logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata Four

Hindi ako nakaimik sa aking narinig. Bakit? Dahil lang sa pera at kapangyarihan handa silang magpahirap ng taong walang ibang ginawa kun’di ang tumulong at makabubuti sa nasasakupan nila? Bakit ang bilis lang sa panahon na ito ang patayin ang mga tao dahil lang sa gusto nilang tulungan o ipaglaban ang gusto nila? Mali na ba ang magsalita para sa kanilang gusto mangyari? Bakit ang dali lang sa kanilang kumitil ng buhay na tanging meron lamang sa isang tao na gusto mabuhay at makita ang pamilya nilang lumaki? Bakit? Hindi ko maintindihan, nagpapakahirap akong tulungan ang mga tao na humaba ang buhay ng tao pero sila…
Galit ang biglang namuo sa loob ko nang mapagtanto ang lahat na nangyayari sa panahon na ito at biglang nanariwa sa aking isapan ang lahat na nangyari sa amin ni Lola Linda. Hindi ko maisip kung paano natagalan ng ating mga ninuno ang ganito ng uri ng pagtranto at pamumuhay ngunit ano ba ang pagkakaiba ng nakaraan sa kasalukuyan? Hindi ko akalain na sa kabila ng kulang na kaalaman ng mga tao noon ay ganito nila pagmamalupitan ang ibang tao mas mababa pa sa kanila. Akala ko dahil lang sa makabagong henerasyon at pag-uugali kaya naging masama ang mga tao ngunit nagkakamali pala ako, bawat tao ay may tinatagong kasamaan kahit na isa pa siyang mangmang o may alam.
Napakuyom ako ng aking kamao. “Dapat sila ang parusahan hindi tulad ni Señorito Joaquin na walang ibang ginawa kun’di ang tulungan ang mga nangangailan? Hindi ko matatanggap ang ganito !” galit kong saad.
“Binibini, alam kong galit ka ngunit pakiusap ‘wag ka ng pumasok sa gulo. Huwag niyo po ilagay ang iyong pamilya sa kapahamakan,” awat ni Lita sa akin.
“Pero— ”
Hinawakan ni Lita ang mga kamay ko. “Pakiusap, Binibini,” aniya sa kanyang nangungusap na mga mata.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Kailangan kong mag-isip,” saad ko at humakbang papaalis ng tindahan ngunit mabilis na sumunod si Lita kung kaya napatigil ako. “Kailangan ko mapag-isa, Lita.”
“Pero, binibini— ”
“Lita, pakiusap,” wika ko. “Huwag kang mag-alala mag-iikot lang ako. Magkita na lang tayo sa tapat ng simbahan,” ani ko at tuluyan ng umalis ng tindihan. Mabilis akong naglakad patungo sa lugar kung saan wala gaanong tao. Gusto ko sumigaw at mapag-isa.
Bakit nila nagawa ang gano’n? Hindi ko mapagtanto na kahit sa panahong ito ay mga ganid ang mga ninuno natin. Nang dahil sa pera’t posisyon kaya nilang gawin iyon sa kapwa Pilipino nila? Hindi ba sila masaya na kababayan nila ang siya ring tumutulong sa naghihirap na kababayan nila? Hindi ba sila natutuwa na kahit na sinasakop sila ng Espanyol at ginagawang alipin ay nagagawa ng tulad ng pamilya ni Joaquin na makatulong sa mga ito at hindi naging bulag sa pera at kapangyarihan? Sila-sila na nga lang ang magtutulungan tapos aapihin at ipagkakanulo nila ang isa’t isa dahil lang sa pera’t kapangyarihan? Madadala ba nila ang pera at posisyon na ‘yan sa hukay nila hanggang sa kabilang buhay? Gano’n na ba kahalaga sa kanila ang mga kumikinang na bagay at titulo?
Napapalatak ako sa labis na inis at pagkadismaya. “They are really disgusting! Paano nila nagagawa ang ganoon? Napakahalang ng mga kaluluwa ng mga hayop!” Mura kong paghihimutok.
Ngunit natauhan ako ng hindi ko namalayan na nakarating ako sa likod ng simbahan sa labis na lalim ng aking iniisip. Napalingon ako sa aking paligid at walang tao roon kung kaya doon na ako nagbuhos ng sama ng loob.
“Bullshit! Hypocrite! Mga bahagi kayo ng kasaysayan pero ano ang ginagawa niyo? Akala ko may basura pa sa kasalukuyang pamahalaan ngunit mas bulok at makasarili ang mga namamahala rito!” gigil kong paghihimutok sabay palatak at namaywangan. “Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit basura ang namanang paraan sa pamahalaan sa nagdaang henerasyon, bulok din pala ang pinagsimulan!” sarkastiko kong saad sa hangin.
Napahalukipkip ako bigla ng sumagi sa aking isipan ang mga napag-aralan ko noong elementary at high school ako at napabunga nang may pagkasiphayo. “Ang galing! Ha-ha-ha!” sarkastikong tawa. “Grabe! Hindi ako makapaniwala! Kahit kasaysayan na nakasulat sa mga libro ay puno rin pala ng kasinungalingan! Grabe talaga! Grabe!” wika ko habang nagbabalik-panaog sa aking kinatatayuan sabay paypay sa aking mukhang nag-iinit sa galit gamit ang aking kamay.
“Mukhang labis ang iyong galit at pagkadismaya, Binibini,” wika ng isang boses lalaki sa aking likuran.
“Ay! Kabayong binuntis ng butiki!” napapikit at gulat kong anas dahilan sa labis na pagkagulat.
Shit! What are those words? Isang mahinang pagtawa ang aking narinig para idilat ko ang aking mga mata at mapatingin sa lalaking tumatawa. Laking gulat ko ng bumungad sa akin si Señorito Joaquin.
“Kailan pa nangyari na nabuntis ng butiki ang kabayo?” natatawang tanong niya.
“Señorito Joaquin,” sambit ko.
Tumigil ito sa pagtawa at ngumiti. “Joaquin na lang, binbini,” aniya.
“Pero— ”
“Hindi na nararapat sa akin ang titulong iyan, Binibini, ‘pagkat isa na lamang akong alipin. Kung kaya Joaquin na lamang ang iyong itawag sa akin,” wika niya sabay ngiti ng malaki.
Ngunit hindi ko magawang sumagot sa kanyang mga ngiti dahil na agaw ang aking atensyon sa mga pasa at duguan niyang pisngi at labi. Nang sandaling iyon, tila dinudurog ang puso ko. Hindi niya deserve ang ganoong treatment. Bakit? Bakit kailangan niya at ng pamilya niya ang sapitin ang mapait at masalimoot na pangyayaring ito sa buhay nila? Dahan-dahang akong humakbang papalapit sa kanya at nang akmang hahawakan ko ang kanyang mukha ay mabilis siyang lumayo sa akin.
“Teka lamang, Binibini, ano ang iyong ginagawa?” gulat at naguguluhang tanong niya. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.
“Binibini, ano ang iyong ginagawa?” Patuloy na tanong ni Joaquin kasabay ng mahina niyang pagtabig sa aking kamay. “Maghunos-dili ka sa iyong ginagawa.”
“I don't have time to explain; what is most important is that I need to cure your wounds!” saad ko sabay hila sa kanya sa may malaking bato at doon pinaupo at sinimulan kong suriin ang kanyang sugat. Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mga sugat ay napansin ko ang mga titig niya sa akin na tila ba may nais iparating ngunit ipinagsawalang bahala ko ‘yon at mas itinuon ko ang pagsusuri ko sa kanyang mga sugat.
“Hindi mo na kailangan mangamba sa akin, Binibini. Hindi mo kailangang madawit pa sa buhay ko na napakagulo kung kaya pakiusap ‘wag mo na akong lalapitan,” aniya na may lungkot sa kanyang mga titig sa akin. “Hindi na ito gaya ng dati na maaari nating gawin ang lahat,” mahina niyang bulong.
Huminga ako ng malalim sabay tingin sa kanyang mga mata na siya niyang ikinabigla at ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin.
“Hindi ko alam ang mga sinasabi mo pero kailangan na natin gamutin ang sugat mo kun’di magkakaroon ka ng impeksyon.”
“Ayos lang ako, ‘wag mo na akong alalahanin,” aniya.
Hindi ko siya pinakinggan imbes naghanap ako ng gripo ngunit wala akong nahanap imbes well ang nakita ko.
“Ang hirap naman mabuhay sa panahon na ‘to masyadong outdated ‘day!” bulong kong saad papunta sa balon.
Mabilis akong nagsalok ng tubig pero ang hirap makakuha ng tubig!
“Shit! Paano ba makakuha rito?” inis kong saad. Mangilang ulit kong sinubukan ngunit wala akong makuhang tubig.
“Ako na, Binibini,” wika ni Joaquin at kinuha sa akin ang pail at hinagis sa well at ilang sandali lang ay nakakuha na siya ng tubig.
Sana all marunong.
Ibinaba niya ang pail. “Salamat.” At mabilis kong binasa ang panyong hawak ko sabay piga. Nagulat si Joaquin nang bigla kong idampi ang panyo sa kanyang mukha.
“Binibini— ”
“Shh…” pagpapatigil ko sa kanya at nagpatuloy sa paglinis ng kanyang mga sugat. Hindi siya umimik habang nililinisan ko ito hanggang sa matapos ang paglilinis ko sa kanyang mukha. Muli ko itong sinuri at mas nakita kong husto ang lalim ng ilan sa hiwa sa ilalim ng kanyang kilay.
Napapalatak ako at tumingin sa kanya. “Kailangan matahi ang hiwa sa ilalim ng iyong kilay medyo malalim ang sugat ‘pag hindi ito natahi malamang maaaring mamaga ito dahil sa bacteria na maaaring makapasok dito.”
“Tatahiin?” naguguluhan niyang tanong.
Tumango ako bilang tugon at muli kong hinugasan ang aking panyo at nilinisan ang kanyang mga sugat sa kamao maging sa paa niya. Naalala ko na naman ang ginawa sa kanya kanina at ang ginawa nila sa buong pamilya niya. Hindi ko magawang hindi maapektuhan sa nangyayari sa pamilya nila. I might come off as too emotional, but I am. Lalong sumikip ang aking dibdib nang makita ko ang mga pasa sa ibang parte ng kanyang mga binti. Hindi rin malabong meron din siya sa kanyang likuran. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata ngunit pilit ko itong pinigilan.
“Mukhang marami kang na naman natutunan tungkol sa paggagamot, Binibini. Hindi ko man lubos malaman ang iyong mga sinasabi ngunit tingin ko nakapag-aral ka sa Espanya,” aniya.
Hindi ako umimik pagkat once na magsalita ako tiyak na mababasag ang boses ko at tuluyan na akong iiyak. Sobrang kinakain ako ng awa sa aking nakikita. Labis-labis na ang natanggap ng kanyang katawan na pagmamalupit. Hindi makatao ang ginawa sa kanya. Kung ganito ang ginawa sa kanya paano na lamang ang pamilya niya? Paano kung may kapatid siyang babae? Anong kababuyan ang maaari nilang gawin sa kanya? Hindi ko maisip at maatim ang pumapasok sa aking isipan sa buong pamilya niya. Mali ito. Maling-mali.
Humugot ako nang malalim na paghinga bago siya hinarap. “Maupo ka lang d’yan at babalik ako. Huwag na huwag kang aalis hangga’t hindi pa ako nakababalik,” ani ko.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, tulad ka pa rin ng dati,” aniya ngunit hindi ko na pinansin ang kanyang sinabi at mabilis na naglakad papaalis sa kanya.
Mabilis akong naghanap ng pharmacy ngunit hindi ko alam kung ano ang itsura ng pharmacy sa panahong ito.
“Where the heck am I going to find a pharmacy here?” I swore quietly to myself.
Iginala ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita.
“Hinahanap mo ba ang dispensaryo, Binibini?”
Napakunot-noo akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng isang matandang babae ngunit natigalgal ako nang makita ko ang mukha niya.
“Lola Linda…” mahina kong usal.
“Naroon ang bilihan ng gamot, Binibini,” wika niya sabay turo sa gawing kanan. “Doon mo mabibili ang kailangan mo.” Dagdag niya pa at nagsimulang maglakad papalayo.
“Teka!” pigil kong sabi kung kaya napalingon ito,
“Bilisan mo na, Binibini, mas kailangan niya na ang gamot,” wika niya at tuluyan ng umalis.
Gusto ko siyang habulin at tanungin ng maraming bagay. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nalalaman siya sa nangyayari. Lumingon ako sa bilihan ng gamot at muling ibinalik sa direksyon ng matanda ngunit bigla na lang ito nawala. Where did she go?
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na ito nagawang mahanap. “Magkikita tayong muli, Lola Linda.” Napakuyom ako at mabilis akong naglakad papunta sa bilihan ng gamot. Dali-dali akong bumili ng gamot at mabilis na bumalik sa likod ng simbahan kung saan nakita ko si Joaquin na tahimik na pinagmamasdan ang kalangitan at ang mga ibon na lumilipad. Muli, namuo ang awa ko sa kanya. This is what he should be doing, wearing his stylish clothing rather than those ripped off shirts and trousers. He should be wearing sneakers instead of going around barefoot. Napatingin ako sa hawak kong gamot at tsinelas dahilan para mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata kung kaya huminga ako ng malalim para ikumpas ang aking sarili ngunit taksil ang mga ito at pilit na kumawala sa aking mga mata. Biglang napalingon si Joaquin sa aking kinatatayuan kung kaya mabilis ko itong pinunasan ngunit hindi na nagawang maawat ng aking mga mata ang pagbuhos nito kung kaya mabilis akong lumapit sa kanya at inabot ang gamot at tsinelas.
“Narito ang mga gamot. Inumin mo ng hindi kumalat ang impeksyon sa katawan mo." Sabay inilagay sa kamay niya at akmang aalis na ako ng pigilan niya ako.
“Sandali lamang, Binibini, ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin.
Hindi ko na nagawang humarap sa kanya. “Huwag mo akong alalahanin, Joaquin. Mag-iingat ka parati pati ng pamilya mo,” wika ko at tuluyan na akong naglakad paalis. Narinig ko pa ang kanyang sigaw ngunit hindi ko na nagawang sagutin iyon at tumakbo ng mabilis papalayo sa kanya.
Mabilis akong nagtungo sa harap ng simbahan kung saan ang lugar ng sinabi kong tagpuan namin ni Lita. Nakita ko si Lita na matiyagang naghihintay sa akin doon. Dali-dali kong inayos ang aking sarili bago tuluyang lumapit sa kanya.
“Halina, Lita, umuwi na tayo,” saad ko sa kanya at mabilis na tumalikod sa kanya para hindi niya makita ang namumugto kong mga mata.
Tinawag ni Lita si Mang Vicente, ang aming kutsero para ihanda ang ang kalesa sa aming pag-alis. Akala ko ay makaliligtas na ako kay Lita ngunit, hindi pala. Napansin niya pa rin ang mga mugto kong mga mata kahit na gaano kong iiwas ang aking mukha sa kanya.
“Binibining Helena, may nangyari po ba? Bakit mugto ang iyong mga mata?” tanong ni Lita.
“Wala ito, Lita. ‘Wag mo na lang pansinin,” ani ko.
“Ngunit, binibini— ”
“Pakiusap, Lita, gusto ko ng katahimikan.”
Hindi na nangulit si Lita sa buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa hacienda.
Sinalubong kami nina Don Raul at Doña Celestina nang may ngiti. “Kumusta ang pagpunta mo sa bayan, anak?” masayang bungad ni Don Raul.
“Ayos lang, Ama,” sagot ko matapos ko silang halikan sa kanilang pisngi ni Doña Celestina.
“Handa na ang meryen— ”
“Paumanhin, Ina, ngunit gusto ko munang magpahinga,” nakayukong sabi.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa paligid bago ko narinig ang sagot ni Don Raul.
"Sige, anak, magpahinga ka muna. Mukhang napagod ka saiyong pamamasyal sa bayan,” wika ni Don Raul.
“Salamat, Ama.” At diretso akong nagtungo sa aking k’warto at doon, mabilis na bumuhos ang aking mga luha. Sobrang nasasaktan ako sa kalagayan ng pamilya ni Joaquin, hindi ko magawang ipagsantabi ang nangyayari sa kanila. Gusto ko silang tulungan ngunit wala akong magawa. I was frustrated and I feel worthless. Ni hindi ko man lang siya magamot ng maayos dahil sa wala akong kagamitan. Iyon na lang ang tangi kong maitutulong ngunit hindi ko pa magawa ng maayos.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (33)

  • avatar
    Errol Jade Amante

    it's was a great

    02/08

      0
  • avatar
    Anthony Arnaldo

    TNC

    25/07

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด