik. Humiga naman Paxton sa kinauupuan niya at mukhang wala ng balak na umakyat sa kwarto niya. Tumayo naman ako at naglakad na paalis.
Bumalik ako na may dalang mga kumot at kinumutan silang tatlo pero hinuli ko si Paxton. Natigilan ako at pinagmasdan itong nakapikit. Napaka-amo talaga ng mukha niya kapag tulog na daig pa ang anghel. Dumapo ang mga mata ko sa labi nito at humigpit ang pagkakahawak sa kumot niya. Heto nanaman, may nagtutulak nanaman sa aking halikan siya. Unti-unting nagmulat ang kaniyang mata at nagkatinginan kaming dalawa. Tahimik lang kami hanggang sa umuwang ang bibig nito.
"Alam mong hindi kita pinipilit o isinusumbat ang bagay na ito, pero pwede mo ba akong halikan? Kahit isang beses lang? Gusto kong maramdaman kung anong nararamdaman ni Nikolai sa tuwing magkadikit ang labi niyo." pabulong niyang sambit pero hindi ako sumagot.
Nang dahil sa mga sinabi niya ay mas lalo lang akong itinutulak ng sarili ko na halikan siya.
At mukhang hindi ko na iyon mapipigilan ngayon.
Yumuko ako upang ilapit sakaniya ang aking mukha habang dahan-dahang pumipikit ang aking mata. Sa unang pagdampi palang ng labi namin ay may kung ano ng sumabog sa loob ng tiyan ko. Inilapit ko pa ang aming mukha hanggang sa maramdaman ko ang kamay nito sa batok ko. Hindi ko alam pero parang may kakaiba rito. Hindi ganito ang nararamdaman ko kapag hinahalikan ko si Nikolai. Nagwawala lahat ng laman loob ko at parang bumilis sa pagdaloy ang dugo ko.
Agaran akong lumayo sakaniya dahil mas pinapalalim nito ang halikan namin at baka hindi ako makapagpigil.
"M-magpahinga ka na. Good night." turan ko at patakbong tinungo ang kwarto ko.
Hindi. Hindi ko ibibigay sa tulad niya ang pagkatao ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    13d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด