logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Picture of You

Picture of You

CellaRocella


Chapter One

Isang malakas na kalampag ang nakapagpagising sa akin. Tiningnan ko kung saan ito nagmula at nakita ko ang aking pinsan na nabitawan ang isang baso. Nagkalat ang bubog ng basong nabasag sa sahig. Kumurap-kurap muna ako 'tsaka ako bumangon. Medyo naalimpungatan pa yata ako. Kinuha ko ang aking cellphone sa gilid ng sofa. Alas-dyes na pala ng umaga. Konting oras na lang ay tanghalian na.
"Pasensiya ka na kuya Mark. Hindi ko naman sinasadyang mabasag ang baso. Nadulas kasi ito sa kamay ko kaya bumagsak. Pasensiya na po talaga. Naistorbo ko pa tuloy ang pagtulog niyo," hingi nang pasensiya ng pinsan kong si Jomar.
Nginitian ko siya. "Okay lang Jomar 'tsaka tanghali na rin naman. Mabuti na rin na nagising ako dahil tanghali na rin. Huwag ka nang huminga pa ng pasensiya."
"Sige po kuya."
Niligpit ko na ang aking pinaghigaan dito sa sofa. Dito kasi ang tulugan ko dahil dalawa lang ang kuwarto rito. Nakikitira lang ako sa aking tita. Ulila na akong lubos. Nag-iisang anak lang ako kaya wala akong ibang kasama. Namatay mula sa isang aksidente ang aking mga magulang pauwi galing sa trabaho noong ako'y labinlimang taong gulang pa lamang. Kinupkop ako ng aking tita Maria kasama ang dalawa nitong anak na lalaki. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil bukas ang tirahan niya para sa akin.
Mahirap lang din ang buhay nila rito dahil si tita Maria ay kapansanan, hindi na siya makalalakad pa dahil naaksidente siya. Nabangga siya ng isang kotse at napuruhan ang kaniyang mga binti at paa. Ang kaniyang asawa naman ay nagtatrabaho bilang isang construction worker.
Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang canteen sa pampublikong eskuwelahan. Sa hirap ng buhay ay highschool lang ang inaabot ko. 2nd year high school student lang ako. Hindi na ako nakapag-aral pang muli dahil sa hirap ng buhay. Mas pinili ko na lamang na magtrabaho muna para makapagbigay ako sa aking tita at makabawas sa mga gastusin dito sa bahay.
LUNES NA NAMAN, maaga akong nagising dahil papasok pa ako sa trabaho. Kailangan ala-sais pa lang nandoon na ako dahil maaga ang mga estudyanteng kakain. Marami rin kasing gagawin kaya kailangang maagang pumasok at may mga estudyanteng dito na sa school nag-aalmusal.
"Sa wakas! Nandito na ang guwapo nating kasama!" bungad sa akin ni Aling Linda. Napakamot na lamang ako ng ulo habang naglalakad palapit sa kaniya. Siya ang tagaluto namin.
"Magandang umaga po sa inyo," bati ko sa kaniya sabay ngiti.
Tumango ito. "Magandang umaga rin Mark. Sige na isalin mo na itong friend rice sa chaffing para mahugasan ko na itong kawali." Itinuro niya sa akin ang kawaling puno ng sinangag.
Kaagad akong kumilos dahil mamaya dadagsa na ang mga estudyante upang mag almusal. Kailangang mabilisang kilos dahil mabilis lang ang oras. Minsan kasi nakatataranta kapag marami na ang estudyanteng nasa harapan ko, lalo na ang iba ay atat pa kung bumili na gustong nandiyan kaagad ang kanilang binibili.
Sumuntok-suntok ako sa hangin habang naglalakad upang maalis ang sakit ng aking braso. Gabi na naman. Isang araw na naman ang natapos. Bumuntong-hininga ako sabay hawi ng aking buhok habang patuloy sa paglalakad.
Napatigil ako bigla sa paglalakad ng marinig ko ang isang tawa ng isang bata. Lumingon ako sa likuran ko. Nanindig ang aking mga balahibo. Sa isang puno nakasilip ang isang estudyanteng duguan ang mukha. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
Napapikit na lang ako. Pilit ko man silang iwasan ngunit lagi silang nagpapakita sa akin. Nagsimula ko silang makita noong sampung taong gulang pa lamang ako. Takot na takot ako sa kanila dahil sa bata pa nga ako, hanggang sa nasanay na lang ako na makita sila. Sabi ng aking ina ay isa raw itong biyaya dahil may kakayahan akong makita sila hindi tulad ng iba. Pero para sa akin ay hindi ito biyaya dahil nagiging sagabal pa nga ito minsan. Madalas nagugulat pa ako sa bigla nilang pagsulpot sa aking harapan. Nasanay na nga ako makita sila ngunit hindi ko pa rin maiwasang matakot dahil may mga multong humihingi nang tulong at ang iba naman ay hindi manahimik at nagpapansin dito sa mundong ibabaw. Minsan nananakot pa ang mga ito.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Medyo binilisan ko na lang patungo sa gate.
"Alam kong nakikita mo ako," bulong nito sa aking tainga. Kinilabutan ako nang sobra ngunit patuloy lang ako sa paglakad.
"Gusto ko lang makipaglaro sa iyo dahil nalulungkot ako," huminto ako sa paglalakad 'tsaka tumingin aking likuran. Sa gulat ko napaatras ako bigla.
Nakatayo siya sa aking harapan, malungkot ang itsura niya. Duguan ang mukha. Siya 'yong estudyanteng nalaglag mula sa puno dahil kumukuha siya ng mangga noon isang taon na ang nakalilipas. Basag ang kaniyang bungo at nang dalhin siya sa ospital ay wala na siyang buhay. Simula no'n pinagbawal na ang lahat ng estudyante na umakyat sa puno at ang punong mangga na kaniyang pinag-akyatan ay pinutol.
"Tigilan mo na ako. Wala akong maitutulong sa iyo. Ipagdarasal ko na lang ang kaluluwa mo," mahinahong sabi ko sa kaniya.
"Mark!" Napalingon ako sa kung saan. Nakita ko si Manong Ben, guard ng eskuwelahan na ito. Naglakad ako palapit sa kaniya.
"Ikaw po pala Manong Ben." Tiningnan niya at sinipat kung nasaan ako nakatayo kanina.
Kunot-noong tumingin siya sa akin. Alanganin akong ngumiti. "Sino 'yong kinakausap mo kanina? Parang wala naman akong nakikita?"
Napahawak ako sa aking batok 'tsaka alanganing napangiti. "Wala po manong Ben, may kinakabisado lang kasi ako kanina. Nagpatulong kasi 'yong pinsan ko sa gagawin nilang role play para sa school."
Tumango-tango siya. "Ganokn ba? O siya ingat ka sa pag-uwi Mark. Sana katulad mong masipag ang ana ko. Hanga ako sa iyo Mark."
Malawak akong ngumiti. "Salamat po. Sige po una na ako. Ingat din po kayo sa paguwi," sabi ko sabay labas ng gate.
Sa halos dalawang taon kong pagtatrabaho sa canteen, ni minsan hindi ko binanggit sa kanila ang kakayahan kong makakita ng mga kaluluwa dahil ayoko na matulad noon na pinagtawanan ako at nasabihan ng baliw.
Pagkarating ko sa kanto namin ay nakita ko roon nakaupo ang pinsan kong si Jomar. Tumayo ito nang makita ako.
"Kuya Mark!" tawag nito sa akin sabay lapit.
Tumaas ang kilay ko. "Jomar bakit? May sasabihin ka ba?"
Tumango siya. "Oo kuya. Tumawag kanina kay mama si tita Alma. Gusto ka raw sana niyang papuntahin sa Antipolo. Kung sakali doon ka muna raw tumira. May sarili kang bahay doon 'yong maliit niyang bahay. Aalis na kasi sila papuntang Canada dahil doon na siya patitirahin ng anak niya. Tapos maiiwan na lang doon 'yong dalawa niyang anak kasi kailangan pang magtapos nang pag-aaral dito sa Pinas 'tsaka ayaw din pa nila pumunta sa Canada sa susunod na lang daw," mahabang sabi niya.
"Ganoon ba? May maiiwan naman pala roon bakit pa ako kukunin?" takang tanong ko.
"Kasi nga nag-aaral pa 'yong dalawa 'tsaka laging wala 'yon sa kanila. 'Di ba may mga alagang manok sila tita, ikaw na ang magbabantay doon. 'Yong magiging tirahan mo na bahay, nasaa likod 'yong mga alagang manok ni tita. Ikaw na mag-aasikaso kasi nasa kabilang eskinita pa 'yong bahay talaga nila. Umalis na kasi 'yong dating pinapatira doon at nagbabantay ng mga manok. Ewan ko ba halos buwan-buwan na lang 'ata umaalis 'yong mga pinapatira doon ni tita. Hindi ako sigurado kung sa manok ba may problema o sa mismong bahay. Inalok na rin 'yan sa akin ni tita Alma kaso hindi ko maaaring iwan si mama lalo na't hindi siya makalakad."
Napaisip ako bigla. Matagal ko na rin kasing gustong bumukod ngunit wala pa akong sapat na halaga at nahihirapan din akong iwan sila tita. Gusto ko na kasi talagang mamuhay mag-isa, wala akong naging problema kina tita Alma at sa mga pinsan ko. Sadyang gusto ko lang mamuhay mag-isa.
"Buwan-buwan ba mismo laging umaalis ang mga naninirahan doon?"
Tumango siya. "Oo kuya. Hindi ko nga alam kung bakit. Hindi ko alam kung 'yong trabaho ba nila 'yong nagiging problema o 'yong mismong bahay."
Napaisip ako. Ano kaya ang mayroon sa bahay na 'yon bakit buwan-buwan na lamang umaalis ang nakatira?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Wilfredo Saonoy

    Excited Ako matapos Ang story

    12d

      0
  • avatar
    De leonJohn edmarl

    nice

    17d

      0
  • avatar
    CastilloJohn Joseph

    this is beautiful story

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด