logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 7

TODAY IS his frist day in the company. Umagang-umaga pa lang ay kumukulo na ang dugo ko sa katawan habang hinihintay naming lahat ang pagdating niya. I was standing firmly, waiting Maurel and his brother to come in. I was about to whistle when the elevator opened. Napamulagat ang mga mata ko nang mapadako agad ang tingin sa kaniya. The employees give him a grand entrance. Lahat ng kanilang mga mata ay nasa kaniya pero umingos lamang ako. Ibang-iba siya sa kaniyang bunsong kapatid. He doesn’t have the businessman aura, but you can’t take your eyes off on him. Magulo ang buhok niya na tila bagong gising at nagpagulong-gulong pa sa kama. Hindi boss ang dating niya sa kaniyang suot; naka-plain shirt, kupasing jacket at ragged jeans. Bakas ang tuwa sa mukha ni Maurel habang sinasalubong niya ako kasama ang kapatid niya. As usual, he looks neat with his gray coat and tie.
“He is Frence Eustaquio, he will co-manage me the business. So please, call him boss. He is different from me,” ganadong-ganado niyang pagpapakilala sa buong opisina. Hindi nakatakas sa aking paningin ang hagikgikan at bulungan ng mga kababaihan dahilan para makita ang pag-ngisi niya. Parang hindi sila nakakita ng guwapo sa tanang buhay nila.
“Mas guwapo pa siya kay Boss Maurel. Maginoong medyo bastos ang dating niya sa aura pa lang niya.” Narinig kong bulong ng babaeng nasa likuran ko. bahagya ko silang nilingon at nagtago ang babae sa likod ng kaibigan niya.
“Huwag ninyong pinapalaki ang ulo niya,” mahina kong sambit na tiyak kong ako lang din ang nakarinig.
Marahang pumihit ang magkapatid patungo sa bakanteng opisina sa tapat ng opisina ni Maurel. Kusa akong sumunod sa kanila habang inililislis pababa ang laylayan ng umaangat kong pencil skirt, binili ni mamita sa ukay-ukay.
“Dito ang magiging opisina mo, kaharap lang noong akin.”
I roamed around and I notice that his office is half-organized clutter. There is a mahogany desk and a swivel chair; small chandelier at the ceiling and the white color of the wall that it made the whole room like a hospital room unlike Maurel’s cozy office are whole dirty white. All in all, medyo komportable naman sa pakiramdam ang dating stock room.
“On-going na rin ang pag-hire namin sa executive assistant mo,” ani Maurel. Umikot ang aming kausap sa buong mesa at pinanood ko ang kamay niya kung paano niya ipinadaan sa mahogany desk. Napatango ito nang wala siyang napansing alikabok.
“No,” maikling sagot niya pagkaupo nito sa swivel chair dahilan para magkatinginan kaming dalawa ni Maurel at parehong mangunot ang aming noo.
“I want her,” dugtong niyang napaawang ang aking bibig habang nakaduro pa ito sa akin.
My eyes wide open. Agad akong humawak sa braso ni Maurel para tumanggi sa iwinika ng lalaki pero nanatiling tahimik mula sa pagkagulat ang katabi ko. Lumipat ang tingin ko sa lalaking malapad ang ngisi habang prenteng-prente ang pagkakaupo sa swivel chair. Alam kong executive assistant ang tinutukoy niya, pero bakit parang iba ang pakiramdam ko sa tingin niya? Tila may masamang balak na hindi ko matumbok kung ano.
“Okay.”
Nanlaki ang mga matang niyugyog ko balikat ni Maurel sa hindi inaasahang pagpayag niya. He looked at me, lumabi ako para bawiin niya ang sinabi. “Maurel…” nagmamakaawa ang boses kong tawag sa kaniya.
Ramdam ko ang tingin ni Frence na tumutusok sa aking pagkatao. Tuwang-tuwa ang lalaki kahit hindi ko lingunin.
“Aayaw ka ba sa sinabi ng ex-boss mo?”
“Hindi pero—”
“Don’t worry I won’t let you fall for me,” nakangiting paniniguro niya.
“It’s not that— ”
Humaba ang nguso ko nang hindi ko ulit natapos ang sinasabi dahil sa pagsabat ni Maurel. He lifted my chin and I saw how his eyes looked so sorry even his smile is sad.
“You’re no longer my executive assistant, but you are my only fiancée in my heart.” Kindat niyang nagpakilabot sa akin bago niya ako iwan kasama ang kapatid niyang nakatitig.
HINDI ako lumabas para sundin ang utos nito sa aking bilhan ko siya ng kape, kundi dumiretso ako sa opisina ni Maurel para kumprontahin siya. Pagkabukas ko’y naabutan ko itong abala sa pagbabasa. Padarag kong isinara ang pinto niya para agad kong makuha ang kaniyang atensyon. Wala pang ilang segundo, kaagad itong nag-angat ng tingin at sinalubong niya ako ng nakasimangot. Ngunit, binalewala ko iyon.
“Maurel, bakit ka pumayag na maging executive assistant niya ako?” walang pakundangang angil ko.
May ngiti sa labi itong nagpakawala ng buntonghininga. “Ayaw mo ‘yon, magkakaroon na tayo ng way para maghiwalay,” taas-baba ang kilay niyang sabi at hindi ko nahimigan sa tono ng boses niya ang tuwa kahit ngumiti siya nang malawak.
Inis na inis ang mukha kong umupo sa upuang nasa harap niya. Itinukod ko ang braso sa mesa nito at bahagyang napahilot sa sintido. Sumasakit ang ulo ko sa pabigla-biglang pakulo nito. Hindi ako sang-ayon kung ito man ang paraan niya para sabihin sa pamilya niyang wala na kami.
“Kaloka ka! Nag-iisip ka ba? The more I spent time with your brother, the more we need to pretend!”
Tumirik ang mata ko sa pagiging padalos-dalos niya. Umiling ito, “I think this is a perfect solution. At naaalala mo ba ‘yong potential client na ilang buwan nating nililigawan?”
Walang gana akong tumango at sumandal naman ito sa kinauupuan niya.
“Well, they called me at iniimbitahan nila ako para bisitahin ang kanilang site next week.” Hindi nawawala ang matipid niyang ngiti sa labi, kung saan alam kong pilit lang.
My eyebrows furrowed from annoyance. “I’ll stay there for a week, and meaning we don’t need to pretend as a happy couple. Also, malakas ang chance na makagagawa tayo ng paraan to be apart,” aniya.
Nalungkot ako sa narinig kasabay ng biglang pagsagi sa isip ko ang nakitang lungkot sa mga mata niya kanina. Pero ito ba ang dahilan kaya ko siya nakitaan ng lungkot sa mata? Sinubukan kong titigan ulit ang mata nito subalit napakalikot, ayaw niyang ipabatid sa akin ang totoo.
“Besides, you know the company than anybody else. You’re the perfect candidate to guide Frence.”
I shrugged and heaved a sigh. Sobrang laki ng tiwala niya sa akin at natatakot tuloy akong sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi man niya ako huhusgaan pero nakakahiya ang pangyayaring iyon—napakadungis.
“Hindi ko na mababago desisyon mo, pero suportado pa rin kita,” bigo kong sabi sabay buga ng hangin. Tumayo ako at ambang lalabas nang mahina itong tumikhim. Tumingin ako sa kaniya sapagkat may gusto pa yata siyang sabihin.
“At saka ginagawa ko ‘to para mahanap ang sarili ko.”
Napaawang ang aking bibig sa matinding pagtataka’t nagtaas ako ng kilay. “Bakit, nawawala ba sarili mo?” pabalang kong tanong.
“Yes,” nakangiting sagot nito. Tumingin ako sa mga mata niyang nakitaan ko ng kaseryosohan. Anong drama ang bumabagabag sa kaniya at hindi niya maikuwento? At bakit kailangan pa niyang hanapin ang sarili? This is Frence fault! He made the situation more complicated. He’s literally black sheep!
He groaned from frustration while ruining his fix hair. “I think I am falling into someone even I am like this,” he said, gesturing his gender preference.
A curiosity rolled into my veins. Napangisi ako bigla sa pagitan nang pamumulagat ng mga mata at pagsundot sa tagiliran niya nang tabihan ko siya sa kaniyang swivel chair. “To whom? Anyway, Congrats! Sa wakas, nahulog ka na rin!”
Hindi man lang siya natawa sa pagsundot-sundot sa tagiliran niya at hindi naman siya ganito dati. Tatawa ito nang napakalakas imbes na mainis sa ginagawa ko. Hindi ko gusto ang pananahimik niya ngayon.
“Hoy sino ang masuwerteng babae—”
“It’s you.”
Awtomatikong naestatwa ako’t halos manghina ang tuhod ko sa narinig. Nagkaroon ito nang malakas na impact sa aking pagkatao. Tumitig ako sa mga mata niya... kalungkutan ang nakikita ko at sa kabila ng kaseryosohang iniukit nito sa mukha ay nakitaan ko rin siya ng pain. Dalawang salita at ang salitang iyon ay wala na siyang ibang tinutukoy kundi ako.
“How?” I asked over my curiosity.
Akala ko hindi siya magkakagusto sa akin pero nakalimutan kong lalaki pa rin siya at may pag-asang mahulog din sa isang babae. Pilit itong nagpakawala ng tawa sabay wagayway ng palad nitong tumayo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko’t pinihit patalikod sabay tulak pa sa akin nang mahina para lumabas na lamang.
“Forget it,” nakangiting sambit niya, tinapik ang aking tuktok ng ulo.
“Maurel, paanong—”
Agad kong iniharang ang katawan ko sa pag-ambang pagsara niya sa pinto. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalaman kung paano siya nagkagusto sa akin.
“Nagbibiro lang ako. Ito naman, sineryoso agad.” Sabay tawa niya nang malakas, na tila nakatutuwa talaga ang birong iyon.
I shook my head and I can’t laugh with him for he was not telling the truth. Ang mga mata niya ang nagsasabi ng totoo. You can’t fool me, Maurel.
Instead of saying that he was lying, I said, “Muntik mo na akong napaniwala roon.”
Sa narinig niya ay kumalma ito, tila nakahinga nang maluwag subalit lingid sa kaalaman niyang hindi niya ako nauto. I know that it is true.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    Rejane Saavedra

    ma ganda

    28/10

      0
  • avatar
    Renz Garcia

    I love it

    09/10

      1
  • avatar
    Kim Villavicencio

    ❤️❤️❤️

    12/08/2023

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด