logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Two

"Oh Mark nandito ka na pala. Nasabi na ba sa iyo ni Jomar?" bungad sa akin ni tita Maria pagkapasok ko sa bahay.
"Opo tita kanina sa labas sinabi niya sa akin."
"Kung papayag ka, bukas na agad ang alis mo. Kailangan na talaga kasi. Pasensiya ka na kung biglaan. Ang sa akin lang sana ay pumayag ka na kasi malaki rin utang na loob natin sa tita Alma mo 'di ba? Siya ang natulong noong walang-wala tayo kaya sana bilang sukli ikaw na muna ang mag-alaga sa mga manok niya at tumingin-tingin sa mga pinsan mo roon. Huwag mo kaming alalahanin dito. 'Tsaka malaki ka na rin kailangan mo na ring mabuhay mag-isa at para na rin magkanobya ka na," aniya sabay ngiti.
Natawa na lang ako sa huli niyang sinabi. Oo nga pala ni minsan ay hindi ko naisipang pumasok sa isang relasyon, hindi lang dahil sa hindi pa ako handa, kun'di nahihiya ako na maipakilala sa magulang ng magiging nobya ko na ito lang ako. Walang maayos na income. Wala pa akong maipagmamalaki.
"Sige po tita ayos lang po sa akin. Hayaan niyo po kapag may sobra ako papadalhan ko po kayo."
"Salamat Mark. Napakalaki nang tulong mo sa amin. Masaya ako na lumaki kang mabuting bata. Salamat Mark," sabi niya sabay yakap sa akin. Narinig ko ang mahina niyang hikbi. Hindi ko na rin mapigilang maiyak.
"Walang ano man po tita. Salamat din po sa inyo dahil hinayaan niyo akong manatili rito."
KINABUKASAN NG HAPON, sinundo ako ng isang kotse. Mabilis ang naging pangyayari dahil nagmamadali pala si tita Alma at marami pa siyang aasikasuhin. Si tita Maria na raw ang bahalang magpaliwanag sa canteen na pinagtatrabahuhan ko at ang sahod ko roon ay binigay ko na lang kila tita. Nagmessage na lang din ako kay Aling Linda. Pinaliwanag ko na rin sa kaniya ang lahat.
Napabalikwas ako nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. Si Mang Lito pala, personal driver siya ni tita Alma na siyang nagsundo sa akin ngayon.
"Nandito na tayo hijo, maaari ka nang bumaba. Ayon ang tita mo, naghihintay sa iyo," sabi niya sabay turo sa isang babaeng nasa edad singkuwenta na ngunit maayos pa rin ang tindig. Maganda ang kasuotan niya na masasabi talagang maayos ang pamumuhay.
Bumaba na ako ng sasakyan dala ang aking mga gamit patungo kay tita Alma.
"Hello, ikaw na ba 'yan Mark? Ang laki mo na binatang-binata ka na! Kumusta?" Nakangiting sabi niya sa akin. Nagmano ako sa kaniya nang makalapit ako.
"Magandang gabi po tita Alma. Ayos naman po ako."
"Halika na sa loob para kumain na tayo. Nagluto ako nang masarap na ulam para sa iyo" Sabi niya sa sakin sabay hatak sa aking braso papasok sa loob ng kanilang bahay.
Napatulala na lang ako sa ganda ng bahay niya. Tatlong palapag ito, naggagandahan ang mga gamit, malawak ang garahe sa labas, may tatlong sasakyan at mga halaman na sa tingin ko ay may kamahalan.
"Maupo ka Mark." Umupo ako sa tabi niya sa bandang kaliwa. Napatingin ako sa kaharap ko isang babae at isang lalaki. Sila na 'ata ang mga pinsan ko.
"Siya si Lea, 18 years old pa lang siya. At ito naman si Leo 20 years old na siya."
"Hello po," sabi ni Lea sa akin.
"Bro, hello," bati naman sa akin. Nginitian ko sila.
"Mga anak siya naman si kuya Mark niyo. 22 years old na siya kaya kuya ang tawag niyo sa kaniya. Respect each other ha? Bale siya na ang magtitingin-tingin sa inyo. If you need help you can ask him para matulungan kayo." Tumango-tango naman silang dalawa habang ako tahimik lang na nakikinig.
"At ikaw Mark ang gagawin mo ay bantayan ang mga alaga nating manok. Nasa one hundred plus na 'ata sila. Pakakainin mo sila at lilinisan ang kulungan. Tuwing  linggo ay may darating na customer natin upang bumili ng manok at in the other week may mga supplier tayo ng manok na darating din. Dala nila 'yong mga manok na palalakihin mo para maibenta. May bahay doon sa farm, nasa likod 'yong manukan. Medyo malayo naman ito sa manukan kaya hindi mo ganoon maririnig ang ingay nila. No need to worry sa ilaw at tubig ako na ang bahalang magbabayad doon. Alagaan mo na lang rin 'yong bahay."
Huminto siya sa pagsasalita 'tsaka may kinuha sa bag niya na sobre.
"Ito ang ten thousand pesos para sa unang buwan mong allowance. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin diyan, panggastos mo iyan. Every month naman may grocery ka worth two thousand para sa bigas at ulam na rin maggo-grocery kayong tatlo. And if you want to have another job it's okay naman as long as na hindi mo papabayaan ang mga manok natin. 'Yong kikitain diyan ay bibigay mo lang kay Lea or Leo."
"Yes po tita pinapangako ko pong pagbubutihin ko. Napakalaking blessings po nito sa akin." Nakangiting sabi ko. Hindi na rin pala masama dahil may maipadadala na ako kila tita Maria. Hinawakan ako ni tita Alma sa kamay 'tsaka tipid na ngumiti.
"Please lang Mark, sana ikaw na ang huling mapatitira ko sa bahay na 'yon. Sana huwag kang umalis agad dahil wala na akong mahahanap pang iba," malamlam ang kaniyang mga matang sabi sa akin.
Nangunot ang noo ko. Kahapon ko pa iniisip kung bakit nga ba laging umaalis ang mga taong naninirahan roon. Posible nga kayang may hindi magandang nangyayari roon?
Tipid akong ngumiti. "Opo tita huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako aalis sa bahay na 'yon. Aalagaan ko po 'yon at pahahalagahan." Nakangiting sabi ko.
"Salamat Mark. Sige na, kumain na tayong lahat!"
KINABUKASAN, SINAMAHAN AKO ni tita papunta sa bahay na titirahan ko. Sa kabilang eskinita lang pala nila ito sa dulo. Hindi naman ito ganoon kalayo mula sa kanilang bahay. Nang makarating kami ay tumingin siya sa akin.
"Iyan ang magiging bahay mo Mark. Malinis naman na diyan dahil pinalinis ko na at saka pinaayos ko na rin 'yong mga sirang pinto at binta. Pinagpinturahan ko na rin nang sa ganoon ay magmukhang maaliwalas ang bahay na 'yan." Itinuro niya ang bahay na kaniyang sinasabi.
"Salamat po tita."
Ngumiti siya. "Puwede na ba kitang maiwan? Ikaw na ang bahala kasi may lakad pa ako ngayon. 'Yong pagkain ng mga manok at vitamins ay nandoon sa gilid ng bahay mo. Nakatabi sa may isang cabinet. Hindi naman ito mauulanan dahil may bubong. Malaki ang sakop no'n. Aalis na ako Mark."
Tumango lang ako. "Sige po tita ingat po kayo."
Pagkasabi kong 'yon ay tumalikod na siya at saka naglakad palayo. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsimulang maglakad.
Nagtungo na ako sa bahay natitirahan ko. Tama lang ang laki nito. Sinilip ko ang likuran ng bahay. May puno ng mangga at santol. Sa 'di kalayuaan tanaw ko ang isang malaking kulungan ng mga manok. Bumuntong-hininga ako. Sana sa pagtira ko rito ay may suwerteng nag-aabang sa akin. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa 'tsaka binuksan ang pinto.
Maayos naman ito. May mga gamit din dito. May sarili akong saingan, may tv din, electric fan, ref at isang kuwarto. Maaliwalas ang kulay ng bahay na ito. Light blue ang kulay ng pintura nito sa pader at puti. Nilapag ko ang gamit ko sa sofa. Pumasok ako sa kuwarto. May kama na kasya ang tatlong tao. Pabagsak akong humiga.
"Hays sana suwertehin ako sa bahay na ito. Thank you Lord sa blessings," mahinang sambit ko.
Bumangon ako upang kunin ang bag ko sa sofa nang biglang tumaas ang balahibo ko.
Kinilabutan ako bigla. Napapikit ako nang mariin.
"Hays," mahinang sambit ko sabay buntong-hininga pagkatapos ay dumilat na ako.
Kaya pala buwan-buwan na lang umaalis ang mga tumitira dito dahil may isang kaluluwa na naririto. Napalunok ako ng laway.
Mula sa bintana, tanaw ko ang isang babae na nakasuot ng puti habang nakatingin sa akin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Wilfredo Saonoy

    Excited Ako matapos Ang story

    12d

      0
  • avatar
    De leonJohn edmarl

    nice

    17d

      0
  • avatar
    CastilloJohn Joseph

    this is beautiful story

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด