logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6

CHAPTER 6
PHOEBE'S POV
ILANG araw na kaming hindi nagkikibuan ni Keyden hindi dahil sa umiiwas ako sa kaniya kundi umiiwas siya sa akin. Mula noong umuwi kami galing park ay parang nabalot kaming muli ng yelo. Walang nagtangkang magsalita o iopen-up ang tungkol sa sinabi ni Keyden. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako kinilig at hindi ako umasa dahil alam na alam ko sa sarili ko na mas hinigpitan ko kapit ko kay Keyden nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
Akala ko ay may magbabago na sa samahan namin. Well, may nagbago nga pero imbis na maglapit kami ay parang mas lalong tumibay ang pader na humaharang sa amin. Para bang mas lumayo kami sa isa't isa dahil lang sa mga katagang sinabi nito noong isang araw at ang nakakatawa ay imbes na ako ang mailang ay ito pa ang lumayo na para bang may nakakahawa akong sakit. Oo, may sakit ako pero hindi naman iyon nakakahawa ah?
Nakaupo lang ako ngayon sa sala ng townhouse at kasalukuyang naghahanap ng magandang channel nang makita ko si Keyden na pababa ng hagdan at mukhang bagong paligo. Napakagwapo nito sa suot nito at mula sa kinauupuan ko ay amoy na amoy ko ang gamit nitong afterwash. Napakabango nito at napakagwapong tingnan.
"S-saan ka pupunta?" Hindi ko maiwasang tanong. Napatigil naman ito sa paglalakad at walang emosyong tumingin sa akin. "None of your business." Sagot nito bago dumiretso sa pinto at hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at naisipan ko siyang habulin.
"Keyden, wait!" Pigil ko sa kaniya nang akma na siyang papasok sa kotse. Humarap naman ito sa akin at halata ang iritasyon sa kislap ng mga mata nito kaya napakagat nalang ako sa labi ko. Balik na naman ba ito sa dati na laging irita sa akin? Damang-dama ko ang dissapointment na lumulukob sa akin.
"What? Make it fast, hinihintay na ako ni Charity." Irita nitong sabi at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan ng taong pupuntahan niya. Bakit ba ako umasa na baka pwedeng mabaling sa akin ang atensyon niya? Expectations really leads to dissapointments. Maling hinigpitan ko ang kapit ko sa taong alam ko na sa simula palang ay pag-aari na ng iba. Pero bakit niya ako gustong angkinin? Para saan? Para ipamukha sa akin na sa kaniya ako pero sa iba naman siya?
Nang hindi ako nakapagsalita ay muli kong narinig ang boses ni Keyden, "Kung tungkol lang naman sa sinabi ko noong isang araw, kalimutan mo na iyon. Binibiro lang kita, bumigay ka naman." Sabi nito tyaka pumasok sa sasakyan at pinaharurot iyon paalis.
Parang may milyon-milyong kutsilyo ang sumasaksak sa puso ko habang nakatingin sa papalayong kotse ng asawa ko. Umalis siya para pumunta sa iba. Para puntahan yung totoong mahal niya. Alam ko naman eh. Alam ko naman na hindi niya ako kailanman mamahalin dahil inialay na niya ang puso niya kay Charity. Sa bestfriend ko. Kaya dapat, imbes na umasa ako na baka pwede kaming dalawa ay umpisahan ko na dapat ang napagkasunduan namin na paglalapitin ko silang dalawa kahit alam ko na hindi na kailangan dahil halata naman na gusto nila ang isa't-isa.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at kinuha ang aking cellphone. Tinext ko si Charity upang ipaalam na pupunta na sa kaniya si Keyden at mas nasaktan ako sa isinagot niya.
From: Charity
I know. May date kami. I'm so excited bessy! :D
I think hindi ko na sila kailangan pang paglapitin. Halata naman na kahit wala akong gawin ay magiging sila parin. Pero kung wala naman pala akong gagawin ay bakit pumayag pa si Keyden na pakasalan ako kung gayong tumulong man ako o hindi ay magiging sila parin ni Charity?
I'm so confused.
ANONG oras na pero wala parin si Keyden. Kanina ko pa siya hinihintay pero hanggang sa umabot na ng 1:30 ng madaling araw ay wala parin siya. Balak ko na sanang umakyat sa taas at matulog nang bigla kong marinig ang busina ng sasakyan. Paniguradong si Keyden na iyon kaya agad-agad akong lumabas ng bahay upang abangan ang pagbaba niya ng kotse.
Ayos na siguro ito. Na kahit saan man siya pumunta, sa akin parin siya uuwi. Ayos na sa akin ito. Wala naman akong karapatan magreklamo eh. Pero siguro naman ay may karapatan akong masaktan. Dahil alam kong ginagawa niya lang ito dahil sa usapan namin at dahil responsibilidad niya ito bilang asawa ko na kahit gusto nitong manatili sa tabi ni Charity ay hindi pwede.
Kinukulong ko siya para sa sarili ko. Napaka-selfish man pero pagbibigyan ko muna ang sarili ko. Pagkatapos nito ay lalayo na ako. Hahayaan ko silang sumaya at pipilitin kong sumaya para sa dalawang tao na mahalaga sa akin. Siguro ayos na din na sa bestfriend ko siya mapunta kaysa naman sa iba.
Nang makita ko siyang bumaba sa sasakyan ay pumasok na din ako sa loob ng bahay. Alam ko naman na ayaw niya akong makita eh. Aakyat na sana ako sa hagdan nang makadama ako ng uhaw kaya lumiko muna ako sa kusina para kumuha ng tubig at para dalhin na din sa aking kwarto.
Nagsasalin ako ng tubig sa baso nang maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likuran at muntik ko nang matapon ang baso at pitsel sa sobrang gulat. "K-Keyden." Bulalas ko nang hindi parin ito bumibitaw pagkatapos nang ilang minuto kaya ibinaba ko muna ang hawak ko at ako na ang nagbaklas ng mga kamay niya pero hinigpitan lamang nito ang kapit at isinubsob ang mukha sa leeg ko kaya mas lalo akong nanigas. Sa paraan ng pagkakayakap sa akin ni Keyden ay para bang takot na takot itong mawala ako.
"Don't go." Sambit nito at base sa boses niya ay halatang lasing ito.
Then it hits me. Wala ito sa katinuan kaya niya ginagawa ito at alam ko na never itong gagawin ni Keyden kung hindi ito lasing kaya bago pa ako umasang muli ay tinatagan ko na ang loob ko at sapilitan kong binaklas ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. Buti naman at hindi na ito nagpumilit pa at hinayaan na ako.
Humarap ako sa binata na halatang nahihirapang tumayo nang tuwid kaya napailing nalang ako lalo na nang makitang sobrang pula ng mukha nito sa kalasingan. Napakamot naman ito sa batok nang makita ang ginawa ko. "I'm sorry. Napainom lang nang konti." Dahilan nito. Wala naman akong karapatan na magalit kaya iiwan ko na sana ito sa kusina nang maalala ko na nagdrive ito pauwi nang mag-isa.
"Wait, are you out of your mind?! Bakit ka nagmaneho nang lasing? Baliw ka ba? Paano nalang kung naaksidente ka? Dapat ay natulog ka nalang kay Charity. Ayos lang naman na hindi ka muna umuwi at ako na ang magdadahilan sa parents natin kapag tumawag sila kung iyon ang inaalala mo!" Sermon ko sa kaniya habang nakatitig naman siya sa akin. Napailing na naman ako dahil halatang wala naman itong pinakinggan sa mga sinabi ko.
Kinuha ko na ang baso ng tubig na inilapag ko kanina at akmang iiwan na siya sa kusina nang hapitin na naman niya ang bewang ko tyaka ako hinalikan sa mga labi at sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang baso na agad nabasag pero mukhang hindi iyon alintana ng binatang humahalik sa akin ngayon.
"First of all, hindi ako pumunta kay Charity. Gawa-gawa ko lang iyon. Wala akong balak magloko habang kasal tayo at tungkol sa sinabi ko kanina na binibiro lang kita sa mga sinabi ko noong isang araw ay nagsinungaling ako. Hindi ako nagbibiro, Phoebe. Seryoso akong gusto kitang maging akin." Sabi nito nang sandaling maghiwalay ang aming labi at tyaka muling siniil ang labi ko ng halik na agad ko namang tinugon pero hindi mawala ang tanong sa isip ko. Pagloloko bang matatawag kung ang pupuntahan naman niya ay ang dahilan kung bakit niya pinilit na magpakasal sa akin? Kung ang tunay naman niyang mahal ang pupuntahan niya? Bakit hindi niya pinuntahan si Charity? Akala ko ba ay may date sila? Saan siya pumunta?
Pero agad ding nawala ang lahat ng iniisip ko at wala nang ibang naging laman kundi ang mga labi nito na naglalakbay na pababa papunta sa leeg ko. Hindi ko napigilan ang ungol na kumawala sa labi ko nang bahagya nitong kagatin ang leeg ko. Hindi ako handa sa sensasyong lumukob sa katawan ko dahil sa simpleng pagkagat at dila nito sa leeg ko.
"I want you, Phoebe." Bulong nito habang patuloy ang paghalik sa aking leeg. Tumango lang ako habang nakapikit at ninanamnam ang ginagawa nito sa akin pero alam ko sa sarili ko na hindi ako umaasa. Parang pumapayag lamang ako dahil responsibilidad ko iyon bilang asawa niya at hindi dahil mahal ko siya. Ayoko nang umasa dahil paniguradong kinabukasan ay babalik na naman kami sa hindi pagpapansinan sa isa't-isa. Maigi nang pigilan ang nararamdaman ko bago pa ito mas lalong lumalim.
Prevention is better than cure.
-END OF CHAPTER 6-

หนังสือแสดงความคิดเห็น (84)

  • avatar
    Abegail Armenta Lacre

    I just read the last chapter and I can't believe the ending! it's so tragic. my heart is hurting just thinking about it. I can't believe they did'nt get their happy ending they both deserve. Where the fate take the choice from them. As painful as possible, which is on conclusion makes Keyden heartbroken

    13/02/2022

      2
  • avatar
    PantherWaLks

    🥰🥰🥰

    15d

      0
  • avatar
    AndingMorjanna

    gandaa ng story

    10/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด