KASALUKUYAN na ngayong naglalakad si Eva patungo sa bahay nina Ruan. She doesn't know where she found the guts to ask Innamorata about it. 'Wala naman sigurong masama kung pupuntahan ko siya?' Sa isip-isip niya. Hawak niya ang niluto niyang ulam na kare-kare at tinola para ibigay bilang peace offering na rin sa binata. Hindi niya alam kung magugustuhan nito iyon, pero umaasa siya; masarap naman siyang magluto kaya sa isip-isip niya, baka magustuhan nito iyon. Nagprisintang samahan siya ng muchacha ngunit tumanggi siya. Kaya naman niyang mag-isa, kaya siya na lang dahil baka maabala pa niya ito sa mga gawain nito sa bahay-hacienda. Humugot siya ng malalim na hininga nang mahagip ng kaniyang mga mata ang nasabing bahay ng mga Villaluella. “Heto na kaya 'yon?” paniniyak niya at bahagyang inililibot ang mata sa paligid at kabuoan ng bahay. May mga nakikita rin siyang bahay sa `di-kalayuan. Hindi niya alam pero parang ayaw na niyang tumuloy nang nasa pintuan na siya. Biglang umalon sa kaba ang dibdib niya. Nagsimulang pumasok ang mga negatibong pag-iisip sa diwa niya. Paano kung sungitan siya nito? Paano kung palayasin siya nito? 'No! Hindi siya gano'n. You can do it, Eva. Stop what you are thinking. Hindi gano'n ang g'wapong iyon!' buska ng isang bahagi ng isip niya dahilan para siya ay mapabuga ng malalim na hininga. Pilit niyang ipinalikod sa utak ang negatibong isipin at nag-ayos na lamang ng sarili. Akmang kakatok na ito nang bigla siyang nakarinig na parang may bahagyang humihikbi at umiiyak sa loob. Hindi siya nagkakamali... iyon ang taong pakay niya. Astonishment shone in her eyes. Bakit ito umiiyak? Huwag na lang kaya siyang tumuloy? Matapos ang pakikipagdigmaan ni Eva sa isip ay kumatok na rin siya. Ilang minuto na siyang nasa labas at makailang ulit na rin siyang kumakatok subalit hindi siya pinagbubuksan. Sandaling nawala ang naririnig niyang paghikbi. 'Maybe he can't here it!' Alam niyang wala roon ang mga magulang ni Ruan dahil nakita niya ang mga itong abala sa mansiyon nila. Nanghingi na rin siya ng dispensa sa mga ito dahil sa nangyari kay Ruan, tinugunan naman kaagad iyon ng mag-asawa. Sinubukan niyang pihitin ang seradura, bukas ito at hindi naka-lock. Umaalon man ang puso niya sa kaba ay pumasok siya sa loob ng bahay. Bumungad sa kaniya ang makipot na sala ng Villaluella. Walang katao-tao. 'Not spacious but glamorous in sight!' Hindi niya maipagkakailang hindi nga ito maluwang pero kaakit-akit pa rin tingnan. Inilapag niya ang kaniyang dala sa lamesa. She roamed her eyes. Nahagip ng kaniyang mga mata ang mga letratong nakapatong sa console table. Ang letrato ng binatang pakay niya ang nakaagaw ng kaniyang pansin. Natagpuan na lamang niya ang sariling hawak-hawak na iyon at maiging pinapasadahan ng tingin. She can't help herself but to plastered a smile. Hindi niya maitatangging guwapo ang nasa letratong hinahagod niya ng tingin. Letrato iyon ni Ruan nang magtapos ng kolehiyo. Lumuwag ang ngiti ni Geneva nang maisagawa ang nais niya sa letrato. Maingat na inilapag na niya iyon sa console table at inapuhap ng mga mata niya ang mga letrato ng buong pamilya ng Villaluella sa dingding. “Unique!” bulaslas niya nang mapansing ang kakaibang kutis at postura ni Ruan sa letrato kumpara sa kapatid at mga magulang nito. May kaputian ang balat ng binata at litaw na litaw ang angkin nitong kakisigan. Isinagawa niyang muli sa pangalawang letrato ang ginawa niya sa unang letrato. Napatulos siya sa kinatatayuan nang mahinang ang mga mata niya sa isa pang letratong nasa console table. Maagap siyang napalapit doon nang mabawi ang pagkagitla. “I-is he a model?” Sa angking taglay na kaputian, kakisigan, at kagandahan ng hubog ng katawan ng binata sa letrato ay mapagkakamalan mo talagang ito ay isang modelo. Wala siyang damit pang-itaas at litaw na litaw ang chest at abs nito. Naka-jeans lamang ito at naka-pose na pang-modelo. Hindi mapigilang mapangiti ng dalaga sa nakikita. Naramdaman pa niya ang biglaang pag-init ng kaniyang magkabilang pisngi. 'Hindi halatang nagtratrabaho ka noon sa tubuhan; sa bahay-hacienda; dito sa hacienda!' piping sabi niya. “God! Guwapo talaga!” napailing-iling na lang siya sa tinuran niya. Para siyang maluwag ang tornilyong kinakausap ang letrato. Hindi niya mapigilang purihin ang binata. “Para kang may lahi.” Katulad ng ginawa niya sa mga naunang letrato ay ginawa rin niya roon. Hindi lang isa, kundi makailang beses pa: kinuhan niya ang mga iyon ng letrato gamit ang cell phone niya. Inilapag na niyang muli iyon. Hindi niya alintanang baka may makakita sa kaniyang ginagawa. Hindi naman siguro siya pagbibintangang akyat-bahay o magnanakaw sa ginagawa niya. Kilala naman siya ng pamilya Villaluella at kumuha ng permisong bisitahin ang lalaki. Umagaw naman ng kaniyang pansin ang throwback picture ng pamilya Villaluella. Kalong-kalong ng ina nila ang isang bata. Mga nasa edad tatlo na ito. May Ruan pang nakasulat sa damit ng bata. Kumunot ang kaniyang noo nang makita iyon. Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay pagkuwa'y sinisiyasat nang mabuti ang letrato. Kumunot ang kaniyang noo nang mapagtantong parang hindi naman iyon si Ruan. Parang hindi naman, mas matangos pa ang ilong— “Daddy, I'm here! Daddy?” Natigilan siya sa kaniyang pag-iisip nang pumailanlang sa loob ng bahay ang paglahaw na iyon, nagmumula sa isang silid. May bahid pa ng iyak ang sigaw na iyon. Hindi siya nagkakamali, iyon ang binatang pakay niya; si Ruan. Nilulukob man sa kaba ang kaniyang puso ay iginiya niya ang sarili papunta sa silid na iyon. “Daddy... Daddy?” Humahagulhol na ito sa iyak. “R-Ruan?” Pag-aalala ang mababanaag sa mukha ni Eva nang mabuksan niya ang pintp. Tumambad sa kaniya ang binatang nakahilata sa kama at hindi magkandatigil ang pagpilig ng ulo sa kanan at sa kaliwa nito habang patuloy na nagsisisigaw. “R-Ruan, R-Ruan wake up, you're having dream. Nanaginip ka Ruan, gising!” aligagang anang niya at bahagyang tinatapik-tapik ang magkabilang pisngi ng huli. “Ruan! Gising, R-Ruan." Napabalikwas naman ang binata at bahagyang napaupo at napasapo sa ulo nito. Humahagulgol pa rin ito sa pag-iyak. Hindi mawari ni Eva kung ano ang nararamdaman niya; napakamisteryoso sa paningin niya ang binata. Tila ba ang dami pang nakatagong misteryo sa buhay nito. Nagulat pa siya nang sumigaw muli ang binata. Kulong ng mga palad nito ang sariling ulo. “R-Ruan, a-ano'ng nangyayari sa 'yo? R-Ruan, huminahon ka.”May bahid ng pag-aalala sa tinig niya at pinipilit alisin ang mga palad nito na sa ngayon ay sumasabunot sa sarili nitong buhok. Hindi naglaon ay natigilan si Ruan at binalingan siya ng tingin. Napagtanto marahil nito na nananaginip ito kanina. Namalisbis ang mga butil ng luha sa pisngi nito. Muling nasilayan ni Eva ang makisig na mukha ng binata. Umiiyak man ito at magulo ang buhok ay litaw na litaw pa rin ang kakisigan nito. Admiration can be seen in her eyes. She can't deny anymore, she like him. She love his deep and alluring leaf-colored eyes. Para siyang hinihipnostimo niyon. Nagtama ang magkaibang kulay nilang mga mata. Mas lalong umuugong ang paghanga sa dibdib ni Geneva dahil sa luntiang mga mata ni Ruan. Nagitla na lamang siya nang biglang siyang yakapin nito. Mahigpit iyon. Animo ay bumaha ang puso niya sa magkahalong kaba, pag-aalala, at sa hindi maipaliwanag ay nakadarama siya ng kagalakan. Para bang ngayon lamang niya naramdaman ang ibayong galak na iyon. Ruan... Ruan... bulong ng puso niya. She doesn't know why she feel the calmness and tranquility in her heart. Para rin siyang ligtas sa mga bisig nito. Hindi niya maipaliwanag, pero nagugustuhan niya; nasasarapan siya sa pakiramdam. Naririnig ni Eva ang pag-iyak ng binata sa may bandang leeg niya. Awa ang humalo sa nararamdaman niyang mga emosyon. Tila ba nuunawaan niya ang bigat na dinadala ng huli sa hindi mawaring dahilan. Parang pinag-isa ang kanilang mga damdamin sa yakap na iyon. Namalayan na lamang niya ang sariling yakap-yakap na rin niya ang binata at masuyong hinahagod ang likuran nito. Patuloy pa rin ito sa pagluha sa kaniyang balikat. Bagaman, nawala na ang paghikbi. “Tahan na Ruan, T-tahan na.” Bahagya siyang kumawala. Pakiramdam niya ay para siyang nagpapatahan ng bata. Naalala tuloy niya kung paano rin siya inalo nito noong siya ang nasa ganoong sitwasyon. Hinawakan ng magkabilang palad niya ang pisngi ng binata. Pinahid ang mga luhang kumakawala mula sa mga mata nito, “Tahan na Ruan, panaginip lang 'yon, panaginip lang.” Namayani ang pagkamangha sa puso ni Eva. Katahimikan din ang namayani sa pagitan nila. Nakatitig lamang sila sa mga mata ng isa't isa. Walang nagpapatinag. Tila ba bumagal ang pagtakbo ng oras nang mabanaag niya ang sinseridad sa maamong mukha ni Ruan. Naroon pa rin ang bakas ng pagluha, subalit pakiramdam ni Geneva ay tila kumikislap ang paghanga at pagmamahal sa mga mata ng binata. Ang luntiang mga mata ay tila pinakikiusapan siya. Nakita na lamang nita na nasa likod na ng palad niyang nakahawak sa pisngi ni Ruan ang kaliwang palad nito. Masuyo ang pagkakadapo. Nakaramdam ng ibayong init sa pisngi si Eva nang madama ang malambot na palad ng binata. Waring lahat ng kaniyang dugo ay umakyat patungo roon. Marahan siyang napakurap-kurap nang maramdaman ang pagdapyo ng kanang palad ni Ruan sa pisngi niya. Iginiya ng mga palad ng binata ang kanang palad niya palayo sa pisngi nito. Bahagya nitong sinipat iyon pagkuwa'y pinagsalikop. Naghugpong muli ang mga mata nila. Nangungusap ang mga mata ni Ruan na animo ay humihipnotismo sa kaniya. Umapaw ang kaba at kasabikan sa puso ni Geneva nang dumausdos ang tingin ni Ruan sa kaniyang mga labi. Bahagyang umawang ang bibig niya. Binitawan na ni Ruan ang kamay niya, upang maisagawang maiging hawiin ang mga buhok niya na tumatakip sa kaniyang magandang mukha. Marahan niyang ipinikit ang talukap ng mga mata nang mamalayan niyang dahan-dahang naglalaho ang bakanteng bahagi ng labi nila ni Ruan. Hindi magawang itulak ni Eva ang binata; wala siyang lakas; tuluyan na siyang nahipnotismo ng mata nito. Taliwas sa nais ng kaniyang isip ang katawan at puso niya. Hinayaan niyang magsanib ang labi nilang dalawa. Admiration, desire, passionate, affection, excitement, and at the same time... an agony crept in Eva's heart when Ruan totally invades the distance of their lips. Napaka-passionate nang dating niyon sa kaniya, napaka-genuine, nakakadala. Mas lalong bumuka at binigyang laya ni Eva ang binata sa pagnanais nito. Namalayan na lamang niyang tumutugon na siya sa halik na iyon. May bahid ng sinseridad na napamulat si Eva nang kumalas ang binata. *** KITANG-KITA ang pagkabigla sa hitsura ni Ruan sa nagawa nito, bumalik na siya sa angkop niyang huwisyo. Subalit nabanaag niya na ang pagkaburasga sa mukha ng kaniyang Señorita. Akmang bababa na siya sa kama nang hawakan siya sa braso ni Eva. Naging mapangahas ang dalaga at ito na mismo ang naglapit ng labi nito patungo sa labi niya. Hanggang sa siya ay nadala na rin; nag-init na ang kaniyang kalamnan. Unti-unti ay tumutugon na muli siya. Naging mapusok ang pinagsasaluhang halikan ng dalawa. Marahan at masuyong ipinahiga ni Ruan si Eva sa kama nang hindi kumakalas sa pagbibigkis ng kanilang mga labi. Sandali siyang kumalas nang sumagi muli sa isip niya na mali at bawal ang kanilang ginagawa. Napatingin siya sa mata ng kaniyang Señorita Geneva. Walang bahid ng pagkadisgusto sa paghuhugpong ng kanilang mga labi ang waring ipinapabatid ng mga nito. Muli siyang siniil ng halik sa labi dalaga. Tuluyan siyang nag-init. Tutol man ang kaniyang isipan ay hindi naman niya mapigilan ang kaniyang katawan, 'pagkat ang ikinikilos niya ay may basbas ng kaniyang kaibuturan. Maraming nagkakagusto at nagbibigay ng motibo at pagmamahal sa kaniya noong siya ay nag-aaral pa lamang, but he can't love them back, because someone already owns his heart, and that is his Señorita Geneva... the girl at the window of the mansion... the woman he is kissing now. *** SA PANGALAWANG pagkakataon, muling nadama ni Eva ang masuyong halik ni Ruan. Sa tarangkahan nito unang nadama ang halik na iyon. “S-salamat, Señorita,” usal ni Ruan nang bahagya itong kumalas. “Napakaganda mo.” Ramdam ni Eva ang sinseridad sa tinig ng binata. Umuugong ang galak sa kaniyang puso. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi sa tinuran ng binata. Nakikita ni Eva ang pagod sa mga mata nito. Umayos sila ng puwesto at humiga silang dalawa sa kama. Nakatagilid sila at magkaharap. Bumalatay pa ang ngiti ni Ruan sa mga labi nito bago unti-unting ipinikit ang talukap ng mga mata. Napagmasdan pa nito ang bahagyang pagguhit ng matamis na ngiti sa labi ni Eva bago ito tuluyang nilamon ng dilim. May gumapang na ligaya at pagkamangha sa dibdib ni Eva nang makita ang tulog na maamong mukha ng binata. Ilang minuto niyang pinagsawa ang kaniyang mga mata sa pagtitig sa hitsura nito. She doesn't know how she feel, but she actually love the way Ruan kissed her. She badly want to feel his lips in hers, again. Walang magawa ang isip niya, kahit tutol man ito ay namamayani naman sa sistema niya ang idinidikta ng puso niya. Hindi sinasadiyang nahagip ng mga mata niya ang picture frame na nakapatong sa side table ng huli. Napangiti siya at natukoy na kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita ang binata; si Ruan—ang binatang nakakuha ng una niyang halik, ang katabi niya ngayon sa higaan, at ang batang lalaking palihim niyang hinahangaan at pinagmamasdan noon sa gazebo ay iisa. Finally, she found him... she had found what her heart was longing for... she had found the owner of her heart. Pinukulan niyang muli ng tingin ang maamong mukha ni Ruan, masuyo niyang ipinadapo ang palad sa mukha nito. Hinahaplos-haplos niya iyon, itinatatak sa memorya ang pigura nito, sinisiyasat. Hinawi rin niya ang mga buhok na tumatakip sa guwapong mukha ng binata. Lumuwang ang pagkakangiti niya habang ito ay minamataan. 'Nothing change, you are still handsome. Ikaw nga ang batang lalaki noon sa gazebo,' pagdedeklarang piping bulong niya sa isipan saka kinintalan ng halik sa noo ang binata. Marahang ipinikit ang talukap ng kaniyang mata. Lumabas pa mula roon ang mga butil ng likido saka ikinulong sa bisig ang binata. 'Finally found the Owner of my Heart.' Walang nangyaring seksuwal sa pagitan nilang dalawa, subalit sapat na ang halik na iyon para mapunan ang pangungulila nila sa isa't isa. Sa nakalipas na labing limang taon ay iyon ang pinakahihintay ni Geneva; ang malaman at makita kung sino ang bata sa gazebo, ang batang nagmamay-ari ng kaniyang puso ay katabi na nitong natutulog sa iisang kama. Walang mapagsidlan ang kagalakan na nadarama niya. Kay tagal niyang hinintay ang muli nilang pagtatagpo.
Nice
01/10/2024
0ganda
24/09/2024
0🥰🥰
29/08/2024
0ดูทั้งหมด