logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Seven

Isang linggo na namang walang paramdam si Fiona sa akin. Hindi siya nagpapakita or nagpaparamdam nang kahit ano. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Naging magaan ang bawat galaw ko dahil sa hindi niya pagsulpot. Pupunta ako ngayon kina Lea at Leo. Darating daw kasi ang dati nilang kasambahay. Masaya ang dalawa sa muling pagbabalik nito.
Siya si Aling Nora. Napakabait daw nito at masipag kaya sobrang lungkot nila nang bigla itong umalis ng walang paalam matapos ang isang hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay. Tinanong ko si Lea kung anong pangyayari iyon ngunit hindi na niya ako sinagot. Siguro masyadong pribado ito na hindi puwedeng malaman ng iba at naintindihan ko naman iyon.
"Magandang umaga sa inyo," bati ko sa kanila nang makarating ako.
Nakatayo roon ang isang babaeng maputi na ang mga buhok. Sa tingin ko ay nasa sixty plus na ang edad nito ngunit sa tindig nito makikita na malakas pa ang kaniyang pangangatawan. Halatang sanay sa trabaho ito.
"Magandang araw sa iyo hijo, ikaw ba si Mark?" tanong ni sabay lapit sa akin. Tumango ako kabasabay ng pagngiti.
"Magandang araw din po sa iyo Aling Nora. Ako nga po si Mark. Mukhang matanda na po talaga kayo ngunit sa tingin ko malakas pa ang iyong katawan. Sigurado po ba kayo na kaya niyo pa pong magtrabaho?"
Natawa siya nang bahagya. "Naku Mark, talagang malakas pa ako. Puro gulay at prutas lang kasi ang kinakain ko sa probinsiya at kahit noong nagtatrabaho ako dito ayon ang hilig kong kaini. Minsan lang ako magkarne. Wala rin akong bisyo o ano man kaya malakas pa ako. Huwag mo akong alalahanin dahil mas malakas pa ako sa kalabaw," aniya sabay tawa. Napakamot na lang ako ng ulo.
Medyo natagalan ang aming pagkukuwentuhan. Masasabi ko ngang napakabait ni Aling Nora. Kanina pa siya asikaso nang asikaso sa amin. Gusto ko siyang pigilan dahil hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako ngunit hindi siya pumapayag. Ayaw niya akong pakilusin pero syempre nahihiya ako na nakaupo lang dahil mas sanay ako na kumikilos at nagsisilbi sa mga tao. Pabiro niya akong pinapagalitan kapag nakikita niya akong kumikilos dahil sabi niya trabaho niya iyon at ayaw niyang magpatulong.
"Uuwi na muna po ako Aling Nora. Maraming salamat po sa pag-asikaso sa skin at sa masarap niyo pong nilutong ulam.  Grabe ang dami ko pong nakain. Busog na busog po ako." Hinawakan ko ang aking tiyan na naninigas sa dami kong nakain.
Ngumiti siya. "Naku wala 'yon! Kung maaari huwag ka sanang mahiya. Pumunta ka rito kahit tanghali para matikman mo naman ang mga luto ko at saluhan mo kami rito. Mas matutuwa ako kapag nandito ka kasabay naming kumakain."
Napakamot ako ng aking batok. "Opo salamat po sa inyo. Aalis na ako Lea at Leo. Maiwan ko na kayo." Tumango lang ang dalawa. Nginitian ko na lamang sila at saka  naglakad na palabas ng kanilang bahay.
"Fiona?" takang sambit ko nang makita ko ang isang babaeng nakabestidang puti ngunit maayos ito.
Walang dugo o ano man, nasabi ko lang na si Fiona ito dahil sa mahaba nitong buhok. At hindi nga ako nagkamali nang siya ay lumingon. Si Fiona nga. Maayos ang itsura niya ngayon na kung may kagaya lang ako nakakikita ng mga katulad niya ay para lang siyang normal na tao na nakatayo sa mga halamanan. Akala mo isa siyang diwata sa na napapaligiran ng naggagandahang mga bulaklak.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Ngumiti siya na tila mapait na ngiti. Hindi pa ako nakakalapit sa kaniya ngunit bigla na lang siyang naglaho. Napatigil ako sa paglalakad.
Bakit siya naririto? Sinusundan niya ba ako?
Napansin kong parang may nakamasid sa akin. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Aling Nora na nakatingin sa kinatatayuan ko.
Nang makauwi ako sa bahay napaupo ako sa sofa. Pinag iisipan ko ito nakaraang linggong hindi nagpakita sa akin si Fiona. May parte sa akin na gusto ko siyang tulungan ngunit parte rin sa akin na ayoko dahil baka kung anong gulo ang papasukin ko kapag nagkataon. Baka kasi kapag tinulungan ko siya ay dumugin na ako ng mga multong kagaya niya at humingi rin ng tulong sa akin upang makuha ang hustisya ng pagkamatay nila.
"Putek! Hindi ko na alam ano ba Fiona?!" sambit ko sabay kamot ng ulo.
"Nakakainis! Bakit ba kasi may ganito pa akong kakayahan? Wala naman itong magandang maidudulot sa akin kun'di pahirap lang! Sa tagal kong nakakikita ng mga katulad nila ay binalot na nang takot ang pagkatao ko!"
Bumuntong-hininga na lamang ako sabay kamot sa aking ulo. Pakiramdam ko sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kay Fiona. Oo naaawa ako sa kaniya ngunit ayoko lang talagang madamay pa. Pero gusto kong makatulong sa kaniya upang matahimik na rin ang bahay na ito. Minsan naiisip ko ba na baka tinatakot niya ang mga taong nakatira rito dati kaya sila nagsisialisan.
Nakaramdam ako nang antok kaya pumasok ako sa kuwarto upang makaidlip saglit. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil masyado akong nababad sa panunuod ng mga video sa social media. Inayos ko ang aking higaan at saka pabagsak na humiga.
"Hay salamat..." mahinang sambit ko at saka pinikit na ang aking mga mata.
"Huwag! Maawa ka sa akin huwag po!" sigaw ng isang babae na duguan ang suot na bestida.
"Maawa ka sa akin! Huwag mo akong papatayin nagmamakaawa ako sa inyo. Pangako hindi ako magsusumbong sa kahit kanino. Basta't palayain niyo lamang ako."
Tila nasa isang lugar ako na hindi ko alam habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ay kasali ako sa kanila dahil kitang-kita ko ang bawat pangyayari ngunit malabo ang kanilang mga mukha. Hindi ko maaninag ang mukha ng babae dahil na rin sa duguan na ito. Nakatalikod naman sa akin ang lalaki kaya hindi ko ito makita.
"Hindi! Sinong tanga ang maniniwala sa iyo? Kung nakuha ka sana sa maayos na usapan at nakinig ka sa akin e 'di sana ngayon mapagpapatuloy mo pang mabuhay. Ibibigay ko pa sa iyo lahat ng layaw mo ngunit nagmatigas ka pa! Kaya ngayon wala na akong choice kun'di patahimikin ka tutal natikman na rin naman kita at kahit patay ka na hindi ako titigil na angkinin ka!" sigaw ng isang lalaki na tila ba nahihibang na ito.
Hinawakan niya sa buhok ang babae at saka pinag-uumpog ito sa isang malaking bato ng ilang ulit hanggang sa pag-angat sa ulo ng babae ay duguan na ito, nakapikit na ang babae dahil sa halos mabasag na ang bungo niya.
Biglang napabitaw ang lalaki sa babae. Napaatras siya habang tulala na tila gulat na gulat sa kaniyang nagawang karumal-dumal na krimen. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nakatingin sa nakahandusay na babae. Wala na itong buhay dahil hindi na ito humihinga pa.
"Hindi ito maaari! Ayoko pang makulong! Hindi! Hindi!" malakas na sigaw nito sabay sabunot sa babae at saka ito kinaladkad.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Wilfredo Saonoy

    Excited Ako matapos Ang story

    11d

      0
  • avatar
    De leonJohn edmarl

    nice

    16d

      0
  • avatar
    CastilloJohn Joseph

    this is beautiful story

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด