logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Five

You: Naghintay ako ng ilang oras. Hindi ka manlang nagpakita.
Stranger: What the hell are you talking about?
Tinapos ko ang conversation at nagsimula ulit ng panibago. Marahan akong napapapunas sa mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Mabilis kong pinindot ang mga letra sa screen ng cellphone ko.
You: Bakit hindi ka manlang nagpakita? Naghintay ako ng ilang oras, hindi ka dumating.
Stranger: Horny M 20 Pasig
Hindi ko napigilang ibato ang cellphone ko sa kama. Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko na sya makita pa, hindi ko na sya mahanap. Hinintay ko sya ng ilang oras sa usapan naming lugar, pero hindi sya dumating. Kahit ayaw kong maramdaman, pakiramdam ko pinaasa at pinaghintay nya lang ako doon sa wala.
I'm looking forward for this day, hoping I could talk to someone. Mahirap kimkimin 'to ng mag-isa, mahirap sarilinin kaya naging desperado ako. Akala ko may mapagsasabihan na ako, akala ko may makakausap na ako na katulad ng kung anong pinagdadaanan ko, pero nagkamali ako. Nagtiwala ako agad. 
Kinuha ko ang notebook sa drawer ko. Pinunasan ko muna ang mga luha kong walang tigil sa pagbagsak bago sinulat doon ang araw ngayon at ala-alang nagrehistro sa isip ko kanina habang binabaybay ang daan pauwi.
Isang dalaga, mukhang kaedad ko at nasa ospital. Walang malay.
Pagkatapos kong magsulat ay sinubukan kong tingnan ang ilang bagay na sinulat ko doon. Ang iba doon ay ilang linggo na ang nakakalipas, ang iba naman ay noong nakaraang buwan at may isa naman doon, ay sa araw ng birthday ko.
Huminga ako ng malalim at humiga na sa kama pagkatapos. Ilang ulit akong tumitig sa kisame, at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. It hurts so much. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'tong sakit at kirot na nararamdaman ko. Parang hindi sila nauubos.
***
Ilang araw naging maingay at magulo ang classroom tuwing first subject. Ilang araw na rin kasing hindi pumapasok si Mr. Eleavar. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala at mag-isip kung anong nangyari sa kanya at sa nanay nya.
Isang misteryo pa rin sa'kin ang bigla nyang pagdating ng gabing 'yon at ang pagsabi nyang nanay nya ang babaeng binigyan ko ng pagkain. Para kasing hindi kapani-paniwala. Ano kaya ang nangyari sa kanila at nagkagano'n ang nanay nya? Anong nangyari ba't nahiwalay ang nanay nya sa kanya? At paanong sa saktong oras at pagkakataon, nando'n si Mr. Eleavar?
Napailing ako ng ilang beses. Huminga ako ng malalim at tinuon ang atensyon sa paglalakad palabas ng gate ng school. Makulimlim ang langit at nagbabadyang umulan, napaligiran ako ng mga estudyanteng nagmamadaling magsiuwi.
Magte-text palang sana ako kay Manong Ben nang may sasakyang nagbusina sa gilid ko. Hindi ko 'yon pinansin at tinakpan ang ulo ko gamit ang mga kamay ko dahil sa unti-unting pagbagsak ng ulan.
Maya-maya ay may nagbusina ulit, kinagulat ko 'yon kaya tiningnan ko kung sino ang may ari ng sasakyan. Hindi gaanong nakababa ang bintana nito kaya tumingin ako sa side mirror.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Eleavar at nakatingin sya sa'kin ng mariin. Biglang hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.
Sumenyas sya na sumakay ako sa kotseng sinasakyan nya. Nagdalawang isip ako kung susundin ko sya pero no'ng sumenyas sya ulit, wala akong ibang nagawa kun'di ang sumunod. Isa pa, nababasa na rin ako ng ulan. Wala akong dalawang payong.
Pinaupo nya ako sa harap, katabi nya. Amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango nya. Mas lalo ko pa 'yong naamoy nang lumapit sya sa'kin at nang lagyan nya ako ng seatbelt. Maya-maya, nagsimula syang magmaneho at ilang ulit akong nakipagtalo sa isip ko kung itatanong ko na ba kung saan kami pupunta.
Nabalot kami ng katahimikan at walang nagprisintang magsalita sa'min. Pasimple akong tumingin sa kanya at nakita kong tutok na tutok sya sa pagmamaneho. Mukhang wala syang balak magsalita hanggang makarating kami sa pupuntahan namin. I took a deep breath. This is awkward.
Tatanungin ko ba kung kamusta na ang nanay nya? Tatanungin ko ba kung bakit sya absent no'ng mga nakaraang araw? Paano ko tatanungin?
Napalunok ako at magsasalita na sana nang bigla syang nagpatugtog at doon lang nagkaroon ng ingay ang sasakyan. Nakikipagtalo 'to sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Tinuon ko nalang ang atensyon sa bintana at sa dinadaanan namin. Hindi 'to pamilyar sa mata ko at mukhang hindi pa ako nakakapunta rito. Mas lalong nagwala ang dibdib ko. Saan ba talaga kami pupunta?
Tumingin ako sa kanya at nakabaling lang ang tingin nya sa daan. Hindi ko alam kung anong sinasaad ng mga mata nya. Nang bigla syang lumingon at nagtama ang mga mata namin, lalong kumabog ang dibdib ko.
"Hindi ka ba magtatanong kung saan tayo pupunta?" Tanong nya at binalik ulit ang tingin sa dinadaanan namin.
Hindi ako nakapagsalita at napalunok lang. Tumingin sya ulit sa'kin at hindi ko alam kung anong emosyon ang pinapakita nya.
"Mom's looking for you."
Namuo ang maraming tanong sa isip ko. "Ha?"
"Pagkagising nya, ikaw agad ang hinanap nya," kalmadong sabi nya.
"Bakit, sir?"Napakagat ako ng labi ko. Bakit ako hahanapin ng nanay nya?
"Hindi ko rin alam kung bakit," sagot nya at napailing. "Pero kung do'n sya magiging okay..."
Hindi nya tinuloy ang sasabihin nya at tumingin sa'kin. Maya-maya, tinuon nya na ulit ang atensyon nya sa pagmamaneho.
***
Ang bawat hakbang na ginagawa ko ang nagbibigay ng dahilan para mas lalong magwala ang dibdib ko. Kakababa lang namin ni Mr. Eleavar ng sasakyan at bumungad sa'min ang medyo kalakihang bahay.
Sinusundan ko ang bawat hakbang na ginagawa ni Mr. Eleavar habang nililibot ang paningin sa buong bahay. It was quite big but empty. Umakyat kami ng hagdan at naglakad papunta sa tapat ng isang pinto. Tiningnan nya muna ako at huminga ng malalim, saka dahan-dahan 'tong binuksan.
Makalat ang kwarto at may nurse na naglilinis. Binati kami nito pero may isang babae namang nasa kama at tulala lang na nakatingin sa bintana, hindi nito napansin ang presensya namin.
Sumenyas si Mr. Eleavar sa nurse at lumabas ito ng kwarto. Naiwan kaming tatlo doon kasama ang nanay nya. Lumapit si Mr. Eleavar sa nanay nya at dahan-dahan akong sumunod. Hindi ko alam kung bakit unti-unti na naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko sa bawat hakbang na ginagawa ko.
Hinalikan ni Mr. Eleavar ang nanay nya sa pisnge. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nya na hindi pa nakikita ng iba. I took a deep breath.
Her mom wasn't in a good state. Tulala lang ito at may binibigkas ang bibig pero walang boses na lumalabas. Hindi nya pinansin ang presensya ni Mr. Eleavar at parang may sarili itong mundo. Lumapit ako at sandaling napatigil sya nang nasa harap nya na ako.
Tinitigan nya ang mukha ko at nagulat ako nang hawakan nya ako sa pisnge. May luhang namuo sa mga mata nya at niyakap nya ako ng mahigpit na parang ayaw nya akong makawala. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko.
Inabot ako ng ilang oras sa bahay ni Mr. Eleavar. Pinakain namin ang nanay nya at palagi lang 'tong nakangiti sa'kin. Nagkwento ako ng kung anu-ano pero nakatitig lang 'to at hindi nagsasalita. Lagi nyang hinahawakan ang pisnge ko at mangingilid nalang bigla ang luha. Nang sinabi na ni Mr. Eleavar na uuwi na ako, doon lang 'to nagsalita at hinawakan ako sa pulsuhan. Nagsabi 'to na h'wag ko syang iwan at h'wag akong aalis, kaya wala akong nagawa kun'di hintayin 'tong makainom ng gamot at makatulog.
Nang makatulog ang nanay nya, doon lang ako nakaalis ng bahay nila. Pinasakay ako ni Mr. Eleavar ng kotse para ihatid.
"Halos tatlong buwan syang nawala. Nasa trabaho ako no'n, nagulat nalang ako nang tawagan ng nurse nya na nawawala sya," sabi ni Mr. Eleavar nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Tatlong buwan din akong nagpost ng mga pictures nya kung saan-saan, kahit online, mahanap ko lang sya. Kaya laking tuwa ko no'ng may tumawag sa'kin na nakakita sa kanya sa park. Pumunta ako do'n agad."
Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko habang hinahayaan lang syang magsalita at magkwento. Ang lungkot lungkot ng mga mata nya at hindi ko alam ang gagawin ko para mabawasan 'yon kahit konti.
"Buti nalang din nando'n ka, nadala agad sya sa ospital," tumingin sya sa'kin at binalik din agad ang tingin sa daan.
"She's sick, Cassienne." Dagdag nya. Nagulat ako sa bigla nyang pagtawag sa pangalan ko.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw 'yong hinahanap nya, pero kung meron mang kahit konting dahilan para kahit papa'no maging okay sya, panghahawakan ko na," tumingin sya sa'kin ng seryoso at bigla na naman akong nakaramdam ng kaba.
"Please, help me."
Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nya at habang tinitingnan ko 'yon, alam kong hindi ako makakapagsabi ng 'hindi' sa kanya.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay, bumaba ako at magpapaalam na sana sa kanya. Nagulat ako nang bumaba rin sya ng kotse at sinamahan ako hanggang sa tapat ng pinto ng bahay. Hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Pilit lang 'tong ngumiti sa'kin at kumatok ng pinto.
***
7/1/19

หนังสือแสดงความคิดเห็น (56)

  • avatar
    Hamdan Kahar

    waw

    22d

      0
  • avatar
    Khatirene Rose Calilung

    khatirene_Rose7

    18/07

      0
  • avatar
    LeonaLea

    Subra ganda po nito 😊😊 nabasa q

    04/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด