logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Chapter 3
Kumuha ako ng pambayad sa bag ko at inabot yun sakanya at tip na rin. Nanghihinayang pa din ako kasi napunta siya sa pagtataxi pero atleast marangal na gawain. Ang malala lang sobrang proud siya sa sarili niya.
"Thank you." hinawakan ko ulit yung kamay ni Miggy at lumakad.
"Are you still hungry?" tumango naman siya. Ano ba naman yan. Kakaalis lang namin sa restaurant gutom pa din ito. Mukhang mauubos pa ang pera ko dito sa batang ito. Hindi man lang kasi nagbigay ang nanay niya.
I opped walking he stopped also. I squatted infront of him.
"Alam mo kapag kumain ka ng maraming marami pa. You'll grew big, big just like a monster. A giant monster. I'm sure ayaw mo yun..." I stated in my cute tiny voice. st
Nabigla at napangiwi na lang ako nang pumapalakpak siya bigla.
"Miggy like monsters!!!! I want to be a monster!"
Aba't! He's getting into my nerves! Akala ko pa naman matatakot siya sa mga monsters. Gusto pa pala. Mayroon pa naman akong pera pambili nang pagkain ng batang ito but some reason. I don't want to spoil him eating foods, every minutes. Since he's a kid its not good to them to eat too much because they can get hypertension in early age.
"Alam mo bang chubby ka na? Tas kain ka pa ng kain, masama yun. Dapat konti konti lang ang pagkain mo baby boy ha?" I pinched his cheeks.
"Alam ko," simpleng sagot niya na para bang magkasing-edad lang kami. Luh. Ang attitude din pala ng batang ito. Sabagay, nanay niya si Melixa eh.
He pouted and was like about to cry. Lumingon ako kaliwa't kanan, hindi ko alam ang gagawin kapag ito umiyak, ang lakas pa naman niya umiyak. Isang barangay ang makakarinig, mana siguro sa ina, malakas kasi boses nun. Kinarga ko siya kahit mabigat siya dahil tumulo na ang kanyang luha. Pumara ako nang taxi.
"Shh. Kakain na tayo baby boy ni Melixa na konti lang landi sa katawan," sabi ko sakanya.
He sobbed as I said it. Jusko naman! Ba't ba kasi ako nauwi sa pag-aalaga nang bata? Huwag ko lang talaga malaman na gumagawa nang milagro ang mga magulang nang batang ito. Naku!
"P-Pagkain..." nilahad niya ang kanyang palad sa harap ko.
Tumingin ako sa harap at tinignan kung malapit na ba kami.
"Kakain ka na. Malapit na tayo," sabi ko sakanya. His face lit up. Ngumiwi ako.
After few minutes nakarating na kami sa isang food park, actually parang amusement park pero may mga pagkain. Binitaw niya yung kamay ko kaya hinayaan ko na lang siya. Bahala siya sa buhay niya! Wala akong pamalit sa batang iyan pag nawala.
Sumunod ako sakanya dahil pumunta siya sa isang stall nang hotdog pero bumili muna ako nang mineral water.
Ba't ba ang hilig ng mga bata sa hotdog? Kun sabagay kung malalaki naman ang hotdog at mamumula mula sinong hindi mamimihasa sa pagkain nun? Pero ayoko nun, hindi iyon healthy.
"H-Hotdog!" paulit-ulit niyang sigaw sa tindero pero hindi naman siya nito binibigyan. Parang wala lang marinig si Kuyang tindero kahit ang lakas nang sigaw nang batang ito.
"Three hotdogs please," I said. Napakunot na lang ako nang noo nang hindi man lang ako nito nilingon. Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng kanyang ginagawa na hindi ko alam.
Sa inis ko, kinalampag ko na ang kanyang stall. Sa lakas nun napansin niya na ako. May tinanggal siya sa magkabilang tenga niya at tumingin saakin nang masama.
Aba't ako pa titignan niya ng ganyan? Hinahamon siguro ako nito. Tinignan ko din siya pabalik na may masamang tingin.
"What?!" he raised a brow.
Seriously? Ngayon lang ako nakakita ng tindero na maatitude. Siguro kaya kaunti lang ang bumibili dahil sa ugali nito.
"Three hotdog please." ulit ko sa sinabi ko pero this time gigil na gigil na ako.
"Tch. $2 each." he simply said.
Ang mahal naman nang presyo nito ni Kuya. Oo, para saakin mahal na iyon, Kaunti lang dala kong cash eh tapos marami pa 'tong kakainin ang kasama ko.
Saamin ang inihaw na hotdog ten pesos lang eh. Saan ba nanggagaling ang mga hotdog na ito at ang mahal? Sa pagkakaalam ko tender juicy lang naman ang tinitinda neto.
"That's high cost! Can you give me a discount? 2%?" Nagpuppy-eyes pa ako, baka madala 'to sa karisma ko.
Napasimangot na lang ako at inis na kinuha ang pera sa wallet ko nang akmang aabutin ko na sana yung bayad dun sa tindero pero may dalawang kamay na naunang mag-abot doon. Parehong amount pa ang binibigay nila. Sa pagkakaalam ko kami lang ng bata na itong katabi ko ngayon ang costumer dito. Hindi ko man lang namalayan na may dumating pa pala. Napangisi ako at nagsalita.
"Are you guys paying for the hotdogs I brought?" mariin nilang inaabot sa tindero ang bayad nila pero hindi alam ni Kuyang tindero kung kaninong pera ang kukunin.
"Yes." mapaawang na lang ang bibig ko dahil sa pagkamangha nang sabay silang sumagot. Their voice is both husky. Kambal siguro.
Hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Gosh! Para akong isang bida sa isang romance movie na may dalawang lover na magaagawan para makuha ako. Ngiting-ngiti ako habang pinapanood sila.
"Get mine!" walang emosyong sabi nung isa doon, nasa kanan ko siya.
"Please, get mine. Keep the change." umigting naman bigla yung panag nung nasa kaliwa ko. Napatitig ako sakanya.
Mukhang mahuhulog ang puso ko ng wala sa oras. Grabe, panga pa lang nila nakakalaglag na nang puso. Hindi ko kita ang mata nila kasi dahil nakasunglasses silang pareho. Pero itong nasa kaliwa ko parang pamilyar saakin. Actually, silang dalawa. Hindi sila nagpaawat, nagpalipat lipat lang yung tindero nang tingin sakanila.
"Enough! Okay..." he pointed me. "I'll give the hotdogs for free!" he rolled his eyes but grinned after.
May saltik din ata ang isang ito. Malalim na napabuntong hininga yung dalwang lalaki at binalik sa kani-kanilang wallet iyong pera na pambayad. Parang labag talaga sa loob nila pagbayad na hindi naman natuloy.
"Taray mo gurll! Dala-dalawa ang boylet mo! Akin na lang yung isa." nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa tindero.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Hindi ko akalain na sa likod ng mga muscles at balbas ay may nakatagong barbie. Kaya pala grabe ang hindi pagpansin niya saakin kanina, malala pa Pilipino din ito.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang buhok niya. "Galing mo! Nagpacute pa ako sayo kanina! Akala ko straight ka! Akala ko madadala ka sa pagpapacute ko! Kainis 'to, Pilipino ka din pala!" humalakhak lang siya.
Sayang yung pagpapacute ko sakanya kanina. Akala ko pa naman may pag-asa pa dahil sa totoo lang gwapo ang isang ito. Puwede nang pagtiyagaan na maging jowa kaso nga lang barbie.
"Bitawan mo na yung buhok ko, Gurl. May mga pogi pang naghihintay sayo..." bumulong siya saakin, "Kung ayaw mo sa isa akin na lang!" he grinned widely.
"Ako na lang magbabayad ng hotdogs ng batang iyon." inabot ko sakanya ang pera pero tinabig niya lang ang kamay ko.
"Naku! Huwag na Gurl. Baka mas lalo pang sumama ang loob mo! $6 lang naman yun lahat kailangan mo pa magpacute saakin. Tse! Kadiri!"
"Edi ikaw na pero salamat." hinawakan ko yung kamay ng bata na kasama ko na nangngalahati na sa pagkain nang hotdog. Tatlo sana yung binibigay niya, gaya ng sabi ko pero isa lang kinuha ko kasi nakakahiya, malulugi sila.
"Ayos lang 'noh. Kababayan naman." he smiled so do I.
"Tse.  Kailangan pa ng discount, If I know anak mayaman ka." narinig kong binulong iyon nang nasa kaliwa ko. Pilipino din pala.
Pinigil ko muna sarili ko, mamaya ang isang ito saakin.
"Salamat ulit. Una na kami." tumalikod na ako habang hawka ang kamay nung bata. Alam ko naman nakasunod lang saamin yung dalawang lalaki kanina.
Naghanap ako ng bench na mauupuan namin. Since malaki na itong bata na kasama ko hinayaan ko na lang siyang maupo mag isa niya. Naamoy ko yung pabango nila kaya naman hinarap ko.
Tinuro ko yung isa sakanila, yung masa kaliwa ko kanina. "Ikaw! Wala kang pakialam kung gusto ko ng discount!" giit ko.
His lips twisted. "I don't care either."
I grimace and brows arched. "Huwag mo ako maganyan-ganyan! Gwapo ka lang pero hindi ikaw ang gusto ko!" natutup ko ang bibig ko matapos sabihin iyon.
I realized kung ano ano na ang sinasabi ko sakanya. Medyo nahiya ako sa part na yun! Kainis!
"Ohh. Really? The feeling is mutual then." sumagot pa! Nang-iinis siguro talaga ang isang ito.
"Ouch!"
Napatingin ako kay Miggy nakalabas na ang kanyang dila. Yung isang kamay niya nakahawak doon sa hotdog at yung isa pinapaypayan ang kanyang dila. Napapailing na lang akong lumapit sakanya at pinainom ng tubig. Hinihipan ko pa yung hotdog para makain na niya pagkatapos hinarap ko ulit yung lalaki.
"Mister, alam mo bang nakakainis yang mukha mo?! Mabuti sana kung kita ko lahat ng mukha mo! Baka sakali may magbago sa mga sinabi ko saiyo... Isa pa pala, madaldal ka rin. Your mouth can't shut up! Pinapatulan mo pa akong babae!" I catch my breath. Kainis! Kung anu-ano talaga ang lumalabas sa bibig ko.
Tinuro niya yung sarili niya and scoffed. "Me?! Pinapatulan kita? Sa paanong paraan?"
Lumapit siya saaakin, napaatras naman agad ako. Nakatitig lang ako sa salamin niya na hindi ko kita ang kaniyang mata.
"A-ahm..." hindi ako makapagisip nang sasabihin sakanya.
"Kung papatulan kita sisiguraduhin kong hindi dito at mas lalong hindi sa ganitong paraan." mariin ang pagkakasabi niya nun. Our nose almost touch. Ang tangos naman kasi ng mga ilong namin. "You understand?" I just nodded immediately.
“Pero sino ka ba?” mabuti nagkaroon pa ako ng lakas ng loob na sabihin iyon sakanya.
"Ehem..." may tumikhim kaya agad kaming naglayo. Nakita kong nakangisi pa siya.
"H-Hello." pagbati ko sakanya nakakahiya kasi ang pinagga-gawa ko kanina.
"Picture tayo okay lang?" tanong niya. He's so carefree. Akala ko may sasabihin siyang importante pero picture lang naman pala. Nilabas niya ang phone niya sa bulsa niya kaya medyo lumapit ako sakanya. Mukhang matrip siya kaya pati yung lalaking kasama niya na ayaw naman sumama sa picture, sinali siya. Maraming click ang ginawa niya bago niya tinago ulit yung cellphone niya. Aalis na sana ako kaso nagpakilala pa siya.
Naglahad siya ng kamay. "I'm Seph, your driver earlier and you are?"
Nagdalawang isip pa ako kung tatangapin ko yung kamay niya o hindi pero sa huli nakipagkilala pa din ako. Hindi din nakaligtas sa pandinig ko yung sinasabi niya pagkatapos ng kanyang pangalan.
"Hala! Ikaw pala yun! Sinasabi ko na nga ba, kaya pala pamilyar ka! By the way I'm Agueda Castro. Nice to meet you, Seph." saad ko pero hindi ako nakuntento tinanong ko pa siya.
"Taxi Driver ka ba talaga? Hindi na ako magtataka kung hindi." natatawang dagdag ko, pero nakalimutan ko foreigner ata siya kaya baka hindi niya ako sagutin.
"Hindi naman ako Taxi Driver. Ang yaman ko para maging driver. I am a Chef." he said then chuckled.
"Yabang!"
"Yabang!"
Halos sabay namin iyon na sinabi ng kasama niya. Hindi ko pa pala alam ang pangalan nito. Malaman nga. Humarap ako sakanya upang tanungin pero parang nabasa niya ang isip ko kaya kusa siyang nagpakilala.
"I'm Ezzy Villamayor, ang parati mong binabangga." tinanggal niya ang kanyang sunglasses habang nangisi pero walang mababasa na emosyon. 
Hindi ko alam ang gagawin ko para akong sinabuyan ng malamig na tubig. God, Help me! Hinahanap ko pa lang ulit siya pero ito na naman siya sa harapan ko at may pangalan na. Ito na ba ang katapusan ng hunting list ko?... Teka lang! Hindi pa! Hindi ko pa alam kung Attorney siya o hindi. Kailangan Attorney siya. Dapat Attorney siya!
"Luh. Hindi naman kita parating binabangga ah. Baka hindi ka lang tumitingin sa dinadaanan mo." I defend myself dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko.
He scoffed. "Ako pa ngayon? Kung hindi pa nga ako umiwas sayo kaninang umaga sa coffee shop mababangga mo na naman ako." sabi niya.
Inisip ko naman kung anong coffee shop ang tinutukoy niya. Tinitigan ko siya at naalala ko na siya pala yung nag-order ng espresso kanina. Wala naman akong matandaan na may muntik akong mabangga kanina.
"Sure ka bang ako yun? Bakit wala akong maalala na may nabangga ako?" tanong ko sakanya. Akala ko hindi niya sasagutin.
He slightly lean forward at me so I step backward. Ayan na naman siya.
"Kasi nga umiwas ako." may diin ang pagkakasabi niya, tumayo din siya ng ayos pagkatapos. Tumalikod ako at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
Hindi ko alam ba't nagkaka-ganito na ako. Dapat malaman ko muna kung abogado siya o hindi pero nahihiya akong tanungin siya. Inaamin ko na madaldal ako pero may hiya pa din ako.
Umayos lang ulit kami ng tayo ng tumikhim ulit ang kasama niya.
"Hindi ka ba matatapos sa pagtikhim mong yan?" tanong ni Ezzy kay Seph. Kapag itong dalawa nag-away wala akong kinalaman diyan.
"Galit ka agad, Attorney? Yung anak kasi ni Agueda wala na. Umalis matapos makakita ng balloons." paliwanag niya pero isang salita ang tumatak sa isipan ko. Hindi ko na inisip ang iba pa.
"Anak mo yun?" tanong ni Ezzy saakin. Nang hindi ako sumagot imulit niya iyon hanggang sa marealize ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Amp! Nasaan na?! Malalagot ako sa Nanay nun! Wala akong pamalit sa bata na iyon!" nag-hysterical na kaagad ako. Pano ba naman kasi ang lawak-lawak ng park na ito, puro ba bata. Nakakahilo maghanap.
Ako nahihilo na sa kakahanap gamit ang tingin pero silang dalawa pinapanood lang ako. Akala ko pa naman maasahan sila. Letse!
"Miggy!" I shouted again and again habang naglalakad.
Huminto ako sa isang gilid upang magsuka. Nahilo talaga lalo na't hindi ako sa sanay magbabad ng matagal sa ilalim ng sikat ng araw. Sumasakit talaga ang ulo ko pagkaganun. Mayroon kasi akong migraine.
"Are you okay?"
"A-Ayos ka lang?"
Sabay na tanong nila akala ko hindi sila sumunod. Umiling-iling ako at nag-sign na okay lang ako. They both sighed.
"May migraine kasi ako pero ayos na ako." paniniguro ko sakanila. "P-Please, hanapin niyo si Miggy. Malalagot ako sa Nanay nun." dagda ko.
"Hindi mo anak yun?" pagtanong saakin ni Ezzy. Tinignan ko siya ng masama.
"Mukha ba akong may anak na? Hindi nga kami magkamukha nun eh. Ninang lang ako nun." sagot ko sakanya. Siniko siya ni Seph na tumatawa na.
"Sabi sayo prii. Wala pang anak at asawa yan. Single pa si Agueda. Puwede ka pa." pang-aasar niya. "'Diba Agueda single ka pa?" tinanong naman niya ako. Tumango na lang ako kasi wala namang kwenta ang mga pinagtatanong niya.
"Tulungan mo na lang ako maghanap, puwede ba? Huwag ka na magtanong ng kung anu-ano pa." sabi ko sakanya. okay, lumalabas na naman ang pagka-attitude ko but atleast I admit it.
Humakbang na ako para sana hanapin ulit si Miggy sa dagat ng bata na nandito pero bigla akong napatili dahil may bumahat saakin na parang sako. Kainis! Sa ganda kong 'to binuhat lang ako na parang sako. Hindi na ako magtataka kung si Ezzy ang bumuhat saakin. Wala pa man may sama na talaga ng loob saakin iyon. Binaba niya ako sa isang game stall na may malawak na silong.
"You stay here. Kami na mag-hahanap sakanya." mariin na sabi ni Ezzy. Tumango ako sa pag-sangayon, hindi na ako umalma dahil medyo masama pa ang pakiramdam ko.
Ilang minuto bago silang dalawa na makaalis may apat na pares na sapatos akong nakita na tumigil sa unahan ko. Isa pang matanda at isa pang bata. Dahan-dahan ako nag-angat ng tingin at laking gulat ko kung sino yun. Ang isa ay si Miggy na may hawak na blue balloon at ang isa ay ang lalaking matagal ko ng hindi nakita.
"Caleb!" I yelled. I jump as I hugged him. Tumatawa lang siya ng marahan habang hinahaplos ang buhok ko, habang ako naman sinisinghot ang amoy niya. Grabe halos tatlong taon kami hindi nagkita at hindi ko akalain na dito pa kami magkikita ulit.
"Tama na yan, Izabelle. Baka maubos mo ang amoy ko," sabi niya kaya umalis ako sa pagkakayakap sakanya. Gusto ko sana ngumuso pero mas nanaig ang gusto ko siyang makausap.
Pinalo ko siya sa balikat. "Feeling... Ikaw ba't ngayon ka lang ulit nagpakita saakin ha?! Saan ka ba nanggaling? Tinataguan mo na bako?! Hindi mo na ba ako mahal?" sunod-sunod kong tanong sakanya.
Ngayon ko na lang kasi siya nakita e. hindi ko alam kung saan-saan siya sumusuot mabuti nga hindi siya hinahanap ng mjga magulang niya saakin.
"Hindi ba pwedeng tanungin mo muna ako kung kamusta na ako?" natatawang sabi niya. I crossed my arms around my chest and looked away while biting my lips. Jusko! Ang gwapo niya talaga kapag tumatawa ng marahan.
"Ewan ko sayo..." magsalita pa sana ako pero may umeksena na. Sila Seph at Ezzy na madilim na ang paningin saakin.
"C-Caleb...."
"Yow, Prii!"
Pagtawag nila kay Caleb hindi ko akalain na kilala nila ang isang ito. Well, hindi na ako magtataka. Ganyan talaga pag artista pero sabi ni Seph na prii at mukhang close na close silang tatlo.
"Hey!" pagbati ni Caleb sakanila. Nag fist bump pa muna silang tatlo pero ang nagdidilim na paningin talaga ni Ezzy saakin hindi naalis.
Maya-maya pa nagsalita siya habang nakatingin pa din saakin. Kaya malamang ako ang kausap niya.
"Let's talk. Now." seryosong saad niya.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko at hindi ko naman alam na gusto niya pala ako kausapin. Ganun ganun na lang yun? Kakakilala pa lang namin tapos ito na, puwede na rin huwag na tayong chossy.
For now, feeling close na muna kami.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (77)

  • avatar
    Esor Pay Nolagnob

    how so lovely & romantic this story, looking forward for more 👍👌👌

    20/01/2022

      0
  • avatar
    maybille_

    Keep it up Author, maganda yung plot 😊. This is the first story na nabasa ko dito 💓.

    19/01/2022

      0
  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ang ganda ng story ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด