logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Seven

Malamig ang hanging tumatama sa mukha ko. Hindi 'to gaanong maramdaman ng katawan ko dahil sa nakapulupot na kumot sa'kin. Humahampas ang hangin sa mga dahon ng puno at tanging 'yon lang ang gumagawa ng ingay sa paligid. Pumikit ako at dinamdam ang pagtama ng hangin, pagkatapos ay tumingala sa langit. Bilog na bilog ang buwan at nakakakalat ang maraming butuin.
Hindi ko alam kung anong oras na pero tanging kami nalang ni Mr. Eleavar ang tao sa park. Umupo sya sa bench, katabi ko. Hindi pa rin naaalis ang pag-aalala sa mukha nya dahil sa nangyari kanina at mukhang wala syang balak iwanan ako hangga't hindi sya nakakasigurado na magiging okay ako.
"Better?" Binasag nya ang katahimikang namamagitan sa'min gamit ang malalim pero kalmado nyang boses.
Nagdalawang isip ako bago tumango. Kita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha nya pero tipid lang syang ngumiti. Binalik ko agad ang tingin sa di mabilang na bituin sa langit. Hindi ko alam kung bakit rinig na rinig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko hanggang ngayon.
"Di magandang magsinungaling," dagdag nya.
Napakagat ako ng ibabang labi ko at hindi ko magawang makapagsalita.
"You can tell me everything. Remember what I've told you?" Tumingin sya sa'kin at tipid ulit na ngumiti. "Wag ka magdadalawang isip magsabi."
"I-i don't know, sir-"
"It's Paulo," pagtatama nya. "Wala tayo sa school. You can call me Paulo. "
Nagdalawang isip ako sa sinabi nya at parang nagdikit ang mga labi ko. Ilang segundo rin ang dumaan bago ko nabanggit ang pangalan nya.
"I-i don't know. We all have our own demons and I think, we have to deal with them on our own."
Seryoso syang tumingin sa'kin at parang nagulat sa sinabi ko. Hindi sya nagsalita at inantay ang mga susunod na sasabihin ko.
"Hindi lahat ng tao may kakayang umintindi at umunawa lalo na kung hindi pa nakakaranas ng mga bagay na nararanasan mo, at may mga bagay na ikaw lang rin ang makakaresolba," sabi ko at huminga ako ng malalim sabay yumuko. Naramdaman ko ang marahas na pagtama ng hangin sa balat ko.
"Isa pa, hindi rin ako sanay na nagsasabi. Nasanay akong kinikimkim ng mag-isa. Lahat rin kasi ng tao may pinagdadaanan na kailangan nilang resolbahin mag-isa. Dadagdag pa ba ako sa iisipin nila?"
Nang tumigil ako sa pagsasalita, tumingin ako kay Paulo at nakita kong seryoso lang syang nakatingin sa'kin. Maya-maya pa, nagulat ako nang ilagay nya ang kamay nya sa ulo ko.
"Are you really fifteen?" Tanong nya at ginulo ang buhok ko. Maingat kong inalis ang kamay nya at inayos ang buhok ko.
"I'm thirty yet you sounded like someone older than me," dagdag nya.
"Thirty ka na?" Gulat na sabi ko. Nagulat sya sa naging reaksyon ko kaya ngumiti sya.
"Bakit mukha ba akong bata?" Tinaas nya ang kaliwang kilay nya. Hindi ko alam na may ganito rin syang side.
"Oo, kapag hindi ka nagtuturo sa classroom." Sagot ko sa kanya. My lips parted when he laughed. Ito ang unang beses na nakita at narinig ko syang tumawa. May kung anong nagtatambol sa dibdib ko. It was like music to my ears.
"Mukha ba akong matanda pag nagtuturo?"
Umiling ako ilang beses at napatango rin.
"Madalas kasi, sobrang istrikto mo kapag nasa classroom ka at nagtuturo. Sobrang seryoso ng awra mo."
"Nakakatanda pala maging strikto at seryoso?"
Nagpatuloy ang tawa nya. Ang sarap pakinggan at hindi ko alam kung bakit hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko.
Tumango ako. "Bakit nga ba gano'n?"
"Because nothing grows from comfort, Cassiene."
Nakunot ko ang noo ko sa sinabi nya at hinintay ko ang sunod nyang sasabihin.
"Kailangan ko maging istrikto at seryoso pagdating sa classroom dahil kung masyado akong maluwag, paano matututo ang mga estudyante? Paano sila magiging handa?" tumingin sya sa'kin at ngumiti.
"Mas mahirap ang naghihintay na mundo sa labas ng classroom at responsibilidad ko bilang teacher na ihanda at turuan sila."
"Ngayon alam ko na, " napatango ako at napangiti. He's a good man and he's doing his job well.
Napangiti rin sya at tumingala sa langit. Ilang segundong naging tahimik ang paligid at nang tumingin sya sa'kin, bigla nyang ginulo ulit ang buhok ko.
"But still, you should open up a little. It won't hurt."
Marahan syang tumingin sya sa'kin.
"Pumili ka lang ng taong pagsasabihan mo. May mga tao mang alam mong hindi ka maiintindihan, pero may mga tao ring handang umunawa at makinig ng maigi.
"Kapag lagi mong kinikimkim mag-isa, pwede kang sumabog nalang bigla isang araw. Not good." Dagdag nya.
Tumango ako at nagulat ako nang guluhin nya ulit ang buhok ko. Nanunuot sa balat ang malamig na hangin na tumatama sa mga balat namin. Nagulat ako nang lumapit si Paulo sa'kin at may nilagay na earphone sa tenga ko.
"You should listen to this one," sabi nya. Ngumiti sya sa'kin at nagsimulang tumugtog ang kanta.
Pinulupot ko ng maigi ang kumot sa katawan ko dahil sa lamig ng hangin. Napangiti ako at tumingala sa langit.
"Better?" Tanong nya. Tumango ako at ngumiti sya.
Hindi ko alam kung anong oras na kami umalis sa park. Nanatili lang kaming nakaupo sa bench at nakikinig ng kanta. Wala nang nagsalita pa ulit sa'min at pinagmasdan lang ang pagdami ng mga bituin sa langit. Sa pagkatataong 'yon, naramdaman kong hindi ako nag-iisa. May espasyong napunan kahit papa'no.
Kinabukasan, ilang ulit akong humikab habang pinapakinggan sa sasakyan ang kantang pinakinig sa'kin ni Paulo. Hindi ko namalayan na kinakanta ko na rin 'to hanggang makapasok sa classroom. Nakakabisado ko na rin 'to ng di ko namamalayan.
Bumungad sa'kin si Marian sa pinto at abot tenga ang mga ngiti nya nang tuluyan na akong pumasok sa classroom.
Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at pinagmasdan sya. Hindi ko maiwasang maisip na meron talagang kakaiba sa kanya at napapansin ko na nito pang mga nakaraang araw. Nakangiti sya pero malungkot at malalim ang mga mata nya.
I held her hand. "Are you okay?"
Tiningnan nya lang ako ng may pagtataka at tumango. "Oo naman 'no."
"You can tell me everything," sagot ko.
I know she's dealing with her own demons too. Pero naalala ko lahat ng sinabi ni Paulo. Gusto kong maramdaman nya na handa ko syang unawain at handa akong makinig. Pwede nya sa'kin sabihin lahat ng iniisip o dinadamdam nya. Makikinig lang ako.
Nakita ko na nangilid ng luha ang mga mata nya pero ngumiti pa rin sya sa'kin.
"I'll tell you everything when I'm ready."
Tumango ako at ngumiti. Pinanghawakan ko ang sinabi nya at niyakap sya ng mahigpit. Maya-maya pa, pumasok na si Mr. Eleavar- Paulo sa classroom. Tumingin sya sa klase at nang magtama ang mga mata namin, ngumiti ako nang tipid at gano'n din sya. Nagsimula syang maging seryoso nang magpa-quiz at magturo. Pinigilan ko ang antok para makinig sa lesson nya.
Nang matapos ang last subject, nagmadali akong nagpaalam kay Marian at naglakad papunta sa park. Sa inaasahan ko, maraming tao ang nando'n pero nakita sya agad ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit biglang nagwala na naman ang dibdib ko.
Nakita ko syang nakangiti nang may nilalarong aso. Ilang beses dinilaan ng aso ang pisnge nya at hinahaplos-haplos nya lang ang ulo nito. Humiling ako sandali na sana nakakakuha ng litrato ang mga mata ko. Ang sarap nyang pagmasdan.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang magtama na ang mga mata namin. Ngumiti sya sa'kin at gusto ng tumalon ng puso ko sa ere.
Nagpaalam sya sa may-ari ng aso at sa alaga nito. Habang dahan-dahang naglalakad si Paulo palapit sa'kin, mas lalong nagwawala ang puso ko.
"Tara na?"
Tumango ako at ngumiti. "T-tara na."
Nang sumakay ako ng kotse, naamoy ko ang pamilyar nyang pabango. Umiikot din ang kanta sa sasakyan. Ngumiti sya sa'kin at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Lalo pa nang lagyan nya ako ng seatbelt katulad ng lagi nyang ginagawa.
Nang makarating kami ng bahay nila, agad kong pinuntahan ang mommy nya. Sinubukan kong ilibot 'to sa garden nila bago kami maghapunan habang naiwan naman sa loob ng bahay si Paulo. Lagi lang 'tong nakangiti at tititig sa' kin habang nakapulupot sa mga braso ko. She was mumbling something. Nang tanungin ko sya kung ano 'to, hindi na' to ulit nagsalita.
Nang matapos kaming maghapunan, nadaanan ulit namin ang pinto na lagi nyang tinuturo. Sinawalang bahala ko nalang 'to tulad ng sinasabi ni Paulo. Tumabi ako sa mommy nya at kinantahan 'to hanggang sa makatulog habang naiwan si Paulo sa sala.
Nang makatulog ang mommy nya, naisipan kong bumaba ng sala at nakikita kong gumagawa ng flashcard at nagsususulat sa manila paper si Paulo. Marami ring papers sa gilid nya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
Umupo ako sa harap nya at nangahalumbaba. Nagulat ito ng mapansin ang presensya ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti.
Tatayo na sana ito para kunin ang jacket nya na nakalagay sa sofa pero pinigilan ko sya.
"Okay lang, kahit mamaya mo na ako ihatid. Tapusin mo muna 'yan."
"Sigurado ka? Hahanapin ka ng mommy mo," naiiling na sabi nito.
"Alam nya namang nandito ako. Tsaka ihahatid mo naman ako," sabi ko. Ngumiti ako kay Paulo at napakamot lang 'to ng ulo.
Bumalik 'to sa ginagawa nya at hindi ko maiwasan ang mapangiti lalo. Seryosong-seryoso ito sa ginagawa nya. His handwriting is good too, halatang laging nagsusulat. Malinis at plakadong-plakado lahat. Sobrang dedicated nya sa trabaho at ang swerte ng mga nagiging estudyante nya.
"What?" Tanong nya ng matapos sya. Kalmado lang ang boses nya pero halata ang pagtataka.
"Nakaka-amaze lang, sobrang hands on mo sa pagtuturo," walang pag-aalinlangang sabi ko.
"Well, I need to. And I'm happy with what I'm doing actually."
Napangiti ako. Inaasahan ko ang magiging sagot nya. Kitang-kita sa mata at kilos nya na masaya sya at gustong-gusto nya ang trabaho nya. Ilang segundong namalagi ang katahimikan sa'ming dalawa.
"Nakakahanga talaga 'yong mga teacher," I said out of the blue.
Tumingin lang sya sa'kin at mukhang naghihintay ng mga sasabihin ko.
"They are the real heroes because they can save many lives, right? Walang doctors na makakasagip at makakapagpagaling, walang piloto o marino na kayang magpalipad ng eroplano at magpaandar ng barko, walang negosyante na matututo sa pera at makakapagpatayo ng negosyo- limitado lang ang kakayahan ng isang tao kapag walang nagtuturo sa kanya."
Ginulo nya ang buhok ko katulad ng lagi nyang ginagawa. Ngumiti ito at wala rin akong ibang nagawa kun'di ang ngumiti pabalik.
"Mas nakakagana magturo kapag may mga estudyanteng katulad mo," sabi nya. Ginulo ulit nito ang buhok ko katulad ng lagi nyang ginagawa.
"Thank you," dugtong nya.
Napangiti ako ng malawak at gano'n din sya. Napatigil ito maya-maya at nakataas ang kilay na tumingin sa'kin.
"Oo nga pala, pero na-check ko ang papers mo kanina. Ikaw pa rin ang may pinakamababang score."
Napakagat ako ng ibabang labi ko at napakamot.
"Hehe, m-mahina kasi talaga ako sa Math."
Napatitig ito sa'kin ng ilang segundo pero maya-maya rin ay napailing.
"Hindi kita hahayaan na bumaba pa 'yang grades mo. Baka sabihin ng mommy mo, napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. "
Napangiwi ako ng maraming beses. Hindi ito tumigil sa pagsesermon at napakamot nalang ako ng ulo.
"Pero alam mo, hindi ko rin inaasahan na magiging teacher ako."
Napakurap ako ng maraming beses sa sinabi nya. Nakatingin ito sa malayo at nakangiti.
"Hindi ko inakalang kukuha ako ng Education. 'Yon kasi ang gusto ng parents ko. Kilala ang angkan nila na mga teachers. I hated them for that though. Hindi ko naman kasi talaga passion 'to no'ng una."
Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya pero nanatili syang nakangiti.
"Pero nang masubukan kong magturo sa harap ng mga estudyante, when I saw the light in their eyes, na-realize ko na wala pala akong dapat pagsisihan.
"Ang sarap maging parte sa naging buhay ng estudyante mo. Masarap makita silang matuto, maggrow dahil sayo. Na-realize ko na hindi porke hindi mo passion, hindi na para sayo. Minsan, naggo-grow lang 'to ng kusa ng hindi mo inaasahan."
Napangiti ako sa sinabi nya at gano'n din sya.
"Minsan hindi tayo nagiging katulad ng pinangarap natin, at ayos lang 'yon. Kasi may mas maganda pa palang nakalaan para sa'tin. "
"You're amazing." Walang pag-aalinlangan kong sabi.
Nakaramdam ako ng init sa mukha ko.
"I-i paint. Sometimes, I draw. Hindi ko alam kung matatawag ba 'yong passion. Hindi ko rin nakikita ang sarili kong ginagawa 'yon habambuhay. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. H-hindi ko alam ang purpose ko," saad ko.
Nagulat ako nang ginulo nya ang buhok ko habang nakangiti sya ng malawak. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.
"You'll get there. You just have to be patient and don't be afraid to try something new every day," sabi nya at ginulo ulit ang buhok ko.
Napangiti ako. Nadugtungan pa ang pag-uusap namin at hindi ko alam kung anong oras na kami natapos.
***
7/16/19

หนังสือแสดงความคิดเห็น (56)

  • avatar
    Hamdan Kahar

    waw

    22d

      0
  • avatar
    Khatirene Rose Calilung

    khatirene_Rose7

    18/07

      0
  • avatar
    LeonaLea

    Subra ganda po nito 😊😊 nabasa q

    04/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด