logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 18

Bigla akong napatago nang makita ko ang kotse ni Kuya Grayson na tumigil sa harap nila. Racey didn’t hide and just looked at me seriously. I think because of what he saw and what happened, he already knew.
Dumating na si manong pero hindi parin ako kumikibo, pansin ko rin ang pabalik balik na tingin sa akin Racey. Tulala nalang ako at nakatingin sa labas ng kotse, habang papauwi.
Dahil siguro naninibago si manong sa aming dalawa ni Racey ay hindi na nakatiis si manong.
"Ayos lang ba kayong dalawa, ma'am, sir?" Tumango lang ako at ganon din si Racey.
Wala na sana akong balak na magtagal sa baba at balak nalang umakyat para mag kulong sa kwarto, pero bigla akong hinila ni Racey.
"Bakit?" Walang kagana ganang kong sambit.
Hinila niya ako hanggang sa veranda sa taas.
"Bakit ganon ang kinilos mo, kanina?" Tanong niya.
Nag iwas ako ng tingin. 
"Gusto ko ng magpahinga." Sambit ko at tinalikuran siya.
I still don't understand, bakit sila magkasama? bakit sila mag kayakap? Alina said earlier that they don't know each other, but why would I suddenly see the two of them hugging each other. Anong meron sa kanila?
"Damn it! Sunny, bakit siya pa? You have a many suitors, bakit doon pa?" Sigaw na niya sa akin.
Inis akong tumingin sa kanya. Bakit kailangan niyang sumigaw? Ang bigat na nga ng pakiramdam ko sinisigawan pa niya ako!
"Pwede ba, Racey. Mind your own business!" Balik na sigaw ko.
"How can I mind my own, kong nakita kita kanina na umiiyak! Kong nakita ko kanina si Sunny na kahit kailan ay hindi ko nakitang umiyak, umiiyak ngayon dahil sa lalakeng yon!"
Dahil sa sinabi niya ay muli nanamang tumulo ang luha ko. Kita ko ang pag aalala sa mukha niya.
"Racey--"
"Look at you! Bakit ka nagkakaganyan?" Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha sa mata ko. Palagi man kaming nag aasaran at kong minsan hindi magkasundo, ramdam ko ang pag aalala niya sa akin.
"K-kasi mahal ko siya. Mahal ko siya, kaya ako nagkakaganito." Humagulgol na ako. Nakita ko ang pagpikit niya. "Please, kailangan ko munang magpahinga." Nanghihina kong sambit.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na ako. Pago ako naglakad ay pinunasan ko muna ang luha sa mga mata ko, kong maaari, ayokong malaman ni kuya Grayson na nasasaktan na ako. 
Sa paglalakad ko papunta sa kwarto ko ay nakasalubong ko ang kaninang kayakap ng taong mahal ko. Nakita ko ang ngiti niya sa akin. Hindi ko maiwasang mainis, hindi dahil ayoko sa kanya kundi dahil kitang kita ko na totoo ang ngiting pinapakita niya.
"Hi, Sunny." Bati niya.
Inirapan ko siya at padabog na sinara ang pintuan sa kwarto ko. Pagpasok ko ay kitang kita ko ang sarili ko sa salamin, naaawa ako sa sarili ko.
That night, I didn't go down to eat, but Racey knocked on my door to give me something to eat. I'm thankful he didn't tell Kuya what happened.
Kinabukasan, parang walang nangyare. Nakangiti ulit ako kahit durog na durog na ako. Pwede na nga akong mag artista sa galing kong ngumiti, walang nakapansin na nadudurog na ako.
"You, ok now?" Tanong ni Racey. Ngumiti ako sa kanya at tumango. May pagdududa sa mga tingin niya pero tumango din kalaunan.
Hindi na ako magugulat kong hindi siya maniwala, nakita niya kong gaano ako umiyak kahapon at nanghina.
Hindi ko alam kong anong nagtulak sa akin para ngayon ay pumunta sa clinic. Siguro na mimiss ko lang si Dino, ang bestfriend ko na pinagsasabihan ko ng lahat.
Habang iniisip ko kanina si Dino ay pumasok sa isip ko si Future Nurse. Magaan ang loob ko sa kanya, at nagustuhan ko rin ang unang pag uusap sa namin. Hindi siya plastic, sinasabi niya ang gusto niyang sabihin.
Hindi ako sigurado kong nandito siya ngayon kaya sumilip muna ako. Nakahinga ako nang makitang nandon siya at nakaupo. Pagpasok ko ay dumako ang tingin niya sa akin.
"Oh, masakit pa?" Tanong niya
"Oo, may gamot ka?" Tanong ko. Dumako ang tingin niya sa paa ko. "Hindi diyan." Sambit ko. Kumunot ang noo niya.
"Eh ano?" Sambit niya.
"Puso" pagkasambit ko ay umiling siya.
Nagulat ako nang may ibato siya sa akin. It's a bubble gum. Binuksan niya ang isa at sinubo. 
"Wala akong gamot diyan, miss. Hindi lang halata pero yun din ang sakit ko." Sambit niya.
Sa kaunting oras na usapan namin ay gumaan ang loob ko. Parang nakakita ako ng isang Dino sa katauhan ng isang babae. Simula noon ay hirap na ako mag tiwala, pero sa kunting usapan lang namin ay nakuha na niya ang tiwala ko.
Sa pangalawang pagpunta ko don ay nagulat ako sa nasaksihan. 
"Saji, ano ba." Sambit ni Kuya Kenzo kay Saji. Hindi niya pinapansin si Kuya at tuloy lang sa kanyang ginagawa sa lamesa niya.
"Wala na tayong pag usapan, Kenzo. Umalis ka na." Sambit ni Saji.
Hinawakan ni Kuya Kenzo ang kamay ni Saji pero tinanggal lang ito ni Saji. Magkaedad si Kuya Kenzo at Ate Hally. Graduating na sila noong isang taon at nagulat talaga ako nang makita si Kuya Kenzo dito.
"Hindi ko siya gusto. Si lolo ang may gusto sa kanya para sa akin, Saji." Malambing na sabi ni Kenzo. Tumingin si ate Saji kay kuya Kenzo.
"Yun na nga, Kenzo! Ang lolo mo ang may gusto sa kanya para sayo, anong laban ko don? Mayaman siya, ako ito lang, oh. Nagpapart time job para may magastos ako sa mamahaling paaralang 'to. Umalis ka na. Sundin mo nalang ang lolo mo." Sambit ni Saji at siya na mismo ang tumayo para lumabas.
Dahil sa paglabas ay nakita niya ako. Eto ba yung sinasabi niya na pareho kami ng sakit? Sinundan ko siya hanggang sa Comfort room. Pagpasok ko ay nadatnan ko siya na naghihilamos, nang tumingin siya ay kitang kita ko ang mapula niyang mata.
She loves Kuya Kenzo. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, ang pinagkaiba lang namin ay ako ang itinutulak ng taong mahal ko papalayo at siya naman ang tumutulak sa taong mahal niya papalayo.
Hindi ko alam kong anong mas masakit, ang maitulak o ang itulak ang taong mahal, parang pareho lang... pareho lang na nagdudusa.
"Please, don't tell to your cousin, that I'm crying." Sambit niya kaya tumango ako. Hindi na ako nagulat na alam niyang mag pinsan kami. Kilala ang Enriquez sa paaralang ito.
Siguro pag mahal mo kahit gaano na kasakit, gugustuhin mo parin siyang makita.
"Kuya, please. Magpaparty na tayo dito, total wala naman sila lolo." Kanina ko pa pinipilit si Kuya. 
Wala akong ibang maisip na dahilan para makita siya, kaya gusto kong magpa pool party mamayang gabi. Kahit makita ko lang muna siya.
"Sunny--" hinawakan niya ang ulo niya. Nakukulitan na siya sa akin.
"Please, kuya. Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo." Sabay ngiti ko.
"Fine." Sumusukong sambit niya. Ngingiti na sana ako kaya lang biglang nagsalita si Kuya Grayso.
"You can invite your friend, Alina." 
"Tsk.... Whatever!" Sambit ko at sinubukang tawagan ni Saji. Alam kong hindi siya papayag pero sinubukan ko.
I want her for Kuya Kenzo.
I was happy to see him. Madaming kaibigan ni Ate Hally ang pumunta, madami ding babae ang nakapalibot na ngayon kay Kuya Grayson.
Abala ang lahat sa pag iinom at ang iba ay naliligo.. pero wala akong ibang tinitignan kundi si Wesley. Pinanood ko ang bawat pagtawa niya at ang pinakamasakit, pinapanood ko siya habang pinapanood niya ang pinsan ko.
Kitang kita ko ang titig ni Wesley kay Alina, at naninikip ang dibdib ko. Para matanggal ang titig ni Wes kay Alina, tinawag ko silang lahat para mag laro ng Truth or dare, pang bata pero wala akong pakealam, gusto kong matanggal ang titig niya sa kanya.
Ngumuso ako nang makitang tumuro ang bibig ng bote kay Wesley, si Kuya Kenzo ang magtatanong at medyo lasing na siya.
"Truth or dare?" Tanong ni Kuya Kenzo.
"Truth" sambit ni Wesley na ngayon ay katabi si Alina.
Nahigit ko ang hininga ko nang marinig ang tanong ni Kuya Kenzo. Narinig ko din ang mura ni Racey.
"May nagugustuhan ka ba dito, kong meron sino?" Napakapit ako kay ate Hally na nasa tabi ko. Hindi pa alam ni Ate Hally ang tungkol sa yakapan na nakita ko. Hindi ko alam kong pano sasabihin sa kanya.
"Yes, meron.... It's Alina." Kumirot ang puso ko pero sinubukan ko paring ngumiti. Hindi na niya mahal si Ashra? Damn it! Kararating lang ni Alina pero mahal na niya agad.... anong kalokohan to!
Nakita kong tumayo si Alina at pumasok sa loob, mas nadurog ako nang makita kong sinundan siya ni Wes. Muli, hindi ko nanaman napigilan ang pag tulo ng luha ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (161)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    09/02/2022

      3
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด