logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Man of My Dreams

Man of My Dreams

wondergirldreamer


Prologue

"Bakit kailangan mong umalis?" Tanong ko.
"Bakit ang hirap mong pakawalan?" Tanong niya sa'kin imbis na sagutin niya ang tanong ko.
"Inaamin kong nagkamali ako. I tried pushed you away. B-But I realized that I can't just let you go.." Sambit ko habang lumuluha.
"Let me go..For some reasons we can't be together now. B-But I'm not yet giving up on you.." Sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Paano ako?"
"You're a strong woman. Alam kong kaya mo na ang sarili mo..even without me." He kissed my forehead for the last time. "Maybe our love story isn't perfect. But I'll assure you that we'll have a happy ending."
•••••
"Mahal, sorry na.."
"Sana naman kasi intindihin mo din ako!"
Narinig kong pagtatalo nila sa kusina. Kaya sumilip ako at nakita akong niyayakap patalikod ni papa si mama. Sinisiko ni mama si papa pero mahigpit pa rin ang yakap ni papa.
Bigla akong natawa, kaya nilingon nila ako.
"Oh, anak! Kanina ka pa diyan?" tanong ni papa.
"Ngayon lang din po, pa. Kukuha sana ako ng tubig e." Nilingon ko si mama. Naghihiwa pala siya para sa niluluto niya.
Ngumuso naman ako kay papa at sumenyas. "Lambingin mo pa!" Sambit ko habang walang lumalabas na boses sa bibig ko.
Nakatalikod naman kasi si mama kaya hindi niya ako makikita. Tumawa naman si papa nang kaunti at nagthumbs-up sa'kin.
"Kayong dalawa, alam kong nagsisinyasan kayo." Ani ni mama.
Tinakpan ko nalang ang bibig ko habang pinipigilang tumawa. Minsan talaga nagkakaroon sila nang hindi pagkakaintindihan. Pero alam ko namang sinusuyo ni papa si mama.
"Sige na, Bella. Tawagin mo na yung kapatid mo, nasa labas 'yon naglalaro," Nilingon ako ni mama. "Kakain na tayo..Madali lang namang maluto 'to."
"Sige na, anak." Tumango si papa sa'kin at kumindat.
Alam kong nasa suyo-mode na naman si papa kay mama. Hindi niya sinusukuan kahit na minsan ay mainitin talaga ang ulo ng nanay ko.
Sana lahat ng lalaki, ganiyan. Yung tipong hindi matutulog hangga't hindi naaayos ang problema nilang mag-asawa.
"Ate, paabot naman nong ulam." Tawag ni Brix sa'kin. Malapit kasi sa'kin yung ulam.
Kinuha ko naman at iniabot sa kaniya."Oh, eto. Kain lang nang kain!"
"Ikaw, anak. Damihan mo rin kain mo. Ang payat mo na." Sabay tingin ni papa sa'kin.
Tumawa naman ako. "Hindi lang talaga ako tumataba pa pero malakas naman ako kumain." Sabay subo ko sa pagkain ko.
Kumuha si papa ng ulam at nilagay sa plato ni mama. "Mahal..pakabusog ka din."
Kahit kailan talaga napaka-sweet ni papa.
Inirapan ni mama si papa. "Ang sabihin mo..gusto mo lang ako tumaba."
Nagkatinginan naman kami ni Brix. Kitang-kita kong natatawa siya sa sinabi ni mama kahit na seryoso naman ang pagkakasabi nito.
Pinandilatan ko siya ng mata at nagpatuloy naman ito sa pagkain niya.
"Mahal naman..." Hinakawan niya ang kamay ni mama. "Mataba ka man sa kanilang paningin, siyempre sa akin din.."
Halos sabay-sabay kaming tumawa at halos mabulunan na si Brix. Etong batang 'to ang lakas tumawa.
Sa totoo lang, hindi naman masiyadong mataba si mama. Sadyang marami lang talaga kain niya.
Bumawi naman si papa. Nanlilisik na kasi yung mga mata ni mama at panay na ang irap. Halatang naiirita na.
"Hindi kita minahal dahil sa laki o liit man ng katawan mo. Minahal kita dahil totoo ka..walang halong biro."
Kinilig naman ako sa sinabi ng papa ko. Hindi talaga siya nahihiyang bumanat kahit nasa hapag kainan kami. Nakita ko namang pinipigilan lang ngumiti ni mama.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos, ako ang naghugas sa mga pinagkainan namin. Habang naghuhugas ako ay hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti.
Iniisip kong sana ay ganon din ang makakatuluyan ko. Sana ay kasing bait at mapagmahal 'gaya ni papa. Yung hindi takot sabihin ang nararamdaman at siyempre totoo sa sarili.
Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng umaawit na boses. Masarap pakinggan at hindi nakakasawa sa tenga. Hinanap ko ito kung saan nanggagaling.
You gave me a reason
For my being
And I love
What I'm feeling
Paborito ko pa naman ang kanta. Hanggang sa may nakita akong lalaking naggigitara kaya nagmadali akong pumasok doon.
Masiyadong nakakaakit ang boses niya. Yung tipong makakatulog ka nang mahimbing.
Tumigil siya sa pagkanta at nilingon ako habang nakangiti. Hindi ko naman makita nang maayos ang buong mukha niya. Basta ang nakikita ko lang ay ang ngiti niyang kayganda.
"Gusto mo bang kantahan kita?" Tanong niya na nagdulot ng matinding kuryente sa buong sistema ko.
Tumango ako. Habang kinakantahan niya ako ay siya ring pagsulyap niya sa mga mata ko habang nakangiti.
Para bang hindi ko na gustong lumingon pa sa iba at ituon nalang sa kaniya ang buong atensiyon ko.
Para akong nasa bangkang lumulubog na pero hinahayaan ko lang na malunod ang sarili ko. Nalunod na ako sa kaniya.
Nang biglang tumunog ang kampana. Masiyadong malakas ito at tinakpan ko ang mga tenga ko.
Kailangan ko na palang umuwi!
"Paalam. Kailangan ko nang umuwi."
"Kailan kita makikita ulit?" Tanong niya. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
"Hindi ko alam..pero makikita mo pa ako ulit.." Pagkatapos ay winagaygay ko ang dalawa kong kamay sa kaniya.
Mabilis akong tumakbo. Nang lingunin ko siya sa huling sandali ay siya ring pagtatagpo ng aming mga mata.
"Anong pangalan mo?"
"Bella..Tandaan mo 'yan."
Hindi ko inaasahang matatapilok ako at matatanggal ang sapatos ko. Hindi ko na ito kinuha pa at tumakbo pa rin papalayo. Nakita kong kinuha niya ang sapatos ko. Hawak-hawak niya ito.
Nagulat naman ako sa huling sinabi niya. "Diba dapat Ella? Kasi si Cinderella ka. Tsaka si Bella diba dapat yung sa Beauty & the Beast?" Nagtataka niyang tanong.
"Si Belle yun. Si Bella ako!!" sigaw ko.
"Bella Lauriz! Anong sinisigaw-sigaw mo diyan?!" Bumalik ako sa reyalidad no'ng tawagin ako ni mama.
Panaginip lang pala. Pinagpawisan ako doon. Medyo nai-stress din ako. Maganda na sana yung love story ko.
"Nanaginip lang, ma. Bababa na din po ako.." Sabay ngiti ko. "Good morning to my beautiful mother pala."
"Wag mo na akong bulahin pa. Sige na at nang makapaglinis ka pagkatapos."
Tumango nalang ako at sinunod ang inuutos ni mama.
Habang naglilinis ako ng bahay ay iniisip ko pa rin yung napanaginipan ko. Natawa ako habang umiiling-iling. Masiyado kasing weirdo ang napanaginipan ko.
"Anak.." Nilingon ko si papa. Kapansin-pansin na malungkot ang mukha niya ngayon.
"May sasabihin ang mama niyo." Sabay kaming umupo ni Brix. Seryoso naman ang tingin ni mama.
"Sa susunod na buwan ay maga-abroad na ako." Bigla naman akong naging malungkot.
"Iiwan mo na kami, ma?" Tanong ni Brix. Alam kong malungkot siya dahil sila ang mas close ni mama sa aming apat.
"Aalis lang ako pero hindi ibig sabihin no'n iiwan ko na kayo." Nakakalungkot man pero naiintindihan ko.
"Diba sa susunod na buwan din ay pasukan na..tsaka magko-kolehiyo kana Bella.." Sabay tingin niya sa'kin.
Siguro isa rin 'yon sa mga dahilan. Alam kong dadami na ang gastusin namin.
"Naiintindihan ko po, ma.." Sabay yuko ko. Pilit na pinapagaan ang loob ko.
"Tsaka sa Maynila ka magko-kolehiyo," Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Kay Dina ka titira yung gurong kaibigan ko."
"Ma, bakit doon? May malapit naman na kolehiyo dito. Mas gusto ko po dito para malapit lang sa inyo.."
"Mas maganda ang pagtuturo doon. Tsaka nandoon naman ang Tita Dina mo tsaka yung kaibigan mong anak niya."
"Pero..." May pumatak na luha sa mata ko. "Maiiwan sila papa dito.."
Naramdaman kong may humahaplos sa likod ko. Alam kong si papa 'yon.
"Para din sa inyo 'to anak..Gusto lang namin na mabigyan kayo ng maayos na buhay. Hindi ko man gusto umalis din ang mama niyo pero kaunti lang ang kinikita ko sa pagmamaneho ng jeep..." Nakuyukong saad ni papa. Pinipigilan na tumulo ang luha.
"Inaasikaso ko na din 'yung mga papeles ko," Sambit ni mama. "Pati na din yung sa school mo Bella.."
"Pangako po, ma, pa. Magsisikap po ako sa pag-aaral ko. Para balang araw maging proud kayo sa'kin."
"Tama na ang iyakan.." Ani ni papa. "Group Hug!!!" Nagyakapan naman kaming lahat.
Hinalikan ni papa yung noo namin ni Brix. Habang sa pisngi naman kay mama. Natawa si papa sa reaksiyon ni mama.
"Oh, siya! Tama na ang drama, kain na tayo." Iritang sambit ni mama.
Tumakbo naman sina papa at Brix sa kusina.
Minsan talaga wala sa mood ang mama ko. Masiyado lang talaga siyang seryoso sa buhay. Habang si papa naman ay panay ang tawa at pang-aasar sa'min. Si Brix naman puro laro lang ang alam.
Isa lang ang pangako ko sa kanila.
Balang araw ay magtatapos din ako. Para balang araw hindi niyo na kailangang magtrabaho pa at magkakasama na tayong lahat.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    Jennifer Cayetano

    Ang tagal ko na pong nag aantay😭😭 kilan pa po ung mga bagong chapter?😓😔

    03/04/2022

      1
  • avatar
    Jenhilyn Geanga Omlero

    its very cool

    19/09/2024

      0
  • avatar
    AustriaRizza

    saan na karugtong

    08/04/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด