logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

"Arzhen Lorenzo?" Napatingin ito sa akin dahil sa pagbigkas ko ng pangalan n'ya.
Anong ginagawa nito sa mall? Ang akala ko hindi ito pumupunta sa matataong lugar dahil natatakot itong makita ng ibang tao.
"Anong ginagawa mo rito sa mall, Miss Allyson?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, at hindi ko maiwasang mapairap dahil sa tanong n'ya.
"Eh, ikaw, Mr. Lorenzo. Anong ginagawa mo rito?" balik kong tanong sa kan'ya habang nakataas ang isang kilay. Kung makatanong akala mo wala rin dito. At isa pa, wala ba akong karapatan na pumunta sa ganitong lugar?
"Hindi mo sinagot ang tanong ko," matigas niyang sabi. Muli akong napairap sa hangin dahil sa naging tono niya. Masasanay na yata ako sa ganitong pakikitungo n'ya sa ‘kin.
Ngumiti ako nang matamis sa kan'ya bago siya nagsalita, "bakit? Bawal na ba akong magtanong ngayon?" pabalang kong tanong sa kan'ya ngunit wala itong naging sagot at walang expression siyang napatingin sa mukha ko.
"Mr. Lorenzo?" Pinadaan ko sa harap n'ya ang kamay kaya ito natauhan.
"What?" kunot ang noong tanong niya sa akin.
Napatawa ako nang mahina dahil sa naging asal n'ya. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at tila do’n n’ya lang naalala na hinahawakan n'ya ako. Kaagad niya namang binitawan ang braso ko at napatikhim.
"Kailangan mong pumupunta bukas sa opisina ko. May importante akong sasabihin," sabi niya at lumakad na papalayo.
Nagtaka naman ako sa sinabi n'ya. Bakit naman n'ya ako papuntahin sa opisina niya? May nakalimutan ba s'yang sasabihin? Sana sinasabi n'ya na lang ngayon para hindi na ako mapapagod bukas.
"Hay, minsan ang gulo n'ya." Tumalikod na rin ako at umuwi na. Pahirapan pa akong makauwi dahil sa nagiingat ako na baka may makakilala sa akin.
***
"Allyson!'
Napatigil sa pagkain nang biglang sumulpot sa harap ko si Lala. Puno ng inis ang mukha niya’t ano mang oras ay itatapon niya na sa ‘kin ang hawak niyang bagay.
"Bakit ka ba sumisigaw? Para kang kambing." mataray kong saad. Binalik ko ang tingin sa plato ko at pinagpatuloy ulit ang pagkain.
"Sabi ko na nga ba, eh. Sana hindi na kita pinayagan!" galit na sigaw niya.
"Ano bang problema mo! P’wede ba, Lala. Wala akong ganang makipag-argumento sa 'yo ngayon." Tumayo ako’t tinalikuran siya bago lumapit sa ref para kumuha ng malamig na maiinom.
"Ally, naman seryosohin mo naman ito," nagmamakaawang saad niya at pagod na sumusunod sa akin.
Tamad akong humarap sa kaniya. Tulad niya’y wala rin akong gana sa paligid ko ngayon. Ang gusto ko lang ay magpahinga ng buong araw.
"Ano ba 'yon?" tanong ko ngunit hindi siya nagsalita. Itinaas lang niya ang kamay at binigay sa akin ang hawak na tablet.
Nagtataka man ay kinuha ko ito at tiningnan. Nabuhay ang diwa ko nang mabasa ko kung ano na naman ang bagong issues tungkol sa akin. Isa-isa kong tiningnan ‘yon lahat. Ngunit ang pinanghihinaan ko ay no’ng mabasa kong may boyfriend daw ako na non-showbiz. Nanghihina kong ibinababa ang tablet sa lamesa.
Tungkol sa nangyari kahapon ang bagong issue ko. Tumatakbo ako habang hawak ng isang lalaki ang kamay ko, at ang lalaking 'yon ay walang iba kun'di si Arzhen. Pero ang pinagkaiba lang hindi kita ang mukha nito habang ang mukha ko naman ay malinaw na malinaw. Nakakainis na talaga! Bakit ba uhaw na uhaw sa balita ang mga tao?
"Sabihin mo, sino 'yang lalaki?" tanong ni Lala sa ‘kin.
Napatingin ako sa kaniya at diretsong tiningnan ito sa mata. Tinatantiya kong anong maging reaksiyon niya, kapag sinabi ko kung sino.
"Sa tingin ko, hindi ka maniniwala." Napatingin siya sa ‘kin at nagtaka naman sa sinabi ko. Lumapit siya sa lamesa at umupo.
"Gano'n ba ka importanteng ang taong 'yon para hindi ako maniwala?" Malalim akong napabuntonghininga at umupo rin, kaharap n'ya.
"Si Mr. Lorenzo," diretso kong sabi.
"H-huh? Sure ka?" Napairap ako sa naging tanong n'ya. Sabi na nga ba. Hindi s'ya maniniwala.
"Kung ayaw mong maniwala bahala ka," sabi ko. Tumayo ako't aalis na sana pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Sandali. Hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero bakit nando’n s'ya?" Napaisip ako sa sinabi n'ya. Sa pagkakaalala ko, wala s'yang binigay na dahilan. Nagkibit balikat ako.
“Ewan, wala naman s'yang sinabi sa akin.”
Napahawak ito sa kan'ya baba at tila nagisip.
"Hindi kaya sinusundan ka n'ya?" Mabilis ko siyang hinampas sa balikat. Ang daming p’wedeng maging dahilan, 'yon pa talaga ang naisip.
"Kung wala kang matinong sasabihin. Mabuti pang ayosin mo na 'yang issue." Bago pa siya makasagot ay tinalikuran ko na s'ya at pumunta sa k'warto ko. Minsan wala talagang makuhang matinong impormasyon kay Lala. Tsk.
Lumapit ako sa kama at tumihaya ro’n. Inilagay ko ang dalawang kamay sa uluhan para gawing unan. Tinagalid ko ang ulo kaya kita ko ang kaliwang bahagi ng k'warto ko.
Lahat ng nakuha kong diploma no'ng highschool at college ko ay nandoon lahat. Para sa akin isa itong achievement sa buhay ko, kaya kahit gawa lang ito sa papel ay napakalaking bagay na ito para sa akin.
Naisip ko rin minsan na ang swerte ng mga kabataan ngayon dahil sa nakukuhang suporta galing sa pamilya. Ako noon kahit sa pagdalo man lang sa graduation ko ay walang dumating kahit na isa sa kanila dahil sa sobrang busy sa pagtrabaho pero kahit na gano'n, mahal na mahal ko sila. Pamilya ko sila at sino pa ba ang matutulungan sa huli? Kun'di kami ring magkapamilya.
Napalingon ako sa kabilang bahagi ng k'warto ko. Nakita ko do'n ang picture ng Papa ko. Si Papa ang nagsusuporta sa akin mula pagkabata pero namatay ito no'ng sixteen years ako, dahil sa isang sunog sa kaniyang trabaho.
Napangiti ako ng hindi ko maiwasan maalala ang masasayang ala-ala namin no’n. Isa itong mabuting ama, at kung maihihiling ko lang ay gusto ko pa itong mabuhay ng matagal. Sa buong pamilya ko, s'ya 'yong palaging nag-aalala sa akin. Kahit pagod na ito galing sa trabaho hindi n'ya pa rin nakakalimutan na i-paramdam sa akin na mahal n'ya ako.
Isang simpleng pamilya at may mapagmahal na ama pero lahat nagbago ng namatay ito. Kahit sa murang edad nagtrabaho ako habang nag-aaral. Alam kong mahirap pero kinaya ko at ngayong natupad ko na ‘yong pinangako ko kay papa, ang saya sa pakiramdam. Napahawak ako sa pisngi ng maramdaman kong may tumulong luha do'n. Hindi ko man namalayan na umiiyak na pala ako.
"Ang rupok mo talaga, Allyson." Napatawa na lang ako sa sarili kong sinabi. Napahugot ako ng hininga at malakas itong binuga para mawala ang bigat sa dibdib ko. At least kahit minsan man lang ay naalala ko, ang papa kong minahal.
Umupo ako sa kama at tumingala sa ceiling at doon nakita ko ang mga picture ko no'ng bata pa ako. Mabuti na lang at naitago ko pa ito. Ang childhood day's ko siguro ang isa sa pinaka masayang nangyayari sa buhay ko.
Maswerte pa rin ako dahil naranasan ko kung paano maging bata. Ang maligo sa ulan, makipaglaro sa kapwa ko bata at madapa. Ang mga galos ko noon ay sobra kong iniiyakan dahil sa hapdi pero kung maalala ko ngayon napapatawa na lang ako. Napailing na lang ako bago tumayo sa pagkakahiga at pupunta na sana sa banyo ngunit may bumukas ng pinto ko. Dumungaw do’n ang ulo ni Lala.
"Allyson, may schedule ka ba ngayon na hindi ko alam?" Napaisip naman ako sa sinabi n'ya ngunit wala akong naalala.
"Wala naman maliban sa pagkikita namin ni-" Napatigil ako sa pagsalita at napatakip ng bibig sa naalala.
"Sinong kikitain mo?" tanong ni Lala.
Hindi ko ito pinansin. Nilapitan ko ang cellphone na nakalagay sa kama ko. Pagbukas ko palang ay tumambad na sa akin ang sunod-sunod na message ni Arzhen. Dali-dali kong binuksan ang pinakahuling message nito at binasa
"Nasaan ka na, Miss Allyson?" Tiningnan ko ang time kung kailan pa nito na send at gano'n na lang ang kaba ko ng isang oras na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung kabahan ba ako o hindi pero ang tanging nasaisip ko lang ngayon ay mag-bihis na at umalis.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (59)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    ow so cute

    10/08

      0
  • avatar
    Eunuce Myrtle Lachica

    wow nice

    13/07

      0
  • avatar
    Queen Elisabeth Cabrera Musica

    very niceee

    16/03

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด