logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 21

"Sunny, pwede ba!?" Nahimigan ko ang pagka irita ni Wesley habang nakahawak ng baril.
Irita niyang tinanggal ang headphone sa kanyang tenga at tinignan ako ng masama.
Kanina pa ako nandito at hindi niya ako pinapansin. Oo nga at naka headphone siya pero nakikita naman niya ako. Kanina pa ako kaway ng kaway, pero talagang hindi niya ako pinapansin. 
Sa inis ko sa hindi niya pag pansin sa akin ay tumayo ako kong saan nakaturo ang hawak niyang baril. Kanina pa siya nag eensayo sa pagbabaril! Talagang hindi niya ako pinapansin.
"Edi pinansin mo din ako." Sabay irap ko sa kanya.
"What do you want? I'm busy." He said at pinatong niya ang headphone na hawak niya sa gilid niya, kong nasaan ang ibang headphone.
Napanguso ako. Hindi naman na niya kailangang mag ensayo, ang galing kaya niyang bumaril. Lahat center.
"Lunch?" Sabay ngiti ko at pinakita ang hawak kong lunch box na may lamang kanin at ang paborito niyang adobo.
"I'm busy, Sunny. Hindi mo ba nakikita?" He said. Napanguso ulit ako at binaba ang kamay kong may hawak na lunch box.
"You don't need naman na mag ensayo sa pamamaril, eh. Tignan mo nga, oh." Sabay turo ko sa kanina pa niya binabaril. "Sapul na sapul." 
"Su---" pinutol ko ang sasabihin niya at hinarap niya.
"Sa galing mo nga, pati puso ko natamaan." Sambit ko.
I don't know but it looks like his cheek turned red because of what I said. I couldn't help but smile.
"Wait, did you just blush?" Sambit ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi. Tinapik niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya kaya napasimangot ako.
Pati ba naman paghawak sa pisngi niya, bawal?
Sumeryoso ang mukha niya.
"Sunny" naging mahinahon ang sambit niya. "Anong sinabi ko kagabi?" Sambit niya.
I felt a pain in my heart as I remembered what happened last night. Hindi parin ako nadadala. Nandito nanaman ako at kinukulit siya, pero hindi gaya noon, ngayon kasi ay talagang hindi na ako natatakot na sabihin at ipakita na mahal ko siya.
"Ano din ang sabi ko kagabi?" Matapang na Sambit ko sa kanya.
"Sabing may maha--" 
"Ang sabi ko, hihintayin kita. Mamahalin parin kita kahit may mahal kang iba. Hihintayin kita hanggang magsawa kang mahalin siya o kong sino mang mamahalin mo. Hindi ako titigil sa pag hihintay hanggang sa ako naman ang mahalin mo." Seryoso kong sambit.
Magsasalita sana ulit siya nang agawin ko ang baril na hawak niya. Dahil hindi niya aakalaing aagawin ko yun ay nakuha ko yun ng walang kahirap hirap.
"Fuck, Sunny!" Natawa ako sa reaksyon niya.
"Chill! Ipapatong ko lang dito." Natatawa kong sambit at pinatong ang baril sa lamesa. Pagkapatong ko nang baril ay hinawakan ko ang braso niya at hinila.
"Damn it, Sunny. Wag na wag mo ulit gagawin yun! Hindi yun laruan, Sunny." Sermon niya sa akin habang hila hila ko siya.
"Yes, sir. Let's eat na." Sambit ko.
Sumuko narin siya at sumama rin sa akin sa kusina. Nadatnan namin ang tagaluto nila kuya kaya sinenyasan ko siyang lumabas muna, buti nalang at madami siyang makaintidi sa tingin.
Dapat mabilis lang kami. Kuya, didn't know that I'm here. Palihim ko lang kinuha kay Easton ang card pass niya. Yung lalakeng yun, ang bilis ma uto. Nagpacute lang ako, hindi na napansin na may nawawala na sa kanya.
"You sure, nakakain yan?" Nakataas na kilay na sambit ni Wes habang nakatitig sa akin. Napanguso ako.
Nasa harap na namin ngayon ang paborito niyang adobong manok. Naalala ko nanaman yung nangyare noong una akong nagluto para sa kanya. 
Mula noong nangyare yun, ayaw ko ng magluto, feeling ko lahat ng kakain ng niluto ko ay sasakit ang tiyan. Sumakit nga ang tiyan ni Easton, kaya naawa ako at hindi na tinuloy yung dalawang buwan niyang walang sahod.
"Tsk. I didn't cook that." Sabay irap ko. "I don't want to cook again, pinaluto ko yan sa chef namin." Sambit ko
Tumango siya at kinuha ang tinidor. Tinusok niya ang isang hiwa ng manok at tinikman. Parang ayaw niyang maniwala na hindi ako ang nagluto.
"Better than your sinigang na bangus." Sambit niya kaya tinignan ko siya ng masama.
Hindi ko alam kong namamalikmata ako pero parang nakitaan ko ng ngiti ang labi niya. Of course, Sunny, hindi yun mangyayare, bakit naman siya ngingiti?
Sinandokan ko siya ng kaninn, nilagay ko sa pinggan at binigay sa kanya. Kinuha naman niya yon at nagsimula ng kumain. Susubo pa sana ulit siya ng mapansin niya ang titig ko.
"What? Kumain ka na din. Stop staring." Hindi ko siya tinigilang titigan kaya napabitaw siya sa kutsara niya.
Para na akong baliw na nakangiti ngayon sa harap niya. Pansin ko na naman ang irita niyang tingin.
"Sunny--" 
"Busog ako." Sambit ko. Nanliit ang mata niyang nakatingin sa akin. "Totoo pala yun?" Sambit ko.
Kumunot ang noo niya. "Ang alin?" Tanong niya.
"Yung nabubusog ka sa simpleng titig lang sa taong mahal mo." Sambit ko.
Napahawak niya sa sintido at inihilamos ang kamay sa mukha. Hindi siya nakapagsalita. Tumingin siya sa akin at magsasalita sana pero bigla siyang yumuko at hinawakan ang batok niya.
Hindi niya masabi sabi ang gusto niyang sabihin. Napanguso tuloy ako. 
"Am I corny?" Napakamot pa ako sa ulo ko. 
"What do you think?" At last nakapagsalita din siya.
"Sorry na, mahal lang kasi kita." Sambit ko  at binigyan siya ng magandang ngiti.
Ginulo niya ang buhok niya at umungol. Para siyang nababaliw sa hindi ko malamang dahilan. 
Magsasalita na ulit sana ako nang tignan niya ko ng masama.
"Stop, damn it! Wag ka ng magsalita, please!" Napapapikit niyang sambit na para bang nafu-frustrate na.
Kumunot ang noo ko. Sasabihin ko lang naman na ituloy na niya yung kinakain niya, hindi na kasi masarap pag malamig na.
"Wes--" pinutol niya muli ako.
"You said maghihintay ka?" Tanong niya.
"Yes, why?" Naguguluhang sambit ko.
"Edi maghintay ka, wag mo kong dinadala sa mga salita mo. It's making me--- fuck, damn it!" Nagulat ako ng tumayo siya at tinalikuran ako.
Ok? What just happen? Ano bang sinabi ko? Sinabi ko lang naman na mahal ko siya ah? Wait, naaapektuhan ba siya sa mga sinasabi ko? No way!
Akala ko tuluyan na siyang aalis kaya lang bigla siyang tumigil at humarap. Hindi ko alam kong namamalikmata lang ulit ako, sa tingin ko kasi namumula talaga siya.
"Maging masungit ka nalang ulit." Huling sambit niya bago umalis.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (161)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    09/02/2022

      3
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด