logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 5

“SO GAANO na kayo katagal mag-boyfriend at girlfriend?” biglang tanong ni Frence sa amin ni Maurel nang maiwan kaming tatlo sa balkonahe ng kanilang bahay. Today is our second day and today is their parents’ wedding 35th anniversary. Mula noong malaman kong ang lalaking nasa harap ko ang naka-one night stand ko, hindi ko maiwasang mailang at mabahala. Tiningnan ko siya na tila alam ko na ang tinutumbok niya dahil alam niyang single ako noong gabing iyon.
“Few years,” confident pero maikling sagot ni Maurel.
Napalunok ako sa tensyong hindi ko maipaliwanag. Tiningnan ko si Maurel na nakangiti sa kapatid, wala kang mapapansing nagpapanggap ito—kami dahil totoong-totoo. Gusto kong sabihin ang katotohanan kay Maurel, para alam niyang may namagitan sa amin pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Naramdaman kong lumipat ang tingin niya sa akin, but I remain to look at Maurel’s angelic and positive face today.
“A few years?” taas ang isang kilay na pag-uulit ni Frence sa kapatid.
Muntikan ko nang mabatukan ang sarili nang makita ang ngiti ng lalaki sa akin. It creeps me out. Bakit ko ba iniisip na hindi ako mumultuhin ng nangyari sa amin? Malamang sa ngayon ay iniisip niyang niloloko ko lamang ang kapatid niya. Ang gulo-gulo! Ipinilig ko ang ulo ko sa kanan saka patago kong hinimas ang sintido. Umupo ako nang maayos at pinilit ang sariling maging pormal gaya ni Maurel. Baka mapaghalataan niya ako’t mabuko niya kami. Though, Maurel said to me that I’m not transparent, he is having a hard time when he tries to read me, pero ewan ko lang sa kapatid niyang masama ang tinging nakakatusok.
“At executive assistant mo siya?” follow-up question pa niya, at pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang malamig. “So, lagi kayong magkasama?”
“Oo,” maikling sagot ni Maurel sa naunang tanong ng kapatid. “As much as we can.”
Parang gusto kong hilain siya bigla palayo rito sa aming kinaroroonan para sabihing itigil na namin ang pagpapanggap. Hindi na ako makaupo nang maayos, nanlalambot sa matinding kasinungalingang namamayani.
His sharp coffee eyes shifted towards me. “And you really want to marry her?” mapanuya ang dating ng kaniyang tanong.
Sa tinig niya ay parang hindi ako karapat-dapat pakasalan ng kapatid niya, at gustong-gusto kong sabihin sa kaniyang harapan ngayon na pagpapanggap lang ito. He chuckled as if there is something fun right now. He waved his hand to me while my eye brow slowly raising to him.
“I mean, no offense, Althea, ha? Gusto ko lang makasiguro na alam ng bunsong kapatid ko ang pinasok niya,” dugtong niyang nakatingin sa akin.
Isang pekeng ngiti lang ang naisagot ko at saka akmang sasagutin ni Maurel ang tanong niya nang biglang lumabas sa balkonahe ang daddy nila.
“At sa ‘yo pa nanggaling ‘yan?”
Nagawi ang tingin naming tatlo sa kaniya. Poker face ang mukha niyang nakatingin kay Frence. Ramdam ko ang pagkamuhi ng daddy nila sa kaniya, and my curious veins wanted to know why they treat Frence like an exceptional. Agad kong iniukit ang matipid na ngiti sa labi nang sumulya sa akin sandali ang daddy nila bago ipirmi ang mga mata sa katabi.
“Maurel has always been so sure on his life choices. Hindi ba dapat ikaw ang nakasisiguro na alam mo ang ginagawa mo sa buhay?” tanong pa ng daddy nila kay Frence.
Biglang pakiramdam ko ay nasa gitna ako na ng kung anumang tensyon sa pagitan ng mag-ama. Para akong naiipit at nagpupumilit umalis. Hindi nakatakas sa paningin ang palitan nila nang masamang tingin, at kung paano umigting ang panga ni Frence. Kumuyom ang kamao niyang tumayo sa kinauupuan. He is boldly fierce in his posture right now.
“Nobody’s perfect. Eventually, even the perfect Maurel on your eyes will make a mistake that he will surely regret on his entire life,” ang sabi nito habang nakatingin sa akin. Bago siya tumalikod ay nahuli ko ang isang kakaibang emosyon sa kaniyang mata. Tumingin ako kina Maurel at daddy nila nang pareho silang humingi ng paumanhin sa mga sinabi ni Frence at sa mga kilos niyang nakapanliliit. Pero hindi naalis sa isipan ko ang nakita kong emosyon niya kanina. Puwedeng nanunuya ang lumalabas sa kaniyang bibig, pero nakitaan ko siya ng hurt. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o tama ako sa aking nakita.
“Bes, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Maurel nang kaming dalawa ulit ang naiwan sa balkonahe. Pagod akong ngumiti at nagpakawala ng buntong-hininga.
“Pasensiya ka na kay Frence, ha? Kulang lang talaga ‘yon ng social skills kaya ganiyan. Kapit ka lang din dahil bukas na bukas uuwi na tayo,” sabi niyang ikinagulat ko nang bahagya pagkarinig ko sa huling sinabi niya.
“Akala ko ba sa susunod pang araw? Pero salamat naman dahil bukas na,” natutuwa kong sabi na sinamahan ko pa nang mahinang pagpalakpak. Sa wakas, makaalis na ako. Hindi ko na siya makikita pa.
“Nase-sense ko kasing uwing-uwi ka na, e, at nang matapos na ang pagpapanggap natin. I promise cross my heart, babawi ako sa ‘yo,” nakangiting wika niya habang nakataas ang palad. May nagudyok sa aking pisilin ang pisngi niya dahil ang cute niya ngayon.
Bilang ganti ay pinisil din niya ang magkabilang pisngi ko. I felt that my mouth stretch even my nose. Tumawa kaming dalawa nang hindi pa rin binibitiwan ang pagpisil sa pisngi ng isa’t isa. It’s my chance now to tell him the truth, but I am a coward.
NASA garden ang celebration at wala namang comfort room dito. Tinapik ko ang braso ni Maurel saka napalabi sa nakabukas na pinto ng bahay nila bilang pagpapaalam na aalis lang ako sandali dahil nahihiya akong makisingit sa usapan nila ni Kuya Frank. Tumigil ako sa paghakbang nang humarang si Francis na niyakap ang tuhod ko, anak ni Kuya Roger. Nakangiting ginulo ko ang buhok niya sabay high-five sa kaniya. Kaswal akong pumasok sa loob ng bahay, wala akong naaninag na tao sa loob dahil ang lahat ay nasa garden maliban sa isa, at hindi ko alam nasaan ang bulto n’on. Papalapit pa lang ako sa pintuan ng comfort room pero nakita ko siyang nakasandal—nakaharang sa hallway at may hawak-hawak siyang glass wine. Nagawi ang tingin niya sa akin nang marinig nito ang pagkatok ng takong ng sandalyas ko sa sahig. I had all the intentions to avoid him, kaya dumiretso lang ako nang hindi siya binabalingan ng tingin pero humarang siya sa daraanan ko. Wala tuloy akong magawa kundi ang tumingin sa kaniya.
“Excuse me,” maikling sabi ko.
He remained staring at me with his serious face. Sinubukan kong maglakad, ngunit nanatili siyang nakaharang. Suminghap akong tiningnan siya nang nakahalukipkip.
“It’s still with me,” ang sabi niyang nangunot ang noo ko. “Your shoes. Iyong hindi mo na naisuot dahil sa pagmamadali mong iwan ako. Nasa akin pa rin iyon,” klaro niyang dugtong na tinaasan ko lamang siya ng kilay.
“Oh talaga? Don’t tell me na sinusuot mo ‘yon kapag walang ibang nakakakita,” sagot ko sa kaniya sabay tawa nang mapakla.
Kanina pa ako nanggigigil na sagut-sagutin ang hambog na lalaking ito, pero imbes na mainis siya ay ngumiti lang ang loko, namimikon. Mabilis kong hinawi ang kamay niya pagkahawak nito sa aking balikat.
“Kung mayroon man sa atin ang may itinatago, it’s clearly not me,” sagot niya saka pinasadahan ako ng tingin habang nakangisi.
“Wala akong tinatago,” kaswal kong sagot.
“Oh really? So, ibig sinabi mo kay Maurel na may nangyari sa ating dalawa few months ago?” nakangising hamon niya. “Sinabi mo rin ba sa kaniya na ako ang unang…” makahulugang bitin niya sa sasabihin nito. He bit his lips. Bago pa niya matapos ang sasabihin ay hindi ko napigilan ang pagtaas ng kamay ko. Lumagapak ang palad sa makinis at guwapo niyang mukha at pakiramdam ko rin ay umalingawngaw ang pagsampal ko sa buong bahay.
“Wala kang karapatang ipagmayabang iyan sa akin!” nanggigil at halos mangiyak-ngiyak kong sabi.
Ramdam kong naiiyak na ako, pero pinigilan ko ang sarili. Hinding-hindi ako magpapatalo sa isang lalaking katulad niya. Hindi ko naman ginustong ibigay sa kaniya ang pinakaiingatan ko. Lasing ako at wala sa wisyo, nagpadala sa agos nang hindi nalalaman at pinagsisisihan ko iyon nang sobra. For a while ay hindi siya gumalaw, tila nagulat sa nangyari. Umiigting ang panga niyang hinarap ako. Napasinghap na lamang nang bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko. His eyes are now blazing fire that it made me swallowed my lump multiple times.
“There is something that doesn’t add up with you. Sigurado ako diyan, at gagawin ko ang lahat para malaman ang sekreto at intensyon mo sa kapatid ko at lalong-lalo na sa pamilya namin,” Sabay tulak niya sa akin dahilan para mauntog ang likod ko sa pader. “I maybe the most hated person in this family, but I do care for all of them.”
Punong-puno ng galit ang kaniyang mga mata, nag-aapoy. Panigurardong abo na ako rito kanina pa. Gamit ang buong lakas ay itinulak ko siya palayo sa akin. Matalim ko siyang tiningnan sabay pisil sa aking braso at napangiwi dahil sa higpit ng hawak niya kanina.
“As I see it, dalawa lang naman ito…” he said in the middle of his clenching jaw. “It’s either your choice to cheat my brother at that night at malas mo lang dahil kapatid pala ng fiancé mo ang naka-sex mo, o isa ka sa babaeng naghahanap ng mayamang masisilo mo. Alin man sa dalawang iyan ang totoo, you’re not worthy to my brother at sisiguraduhin kong hinding-hindi ka maikakasal sa kaniya,” dugtong niyang tila punyal na nag-iiwan ng sugat.
Ilang sandali pa ay hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili. Tumakbo ako patungong comfort room at nagmistula akong bata na umiyak. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ako guilty sa dalawang akusasyon niya at hindi iyon ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Umiiyak ako dahil napakadali lang para sa kaniya para husgaan ako. Sa kagustuhan kong tumulong kay Maurel ay ako pa ang naging masama. Galit din ako kay Maurel dahil hindi niya magawang aminin ang totoong pagkatao niya, at maging sa sarili ko dahil pumayag ako kahit alam kong mali. Pero imbes na ikulong ang sarili para mag-iiyak magdamag ay bigla kong naisip na mas lalo niyang iisiping tama siya. Pinatahan ko ang sarili sa pamamagitan ng pagtapik-tapik sa aking dibdib. Dumiretso ako sa lababo at binuksan ang faucet at tiim ang bagang kong naikuyom ang kamao. Pinagsasampal ko sa isip ang lalaking iyon! Naghimalos ako pagkatapos at nang mahimasmasan ako ay naabutan ko silang nagto-toss ng champagne sa sala. Kanina’y nasa garden lang sila nang iwan ko, pero nandito na pala silang lahat. Lahat ng mga mata nila ay napunta sa akin. Hindi naman siguro nila mahahalatang kagagaling ko lang sa pag-iyak, ‘di ba? Nanatili akong kaswal at iniiwasang makipagtitigan sa kanilang lahat, lalo na kay Frence.
“Althea, join us!” masigla at masayang paanyaya ng mommy nila saka inabutan ako nito ng champagne nang makalapit siya sa akin.
Nagtataka ako kung ano ang ganap at kapansin-pansin ang saya sa mukha nila. Malugod kong tinanggap ang wine glass at naupo sa tabi ni Maurel. Nang makita niya ako ay ipinatong nito ang kamay sa aking kandungan sabay ngiti.
“Anong mayroon?” bulong ko sa kaniya.
Ipinilig niya ang ulo paharap at inilapit ang bibig sa aking tainga. “We’re having a toss dahil finally… Frence volunteered himself to be part of the family’s business,” pabulong niyang sagot.
“What do you mean?” kunot-noong tanong sa kaniya. Nakangiti niyang ipinagsalikop ang kamay namin dahilan para magulat ako nang bahagya sa mainit niyang kamay at ngayon niya lang hinawakan nang ganito kahigpit sa harap ng maraming tao.
“He will co-manage the business with me.”
Halos lumubog ako sa aking kinauupuan nang magawi ang tingin ko sa lalaki. Pilyo niyang itinaas ang champagne at binigyan pa ako nito nang makahulugang ngiti. My God! Mukhang tintotoo nga niya ang kaniyang sinabi. Muli kong pinasadahan ng tingin ang magkahawak-kamay naming kamay ni Maurel at isang nakapanggigigil na pagngisi ang iginawad niya nang magawi ang tingin niya sa kamay namin. Paano na ang pagpapanggap namin? Hanggang doon ba ay kailangan pa rin naming magpanggap?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    Rejane Saavedra

    ma ganda

    28/10

      0
  • avatar
    Renz Garcia

    I love it

    09/10

      1
  • avatar
    Kim Villavicencio

    ❤️❤️❤️

    12/08/2023

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด