logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Reach for the Stars

Reach for the Stars

nyxgonzalo


Chapter 1

"Okay! Take your break first. Be back after twenty minutes!"
Halos lumuwa na sa bibig ko ang aking dila nang marinig ko na sa wakas ang salitang break. It's like a magic word to me and also a savior! Break will always be my favorite subject—kahit na hindi naman talaga iyon subject.
Napaungol ako sa ginhawa nang pisil-pisilin ko ang sariling kamay. Pinaikot-ikot ko rin ang palapulsuhan. Grabe naman kasi si Sir Migs! Kung magpa-design, bonggang bongga! Naabuso nang husto ang puso't kaluluwa ko! (biro lang!) Ang naabuso talaga ay 'yong malambot kong kamay at ang utak kong brainless.
Huh? Utak tapos brainless? Naguluhan ako sa sariling naisip.
"Taena mo, Florence! Ikaw na naman highest nito panigurado!"
Lukot na lukot ang mukha ko sa sakit ng hampas sa akin ni Elise sa braso. Napadaing ako sa sakit at hinimas ang brasong napuruhan. Ang bigat talaga ng kamay ng babaeng ito!
"Anak ka ng nanay mo, Elise!" irap ko sa kaniya.
Nginisihan lang ako ng babae at nag-peace sign. Akala siguro nito abswelto na siya sa araw-araw niyang pangha-harass sa akin?!
"Nakakainis naman kasi! Ang gaganda ng mga designs mo!" singhal niya sa mukha ko at kinuha ang aking Canson sketch pad. Isa-isa niya iyong binuklat at inusisa ang mga detalye ng mga gawa ko.
Maingat ko iyong hinablot sa kaniya. "Akin na nga iyan at baka nananabotahe ka lang!" biro ko.
"Hoy! Kapal mukha naman nitong hambog na ito! FYI, maganda rin naman ang nga gawa ko, no! Mas nga lang ang iyo . . ."
Hindi ko siya pinakinggan at nag-make face na lang na siya namang kinainis niya. Mahina akong napabungisngis sa kaniyang reaksyon. Kinuha ko na lang ang sketch pad niya at tinignan din ang kaniyang gawa.
Naging magkaibigan kami ni Elise simula no'ng tumungtong ko ng high school. Uhm . . . technically, nasa high school pa rin naman kami. Siguro kaya close na close kami ngayon ay dahil magkaklase na kami simula pa no'ng first year. Hindi naman siya mahirap kaibiganin dahil kalog siya at halos magkaparehas kami ng mga gusto.
Parehas kaming mahilig sa purple, sa pagbabasa, at pagdidisenyo. Parehas naming paborito ang cookies and cream flavor, ang aso't pusa, ang kumain, at matulog. Sa iisang bagay lang naman ata kami nagkaiba. At iyon ay 'yong taste namin sa lalaki.
Ang gusto kasi ni Elise ay 'yong mukha laging galit, nanununtok, bugnutin at mukhang galit (ulit) sa mundo. 'Yong tipong parang laging bagong gising dahil magulo ang buhok. Naka-poker face at maangas tingnan. Kinain na kasi siya ng sistema ng badboy syndrome.
Samantalang ako . . . ang gusto ko sa lalaki ay 'yong mala-angelic face, 'yong mukhang hindi gagawa ng masama. 'Yong parang puro kabutihan lang ang idudulot dito sa mundong ibabaw. 'Yong parang hindi makasalanang tao. Gano'n!
Mabuti na rin naman na magkaiba kami ng taste sa lalaki. Hinding hindi naman ako papayag na madadagdagan pa ng makikihati sa nag-iisang pag-ibig ng buhay ko! Hirap na hirap na nga ako magpapansin tapos makikiagaw pa siya? No way, highway!
Pinagmamasdan ko ang mga gawa ni Elise nang may pangmamata, habang siya ay nakapamaywang. Inaasar ko lang naman siya. Kunyari ay minamaliit ko ang kaniyang gawa pero sa totoo lang ay magaganda rin naman ang mga gowns na dinisenyo niya.
Nasa ganoong posisyon kami nang makarinig kami ng komosyon mula sa labas ng room—sa hallway to be exact.
"My gracious goodness! Dadaan 'yong Zenith!"
"Ihanda ni'yo na ang red carpet, mga bruha! Dadaan ang mga asawa ko!"
Nagkatinginan kami ni Elise nang parehas na nanlalaki ang mga mata. Walang ano-ano'y nag-unahan kaming makarating sa pintuan ng room para makisilip. Ang kaso naharangan na iyon ng mga kaklase kong babae. Bakit ba kasi hindi sila nagsipagpuntahan sa canteen ng mag-break time?! Nahihirapan tuloy ako makasilip dahil sa lintek kong height! Bakit din kasi hindi ako pinalad sa tangkad?! Nasaan ba kasi ako noong nagpaulan ng Cherifer Tangkad Sagad at Star Margarine?!
Pinilit kong isiniksik ang mukha ko sa mababahong kili-kili ng aking mga kaklaseng babae. Jusme naman! May pambili ng sangkatutak na liptint pero tawas, wala? Pero kahit na halos himatayin na ako sa amoy ay tiniis ko. Handa kong ibuwis ang buhay ko para lang makita nang malapitan ang nag-iisang pag-ibig ko!
Oh! Things I do for love!
Alam kong hindi nahihirapang tumingin si Elise dahil pinagpala siyang babae. Maliban sa miyembro siya ng Journalism, Volleyball player din siya ng school. Napabusangot ako, ang unfair talaga ng mundo!
Nabigla ako ng maglatag ang mga babae mula sa kabilang section ng mga pulang cartolina sa sahig. Madalang lang kasing dumaan dito sa department namin ang Zenith. Baka ito pa nga ang una. Arts and Design department kasi kami samantalang nasa Music department naman sila. Nasa iisang campus lang naman kami pero malayo ang building namin sa isa't isa. Nasa North wing kasi ang kanila samantalang nasa South naman ang amin.
Mahirap tuloy ang kalagayan ng relasyon namin ng bebeloves ko. Mahirap pala talaga kapag LDR, 'no?
Biglang lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan at binabae. 'Yong mga lalaki ay maiingay rin pero puro pangba-bash lang naman ang lumalabas sa mga bibig! Napairap ako sa mga hanash nila sa buhay. Mga bitter lang, e. Kasi hindi sila binibigyan ng atensyon tulad ng sa Zenith.
Parang mga hayop na nakawala sa hawla ang mga estudyante ngayon sa hallway namin. Sa sobrang ingay at gagaslaw ng mga tao, feeling ko gigiba itong building namin, e! Ang sakit sa ulo!
Pero nang makita ko ang mga nangingintab na black leather shoes ng apat na miyembro ng Zenith, halos maputol na ang mga ugat ko sa leeg sa kakatili! Sapatos palang natatanaw ko nito, ha?!
Sandali akong huminto sa pagtili at mas lalong isiniksik ang aking ulo for the better view. Pisting yawa! Ipit na ipit na ulo ko rito! Para lang akong mukhang biglang lumitaw sa pagitan ng mga kili-kili ng mga kaklase ko!
Pero 'yong mga reklamo at hinaing ko sa buhay ay biglang naglaho nang makita ko na ang nag-iisang irog ko. Halos tumirik na ang mga mata ko sa saya nang ngumiti ito . . . pero hindi sa akin kung hindi sa lahat ng babaeng naaabot ng tingin niya.
Oh! I would die for that angelic smile!
Halos mamula na sa sakit ang mga mata ko. Ikaw ba naman ang hindi kumurap ng ilang minuto. Hindi talaga ako kukurap kung may dadaang anghel, no! It's a blessing! Hindi dapat pinapalagpas! Malagkit ang tingin ko sa napakaamong mukha ni Jazz, ang nag-iisang lalaki sa puso ko (except kay Papa). Ang aking irog. Ang aking sinisinta at tinatangi. Ang aking pangarap.
Hindi ko pinalagpas ang bawat detalye ng kaniyang mukha no'ng dumaan sila. To be honest, hindi ako OT4. Ni hindi ko nga alam kung ano ibig sabihin ng OT? Overtime ba 'yon? Naririnig ko lang naman kasi ang "OT4" sa mga kaklase kong babae. Si Jazz lang naman ang gusto ko sa Zenith. Ang hinahangaan. At wala na akong pakialam sa tatlong natira. Sila rin naman walang pakialam sa akin, e?
Hindi rin nakatakas sa akin ang pagtapak ng mamahaling sapatos ni Jazz sa isang parte ng pulang cartolina. Nang makadaan na sila nang tuluyan, lumipat naman ang malagkit kong tingin sa pulang cartolina. Mapunit nga ang parteng iyon mamaya.
I am not really an obssessed fan of Jazz. Sa totoo nga'y discreet pa ito. Isa nga lang ang picture ni Jazz na nasa akin, hindi ko kasi afford 'yong mga binebenta ng nasa merch nila sa school, kaya nag-print na lang ako tapos pina-laminate ko.
Masasabi kong hindi rin ako tulad ng iba na halos itapon ang sarili kay Jazz. Katulad na lang ng kaklase kong babae na ngayon ay pilit na hinahawakan si Jazz. Matalim ang tinging ipinukol ko kay Audrey—ang hampaslupang humawak kay Jazz. Nasa gilid lang naman ako, nakikihalo sa iba. Tamang blend lang sa mga supporters niyang wild. Masaya na akong tinatanaw siya mula sa malayo.
Tanggap ko naman na kasi . . . na hanggang tingin na lang ako sa kaniya. Like duh! Isa lang akong average normal student ng Liverpool School of Arts. Samantalang siya, kahit estudyante pa lang, kilalang kilala na kahit sa ibang bigating schools tulad ng Manchester at Everton High pati na rin sa Main campus ng Liverpool. Ano ba namang laban ko e parang langit at lupa ang agwat namin sa isa't isa? Literal pa, dahil si Jazz ay mukhang anghel samantalang ako ay mukhang lamang lupa. Kaya naman hindi ko maiwasang malungkot kapag sinasampal ako ng reyalidad . . .
***
"Tara na, Florence!"
Saglit kong sinulyapan si Elise na naghihintay sa akin sa may pintuan. Halatang nabuburyo na ito mula sa kinatatayuan. Bahala siya riyan, atat na atat umuwi, e?
Binagalan ko ang pagpasok ng mga art mats ko sa bag. Inaasar si Elise at syempre . . . nagtagumpay ako!
"Kaasar ka naman, Florence! Paano natin maaabutan 'yong rehearsal ng Zenith kung para kang pagong kumilos d'yan?!" bulyaw niya mula sa kabilang dako.
Mabilis na namilog ang mata ko sa narinig. "Bakit hindi mo kasi sinabing may rehearsal sila?!" inis ko ring bulyaw pabalik at basta na lang hinagis sa loob ng bag ang mga gamit.
Mamaya ko na lang aayusin sa bahay, ang mahalaga ay mapanood ko si Jazz, my bebeloves!
"Bakit? Nagtanong ka ba kasi?!"
Hindi naman ako nahihiyang magsisigaw rito sa loob ng room dahil kami na lang dalawa ni Elise ang naiwan. Kaya pala atat na atat ding magsialis 'yong mga haliparot na kaklaseng kong babae kanina? Mga madadamot sa info!
Ako na mismo ang humatak kay Elise paalis ng room. Kaasar din naman kasi si Sir Migs! Wala ba siyang kamay at sa akin pa pina-compile 'yong mga designs?!
Para kaming nasa Maze Runner kung magsitakbo kami sa tila abandonadong hallway. Nakakapanibagong napakatahimik ng hallway ng Arts and Design. Kilala kami dahil sa ingay, gulo at kalat. Napakaraming kalat. Maingay rin naman sa Music at Dance department, pero sa tatlong department dito sa Liverpool School of Arts, Music department ang pinakatahimik na building. May budget kasi ang officials nila . . . may pang-soundproof ng mga kwarto.
Sa Dance department naman, puro tugs! tak! tugs! tugs! tak! ang maririnig. Napadaan kasi ako roon minsan nang pinuntahan ko ang pinsan ko. Hindi ko rin alam kung bakit? Akala ko ba sumasayaw sila? Bakit para silang nagbe-beatbox?
Mabilis naming tinawid ang pagitan ng department namin at ng Music dept. Nang makarating, malalaki naman ang mga hakbang ang ginawa ko para mabilis makaakyat sa fourth floor nila. Naroon kasi ang Music Theatre—kung saan nagre-rehearse ang Zenith. Wala na akong pakialam kung nakakaladkad ko man si Elise, hindi rin naman kasi siya nagrereklamo.
Habol ang hininga kaming nakarating sa Theatre. Tila hindi mahulugan ng karayom ang lugar sa dami ng mga tao! Argh! Daig pa nila ang concert ng isang sikat na banda ng bansa sa dami ng nanonood! Partida rehearsal pa lang ito!
"Anak naman ng cheesecake, o! Ang kupad mo kasing mag-ayos, e, ayan tuloy!" inis na sumbat sa akin ni Elise.
Sumimangot ako sa kaniya at masama siyang tinignan.
"Ako pa? Ikaw may kasalanan kasi hindi mo naman sinabi sa akin nang maaga! Edi sana hindi na tayo pumasok sa last subject at dumiretso na kaagad dito!"
Syempre biro ko lang ang pagka-cutting. Wala naman akong balak. Baka kapag nalaman ni Auntie tiyak na ako ang paghuhugasin no'n ng mga plato for a year! Baka nga lifetime pa.
"Ano? Magsisisihan pa ba tayo rito o maghahanap na lang ng maganda-gandang pwesto?" Umirap sa akin si Elise kaya ginantihan ko rin siya ng irap.
Ito ang ayaw ko sa Zenith, dahil sa kanila nag-aaway tuloy kami ni Elise. Nagiging moody. Pero hindi naman umaabot sa point na nag-e-FO kami kapag tinotoyo.
Dahil mas malaki sa akin si Elise, nagtago ako sa likod niya habang hawak-hawak ang strap ng bag niyang Hawk ang tatak. Wala namang makapalag kay Elise nang marahas kaming dumaan sa dagat ng mga tao. Syempre! Baka masampal sila ni Elise at tumalbog ang ulo nila na parang bola ng volleyball . . . syempre biro lang, 'no!
Muling lumandas ang kislap sa aking mga mata nang matanaw ko ang nag-iisang lalaking may potensyal na maging icing sa ibabaw ng cupcake ko.
Si Jazz na sobrang hot habang kinakalabit ang kaniyang itim na electric guitar. Oh, how I wish na sana ako na lang ang kinakalabit niya. Malandi akong napatawa sa aking isipan.
Hindi ko marinig kung anong kanta ang pina-practice nila ngayon. Sobrang ingay ng fans nila, e. Kaya hindi ko marinig nang maayos ang vocalist nila. At isa pa, na kay Jazz lang naman ang buong atensyon ko.
Mataman kong pinagmamasdan si Jazz na parang siya lang ang tao sa buong Theatre. Nakita ko kung paano magtaas-baba ang basang basa niyang buhok. Ang pawisan niyang white sando at kung paano ito yumakap sa medyo may kapayatan niyang katawan. At ang pagpasada niya ng dila sa kaniyang mapupulang labi . . . Ow sheet na malagkit! I need water! Jazz made me thirsty! So thirsty mga sissy!
Thirsty for his love and attention . . .
Hindi ko namalayang madiin na pala akong napakagat sa aking mga labi kung hindi ko pa nalasahan ang malakalawang na likido sa aking bibig—nagdurugo na pala ang labi ko (pati na rin ang aking puso!).
Mabigat akong nagpakawala ng hangin at napatingala, saka nangako sa kawalan.
Balang araw luluhod ang mga tala at mag-iiba ang ikot ng mundo, dahil itinataga ko sa bato na magugustuhan din ako ni Jazz balang-araw. Higit pa sa kung paano ko siya nagustuhan . . .

หนังสือแสดงความคิดเห็น (17)

  • avatar
    Arabella Fernandez

    good

    18/05/2022

      0
  • avatar
    MylesCharielle

    ❤️❤️❤️

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Lieve_gnthe

    supportttt ♥️

    18/03/2022

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด