logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Three

Tatlong araw matapos akong manirahan dito, naging maayos naman ang aking pagtira. Maayos pa naman ang aking pagtulog. Pinakikiramdaman ko ang kaluluwang naririto. Madalas ko siyang nakikita sa gilid ng aking mga mata. Nakatanaw siya sa akin. Hindi ko alam kung nais niya ba akong kausapin o hindi. Wala naman akong nararamdaman na takot mula sa presensiya niya rito. Walang masamang presensiya akong nararamdaman mula sa kaniya bagkus ay isa lang ang nararamdaman ko.
Pagkalumbay...
Pighati...
Pinatay ko na ang kalan dahil luto na ang aking sinaing. Ala-singko pa lang ng umaga. Medyo binilisan ko ang aking pagsubo dahil kailangan kong makarating kila tita Alma dahil ngayon ang kaniyang pag-alis papuntang Canada. Matapos kumain, naligo ako't nagbihis. Ini-lock ko ang pintuan 'tsaka nagsimula nang maglakad patungo sa kanila.
Mula sa 'di kalayuan ay natanaw ko si tita Alma na pinapasok sa kaniyang sasakyan ang kaniyang mga gamit na dadalhin. Nang makalapit ako sa kanila ay kaagad na lumingon sa akin si tita Alma 'tsaka ngumiti.
"Ngayon na ang alis ko. No need na ihatid ako sa airport. Dito na lang kayo 'tsaka may exam pa kasi silang dalawa. Sa iyo ko na iaasa ang lahat Mark. Please take care of them. Hindi naman sila pasaway. Just give them some advice kung alam mong may hindi na sila tamang gagawin. Mababait naman 'yang mga pinsan mo," malumanay na sabi niya.
Bakas sa mukha niya ang matagal na pag-iyak dahil namamaga pa ang kaniyang mga mata. Namumula ang kaniyang ilong at mga mata. Marahil ay hindi talaga niya nais iwan ang kaniyang mga anak ngunit kailangan niyang umalis. Kung nais lang sana na sumama sa kaniya ng dalawa ay agad silang aalis tatlo patungong Canada.
"Sigurado po ba kayo na hindi na namin kailangan pang samahan kayo patungo sa airport hanggang sa kayo ay tuluyang makaalis?"
Umiling siya. "Hindi na kailangan. Ayos lang sa akin na huwag na. Mas nais ko pang huwag na. At isa pa, may exam pa nga ang dalawang 'yon. Hindi sila maaaring istorbohin."
"Sige po tita Alma kung 'yan ang nais niyo  Makaaasa po kayo sa akin. Gagawin ko ang makakaya ko para magampanan ko nang maayos ang trabaho ko pati na rin ang pagiging kuya ko sa kanila. Mag-iingat po kayo sa pag-alis niyo. Huwag po kayong mag-alala dahil sa tingin ko po mabubuti ang mga anak ninyo. Susunod naman po siguro sila sa akin."
Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Sige aalis na ako. Hindi na baba 'yong dalawa kasi kagabi pa kami nag-iyakan. Namamaga ngang lahat ang mga mata namin na akala mo ay hindi na kami makakita dahil nanliliit ang mga ito," sabi niya sabay tawa nang mahina.
Tumawa na lang din ako sabay kamot sa ulo. "Ayaw daw nilang makita mo sila na namamaga ang mga mata," dagdag niya pa.
"O siya, aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa lahat. Good bye Mark," pagkasabi niyang 'yon ay sumakay na siya sa kaniyang sasakyan.
Kumaway na lang ako sa sasakyan nilang palayo. Napabuntong-hininga ako. Matutupad ko nga ba ang mga pangakong binitawan ko? Suwerte ba kaya ang naghihintay sa akin sa pagtira ko rito o kaya naman ay malas? Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa pagtira ko rito ngunit isa lang ang nasa isip ko.
Kailangan kong tuparin ang pangako ko. Kailangan maging responsable ako dahil sa estado ko ngayon masuwerte na rin ako sa buhay kumpara sa iba.
Kinuha ko ang aking cellphone at saka tumingin sa oras. Mamaya pala ay darating na 'yong customer namin para kunin ang mga manok. Pumasok na ako sa bahay. Nakita ko ang dalawa kumakain sa kusina. Nilapitan ko sila.
"Ayos lang ba kayong dalawa? Magang-maga mata mo Lea! Nakakikiita ka pa ba?" biro ko sa kaniya sabay ngisi. Tumawa siya nang mahina.
Ngumiti siya. "Syempre naman kuya Mark. Hindi lang naman mata ko ang namamaga, pati si kuya Leo rin! Magang-maga nga sa kaniya dahil ang tagal niyang umiyak kagabi kaya 'yan ang nangyari sa mata niya. Lumiit ito," wika niya sabay turo kay Leo. Tinakpan ni Leo ang mukha niya.
Pinanlakihan niya ng mata ang kaniyang kapatid. "Hoy epal ka talaga Lea! Hindi naman kuya Mark medyo okay pa akin. 'Yang kaniya talaga maga kasi iyakin 'yan! Humahagulhol pa kagabi hanggang sa makatulog na lang nang umiiyak pa rin. Akala mo isang drum ang luha niya."
Sinamaan ni Lea ang kaniyang kuya nang tingin. "Malamang! Aalis na si mommy e! Syempre nalulungkot lang ako nang sobra."
Natawa nalang ako. Tinapik ko si Leo sa balikat.
"Ayos lang 'yan, hindi naman masama umiyak at saka normal lang mamaga iyang mata niyo kakaiyak. Syempre hindi naman kasi madali para sa inyo na maiwan dito sa Pinas, pero syempre kailangan niyo dahil nag-aaral pa kayo. May exam pa kayong dalawa 'di ba?"
Sabay silang tumango. "Opo kuya. Nagmamadali na kaming kumain kasi magrereview pa kami. Nakapagreview naman na kaming dalawa kaso baka may makaligtaan pa kami kaya need magbasa-basa ulit," sagot ni Lea habang binibilisan ang kaniyang pagsubo ng kaniyang pagkain.
"Tama 'yan. Ayos lang naman na magkamali pero mas mainam na tama ang maisasagot niyo sa exam para mataas ang makuha niyong marka."
"Oo nga po kasi gusto ko na mataas talaga ang makuha ko para matuwa si mommy sa amin. Para maisip niya na pinapahalagahan naming dalawa ni kuya ang paghihirap niya at pagbibigay sa amin ni kuya ng pera panggastos at pang-tuition."
"Tama. Galingan niyo mamaya. Sige aalis na ako kasi mag-aasikaso pa ako ng mga ibebentang manok. Kapag may kailangan kayo, chat niyo na lang ako. Magre-reply na lang ako sa inyo, okay?"
"Sige po kuya bye," saad ni Lea.
"Sige kuya salamat," sabi naman ni Leo.
"Kaya niyo na bang dalawa rito?" tanong ko pa sa kanila.
"Opo kuya. Wala namang kalat dito masyado. Hindi naman kami makalat. At isa pa, sabi ni mommy maghahanap daw siya ng kasambahay para maglinis dito. Baka 'yong dati na lang naming kasambahay ang muling pumasok dito. Pinagkakatiwalaan kasi 'yon ni mommy."
"Ganoon ba? Sige kayo na ang bahala diyan. Aalis na ako dahil baka mamaya nandoon na 'yong kukuha ng manok. Maaga raw kasi palagi 'yon."
"Ay opo. Si Mang Boy 'yon. Palagi talagang maaaga 'yon," saad naman ni Leo.
Kumaway muna ako bago tuluyang naglakad palabas ng pinto. Mabilis ang mga hakbang ko pabalik ng bahay. Baka kasi mamaya nandoon na ang bibili ng mga manok. Nakahihiya naman kasi kung mapaghihintay ko pa sila.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Wilfredo Saonoy

    Excited Ako matapos Ang story

    11d

      0
  • avatar
    De leonJohn edmarl

    nice

    16d

      0
  • avatar
    CastilloJohn Joseph

    this is beautiful story

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด